Hiding The Ceo's Son

Hiding The Ceo's Son

last updateLast Updated : 2024-10-21
By:   Lanie  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Abigail Acosta gave her body to a stranger that night after she caught her ex-boyfriend, Zion Lukas, cheating on her. Ang sakit na dulot ng pagkakahuli sa kanya ay nagdala sa kanya sa bar para magpakalasing. Drunk and desperate for comfort, she met a gorgeous man who was there to provide her with pleasure and distraction. Matapos ang kanilang mainit na tagpo, gustuhin man niyang kilalanin ang gwapong estranghero, nahihiya na siyang humarap dito. She let alcohol and lust take over her, which wasn’t the behavior of a proper woman. Embarrassed for acting like a whore, she snuck out while the hot stranger was still asleep, trying to forget what happened. Ngunit matapos ang gabing iyon, natuklasan niya sa pamamagitan ng billboard na ang lalaking naka-one night stand niya ay isang CEO—si Nikolo Saavedra. Isang buwan ang lumipas at nalaman niyang siya ay buntis. Wala siyang balak ipaalam ito. After five years, akala niya ay hindi na niya makikita si Nikolo. But to her surprise, he turned out to be her boss, and now she would be his new secretary—what a twist of fate! Now, she found herself hiding the truth from him about their son. At dito na nagsimulang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay niya.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Isang fresh graduate ng Business Management si Abigail Acosta sa edad na bente anyos, pansamantalang nagtatrabaho sa café ng kanyang auntie upang kumita, lalo na’t mag-isa na lang siya sa buhay matapos pumanaw ang kanyang mga magulang dahil sa katandaan. Ngayon, siya na lang ang bumubuhay sa sarili niya.Sa araw na ito, nagmamadali siyang tapusin ang trabaho sa café, bitbit niya ang maliit na paper bag na may lamang paborito nilang pagkain, excited na mabawi ang mga araw na hindi sila nagkita. Alam niyang naging abala siya sa trabaho, kaya't gusto niyang bumawi at sorpresahin si Zion Lukas, ang boyfriend niya sa loob ng apat na taon. Naging boyfriend niya si Zion sa kolehiyo, pareho silang nag-aral ng Business Management. Basketball player ito sa campus, naging mabilis ang relasyon nila, sinagot niya ito agad dahil likas na gwapo si Zion.Simula noong nagsimula ng magtrabaho si Abigail sa café ng kanyang auntie, halos wala na siyang oras kay Zion. Madalas siyang pagod at abala sa mga ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
50 Chapters
Chapter 1
Isang fresh graduate ng Business Management si Abigail Acosta sa edad na bente anyos, pansamantalang nagtatrabaho sa café ng kanyang auntie upang kumita, lalo na’t mag-isa na lang siya sa buhay matapos pumanaw ang kanyang mga magulang dahil sa katandaan. Ngayon, siya na lang ang bumubuhay sa sarili niya.Sa araw na ito, nagmamadali siyang tapusin ang trabaho sa café, bitbit niya ang maliit na paper bag na may lamang paborito nilang pagkain, excited na mabawi ang mga araw na hindi sila nagkita. Alam niyang naging abala siya sa trabaho, kaya't gusto niyang bumawi at sorpresahin si Zion Lukas, ang boyfriend niya sa loob ng apat na taon. Naging boyfriend niya si Zion sa kolehiyo, pareho silang nag-aral ng Business Management. Basketball player ito sa campus, naging mabilis ang relasyon nila, sinagot niya ito agad dahil likas na gwapo si Zion.Simula noong nagsimula ng magtrabaho si Abigail sa café ng kanyang auntie, halos wala na siyang oras kay Zion. Madalas siyang pagod at abala sa mga
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more
Chapter 2
Isang buwan na ang nakalipas mula nang maganap ang gabing iyon. Nakatayo si Abigail sa loob ng banyo ng isang cafe, nanginginig ang kamay habang hawak ang pregnancy test kit. Nakita niya ang dalawang linya na malinaw na nagsasabing buntis siya. Hindi siya makapaniwala."Hindi… hindi pwede," bulong niya sa sarili, habang halos manginig ang kanyang katawan. Napalunok siya, at naramdaman niyang parang bumagsak ang buong mundo sa kanya.Paulit-ulit niyang inalala ang mga pangyayari noong gabing iyon—ang sandaling nakilala niya si Nikolo sa bar. Halos hindi na sila nag-usap matapos ang gabing iyon. Isang estranghero lang si Nikolo, at ngayon, eto siya, dala ang isang responsibilidad na hindi niya inaasahan.Bago niya pa nalaman ang balitang ito, ilang linggo na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan. Una, nagiging matamlay siya sa mga oras na dati ay aktibo siya. Madalas na siyang nakaupo sa gilid ng mesa, nagpapahinga, habang nararamdaman ang biglaang pagkahilo tuwing umaga. Ma
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more
Chapter 3
"Zeke, anak, binilin ko muna sa tita Amanda, ha? Kailangan kong lumabas sandali," sabi ni Abigail habang hawak ang kamay ni Zeke, ang kanyang limang taong gulang na anak. “Why, Mommy?” tanong ni Zeke, ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.“May kinakailangan lang akong ayusin, pero nandiyan naman si Tita Amanda. Maglalaro kayo, diba?” Pinisil ni Abigail ang kamay ng anak upang makapagbigay ng kaunting ginhawa.“Okay, Mommy!” sagot ni Zeke, bahagyang ngumiti.Pagkatapos umalis ni Zeke kasama si Amanda, nagdesisyon si Abigail na hindi na magpatumpik-tumpik. Napansin niyang madalas na nagkakasakit si Zeke nitong mga nakaraang buwan, at sa sunod-sunod na pagkahospital nito, halos ubos na ang kanyang ipon. Kailangan niyang makahanap ng mas magandang trabaho, at hindi sapat ang kinikita niya sa café."Bakit nga ba hindi ko subukan ang mga malalaking kompanya?" tanong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa kompanya.May mga balita siyang narinig na nagha-hire sila ng mga bagong emple
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more
Chapter 4
KABADO si Abigail nang bumaba siya mula sa taxi. Pinagmasdan niya ang mataas at modernong gusali ng Aurelia Innovations—malaki, elegante, at makapangyarihan ang dating. Para sa iba, maaaring isang ordinaryong araw lang ito ng pagtatrabaho, ngunit para kay Abigail, ito ang simula ng isang bagong kabanata. Hindi lang ito trabaho—ito ang pagkakataon niyang makabangon para sa anak niyang si Zeke. Alam niyang hindi madali, ngunit kailangan niyang maging matatag.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa gusali. "Kaya mo 'to, Abigail," bulong niya sa sarili habang tinahak ang daan papunta sa reception. Hindi niya maiwasang mapangiti ng bahagya. Sa wakas, may trabaho na siya ulit, at isang oportunidad na magbibigay sa kanila ng mas magandang buhay.Pagdating niya sa reception area, agad siyang binati ng receptionist na naka-ngiti. "Good morning! Ikaw ba si Abigail?" tanong ng babae habang tumitingin sa listahan ng mga bagong empleyado.“Oo, ako nga po,” sagot ni Abigail, pinipilit na iwaksi
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more
Chapter 5
Abala si Abigail sa pagtapos ng mga huling dokumento para sa araw na iyon. Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang magsimula siya bilang secretary ni Nikolo De Silva, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng trabaho. Siksik sa mga meetings, deadlines, at mga special requests mula sa boss niya. Madalas, hindi na siya nakakauwi nang maaga. Wala na siyang oras para kay Zeke—ang kanyang anim na taong gulang na anak—at lalong wala na rin siyang oras para sa sarili. Hindi niya rin masyadong nadadala ang sarili niya sa opisina—ang focus niya ay laging nasa trabaho at sa paghahabol ng oras. Nakakakaba ang bagong responsibilidad, lalo pa’t may mga pagkakataon na nararamdaman niya ang tension sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga mata ni Nikolo, ang ama ni Zeke, na walang alam tungkol sa anak nila. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang patuloy na magtrabaho rito para sa kinabukasan nila ng kanyang anak.Napabuntong-hininga siya habang nag-aayos ng mga papeles sa kanyang lam
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more
Chapter 6
Kinabukasan, pagkagising ni Abigail, halos hindi siya makabangon. Ang mga alalahanin tungkol kay Nikolo at ang tensyon ng mga nakaraang araw ay nagdulot sa kanya ng matinding pagod. Pero sa kabila ng lahat, mayroon siyang obligasyon—ang kanyang anak na si Zeke. Kailangan niyang muling muling buhayin ang kanyang pananaw sa buhay at iwanan ang mga problema sa opisina, kahit sandali.Mabilis siyang bumangon, sinubukang ipakita ang ngiti sa kanyang mukha kahit na sa loob ay naguguluhan pa rin siya. "Zeke! Oras na para mag-almusal!" sigaw niya sa kanyang anak. Nagmamadali itong pumasok sa kusina, sabay hawak sa kanyang tiyan na mukhang nagugutom na. "Anong pagkain natin, Nanay?" tanong ni Zeke, punung-puno ng sigla habang umuusok ang kanyang mga mata."Nagprepare ako ng pancakes at itlog. Sige, tulungan mo ako," sabi ni Abigail, sabay ngiti habang sinisimulang ihanda ang almusal. Pinilit niyang maging masaya, at tila nagtagumpay siya nang makita ang ngiti ni Zeke. Ang mga maliliit na baga
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
Chapter 7
Nagising si Abigail sa tunog ng malakas na ulan. Habang nag-aalmusal, nakatingin siya sa bintana, nalulumbay sa mga ulap na tila nag-aanyaya ng mas madilim na mga alaala. Sabi niya sa sarili, “Parang hindi nagbago ang mundo. Nandiyan pa rin ang mga katanungan at takot.” Ngunit kailangan niyang maging handa. Nakatakdang magkaroon ng isang malaking presentation ang kumpanya, at ito ang magiging pagkakataon para sa kanya na ipakita ang kanyang galing kay Nikolo. Ang presentation ay magiging mahalaga sa pag-unlad ng kanyang karera at pati na rin sa kanilang relasyon bilang boss at secretary.Nang makarating siya sa opisina, ramdam na ramdam ang tensyon sa hangin. Isang mabilis na tawag mula kay Nikolo ang nagpatibay sa kanyang nervyos. “Abigail, kailangan natin mag-usap bago ang presentation,” sabi nito sa telepono, ang boses ay may halong pagka-urgency. “Okay po, sir. Nandiyan na ako,” sagot niya, nagtutok sa kanyang mga gamit habang naglalakad papunta sa kanyang opisina. Sa isip niya,
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
Chapter 8
Pagkatapos ng kanilang meeting, nagpasya si Nikolo na bigyan ng maliit na celebration ang kanilang team. “Abigail, gusto mo bang sumama sa akin para sa isang kape mamaya? May gusto akong ipaalam sa iyo,” ani Nikolo, na tila nag-aalinlangan ngunit puno ng tiyaga.“Sure, sir! Anong oras?” tanong niya, tila hindi mapigilang sumiklab ang kanyang puso.“Mga alas-tres. Dito tayo magkikita sa café sa tapat ng opisina,” sagot ni Nikolo bago ito umalis sa kanyang desk. Habang abala si Abigail sa kanyang mga gawain, ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. “Bakit may gustong sabihin si Nikolo? Ano kaya iyon?” Sa bawat tanong, unti-unting tumitibok ang kanyang puso sa excitement at kaba.Pagdating ng alas-tres, naglakad siya papunta sa café. Ang hangin ay malamig at sariwa, habang ang ulan ay patuloy na bumabagsak. Naramdaman niya ang tila isang simbolo ng bagong simula.Sa loob ng café, agad niyang nakita si Nikolo na nakaupo sa isang sulok, tila nag-aantay. “Abigail! Salamat sa pagpunta,” sabi
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
Chapter 9
Makalipas ang ilang linggo, patuloy na umunlad ang kanilang relasyon. Nakakaramdam sila ng mas malalim na koneksyon sa isa’t isa. Ngunit sa kabila ng kanilang saya, may mga pagkakataon pa ring dumating ang mga pagsubok. Isang umaga, nagpasya si Abigail na magdala ng kape para kay Nikolo. “Sir, nagdala ako ng kape! Alam kong mahilig ka dito,” sabi niya, na may ngiti sa kanyang mga labi.“Salamat, Abigail! Napaka-sweet mo,” sagot ni Nikolo, ang ngiti nito ay puno ng pasasalamat. Ngunit habang nag-uusap sila, napansin ni Abigail ang isang bagay na hindi niya maintindihan. “Sir, parang may mali sa iyo. Anong nangyayari?” tanong niya, ang tono ay nag-aalala.“Wala, Abigail. Nasa mabuting kalagayan ako,” tugon ni Nikolo, ngunit sa kanyang boses ay may bahid ng pag-aalala.Dahil sa pag-aalala, nagdesisyon si Abigail na tanungin pa ito. “Talaga bang wala? Kasi parang may mabigat kang dinadala,” sabi niya, ang mga mata ay puno ng malasakit.“Okay lang ako. Baka dahil sa stress sa trabaho,” s
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
Chapter 10
Sa kabila ng kanilang tagumpay, hindi maiiwasan ang mga pagsubok sa relasyon ni Abigail at Nikolo. Habang tumatagal ang kanilang relasyon, dumarating ang mga hamon na naglalayong subukin ang kanilang tibay. Isang araw, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang proyekto. Nakita ni Abigail si Nikolo na nakikipag-usap sa isang dating kasamahan na hindi niya gusto. “Bakit mo siya kausapin? Hindi ba’t alam mong nagdududa ako?” tanong ni Abigail, ang boses ay puno ng galit at takot.“Abigail, hindi mo ako dapat pinagdudahan. Trabaho lang iyon,” sagot ni Nikolo, ngunit tila hindi siya maabot ng damdamin ni Abigail.“Pero bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Parang wala na akong tiwala sa iyo,” sagot ni Abigail, puno ng lungkot. Nang mga panahong iyon, nagdesisyon si Nikolo na kailangan nilang pag-usapan ang kanilang nararamdaman. “Mahalaga sa akin ang tiwala mo, at hindi ko gustong mawala ito,” sabi ni Nikolo.“Gusto kong bumalik sa dati, pero sa tuwing may nangyayaring ganito, parang n
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status