Blurb: Matagal nang may mga nagbabanta sa buhay ni Mathew, kaya naman naghahanap siya ng isang batikan at magaling na bodyguard, kaya lang ay hindi siya makakuha ng taong mapagkakatiwalaan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang babaeng misteryoso para sa kanya. Nakita niya ang angking galing at tapang nito nang ipagtanggol siya niyo sa mga nais pumatay sa kanya. Kaya lang hinahabol ito ng mga alagad ng batas, at nagtatago sa mga di kilalang tao. Ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng isang serius type girl at clamsy and clingy type boy na CEO? Maipagkakatiwala kaya ni Matthew ang buhay niya sa babaeng isa pa lang Assassin?
view moreCHAPTER 20DALAWANG LINGGO NA ANG LUMIPAS…."Miss Cynthia," tawag sa kanya ng receptionist na si Alliza, itinaas pa nito ang kamay mula sa front desk nila upang mapansin niya ang pagtawag nito. Medyo malayo kasi ang kinatatayuan niya kasama ang iba pang mga bodyguard ni Matthew."A-Ako?" Nagtataka pa niyang naituro ang kanyang sarili. Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi habang kausap pa niya sina Sebastian, ang sekretarya ni Matthew, at iba pang member ng team.Lumakad naman siya palapit sa table ng mga ito, at kinuha ang landline na nakalapag. "H-Hello?" atubili pa niyang sagot sa telepono. Alam niyang imposibleng makatanggap siya ng tawag sa telepono dahil wala siyang alam na nakakakilala sa kanya."Kamusta ka na, aking mahal na alaga? Masyado ka na kasing matagal na naglalagalag; hindi na ako nasisiyahang makipaglaro ng taguan sa ‘yo," sambit ng isang tinig na kilalang-kilala niya."A-Ano’ng kailangan mo sa akin?" naitanong niya, kahit na alam na alam naman niya talaga ang kailang
CHAPTER 19Six month later…Nagsimula ng muli ang operasyon sa kanyang opisina. Bukas na ulit ang building para sa lahat ng mga empleyadong papasok doon at magtatrabaho. Isang mahigpit na seguridad na ang ipinalagay ni Matthew at ng lahat ng board members ng kumpanya para na rin sa kabutihan at kaligtasan ng lahat.Halos ayaw niyang bumaba nang pagbuksan siya ng pintuan ni Cynthia."Hindi ba dapat ako ang gumawa niyan? Ako ang dapat nagbubukas ng pintuan para sa ‘yo," wika niya sa babaeng nakatayo sa labas ng kanyang kotse.Naka-black blazer ito na napapalooban ng puting T-shirt, black pants, at black shades, na akala mo ay isa siyang miyembro ng men in black team. Dinaig nito ang dati niyang mga bodyguard; hindi ito namamansin habang nagmamaneho, masyado ring seryoso ito, at hindi rin nagtatanggal ng salamin. Sa nakalipas na anim na buwan matapos ang mga naganap sa lumang bahay nina Matthew, minabuti nilang magsanay nang magkasama. Isang training camp ang pinasukan nila kasama rin an
CHAPTER 18One week later…Sa kagustuhan ni Cynthia na mabago ang pagtingin ni Matthew sa mga pulis, sama-sama silang nagpunta sa lumang bahay. Napag-isipan nilang maghanap pa ng ilang maaaring maging ebidensiya roon kasama ang pulis na si Miguel Del Rosario. Kinumbinsi rin ni Cynthia si Matthew na pumayag nang makipagtulungan sa pulis upang matalo at mahanap kung sino ang mga tunay na pumatay sa kanyang mga magulang, at kung sino ang nagpapapatay sa kanya. Naroon sila sa dating mansiyon kung saan lumaki ang binata, at ngayon ay pilit nitong aalalahanin at babalikan ang nakaraan."Matthew, alam kong makakaya mo ‘yan," sambit ni Dra. Cesil, sumama rin kasi ito upang masiguro ang magiging kalagayan ng binata. Delikado kasi ang epekto ng trauma. Maaaring mag-cause ng atake, nahihirapang paghinga, at sobrang panginginig, kung hindi makakayanan ng binata ang matinding takot.Maya-maya pa, nagulat si Cynthia nang mahigpit na hinawakan ni Matthew ang kanyang kamay. Para sa binata, wala ng ib
CHAPTER 17"Ano’ng meron?" nakasimangot na tanong kaagad ni Matthew nang makita nitong bumaba siya sa sasakyan ni Chief Miguel Del Rosario."Wala, may ilang bagay lang akong ipinagtapat sa kanya patungkol sa kaso mo, at sa kaso ko na rin," sambit niya, sabay lakad nang papasok sa loob ng bahay ni Tita Art."Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na wala akong tiwala sa mga pulis? Ayokong makialam pa sila sa mga problema ko; wala silang naitutulong! Ayoko rin na lapit ka nang lapit sa lalaking ‘yon!" May bigat at himig ng galit sa tinig ni Matthew nang sabihin ang mga salitang ‘yon.Nalaglag naman ang balikat niya, at dismayadong marinig ang salitang ‘yon buhat sa binata. "Matt, ano ba? Kailangan nating magtiwala sa mga alagad ng batas. Kailangan nating makipagtulungan kung gusto nating mabuhay. Mabibigat ang mga kalaban natin… hindi ko sila kayang lahat! Ikaw lang naman ang inaalala ko rito.""Ako ang inaalala mo? Wow! Sige, ito ang sasabihin ko sa ‘yo… huwag mo na akong alalahanin. Aka
Chapter 16Pasado alas-diyes nang gabi nang makita ni Cynthia si Matthew sa maliit na balkonahe ng bahay na ‘yon na kanilang tinutuluyan. Nakita niya ang seryosong mukha ni Matthew habang may kausap sa cellphone. Hindi niya alam kung sino ang kinakausap nito, at kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit sa unang pagkakataon, nakita niya ang mukha ni Matthew na tila walang takot… hindi kagaya ng palagi niyang nakikita sa ekspresyon ng mukha ng binata. Ang makita ang lalaki sa ganoong itsura ay nagdulot nang matinding kaba para sa kanya. Naalala niyang ilang buwan pa lang niyang nakikilala at nakakasama si Matthew. Paano kung ang lahat ay isang malaking palabas lang pala? Paano kung hindi naman pala ito tulad ng kanyang inaakala? Bahagya siyang napatungo nang mapansing humarap ang binata, at nakita siya nitong nakatayo roon.Mabilis nitong ibinaba ang cellphone at ngumiti sa kanya bago lumakad palapit. "Ano’ng ginagawa mo riyan sa dilim?""Ha? Na…nauhaw kasi ako kaya lumabas
CHAPTER 15Matapos nilang manggaling sa police station, dumiretso sila sa bahay na tinutuluyan ni Cynthia, sa maliit na bahay ni Arturo na isa sa mga empleyado niya, at siyang tumulong kay Cynthia noong panahong sugatan ito. Palinga-linga siya sa buong paligid, maraming maliit na kabahayan doon at dikit-dikit din. Nakita rin niya ang ilang mga taong nakatambay sa tindahan at maraming mga batang nagtatakbuhan. Tatlong sakay ng jeep kung magko-commute lang sila papunta sa opisina ni Matthew, at mga kalahating oras naman kung sasakyang pribado ang gagamitin."Bakit dito tayo nagpunta? Huwag mong sabihin sa akin na sa ganitong klaseng lugar ka nakatira?" tanong niya sa dalaga."Oo, dito ako nakatira. Isa sa mga empleyado mo ang tagarito at siyang kumukupkop sa akin," sambit niya sabay liko sa isang maliit na eskinita.Siya naman ay mabilis na sinusundan ang dalaga. Hindi siya mapakali sa mga matang kanina pa sumusunod sa kanila nang tingin. Hindi sila sumakay sa kanyang sasakyan; mula sa
CHAPTER 14MAYA-MAYA pa ay isa-isa na niyang nilibot ang buong paligid. Lahat nang makikita niyang kalaban ay sinasalakay niya ng palihim bilang Snake Lady! Iyon ang kanyang pinagana… walang armas, at tanging katawan lang niya ang gagamitin niya upang isa-isahin ang mga kalaban niya. Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa buong building, at ang control ng power system ay nasa mga kamay na ni Matthew."Bakit namatay ang mga ilaw? Kayong lahat… may dala ba kayong flashlight?! Nalintikan na!"Dahil sa pagkawala ng ilaw sa buong paligid, medyo nagdilim sa ilang bahagi ng building. Si Cynthia naman ay nakasuot ng hi-tech shades kung saan nakikita niya nang malinaw ang lahat, kahit na madilim ang buong paligid. Isa ang mga gadgets na ‘yon sa nadala niya noong tumakas siya sa grupo nina Mondragona. Kumpleto rin sa mga kakaibang gadgets ang dating samahan na kinabibilangan niya, kaya naman gaanonman kadilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ang mga kalaban.Nakikita niya mula sa pinag
Chapter 13HINDI pa nakuntento si Mr. Suarez at tinangka na naman nitong undayan ng isa pang suntok sa sikmura si Matthew. Ngunit nanlalaki ang mga mata nitong napalingon sa likuran niya, nang maramdaman ang isang kamay na mahigpit na pumigil sa mga kamao nito, at mabilis niyang binali ang kamay sabay tulak at sipa sa puwitang bahagi ng lalaki."At sino ka naman?!" galit nitong tanong nang makita si Cynthia. Mabilis itong napatayong muli mula sa pagkakatumba. Sinubukan nitong bumunot ng baril upang paputukan ang dalaga, ngunit mas mabilis si Cynthia nang madampot ang baril na nakakalat sa sahig, at pinaputok iyon sa lalaki. Tinamaan ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.“Kayo?! Ano pang hinihintay niyo? Paputukan niyo na sila! Patayin niyo na!” Utos nito sa ibang tauhan na naroon. Ngunit bago nito ‘yon magawa, mabilis na silang napatumba ni Cynthia gamit ang kanyang lakas at galing sa mixed martial arts.Matapos niyang patumbahin ang mga ito ay hinarap niya si Mr. Suarez at saka na
CHAPTER 12Umupo ito sa harap ng table nito na may computer at nagsimula na namang magtrabaho."Oh, trabaho na naman? Akala ko ba’y galing ka na sa trabaho? Trabaho pa rin ba rito sa bahay?" nakapamaywang niyang tanong sa matandang lalaki, sabay abot niya ng isang tasang may lamang kape.Paraan niya ‘yon upang maitago sa itinuturing na niyang ama at ina ang pag-aalalang dulot ng mga nalaman niya. Hindi siya segurado sa mga ginagawa ni Matthew, at nag-aalala na naman siya para sa kaligtasan ng binatang minamahal na niya.Nang gabing ‘yon, natutulog na si Arturo pero gising pa siya. Siya naman ang nakaupo sa harap ng computer nito. Nagri-research siya patungkol sa pangalan ng bagong agency na nakuha ni Matthew, na ang pangalan ay Eilberge Private Security Agency. Bago lang sa pandinig niya ang pangalan ng agency nito. Dati kasi, bilang hawak ng mga assassin, kabisado nila ang lahat ng pangalan at grupo ng mga ahensiyang maaari nilang makalaban, kaya naman nagtataka siya sa bagong ahensiy
CHAPTER 1Mabilis na minamaneho ni Matthew ang kanyang sasakyan habang mabigat ang mga kamay na nakahawak sa manibela. Pinihit niya ‘yon pakanan upang makaliko sabay tapak muli sa preno. Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan, bumaba ng kotse at saka mabilis na tumakbo upang makalayo agad. Hindi niya lubos maisip kung ano ang mangyayari sa sandaling maabutan siya ng mga humahabol sa kaniya.Malalakas na putok ang kanyang narinig na nagpalingon at nagpatigil sa pagtakbo niya. Mabilis din siyang napaluhod at napayuko kung saan halos umabot sa sahig ang kaniyang mukha. Halos mapanawan na siya ng ulirat at mapugto ang kanyang paghinga dahil sa mabilis na pintig ng kanyang puso. Malalakas na kabog lamang ng kanyang dibdib ang kanyang naririnig habang nakapatong pa ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang ulo,"P-Parang-awa niyo na… huwag niyo akong papatayin! Ibibigay ko lahat ng gusto niyo!" nanginginig ang tinig na pagmamakaawa niya.Narinig niya ang ilan pang mga putok ng baril bu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments