CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 1Mabilis na minamaneho ni Matthew ang kanyang sasakyan habang mabigat ang mga kamay na nakahawak sa manibela. Pinihit niya ‘yon pakanan upang makaliko sabay tapak muli sa preno. Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan, bumaba ng kotse at saka mabilis na tumakbo upang makalayo agad. Hindi niya lubos maisip kung ano ang mangyayari sa sandaling maabutan siya ng mga humahabol sa kaniya.Malalakas na putok ang kanyang narinig na nagpalingon at nagpatigil sa pagtakbo niya. Mabilis din siyang napaluhod at napayuko kung saan halos umabot sa sahig ang kaniyang mukha. Halos mapanawan na siya ng ulirat at mapugto ang kanyang paghinga dahil sa mabilis na pintig ng kanyang puso. Malalakas na kabog lamang ng kanyang dibdib ang kanyang naririnig habang nakapatong pa ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang ulo,"P-Parang-awa niyo na… huwag niyo akong papatayin! Ibibigay ko lahat ng gusto niyo!" nanginginig ang tinig na pagmamakaawa niya.Narinig niya ang ilan pang mga putok ng baril bu
Sa isang rest house niya dinala ang babae na hindi pa niya talaga alam kung ano ang pangalan. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit siya nito iniligtas kanina? Isang malaking katanungan pa rin ‘yon na bumabalot sa isipan niya. Nahihiwagaan siya sa mga pangyayari."Sino ka nga bang talaga?" tanong niya sa kanyang sarili.Pinagmasdan niya ang kabuuan nito habang nakahiga sa kama. Maganda at makinis ang balat ng babae, mapupula ang mga labi, at naka-bob cut hairstyle na bumagay naman sa hugis puso nitong mukha. Kaya lang, kahit natutulog ito ay nakakunot pa rin ang noo ng babae dahilan upang umarko ang mga kilay niya.“Halatang mataray na babae,” nasambit na lang ni Matthew habang tinitingnan ito.Bahagya itong kumilos at gumalaw, ngunit nanatiling nakatihaya pa rin. Nakita niya ang balikat nito na noo'y nababalutan na ng benda. Mabuti na lang at marunong siyang gumamot ng sugat… madalas kasi siyang uma-atend ng mga medical seminars noon. Dahil na rin sa kanyang trauma, iyon din ang dah
"May ideya ka ba kung sino ang mga nagpapapatay sa ‘yo?" tanong ng dalaga."Hays! Ano ka ba?! Nakakagulat ka naman!" Gulat niyang nabitiwan ang sandok sa kaldero kaya’t bahagya siyang napaso."Malay ko bang magugulatin ka?" nakapamulsa pang sagot nito sa kanya.Napangiti na lang si Matthew nang mapansing seksi ang dalagang nasa harapan niya."Ano ba?! Nag-iisip ka na naman ng kapilyuhan. Ang tinatanong ko ang sagutin mo!" Umikot ang bilog ng mga mata nito at muling nanahimik.Maya-maya pa nga, nasa harap na silang pareho ng hapag-kainan. Nagulat siya sa lakas kumain ng babae. In fairness, marunong itong gumamit ng chopstick pero gumagamit din naman ito ng tinidor at kutsara. "Babaeng-babae kung titingnan, pero daig pa ang isang sundalo kung kumain," usal niya sa kanyang sarili. Matapos ang hapunan ay naghugas naman ang dalaga ng mga pinagkainan nila. Siya naman ay nakapatong ang mga siko sa lamesa habang sapu-sapo niya ang kanyang baba na tila nagmamasid sa bawat kilos ni Cynthia."
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 25Agad naman ‘yong kumawit sa isa sa mga bakal ng pader. Hinila niya ‘yon upang matiyak na hindi matatanggal, at nagsimula na siyang umakyat sa pader gamit ang lubid. Sa loob ng dalawampung minuto, nasa likod na siya ng lalaking bantay na agad niyang binalian ng leeg, at saka naglakad nang mabilis ngunit walang ingay upang marating ang iba pang mga bantay; isa-isa niyang napatumba ang mga iyon. Mabilis niyang natalo ang mga bantay sa una at ikalawang palapag. Hanggang sa makarating siya sa ikatlong palapag, si Indiana, ang nakaabang sa kanya."Indiana, ayokong mapatay ka... bibigyan pa kita ng pagkakataong tumakas—umalis ka sa harapan ko," sambit niya sa dating kasamahan at kaibigang si Indiana."Aanhin ko pa ang sumuko at mabuhay? Handa na ako kung ito na ang katapusan ko. Gusto ko ng tunay na laban, total wala na kayo nina Ruine at Abbie… ano pang saysay?" tanong ni Indiana, isa sa mga sampung Snake Lady na naging kaibigan niya."Mahal ko ang lalaking binihag niyo, kaya ib
CHAPTER 24HINDI na niya matiis ang pagsisikip ng dibdib na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Matapang siya—oo, at bibihirang umiyak, pero sa puntong ‘yon... umiiral ang emosyon niya dala na rin marahil ng kanyang pagbubuntis."Huwag ka nang umiyak, hindi bagay para sa isang Snake Lady ang lumuha. Wala pa akong nakitang sawa na umiyak..." pabirong sambit ni Miguel. "Tinawagan ako ni Cesil, alam kong umalis ka roon pero hindi ko akalaing dito ang punta mo," sabi pa ni Miguel."Tulungan mo ‘ko." Napahawak siya sa kanyang sinapupunan kaya naman nagtatakang napatingin din doon ang pulis. Kumunot ang noo nito at may paghihinalang nababakas sa mga mata ng lalaki."Kung gano’n, totoo pala ang mga sinabi ni Cesil... na nagdadalang-tao ka?" tanong ni Miguel sa kanya."Oo, pero wala ‘to... kaya ko ang sarili ko. Tulungan mo akong mahuli natin ang grupo ng mga sindikatong ‘yon. Marami sila at hindi madaling matalo, pero ang mapabagsak si Mondragona ay isang magandang simula. Ilan pang krime
CHAPTER 23"Kailangan kong umalis, kailangan kong tumakas," sambit niya sa doktora."S-Sandali, hindi mo pwedeng gawin ‘yan... makinig ka nga sa akin!" Sinubukan siyang hawakan ni Cesil sa braso ngunit hinawi lang niya ang kamay nito, at walang pasubaling lumabas siya ng silid nang klinikang kinaroroonan.Napaatras siya nang matanaw niya sa bintana ang maraming mga grupo ng kalalakihan na nakabantay, at may ilang nakasandal pa sa mga sasakyan. "Bakit may mga tao ro'n sa labas?" Nakaarko ang mga kilay niyang tanong sa doktora."Mga tauhan sila ni Matthew... para sa ‘yo—para ingatan ka," paliwanag ng doktora."Para ingatan ako? Kanino? Sa mga kakampi niyang mga masasama rin? O para siguruhing hindi ako makakatakas sa puder nila?""Magtiwala ka lang kay Matthew, mahal ka niya," sambit ni Cesil."Magtiwala? Isang napakalaking salita... pero hindi ko na kayang gawin ‘yan. Sinira na niya ang tiwala ko sa kanya nang makipagkasundo siya kina Mondragona, at nakawin niya sa akin ang ebidensiyan
CHAPTER 22Hindi namalayan ni Cynthia ang isa sa mga tauhan ni Mondragona na kasama niya kanina sa sasakyan, na nasa likuran niya na. Hinampas siya sa batok ng hawak nitong baril, at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis naman siyang nasapo ni Matthew bago pa siya tuluyang bumagsak sa semento."Iuuwi ko na siya," sambit ni Matthew."Ano? Bakit? Pumayag na ba ako?" tanong ni Mondagona.Nilingon lang siya ni Matthew na may seryosong mukha, hanggang sa nakita nito ang nagdadatingang mga tauhan na ng binata. Ilang sasakyan din ‘yon samantalang tatlo lang sila ng mga tauhan niya. Lahat ay nagsidatingang may mga hawak na armas at nakatutok sa kanila."Huwag kang mag-alala, lahat ng datos na kinakailangan ng mga pulis para mahuli ang grupo mo, ipinadala ko na sa email mo at binura; wala na silang makikita kaya ligtas ka pa ngayon. Huwag mo nang habulin ang babaeng ‘to, akin siya. Kapag nagtangka na naman ang sinumang kunin siya, ako na ang makakalaban niyong lahat," sambit niya at mat