NANG makapasok sila sa loob ng elevator ay doon pa lang sila nakahinga nang maayos. Hinubad ni Cynthia ang suot niyang mask at shade at saka tumingin ng masama sa lalaking kasama niya sa loob ng elevator."Ito ba ang walang kwenta mong naiisip na ibigay sa ‘kin bilang bagong identity?" Naiinis nitong hinablot ang kwelyo ng suot niyang polo."S-Sandli lang naman… hindi pa tapos ang ganap! Masyado ka namang warfreak! Bitiwan mo na ang kwelyo ko!" sambit niya na medyo nanginig pa ang boses habang hawak ang mga kamay nito."Ayusin mo lang, ha!" Sabay bitiw nito sa kanyang kwelyo.Maya-maya nga ay bumukas ang pintuan ng elevator kaya naman umayos sila ng pagkakatayo na animo'y walang naganap na kaguluhan sa pagitan nila. Nang bumaba ng elevator si Matthew ay sumunod na rin ito sa kanya.Buong araw lang nakaupo sa loob ng opisina niya ang dalaga, at alam ni Matthew na naiinip na ito. Pansin niya ‘yon ngunit nagpapanggap lang siyang abala. Marami kasi siyang papeles na hindi pa nababasa at n
Matapos ang mga kaganapan, nagpatawag kaagad ng meeting si Matthew para mas paigtingin pa lalo ang seguridad ng buong gusali. Ang mga private bodyguard niya ay pinalitan na niya, at nag-hire siya ng panibagong team para sa kanya. Siyempre, si Cynthia pa rin ang pinakapinuno kaya ito ang lagi niyang kasama saanman siya magpunta.Mula rin noon ay naging usap-usapan ang dalagang bodyguard, dahil na rin sa galing at tapang nito sa pakikipaglaban na nasaksihan ng lahat. Marami ang napapataas ang kilay, at nagtataka kung saan ba napulot o nakuha ni Matthew ang dalagang ginawa nitong personal bodyguard. Isa na ro’n ang tiyahin at pinsan ni Matthew na sina Gng. Loida Austria, na asawa ng kapatid ng kanyang ama, at ang anak nitong si Alfred Austria. Mga kasosyo niya ang mga ito sa kanyang negosyo, at maaring may lihim na hangarin para sa kumpanya."Mula ngayon… ikaw na si Cynthia Fuentebella," sambit ni Matthew, sabay abot ng bagong I.D ng dalaga.Kinuha naman iyon ni Cynthia, pero matalim ang
NASA kotse na sila, at sa halip na ang dalaga ang magmaneho ay si Matthew na lang ang nagkusa dahil nadala na siya noong iniligtas siya nito. Ayaw na niyang maranasan ang buwis-buhay na pagmamaneho ng dalaga."’Di ba ako ang dapat na nagmamaneho?" tanong sa kaniya ni Cynthia habang hawak ang baril at pinupunasan."Hoy! Ano ka ba?! Bakit naman kung magpunas ka niyan ay parang alaga mo na ‘yan?!" natatakot niyang saway sa dalaga.Hanggang sa mga oras na ‘yon ay misteryosa pa rin para kay Matthew ang babae. Hinihintay niya nga itong maging open sa kanya pero parang wala pa rin itong balak."Huwag kang mag-alala, sanay na sanay na akong humawak nito… lumaki na na ako sa ganito," nasabi na lang ng dalaga, ngunit tumahimik na rin ito at hindi na muling nagsalaysay pa.Bigo na naman siya tulad nang dati. Ang akala niya ay magkukwento na ito sa kanya pero wala pa rin pala. Hanggang sa makarating sila sa opisina ay nanahimik na lang ito."Hi, girls!" bati pa ni Matthew sa mga babaeng empleyada
SAKTONG pagbaba nila sa harap ng gate ng bahay niya ay naroon na agad si Sebastian, ito na ang nagbukas ng gate at nagpapasok sa kanila. Umalis na rin kaagad si Apolo sakay ng sasakyang minamaneho nito nang makababa na sila upang makabalik na sa opisina."Sebastian, nabili mo ba ang lahat ng mga sinabi kong bilhin mo?" tanong kaagad ni Matthew sa sekretarya niya. Kalong-kalong niya si Cynthia sa kanyang mga bisig."Yes... nabili ko namang lahat. Kumusta naman si Cynthia? Okay lang ba siya? Sigurado po ba kayo na hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital?""Ayaw niyang magpadala sa ospital. Ihanda mo na lang ang guest room ko… doon niya gagamutin ang sarili niya," sagot naman ni Matthew sa sunod-sunod nitong katanungan habang karga pa rin ang dalaga na noo'y hinang-hina na."P-Pero, sir—""Sebastian!" sigaw ni Matthew sa lalaki na may kasamang matalim na titig.Doon ay umakyat na nga sila sa itaas ng bahay—sa guest room, kung saan dali-daling inayos ni Sebastian ang higaan. Inil
Chapter 8Kinagabihan, ayaw man ng dalaga na iwan ang binata sa ganoong kalagayan ay kinakailangan niya na ‘yung gawin. Nakakatiyak siyang malalagay lang ito sa kapahamakan. Hindi sa lahat nang oras ay mapoprotektahan niya ang lalaki. Alam niyang kinakailangan din niyang makalayo upang hindi ang binata ang mapagbuntunan ng lahat ng mga maaaring mangyari.Black fitted pants ang suot niya at ang leather jacket na binili ni Matthew sa kanya noon pang bago pa lang silang nagkakasama sa bahay nito. Napapa-ilaliman lang ito ng isang simpleng crop top blouse na hapit din sa katawan niya. Isang baril lang ang dala niya, ‘yun pa ‘yong baril na nadala niya sa pagtakas niya mula sa grupo nina Mondragona. Ang tawag sa kanila ni Mondragona ay "The Snake Lady”. Marami silang sinanay para sa katawagang ‘yon, na ang ibig sabihin ay nakikipaglaban na parang mga sawa. Kahit na walang armas, kaya nilang pumatay ng tao na gaya ng isang ahas. Na sa pamamagitan lang nang paglingkis ay maaring mawalan ng bu
Chapter 9Mariin na nakadapa pa rin sa likod nang malapad na sofa si Matthew. Lumipas ang tatlumpung minuto na nasa ganoong kalagayan lang siya, bago niya tuluyang naisipan na tumayo mula sa pagkakadapa. Narinig niyang may mga sasakyang pumarada sa harap mismo ng bahay niya, at bumaba mula roon ang kanyang mga tauhan. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang kanyang naging sitwasyon no’ng gabing iyon."Sir Matthew! Ayos lang po ba kayo riyan?" Malakas na tawag ni Sebastian habang kasunod nito ang iba pang tauhan. Mabilis na siyang tumayo at lumapit sa pintuan para tuluyang mapagbuksan ang mga ito. Gulo-gulo ang kanyang buhok, wala na sa ayos ang suot niyang salamin, at maging ang suot niyang T-shirt ay wala rin sa tamang posisyon. Parang wala sa sariling ibinuka pa niya ng malaki ang dahon ng pintuan upang makapasok ang mga ito. Nang makapasok na nga sila, wala sa loob na may nagbukas ng ilaw. Nakita nila kung gaano kagulo ang buong bahay. Maraming gamit ang nasira dahil sa
CHAPTER 10KINABUKASAN, nang makapasok na siya sa kanyang opisina ay ilang kababaihan ang nakitang pumasok sa loob din ng building na ‘yon. Mas pinahigpit ang seguridad ng buong building, ngunit may mga dalang media I.D ang dalawang babae dahilan para papasukin sila ng receptionist at ng mga guwardiya sa loob ng building. Nagtungo ang dalawa sa elevator at sumakay roon. Si Matthew naman ay naglalakad na sa pasilyo patungo na kanyang opisina.Simula nang mawala sa tabi niya si Cynthia, naging malungkot na siya at hindi na bumabati sa ibang babae tulad nang dati. Napansin din iyon ng kanyang mga empleyado. Kita kasi nila ang madalas na pagsigaw at pag-init ng ulo niya sa maraming bagay.Sa loob ng opisina niya ay mag-isa siyang nakayukyok. Sa totoo lang ay wala siyang ganang magtrabaho, parang ayaw na niyang kumilos…parang pagod na siyang mag-isip. Pero bigla siyang napabangon mula sa lamesa."Hindi ako susuko! Kinakailangang harapin ko ang takot ko; mag-e-enroll ako sa firing academy!"
CHAPTER 11Malakas na tulak at may kasabay na sampal ang inabot ng binata mula sa kanya."Pwede ba, Matthew?! Kung galit ka dahil iniligtas kita, huwag mo naman gawin sa ganitong paraan!” malakas na sigaw ni Cynthia dahil sa ginawa nitong marahas na paghalik sa kanya."Oo! Ligtas na ako! Bakit mo pa ba ‘ko inililigtas?" galit at malakas ang boses na tanong din ng binata."Ganyan ka ba… pagkatapos kitang tulungan at iligtas?!" Pilit na tinatapangan ni Cynthia ang boses niya, bagamat puno siya nang pag-aalala dahil ibang Matthew ang nakikita niya ng mga sandaling ‘yon. Para ba itong maamong aso na bigla na lang naging mabangis na lobo; hindi niya alam kung anong nangyayari sa binata."Oo, dahil pinahihirapan mo ang loob ko! Darating ka sa panahong hindi na kita kailangan! Dapat hinayaan mo na lang akong mamatay! Sa susunod, ayokong iligtas mo pa ako! Ayoko na! Naintindihan mo?" Sabay tumalikod na ito sa kanya.Nagsisimula na itong humakbang palayo sa kanya, ngunit para bang may sariling
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 25Agad naman ‘yong kumawit sa isa sa mga bakal ng pader. Hinila niya ‘yon upang matiyak na hindi matatanggal, at nagsimula na siyang umakyat sa pader gamit ang lubid. Sa loob ng dalawampung minuto, nasa likod na siya ng lalaking bantay na agad niyang binalian ng leeg, at saka naglakad nang mabilis ngunit walang ingay upang marating ang iba pang mga bantay; isa-isa niyang napatumba ang mga iyon. Mabilis niyang natalo ang mga bantay sa una at ikalawang palapag. Hanggang sa makarating siya sa ikatlong palapag, si Indiana, ang nakaabang sa kanya."Indiana, ayokong mapatay ka... bibigyan pa kita ng pagkakataong tumakas—umalis ka sa harapan ko," sambit niya sa dating kasamahan at kaibigang si Indiana."Aanhin ko pa ang sumuko at mabuhay? Handa na ako kung ito na ang katapusan ko. Gusto ko ng tunay na laban, total wala na kayo nina Ruine at Abbie… ano pang saysay?" tanong ni Indiana, isa sa mga sampung Snake Lady na naging kaibigan niya."Mahal ko ang lalaking binihag niyo, kaya ib
CHAPTER 24HINDI na niya matiis ang pagsisikip ng dibdib na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Matapang siya—oo, at bibihirang umiyak, pero sa puntong ‘yon... umiiral ang emosyon niya dala na rin marahil ng kanyang pagbubuntis."Huwag ka nang umiyak, hindi bagay para sa isang Snake Lady ang lumuha. Wala pa akong nakitang sawa na umiyak..." pabirong sambit ni Miguel. "Tinawagan ako ni Cesil, alam kong umalis ka roon pero hindi ko akalaing dito ang punta mo," sabi pa ni Miguel."Tulungan mo ‘ko." Napahawak siya sa kanyang sinapupunan kaya naman nagtatakang napatingin din doon ang pulis. Kumunot ang noo nito at may paghihinalang nababakas sa mga mata ng lalaki."Kung gano’n, totoo pala ang mga sinabi ni Cesil... na nagdadalang-tao ka?" tanong ni Miguel sa kanya."Oo, pero wala ‘to... kaya ko ang sarili ko. Tulungan mo akong mahuli natin ang grupo ng mga sindikatong ‘yon. Marami sila at hindi madaling matalo, pero ang mapabagsak si Mondragona ay isang magandang simula. Ilan pang krime
CHAPTER 23"Kailangan kong umalis, kailangan kong tumakas," sambit niya sa doktora."S-Sandali, hindi mo pwedeng gawin ‘yan... makinig ka nga sa akin!" Sinubukan siyang hawakan ni Cesil sa braso ngunit hinawi lang niya ang kamay nito, at walang pasubaling lumabas siya ng silid nang klinikang kinaroroonan.Napaatras siya nang matanaw niya sa bintana ang maraming mga grupo ng kalalakihan na nakabantay, at may ilang nakasandal pa sa mga sasakyan. "Bakit may mga tao ro'n sa labas?" Nakaarko ang mga kilay niyang tanong sa doktora."Mga tauhan sila ni Matthew... para sa ‘yo—para ingatan ka," paliwanag ng doktora."Para ingatan ako? Kanino? Sa mga kakampi niyang mga masasama rin? O para siguruhing hindi ako makakatakas sa puder nila?""Magtiwala ka lang kay Matthew, mahal ka niya," sambit ni Cesil."Magtiwala? Isang napakalaking salita... pero hindi ko na kayang gawin ‘yan. Sinira na niya ang tiwala ko sa kanya nang makipagkasundo siya kina Mondragona, at nakawin niya sa akin ang ebidensiyan
CHAPTER 22Hindi namalayan ni Cynthia ang isa sa mga tauhan ni Mondragona na kasama niya kanina sa sasakyan, na nasa likuran niya na. Hinampas siya sa batok ng hawak nitong baril, at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis naman siyang nasapo ni Matthew bago pa siya tuluyang bumagsak sa semento."Iuuwi ko na siya," sambit ni Matthew."Ano? Bakit? Pumayag na ba ako?" tanong ni Mondagona.Nilingon lang siya ni Matthew na may seryosong mukha, hanggang sa nakita nito ang nagdadatingang mga tauhan na ng binata. Ilang sasakyan din ‘yon samantalang tatlo lang sila ng mga tauhan niya. Lahat ay nagsidatingang may mga hawak na armas at nakatutok sa kanila."Huwag kang mag-alala, lahat ng datos na kinakailangan ng mga pulis para mahuli ang grupo mo, ipinadala ko na sa email mo at binura; wala na silang makikita kaya ligtas ka pa ngayon. Huwag mo nang habulin ang babaeng ‘to, akin siya. Kapag nagtangka na naman ang sinumang kunin siya, ako na ang makakalaban niyong lahat," sambit niya at mat