SAKTONG pagbaba nila sa harap ng gate ng bahay niya ay naroon na agad si Sebastian, ito na ang nagbukas ng gate at nagpapasok sa kanila. Umalis na rin kaagad si Apolo sakay ng sasakyang minamaneho nito nang makababa na sila upang makabalik na sa opisina.
"Sebastian, nabili mo ba ang lahat ng mga sinabi kong bilhin mo?" tanong kaagad ni Matthew sa sekretarya niya. Kalong-kalong niya si Cynthia sa kanyang mga bisig.
"Yes... nabili ko namang lahat. Kumusta naman si Cynthia? Okay lang ba siya? Sigurado po ba kayo na hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital?"
"Ayaw niyang magpadala sa ospital. Ihanda mo na lang ang guest room ko… doon niya gagamutin ang sarili niya," sagot naman ni Matthew sa sunod-sunod nitong katanungan habang karga pa rin ang dalaga na noo'y hinang-hina na.
"P-Pero, sir—"
"Sebastian!" sigaw ni Matthew sa lalaki na may kasamang matalim na titig.
Doon ay umakyat na nga sila sa itaas ng bahay—sa guest room, kung saan dali-daling inayos ni Sebastian ang higaan. Inilapag niya roon ang dalagang noo'y halos maghingalo na dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo nito. Nang makita ni Sebastian ang kalagayan ni Cynthia ay nag-alala rin ito.
"Sir, kung tawagan ko kaya si Dra. Cesil Bustamante?" wala sa loob na naimungkahi nito ang kaibigan din nilang doctor.
"H-Huwag na… kaya kong gamutin ang sarili ko; b-baka mapahamak pa kayo," mahinang sambit ni Cynthia. May malay na pala ito noong mga oras na ‘yon, at dahang-dahan nang bumabangon.
"P-Pero sigurado ka bang kaya mong gamutin ang sarili mo? Hindi ako mapapalagay kung mapapahamak ka.” Umiiling pa si Matthew sa dalaga.
Bahagyang nakabangon na si Cynthia. Sumandal siya sa sandalan ng kama, at tumingin sa kanya bago bahagyang ngumiti at saka nagsalita, "Kung makakaligtas ako ngayon, ibig sabihin ay hindi ko pa oras para mamatay. Okay lang ako. Kaya ko ‘to kaya lumabas na kayo para makapagsimula na ‘kong gamutin ang sarili ko.”
Mabilis na silang lumabas ngunit hindi umalis si Matthew sa labas ng silid. Nanatili siya roon at naghihintay. Ilang minuto rin ang lumipas nang balikan siya ni Sebastian.
"Sir, magkape ka muna." Inabutan siya nito ng isang tasang may laman na mainit na kape.
Marahan naman niyang kinuha iyon at pinadako sa kanyang bibig. Ilang sandali pa ay nakadama nang init ang kanyang sikmura.
"Ano na kayang nangyayari sa kanya?" wala sa loob na naitanong ni Matthew.
"Wala ka bang naririnig simula kanina?"
"Wala eh—ahh… kanina, may mahinang sigaw; halatang tinitiis niya ang sakit."
"Sir, hindi sa pagmamarunong, pero sa palagay ko hindi siya ordinaryong babae o basta-basta lang. Maaaring may malaking grupo o sindikato ang nasa likuran niya. Maari kang madamay kapag nagkataon," sabi ni Sebastian, na alam naman niyang nagmamalasakit lang sa kanya.
"Alam ko ‘yan… pero bago ako madamay, siya ang unang nadamay sa mga problema ko. Simula nang tinulungan niya ako at sinagip sa mga grupong nais din na pumatay sa akin, wala akong choice kundi ang tulungan siya," paliwanag pa niya.
"Iyon lang ba talaga ang dahilan? O may iba pa?" Makahulugang tumingin sa kanya si Sebastian kung saan ay natapik lang niya ito sa balikat.
Kinabukasan, nang bumaba siya sa sala at tuloy na nagtungo sa kusina, napatigil siya nang may makitang babae roon habang nagluluto.
"S-Sino ka?" pagulat niyang tanong, kahit pa alam naman niyang si Cynthia ‘yon.
Lumingon naman sa kanya si Cynthia at ngumiti. "Pasasalamat ko sa ‘yo ‘to… sa paglilitas mo sa akin.”
Nagtataka niyang hinila ang isang upuan at tiningnan lang ang babae. Mahirap para sa kanya na ngumingiti ito, para na rin kasi siyang nahuhulog sa kilig.
"Ah, ‘yon ba? Bago ko ginawa ‘yon, ikaw naman ang unang nagligtas sa akin,” sabi pa niya habang pinagmamasdan ang dalaga. “Pero teka… okay ka na ba? Bakit ka nagluluto kaagad; paano ang mga sugat mo? Ang dami ring dugong nawala sa ‘yo… buti hindi na kailangan ng medic," sunod-sunod niyang tanong dito dahil sa pag-aalala pa rin niya sa mga tinamong sugat ng dalaga.
"Hindi, okay na ako. Marami kang hindi nalalaman tungkol sa 'kin kaya pagkatapos nito… kinakailangan nating mag-usap nang masinsinan," sambit nito sa kanya.
Tinapos na nga ang pagluluto at inihain ang lahat ng mga pagkain sa lamesang nasa harapan nila. Nagsimula naman siyang sumandok ng mga pagkaing iyon at inilagay sa kanyang pinggan. Napapaisip pa siya habang ginagawa iyon. Iniisip niyang kahit ano pa ang lihim ni Cynthia, handa siyang tanggapin ito at tulungan. Kahit pa nga mukhang tama si Sebastian sa mga sinabi nito sa kanya, wala siyang pagsisising nadarama sa puso niya.
"Kain ka na," mahinang sambit ng dalaga nang mapansin nitong natutulala siya.
"Ahh, oo… sige, alam kong masarap ang lahat ng mga niluto mo," sambit pa niya na natitigilan.
Simpleng lutuin lang iyon para sa kanya, pero hindi nito alam kung gaano iyon nagbibigay sa kanya nang lubos na kasiyahan.
Matapos nilang kumain ng agahan, hindi siya gumayak para pumasok sa kanyang opisina. Alam ni Matthew na kinakailangan muna nilang magpahinga at pag-usapan ang mga naganap.
"Handa ka na bang magpaliwanag sa 'kin?" mahina niyang tanong sa dalaga. Nakita niya itong nakatayo sa harap ng bintana, sa may living area.
"Kailangan ko nang umalis… ayokong madamay ka pa sa mga probelama ko,” bigla nitong nasabi sa kanya.
"Gano'n na lang ba ‘yon?" tanong pa niya habang lumalapit sa dalaga, nakasuksok ang dalawang palad niya sa bulsa ng suot niyang jogger.
"Matthew, hindi mo nauunawaan ang kalagayan ko."
"At ako, nauunawaan mo ba ako? Paano na ‘ko? Hindi ba kaya nga kita kinuhang bodyguard dahil nasa panganib ang buhay ko?" Turo pa niya sa kanyang sarili.
"Mas lalo kang malalagay sa panganib! Hindi mo ‘ko kilala; hindi mo alam kung saan ako nanggaling!" mariing sambit ng dalaga.
"Pwes ipaalam mo sa akin! Gusto kong malaman! Gusto kong maunawan kung anong sitwasyon ang meron ka? Kahit gaano pa ‘yan ka delikado, alam kong ikaw at ako lang ang makapagtutulungan!” Naimuwestra pa niya ang mga kamay niya nang paturo sa kanilang dalawa.
"Aalis na ako. Alam kong hindi ka naman talaga mahina gaya ng inaakala ko at nang ibang tao. Alam kong matalino ka, at magagawa mong ipagtanggol ang sarili mo." Nagsimulang tumalikod si Cynthia at akmang lalayo na sa kanya.
"Takot ako sa putok ng baril... may trauma ako! Kahit na pag-aralan ko pa ‘yan, o kahit na anong klaseng martial arts pa ‘yan… kung makakarinig naman ako ng putok ng baril, wala pa rin. Hindi ko pa rin maipagtatanggol ang sarili ko," sambit niya sa dalagang ipinapanalangin niyang huwag siyang iwan.
“Alam mo Matthew, mahirap ito para sa ‘kin. Ayokong may madamay na ibang tao dahil sa pinasok kong gulo. Alam kong una pa lang hindi na dapat kita tinulungan… ‘yan tuloy ngayon nadadamay ka. Pero hindi ko pinagsisisihang iniligtas kita! Dahil sa buong buhay ko, iyon lang ang pinakatamang ginawa ko.” Sabay talikod nito sa kanya.
Chapter 8Kinagabihan, ayaw man ng dalaga na iwan ang binata sa ganoong kalagayan ay kinakailangan niya na ‘yung gawin. Nakakatiyak siyang malalagay lang ito sa kapahamakan. Hindi sa lahat nang oras ay mapoprotektahan niya ang lalaki. Alam niyang kinakailangan din niyang makalayo upang hindi ang binata ang mapagbuntunan ng lahat ng mga maaaring mangyari.Black fitted pants ang suot niya at ang leather jacket na binili ni Matthew sa kanya noon pang bago pa lang silang nagkakasama sa bahay nito. Napapa-ilaliman lang ito ng isang simpleng crop top blouse na hapit din sa katawan niya. Isang baril lang ang dala niya, ‘yun pa ‘yong baril na nadala niya sa pagtakas niya mula sa grupo nina Mondragona. Ang tawag sa kanila ni Mondragona ay "The Snake Lady”. Marami silang sinanay para sa katawagang ‘yon, na ang ibig sabihin ay nakikipaglaban na parang mga sawa. Kahit na walang armas, kaya nilang pumatay ng tao na gaya ng isang ahas. Na sa pamamagitan lang nang paglingkis ay maaring mawalan ng bu
Chapter 9Mariin na nakadapa pa rin sa likod nang malapad na sofa si Matthew. Lumipas ang tatlumpung minuto na nasa ganoong kalagayan lang siya, bago niya tuluyang naisipan na tumayo mula sa pagkakadapa. Narinig niyang may mga sasakyang pumarada sa harap mismo ng bahay niya, at bumaba mula roon ang kanyang mga tauhan. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang kanyang naging sitwasyon no’ng gabing iyon."Sir Matthew! Ayos lang po ba kayo riyan?" Malakas na tawag ni Sebastian habang kasunod nito ang iba pang tauhan. Mabilis na siyang tumayo at lumapit sa pintuan para tuluyang mapagbuksan ang mga ito. Gulo-gulo ang kanyang buhok, wala na sa ayos ang suot niyang salamin, at maging ang suot niyang T-shirt ay wala rin sa tamang posisyon. Parang wala sa sariling ibinuka pa niya ng malaki ang dahon ng pintuan upang makapasok ang mga ito. Nang makapasok na nga sila, wala sa loob na may nagbukas ng ilaw. Nakita nila kung gaano kagulo ang buong bahay. Maraming gamit ang nasira dahil sa
CHAPTER 10KINABUKASAN, nang makapasok na siya sa kanyang opisina ay ilang kababaihan ang nakitang pumasok sa loob din ng building na ‘yon. Mas pinahigpit ang seguridad ng buong building, ngunit may mga dalang media I.D ang dalawang babae dahilan para papasukin sila ng receptionist at ng mga guwardiya sa loob ng building. Nagtungo ang dalawa sa elevator at sumakay roon. Si Matthew naman ay naglalakad na sa pasilyo patungo na kanyang opisina.Simula nang mawala sa tabi niya si Cynthia, naging malungkot na siya at hindi na bumabati sa ibang babae tulad nang dati. Napansin din iyon ng kanyang mga empleyado. Kita kasi nila ang madalas na pagsigaw at pag-init ng ulo niya sa maraming bagay.Sa loob ng opisina niya ay mag-isa siyang nakayukyok. Sa totoo lang ay wala siyang ganang magtrabaho, parang ayaw na niyang kumilos…parang pagod na siyang mag-isip. Pero bigla siyang napabangon mula sa lamesa."Hindi ako susuko! Kinakailangang harapin ko ang takot ko; mag-e-enroll ako sa firing academy!"
CHAPTER 11Malakas na tulak at may kasabay na sampal ang inabot ng binata mula sa kanya."Pwede ba, Matthew?! Kung galit ka dahil iniligtas kita, huwag mo naman gawin sa ganitong paraan!” malakas na sigaw ni Cynthia dahil sa ginawa nitong marahas na paghalik sa kanya."Oo! Ligtas na ako! Bakit mo pa ba ‘ko inililigtas?" galit at malakas ang boses na tanong din ng binata."Ganyan ka ba… pagkatapos kitang tulungan at iligtas?!" Pilit na tinatapangan ni Cynthia ang boses niya, bagamat puno siya nang pag-aalala dahil ibang Matthew ang nakikita niya ng mga sandaling ‘yon. Para ba itong maamong aso na bigla na lang naging mabangis na lobo; hindi niya alam kung anong nangyayari sa binata."Oo, dahil pinahihirapan mo ang loob ko! Darating ka sa panahong hindi na kita kailangan! Dapat hinayaan mo na lang akong mamatay! Sa susunod, ayokong iligtas mo pa ako! Ayoko na! Naintindihan mo?" Sabay tumalikod na ito sa kanya.Nagsisimula na itong humakbang palayo sa kanya, ngunit para bang may sariling
CHAPTER 12Umupo ito sa harap ng table nito na may computer at nagsimula na namang magtrabaho."Oh, trabaho na naman? Akala ko ba’y galing ka na sa trabaho? Trabaho pa rin ba rito sa bahay?" nakapamaywang niyang tanong sa matandang lalaki, sabay abot niya ng isang tasang may lamang kape.Paraan niya ‘yon upang maitago sa itinuturing na niyang ama at ina ang pag-aalalang dulot ng mga nalaman niya. Hindi siya segurado sa mga ginagawa ni Matthew, at nag-aalala na naman siya para sa kaligtasan ng binatang minamahal na niya.Nang gabing ‘yon, natutulog na si Arturo pero gising pa siya. Siya naman ang nakaupo sa harap ng computer nito. Nagri-research siya patungkol sa pangalan ng bagong agency na nakuha ni Matthew, na ang pangalan ay Eilberge Private Security Agency. Bago lang sa pandinig niya ang pangalan ng agency nito. Dati kasi, bilang hawak ng mga assassin, kabisado nila ang lahat ng pangalan at grupo ng mga ahensiyang maaari nilang makalaban, kaya naman nagtataka siya sa bagong ahensiy
Chapter 13HINDI pa nakuntento si Mr. Suarez at tinangka na naman nitong undayan ng isa pang suntok sa sikmura si Matthew. Ngunit nanlalaki ang mga mata nitong napalingon sa likuran niya, nang maramdaman ang isang kamay na mahigpit na pumigil sa mga kamao nito, at mabilis niyang binali ang kamay sabay tulak at sipa sa puwitang bahagi ng lalaki."At sino ka naman?!" galit nitong tanong nang makita si Cynthia. Mabilis itong napatayong muli mula sa pagkakatumba. Sinubukan nitong bumunot ng baril upang paputukan ang dalaga, ngunit mas mabilis si Cynthia nang madampot ang baril na nakakalat sa sahig, at pinaputok iyon sa lalaki. Tinamaan ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.“Kayo?! Ano pang hinihintay niyo? Paputukan niyo na sila! Patayin niyo na!” Utos nito sa ibang tauhan na naroon. Ngunit bago nito ‘yon magawa, mabilis na silang napatumba ni Cynthia gamit ang kanyang lakas at galing sa mixed martial arts.Matapos niyang patumbahin ang mga ito ay hinarap niya si Mr. Suarez at saka na
CHAPTER 14MAYA-MAYA pa ay isa-isa na niyang nilibot ang buong paligid. Lahat nang makikita niyang kalaban ay sinasalakay niya ng palihim bilang Snake Lady! Iyon ang kanyang pinagana… walang armas, at tanging katawan lang niya ang gagamitin niya upang isa-isahin ang mga kalaban niya. Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa buong building, at ang control ng power system ay nasa mga kamay na ni Matthew."Bakit namatay ang mga ilaw? Kayong lahat… may dala ba kayong flashlight?! Nalintikan na!"Dahil sa pagkawala ng ilaw sa buong paligid, medyo nagdilim sa ilang bahagi ng building. Si Cynthia naman ay nakasuot ng hi-tech shades kung saan nakikita niya nang malinaw ang lahat, kahit na madilim ang buong paligid. Isa ang mga gadgets na ‘yon sa nadala niya noong tumakas siya sa grupo nina Mondragona. Kumpleto rin sa mga kakaibang gadgets ang dating samahan na kinabibilangan niya, kaya naman gaanonman kadilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ang mga kalaban.Nakikita niya mula sa pinag
CHAPTER 15Matapos nilang manggaling sa police station, dumiretso sila sa bahay na tinutuluyan ni Cynthia, sa maliit na bahay ni Arturo na isa sa mga empleyado niya, at siyang tumulong kay Cynthia noong panahong sugatan ito. Palinga-linga siya sa buong paligid, maraming maliit na kabahayan doon at dikit-dikit din. Nakita rin niya ang ilang mga taong nakatambay sa tindahan at maraming mga batang nagtatakbuhan. Tatlong sakay ng jeep kung magko-commute lang sila papunta sa opisina ni Matthew, at mga kalahating oras naman kung sasakyang pribado ang gagamitin."Bakit dito tayo nagpunta? Huwag mong sabihin sa akin na sa ganitong klaseng lugar ka nakatira?" tanong niya sa dalaga."Oo, dito ako nakatira. Isa sa mga empleyado mo ang tagarito at siyang kumukupkop sa akin," sambit niya sabay liko sa isang maliit na eskinita.Siya naman ay mabilis na sinusundan ang dalaga. Hindi siya mapakali sa mga matang kanina pa sumusunod sa kanila nang tingin. Hindi sila sumakay sa kanyang sasakyan; mula sa
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 25Agad naman ‘yong kumawit sa isa sa mga bakal ng pader. Hinila niya ‘yon upang matiyak na hindi matatanggal, at nagsimula na siyang umakyat sa pader gamit ang lubid. Sa loob ng dalawampung minuto, nasa likod na siya ng lalaking bantay na agad niyang binalian ng leeg, at saka naglakad nang mabilis ngunit walang ingay upang marating ang iba pang mga bantay; isa-isa niyang napatumba ang mga iyon. Mabilis niyang natalo ang mga bantay sa una at ikalawang palapag. Hanggang sa makarating siya sa ikatlong palapag, si Indiana, ang nakaabang sa kanya."Indiana, ayokong mapatay ka... bibigyan pa kita ng pagkakataong tumakas—umalis ka sa harapan ko," sambit niya sa dating kasamahan at kaibigang si Indiana."Aanhin ko pa ang sumuko at mabuhay? Handa na ako kung ito na ang katapusan ko. Gusto ko ng tunay na laban, total wala na kayo nina Ruine at Abbie… ano pang saysay?" tanong ni Indiana, isa sa mga sampung Snake Lady na naging kaibigan niya."Mahal ko ang lalaking binihag niyo, kaya ib
CHAPTER 24HINDI na niya matiis ang pagsisikip ng dibdib na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Matapang siya—oo, at bibihirang umiyak, pero sa puntong ‘yon... umiiral ang emosyon niya dala na rin marahil ng kanyang pagbubuntis."Huwag ka nang umiyak, hindi bagay para sa isang Snake Lady ang lumuha. Wala pa akong nakitang sawa na umiyak..." pabirong sambit ni Miguel. "Tinawagan ako ni Cesil, alam kong umalis ka roon pero hindi ko akalaing dito ang punta mo," sabi pa ni Miguel."Tulungan mo ‘ko." Napahawak siya sa kanyang sinapupunan kaya naman nagtatakang napatingin din doon ang pulis. Kumunot ang noo nito at may paghihinalang nababakas sa mga mata ng lalaki."Kung gano’n, totoo pala ang mga sinabi ni Cesil... na nagdadalang-tao ka?" tanong ni Miguel sa kanya."Oo, pero wala ‘to... kaya ko ang sarili ko. Tulungan mo akong mahuli natin ang grupo ng mga sindikatong ‘yon. Marami sila at hindi madaling matalo, pero ang mapabagsak si Mondragona ay isang magandang simula. Ilan pang krime
CHAPTER 23"Kailangan kong umalis, kailangan kong tumakas," sambit niya sa doktora."S-Sandali, hindi mo pwedeng gawin ‘yan... makinig ka nga sa akin!" Sinubukan siyang hawakan ni Cesil sa braso ngunit hinawi lang niya ang kamay nito, at walang pasubaling lumabas siya ng silid nang klinikang kinaroroonan.Napaatras siya nang matanaw niya sa bintana ang maraming mga grupo ng kalalakihan na nakabantay, at may ilang nakasandal pa sa mga sasakyan. "Bakit may mga tao ro'n sa labas?" Nakaarko ang mga kilay niyang tanong sa doktora."Mga tauhan sila ni Matthew... para sa ‘yo—para ingatan ka," paliwanag ng doktora."Para ingatan ako? Kanino? Sa mga kakampi niyang mga masasama rin? O para siguruhing hindi ako makakatakas sa puder nila?""Magtiwala ka lang kay Matthew, mahal ka niya," sambit ni Cesil."Magtiwala? Isang napakalaking salita... pero hindi ko na kayang gawin ‘yan. Sinira na niya ang tiwala ko sa kanya nang makipagkasundo siya kina Mondragona, at nakawin niya sa akin ang ebidensiyan
CHAPTER 22Hindi namalayan ni Cynthia ang isa sa mga tauhan ni Mondragona na kasama niya kanina sa sasakyan, na nasa likuran niya na. Hinampas siya sa batok ng hawak nitong baril, at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis naman siyang nasapo ni Matthew bago pa siya tuluyang bumagsak sa semento."Iuuwi ko na siya," sambit ni Matthew."Ano? Bakit? Pumayag na ba ako?" tanong ni Mondagona.Nilingon lang siya ni Matthew na may seryosong mukha, hanggang sa nakita nito ang nagdadatingang mga tauhan na ng binata. Ilang sasakyan din ‘yon samantalang tatlo lang sila ng mga tauhan niya. Lahat ay nagsidatingang may mga hawak na armas at nakatutok sa kanila."Huwag kang mag-alala, lahat ng datos na kinakailangan ng mga pulis para mahuli ang grupo mo, ipinadala ko na sa email mo at binura; wala na silang makikita kaya ligtas ka pa ngayon. Huwag mo nang habulin ang babaeng ‘to, akin siya. Kapag nagtangka na naman ang sinumang kunin siya, ako na ang makakalaban niyong lahat," sambit niya at mat