Chapter 16Pasado alas-diyes nang gabi nang makita ni Cynthia si Matthew sa maliit na balkonahe ng bahay na ‘yon na kanilang tinutuluyan. Nakita niya ang seryosong mukha ni Matthew habang may kausap sa cellphone. Hindi niya alam kung sino ang kinakausap nito, at kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit sa unang pagkakataon, nakita niya ang mukha ni Matthew na tila walang takot… hindi kagaya ng palagi niyang nakikita sa ekspresyon ng mukha ng binata. Ang makita ang lalaki sa ganoong itsura ay nagdulot nang matinding kaba para sa kanya. Naalala niyang ilang buwan pa lang niyang nakikilala at nakakasama si Matthew. Paano kung ang lahat ay isang malaking palabas lang pala? Paano kung hindi naman pala ito tulad ng kanyang inaakala? Bahagya siyang napatungo nang mapansing humarap ang binata, at nakita siya nitong nakatayo roon.Mabilis nitong ibinaba ang cellphone at ngumiti sa kanya bago lumakad palapit. "Ano’ng ginagawa mo riyan sa dilim?""Ha? Na…nauhaw kasi ako kaya lumabas
CHAPTER 17"Ano’ng meron?" nakasimangot na tanong kaagad ni Matthew nang makita nitong bumaba siya sa sasakyan ni Chief Miguel Del Rosario."Wala, may ilang bagay lang akong ipinagtapat sa kanya patungkol sa kaso mo, at sa kaso ko na rin," sambit niya, sabay lakad nang papasok sa loob ng bahay ni Tita Art."Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na wala akong tiwala sa mga pulis? Ayokong makialam pa sila sa mga problema ko; wala silang naitutulong! Ayoko rin na lapit ka nang lapit sa lalaking ‘yon!" May bigat at himig ng galit sa tinig ni Matthew nang sabihin ang mga salitang ‘yon.Nalaglag naman ang balikat niya, at dismayadong marinig ang salitang ‘yon buhat sa binata. "Matt, ano ba? Kailangan nating magtiwala sa mga alagad ng batas. Kailangan nating makipagtulungan kung gusto nating mabuhay. Mabibigat ang mga kalaban natin… hindi ko sila kayang lahat! Ikaw lang naman ang inaalala ko rito.""Ako ang inaalala mo? Wow! Sige, ito ang sasabihin ko sa ‘yo… huwag mo na akong alalahanin. Aka
CHAPTER 18One week later…Sa kagustuhan ni Cynthia na mabago ang pagtingin ni Matthew sa mga pulis, sama-sama silang nagpunta sa lumang bahay. Napag-isipan nilang maghanap pa ng ilang maaaring maging ebidensiya roon kasama ang pulis na si Miguel Del Rosario. Kinumbinsi rin ni Cynthia si Matthew na pumayag nang makipagtulungan sa pulis upang matalo at mahanap kung sino ang mga tunay na pumatay sa kanyang mga magulang, at kung sino ang nagpapapatay sa kanya. Naroon sila sa dating mansiyon kung saan lumaki ang binata, at ngayon ay pilit nitong aalalahanin at babalikan ang nakaraan."Matthew, alam kong makakaya mo ‘yan," sambit ni Dra. Cesil, sumama rin kasi ito upang masiguro ang magiging kalagayan ng binata. Delikado kasi ang epekto ng trauma. Maaaring mag-cause ng atake, nahihirapang paghinga, at sobrang panginginig, kung hindi makakayanan ng binata ang matinding takot.Maya-maya pa, nagulat si Cynthia nang mahigpit na hinawakan ni Matthew ang kanyang kamay. Para sa binata, wala ng ib
CHAPTER 19Six month later…Nagsimula ng muli ang operasyon sa kanyang opisina. Bukas na ulit ang building para sa lahat ng mga empleyadong papasok doon at magtatrabaho. Isang mahigpit na seguridad na ang ipinalagay ni Matthew at ng lahat ng board members ng kumpanya para na rin sa kabutihan at kaligtasan ng lahat.Halos ayaw niyang bumaba nang pagbuksan siya ng pintuan ni Cynthia."Hindi ba dapat ako ang gumawa niyan? Ako ang dapat nagbubukas ng pintuan para sa ‘yo," wika niya sa babaeng nakatayo sa labas ng kanyang kotse.Naka-black blazer ito na napapalooban ng puting T-shirt, black pants, at black shades, na akala mo ay isa siyang miyembro ng men in black team. Dinaig nito ang dati niyang mga bodyguard; hindi ito namamansin habang nagmamaneho, masyado ring seryoso ito, at hindi rin nagtatanggal ng salamin. Sa nakalipas na anim na buwan matapos ang mga naganap sa lumang bahay nina Matthew, minabuti nilang magsanay nang magkasama. Isang training camp ang pinasukan nila kasama rin an
CHAPTER 20DALAWANG LINGGO NA ANG LUMIPAS…."Miss Cynthia," tawag sa kanya ng receptionist na si Alliza, itinaas pa nito ang kamay mula sa front desk nila upang mapansin niya ang pagtawag nito. Medyo malayo kasi ang kinatatayuan niya kasama ang iba pang mga bodyguard ni Matthew."A-Ako?" Nagtataka pa niyang naituro ang kanyang sarili. Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi habang kausap pa niya sina Sebastian, ang sekretarya ni Matthew, at iba pang member ng team.Lumakad naman siya palapit sa table ng mga ito, at kinuha ang landline na nakalapag. "H-Hello?" atubili pa niyang sagot sa telepono. Alam niyang imposibleng makatanggap siya ng tawag sa telepono dahil wala siyang alam na nakakakilala sa kanya."Kamusta ka na, aking mahal na alaga? Masyado ka na kasing matagal na naglalagalag; hindi na ako nasisiyahang makipaglaro ng taguan sa ‘yo," sambit ng isang tinig na kilalang-kilala niya."A-Ano’ng kailangan mo sa akin?" naitanong niya, kahit na alam na alam naman niya talaga ang kailang
CHAPTER 21"Alam mo, Cynthia... hindi kami katulad mo. Mga halang din ang bituka namin kaya gagawin namin ang inuutos niya hangga’t gusto namin," sagot pa ng isang babae."Talagang hindi ako katulad niyo! Gusto kong umayos ang buhay ko at makilala ang tunay kong pamilya. Palibhasa, wala kayong pamilyang nililingon at ninanais na makita—ako, meron, at hindi ako papayag na magtapos ang buhay ko ng ganito!" Sabay siko niya sa babaeng katabi niya lamang, at tumama ang ulo nito sa gilid ng sasakyan at saka nawalan ng malay.Nagulat ang dalawa, nang makalingon sila ay dalawang baril na ang nakatutok sa kanila."Nakalimutan niyo yatang ako ang pinakamagaling na assassin ng tinatawag niyong mama. Hindi ko naman kayo patitigilin, dalhin niyo ako sa dapat niyong pagdalhan sa akin." Utos niya sa mga ito.Hindi naman nakakilos ang dalawa dahil sa mga baril na itinutok niya sa mga ito."Oo, dadalhin ka namin sa kanila, pero hindi mo ba talaga alam?" tanong ng babae sa kanya na para bang may nais i
CHAPTER 22Hindi namalayan ni Cynthia ang isa sa mga tauhan ni Mondragona na kasama niya kanina sa sasakyan, na nasa likuran niya na. Hinampas siya sa batok ng hawak nitong baril, at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis naman siyang nasapo ni Matthew bago pa siya tuluyang bumagsak sa semento."Iuuwi ko na siya," sambit ni Matthew."Ano? Bakit? Pumayag na ba ako?" tanong ni Mondagona.Nilingon lang siya ni Matthew na may seryosong mukha, hanggang sa nakita nito ang nagdadatingang mga tauhan na ng binata. Ilang sasakyan din ‘yon samantalang tatlo lang sila ng mga tauhan niya. Lahat ay nagsidatingang may mga hawak na armas at nakatutok sa kanila."Huwag kang mag-alala, lahat ng datos na kinakailangan ng mga pulis para mahuli ang grupo mo, ipinadala ko na sa email mo at binura; wala na silang makikita kaya ligtas ka pa ngayon. Huwag mo nang habulin ang babaeng ‘to, akin siya. Kapag nagtangka na naman ang sinumang kunin siya, ako na ang makakalaban niyong lahat," sambit niya at mat
CHAPTER 23"Kailangan kong umalis, kailangan kong tumakas," sambit niya sa doktora."S-Sandali, hindi mo pwedeng gawin ‘yan... makinig ka nga sa akin!" Sinubukan siyang hawakan ni Cesil sa braso ngunit hinawi lang niya ang kamay nito, at walang pasubaling lumabas siya ng silid nang klinikang kinaroroonan.Napaatras siya nang matanaw niya sa bintana ang maraming mga grupo ng kalalakihan na nakabantay, at may ilang nakasandal pa sa mga sasakyan. "Bakit may mga tao ro'n sa labas?" Nakaarko ang mga kilay niyang tanong sa doktora."Mga tauhan sila ni Matthew... para sa ‘yo—para ingatan ka," paliwanag ng doktora."Para ingatan ako? Kanino? Sa mga kakampi niyang mga masasama rin? O para siguruhing hindi ako makakatakas sa puder nila?""Magtiwala ka lang kay Matthew, mahal ka niya," sambit ni Cesil."Magtiwala? Isang napakalaking salita... pero hindi ko na kayang gawin ‘yan. Sinira na niya ang tiwala ko sa kanya nang makipagkasundo siya kina Mondragona, at nakawin niya sa akin ang ebidensiyan
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 25Agad naman ‘yong kumawit sa isa sa mga bakal ng pader. Hinila niya ‘yon upang matiyak na hindi matatanggal, at nagsimula na siyang umakyat sa pader gamit ang lubid. Sa loob ng dalawampung minuto, nasa likod na siya ng lalaking bantay na agad niyang binalian ng leeg, at saka naglakad nang mabilis ngunit walang ingay upang marating ang iba pang mga bantay; isa-isa niyang napatumba ang mga iyon. Mabilis niyang natalo ang mga bantay sa una at ikalawang palapag. Hanggang sa makarating siya sa ikatlong palapag, si Indiana, ang nakaabang sa kanya."Indiana, ayokong mapatay ka... bibigyan pa kita ng pagkakataong tumakas—umalis ka sa harapan ko," sambit niya sa dating kasamahan at kaibigang si Indiana."Aanhin ko pa ang sumuko at mabuhay? Handa na ako kung ito na ang katapusan ko. Gusto ko ng tunay na laban, total wala na kayo nina Ruine at Abbie… ano pang saysay?" tanong ni Indiana, isa sa mga sampung Snake Lady na naging kaibigan niya."Mahal ko ang lalaking binihag niyo, kaya ib
CHAPTER 24HINDI na niya matiis ang pagsisikip ng dibdib na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Matapang siya—oo, at bibihirang umiyak, pero sa puntong ‘yon... umiiral ang emosyon niya dala na rin marahil ng kanyang pagbubuntis."Huwag ka nang umiyak, hindi bagay para sa isang Snake Lady ang lumuha. Wala pa akong nakitang sawa na umiyak..." pabirong sambit ni Miguel. "Tinawagan ako ni Cesil, alam kong umalis ka roon pero hindi ko akalaing dito ang punta mo," sabi pa ni Miguel."Tulungan mo ‘ko." Napahawak siya sa kanyang sinapupunan kaya naman nagtatakang napatingin din doon ang pulis. Kumunot ang noo nito at may paghihinalang nababakas sa mga mata ng lalaki."Kung gano’n, totoo pala ang mga sinabi ni Cesil... na nagdadalang-tao ka?" tanong ni Miguel sa kanya."Oo, pero wala ‘to... kaya ko ang sarili ko. Tulungan mo akong mahuli natin ang grupo ng mga sindikatong ‘yon. Marami sila at hindi madaling matalo, pero ang mapabagsak si Mondragona ay isang magandang simula. Ilan pang krime
CHAPTER 23"Kailangan kong umalis, kailangan kong tumakas," sambit niya sa doktora."S-Sandali, hindi mo pwedeng gawin ‘yan... makinig ka nga sa akin!" Sinubukan siyang hawakan ni Cesil sa braso ngunit hinawi lang niya ang kamay nito, at walang pasubaling lumabas siya ng silid nang klinikang kinaroroonan.Napaatras siya nang matanaw niya sa bintana ang maraming mga grupo ng kalalakihan na nakabantay, at may ilang nakasandal pa sa mga sasakyan. "Bakit may mga tao ro'n sa labas?" Nakaarko ang mga kilay niyang tanong sa doktora."Mga tauhan sila ni Matthew... para sa ‘yo—para ingatan ka," paliwanag ng doktora."Para ingatan ako? Kanino? Sa mga kakampi niyang mga masasama rin? O para siguruhing hindi ako makakatakas sa puder nila?""Magtiwala ka lang kay Matthew, mahal ka niya," sambit ni Cesil."Magtiwala? Isang napakalaking salita... pero hindi ko na kayang gawin ‘yan. Sinira na niya ang tiwala ko sa kanya nang makipagkasundo siya kina Mondragona, at nakawin niya sa akin ang ebidensiyan
CHAPTER 22Hindi namalayan ni Cynthia ang isa sa mga tauhan ni Mondragona na kasama niya kanina sa sasakyan, na nasa likuran niya na. Hinampas siya sa batok ng hawak nitong baril, at dahil doon ay nawalan siya ng malay. Mabilis naman siyang nasapo ni Matthew bago pa siya tuluyang bumagsak sa semento."Iuuwi ko na siya," sambit ni Matthew."Ano? Bakit? Pumayag na ba ako?" tanong ni Mondagona.Nilingon lang siya ni Matthew na may seryosong mukha, hanggang sa nakita nito ang nagdadatingang mga tauhan na ng binata. Ilang sasakyan din ‘yon samantalang tatlo lang sila ng mga tauhan niya. Lahat ay nagsidatingang may mga hawak na armas at nakatutok sa kanila."Huwag kang mag-alala, lahat ng datos na kinakailangan ng mga pulis para mahuli ang grupo mo, ipinadala ko na sa email mo at binura; wala na silang makikita kaya ligtas ka pa ngayon. Huwag mo nang habulin ang babaeng ‘to, akin siya. Kapag nagtangka na naman ang sinumang kunin siya, ako na ang makakalaban niyong lahat," sambit niya at mat