NASA kotse na sila, at sa halip na ang dalaga ang magmaneho ay si Matthew na lang ang nagkusa dahil nadala na siya noong iniligtas siya nito. Ayaw na niyang maranasan ang buwis-buhay na pagmamaneho ng dalaga.
"’Di ba ako ang dapat na nagmamaneho?" tanong sa kaniya ni Cynthia habang hawak ang baril at pinupunasan.
"Hoy! Ano ka ba?! Bakit naman kung magpunas ka niyan ay parang alaga mo na ‘yan?!" natatakot niyang saway sa dalaga.
Hanggang sa mga oras na ‘yon ay misteryosa pa rin para kay Matthew ang babae. Hinihintay niya nga itong maging open sa kanya pero parang wala pa rin itong balak.
"Huwag kang mag-alala, sanay na sanay na akong humawak nito… lumaki na na ako sa ganito," nasabi na lang ng dalaga, ngunit tumahimik na rin ito at hindi na muling nagsalaysay pa.
Bigo na naman siya tulad nang dati. Ang akala niya ay magkukwento na ito sa kanya pero wala pa rin pala. Hanggang sa makarating sila sa opisina ay nanahimik na lang ito.
"Hi, girls!" bati pa ni Matthew sa mga babaeng empleyada niya.
Masyado siyang clingy sa mga ito, pero hindi niya ‘yon sinasadya dahil ‘yun naman talaga ang ugali niya.
Kaya naman si Cynthia, hindi na nakapagpigil pang magsalita, "Baka naman masyado ka kasing clingy sa mga girls kaya may mga nagpapapatay sa 'yo?" Nakasimangot na naman ang dalaga.
Napapalatak naman si Matthew nang tawa, at sinabayan pa niya ‘yon nang kindat.
"Bakit? Nagseselos ka ba? Gusto mo ba na sa ‘yo lang ako palaging magha-hi?" Sabay akbay niya sa dalaga.
Sa inis na naman nito sa kanya, siniko siya nito kung saan ay tinamaan naman siya sa sikmura, at saka galit na nagsalita, "Hi-yin mo ‘yang mukha mo! Nakakatawa ka talaga! Ang mabuti pa, pag-igihin mo ang pag-aaral ng martial arts… kasi kapag napuno na ako sa ‘yo, bigla na lang kitang iiwan, naintindihan mo?" Pagkatapos no’n ay nauna na nga itong maglakad.
"Hoy! Gusto mo yatang mademanda kita? Nakalagay sa kontrata na dapat mo akong pangalagaan, hindi saktan! Pambihira naman, oh!" sabi pa niya habang sinusundan ang dalaga.
NANG hapong ‘yon, pagkalabas nila sa opisina ay naisipan niyang mamasyal muna sila. Masaya siyang kasama ang dalaga kaya kahit na palagi itong nakasimangot sa kanya ay inaya pa rin niya itong mamasyal sa isang mall. Plano niya rin kasing ipamili pa ito ng mga gamit.
"Bakit ba tayo nandito? Umuwi na tayo, pwede ba?" sambit ng dalaga sa kanya. Hawak-hawak nito ang mga pinamili niyang mga gamit para dito at pati na rin sa kanyang sarili.
"Chill ka lang diyan… marami pa tayong papasyalan.”
"Alam mo, ikaw… halos mamatay ka na nga dahil may mga nagbabanta sa buhay mo, pero parang wala ka lang pakialam! Tama bang pumayag pa akong maging bodyguard mo? Parang hindi naman na kailangan… baka nagsawa na rin naman ‘yong mga humahabol sa ‘yo,” nakabusangot na sambit ng dalaga, habang si Matthew naman ay mayabang lang na palinga-linga sa iba pang establisyemento ng mall.
Maya-maya pa ay bigla naman na napatingin si Cynthia sa isang lalaking may hawak na baril. Mabilis nitong naitulak ang binata at sumigaw, "Dapa!" Doon ay mabilis ding siyang napadapa.
“Bakit? Ano’ng nangyayari?” tanong ni Matthew habang nakasubsob ang ulo niya sa sahig. Napaluhod din siya at tinabunan ng mga kamay ang kanyang ulo. Si Cynthia naman ay nakikipagpalitan ng putok ng baril, kung saan ay malalayo naman ang mga kalaban nito dahil nagkukubli sa ilang mga establisyemento.
“Diyan ka lang! Kailangan kong tumakbo palayo sa ‘yo. Magtago ka lang diyan; hindi ikaw ang kailangan nila kundi ako,” sambit nito sa kanya.
Ngunit dahil sa takot, tila hindi na niya ‘yon narinig pa. Nagdilim ang kanyang paningin at matagal na napapikit… tanging malalakas na putukan ang kanyang naririnig. Mabilis ding nakatawag si Cynthia ng tulong kaya makalipas ang ilang minuto…
“Sir! Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng isa sa mga lalaking bodyguard niya na naiwan lang naman sa labas ng mall.
"I-I'm o-okay…” Napapalingon-lingon siya dahil hinahanap niya si Cynthia. “N-nakita niyo ba ‘yong babaeng kasama ko?" tanong pa niya sa mga guwardiya ng mismong mall.
“Hindi, sir… wala naman kayong babaeng kasama diyan kanina,” sagot pa ng isang guwardiya.
“Hindi! Meron akong kasama!”
"Sir? Okay ka lang ba?" Siya namang dating ng isa pa niyang tauhan na si Bruno.
"Oo! S-Si Cynthia nakita niyo ba?" Lubos siyang nag-aalala kung saan ito nagpunta, o baka nakuha na ito ng mga masasamang tao.
Inalalayan na siya ng mga bodyguards niya pabalik sa kanyang kotse.
"Ligtas na si Sir Matthew," sambit ng isa pang tauhan niya sa radyong hawak nito.
"Gawin niyong lahat para mahanap si Cynthia. Baka mamaya ay kung ano na ang nangyari sa kanya!" mahigpit niyang bilin sa kanyang mga tauhan.
"Yes, sir. Inutusan ko na po ang lahat ng mga tauhan nating libutin at halughugin ang bawat sulok nitong mall. Maari kasing naririto pa rin siya at nagtatago."
“Siguraduhin mo, Bruno… sasama rin akong maghanap sa kanya. Doon sa parking lot kami maghihintay ng ibang tauhan ko,” paliwanag niya sa pinuno ng mga tauhan din niya.
SAMANTALANG, nagtatago sa isang nakaparadang sasakyan si Cynthia sa may parking lot. Doon siya nakapagkubli mula sa pagtakbo niya para makatakas, at para hindi na madamay si Matthew sa magulong buhay niya. Hindi na siya dapat pumayag sa kagustuhan nitong maging bodyguard siya ng binata. Alam niyang marami ring humahabol sa kanya at tumutugis, ang sindikatong pinamumunuan ni Mondragona—isang babaeng Mafia.
Marami itong kapit sa batas, at alam niyang may mga galamay na ito. Kung noon, siya ang mga tumutugis sa mga tauhan nitong tumatakas at sa mga taong ipinapapatay nito… ngayon, siya na ang tinutugis ng mga ito dahil sa pagtakas niya. Alam niyang hindi siya tatantanan ng mga ito dahil sa pagkalas niya sa grupo. Takot ang mga ito na lumapit siya sa mga pulis, at isiwalat ang lahat ng mga nalalaman niya tungkol sa samahang dati niyang kinabibilangan.
"Cynthia!" Narinig niya ang boses ni Matthew.
"Bakit pa siya nandito? Ang kulit talaga ng lalaking ito!" saad pa niya sa sarili habang mariing napapikit. Kanina kasi, pagtulak niya kay Matthew ay siya ang tinamaan sa tagiliran ng bala ng baril na pinaputok ng mga humahabol sa kanya.
"Cynthia! Sumagot ka na! Wala na ang mga humahabol sa ‘yo," sigaw pa ulit ni Matthew. Naghahanap pa rin siya sa mga likod ng bawat sasakyang nakaparada roon, habang ang iba pang bodyguard nito ay naghahanap din. Maya-maya pa ay nakita na siya ni Apolo, isa mga bodyguard ni Matthew.
"Sir, nandito siya!" malakas na tawag nito sa amo.
"Cynthia!" Mabilis siyang nilapitan ni Matthew at saka binuhat upang madala sa sasakyan at mapagamot.
Habang nasa sasakyan sila, kalong pa ni Matthew ang kalahati ng katawan ng dalaga at ang mga hita naman nito ay nakatuwid sa buong upuan ng kotse. Sinusubukan niyang patigilin ang pagdurugo ng sugat nito na dulot ng bala ng baril.
"Sir, saan niyo po ba balak na dalhin si Cynthia?"
"Ano ka ba?! Saan ba dapat?! Siyempre sa pagamutan—sa ospital!"
Marahang gumalaw ang katawan ni Cynthia. Doon ay nagmulat siya ng mga mata at pabulong na nagsalita, "H-Huwag sa ospital… huwag niyo akong dadalhin sa ospital…"
"Pero kung hindi roon… saan? Hindi naman pwedeng hindi ka magamot!"
"S-Sa bahay na lang… k-kaya kong gamutin ang sarili ko," sagot pa niyang muli.
"A-Ano? Sir, saan mo ba talaga napulot ang babaeng ‘yan? Alam niyo po bang mas pwede pa po kayong mapahamak ng dahil lang sa kaniya!" sambit ni Apolo.
"Shut up! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Apolo. Iuwi mo na kami at bumalik ka na sa trabaho mo!"
Pagkatapos no’n ay may tinawagan ang binata sa kanyang cellphone. Sa pagkakataong iyon ay si Sebastian lang ang mapagkakatiwalaan niya.
“Sa pagbalik mo sa opisina, huwag mong sasabihin kaninuman na natagpuan ko si Cynthia… maliwanag ba?”
“Yes, sir!” sagot ni Apolo.
“Sa oras na kumalat ang balitang nakuha ko na si Cynthia, maaaring manganib muli ang buhay namin… mas mainam na huwag kayong magsasalita.”
SAKTONG pagbaba nila sa harap ng gate ng bahay niya ay naroon na agad si Sebastian, ito na ang nagbukas ng gate at nagpapasok sa kanila. Umalis na rin kaagad si Apolo sakay ng sasakyang minamaneho nito nang makababa na sila upang makabalik na sa opisina."Sebastian, nabili mo ba ang lahat ng mga sinabi kong bilhin mo?" tanong kaagad ni Matthew sa sekretarya niya. Kalong-kalong niya si Cynthia sa kanyang mga bisig."Yes... nabili ko namang lahat. Kumusta naman si Cynthia? Okay lang ba siya? Sigurado po ba kayo na hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital?""Ayaw niyang magpadala sa ospital. Ihanda mo na lang ang guest room ko… doon niya gagamutin ang sarili niya," sagot naman ni Matthew sa sunod-sunod nitong katanungan habang karga pa rin ang dalaga na noo'y hinang-hina na."P-Pero, sir—""Sebastian!" sigaw ni Matthew sa lalaki na may kasamang matalim na titig.Doon ay umakyat na nga sila sa itaas ng bahay—sa guest room, kung saan dali-daling inayos ni Sebastian ang higaan. Inil
Chapter 8Kinagabihan, ayaw man ng dalaga na iwan ang binata sa ganoong kalagayan ay kinakailangan niya na ‘yung gawin. Nakakatiyak siyang malalagay lang ito sa kapahamakan. Hindi sa lahat nang oras ay mapoprotektahan niya ang lalaki. Alam niyang kinakailangan din niyang makalayo upang hindi ang binata ang mapagbuntunan ng lahat ng mga maaaring mangyari.Black fitted pants ang suot niya at ang leather jacket na binili ni Matthew sa kanya noon pang bago pa lang silang nagkakasama sa bahay nito. Napapa-ilaliman lang ito ng isang simpleng crop top blouse na hapit din sa katawan niya. Isang baril lang ang dala niya, ‘yun pa ‘yong baril na nadala niya sa pagtakas niya mula sa grupo nina Mondragona. Ang tawag sa kanila ni Mondragona ay "The Snake Lady”. Marami silang sinanay para sa katawagang ‘yon, na ang ibig sabihin ay nakikipaglaban na parang mga sawa. Kahit na walang armas, kaya nilang pumatay ng tao na gaya ng isang ahas. Na sa pamamagitan lang nang paglingkis ay maaring mawalan ng bu
Chapter 9Mariin na nakadapa pa rin sa likod nang malapad na sofa si Matthew. Lumipas ang tatlumpung minuto na nasa ganoong kalagayan lang siya, bago niya tuluyang naisipan na tumayo mula sa pagkakadapa. Narinig niyang may mga sasakyang pumarada sa harap mismo ng bahay niya, at bumaba mula roon ang kanyang mga tauhan. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang kanyang naging sitwasyon no’ng gabing iyon."Sir Matthew! Ayos lang po ba kayo riyan?" Malakas na tawag ni Sebastian habang kasunod nito ang iba pang tauhan. Mabilis na siyang tumayo at lumapit sa pintuan para tuluyang mapagbuksan ang mga ito. Gulo-gulo ang kanyang buhok, wala na sa ayos ang suot niyang salamin, at maging ang suot niyang T-shirt ay wala rin sa tamang posisyon. Parang wala sa sariling ibinuka pa niya ng malaki ang dahon ng pintuan upang makapasok ang mga ito. Nang makapasok na nga sila, wala sa loob na may nagbukas ng ilaw. Nakita nila kung gaano kagulo ang buong bahay. Maraming gamit ang nasira dahil sa
CHAPTER 10KINABUKASAN, nang makapasok na siya sa kanyang opisina ay ilang kababaihan ang nakitang pumasok sa loob din ng building na ‘yon. Mas pinahigpit ang seguridad ng buong building, ngunit may mga dalang media I.D ang dalawang babae dahilan para papasukin sila ng receptionist at ng mga guwardiya sa loob ng building. Nagtungo ang dalawa sa elevator at sumakay roon. Si Matthew naman ay naglalakad na sa pasilyo patungo na kanyang opisina.Simula nang mawala sa tabi niya si Cynthia, naging malungkot na siya at hindi na bumabati sa ibang babae tulad nang dati. Napansin din iyon ng kanyang mga empleyado. Kita kasi nila ang madalas na pagsigaw at pag-init ng ulo niya sa maraming bagay.Sa loob ng opisina niya ay mag-isa siyang nakayukyok. Sa totoo lang ay wala siyang ganang magtrabaho, parang ayaw na niyang kumilos…parang pagod na siyang mag-isip. Pero bigla siyang napabangon mula sa lamesa."Hindi ako susuko! Kinakailangang harapin ko ang takot ko; mag-e-enroll ako sa firing academy!"
CHAPTER 11Malakas na tulak at may kasabay na sampal ang inabot ng binata mula sa kanya."Pwede ba, Matthew?! Kung galit ka dahil iniligtas kita, huwag mo naman gawin sa ganitong paraan!” malakas na sigaw ni Cynthia dahil sa ginawa nitong marahas na paghalik sa kanya."Oo! Ligtas na ako! Bakit mo pa ba ‘ko inililigtas?" galit at malakas ang boses na tanong din ng binata."Ganyan ka ba… pagkatapos kitang tulungan at iligtas?!" Pilit na tinatapangan ni Cynthia ang boses niya, bagamat puno siya nang pag-aalala dahil ibang Matthew ang nakikita niya ng mga sandaling ‘yon. Para ba itong maamong aso na bigla na lang naging mabangis na lobo; hindi niya alam kung anong nangyayari sa binata."Oo, dahil pinahihirapan mo ang loob ko! Darating ka sa panahong hindi na kita kailangan! Dapat hinayaan mo na lang akong mamatay! Sa susunod, ayokong iligtas mo pa ako! Ayoko na! Naintindihan mo?" Sabay tumalikod na ito sa kanya.Nagsisimula na itong humakbang palayo sa kanya, ngunit para bang may sariling
CHAPTER 12Umupo ito sa harap ng table nito na may computer at nagsimula na namang magtrabaho."Oh, trabaho na naman? Akala ko ba’y galing ka na sa trabaho? Trabaho pa rin ba rito sa bahay?" nakapamaywang niyang tanong sa matandang lalaki, sabay abot niya ng isang tasang may lamang kape.Paraan niya ‘yon upang maitago sa itinuturing na niyang ama at ina ang pag-aalalang dulot ng mga nalaman niya. Hindi siya segurado sa mga ginagawa ni Matthew, at nag-aalala na naman siya para sa kaligtasan ng binatang minamahal na niya.Nang gabing ‘yon, natutulog na si Arturo pero gising pa siya. Siya naman ang nakaupo sa harap ng computer nito. Nagri-research siya patungkol sa pangalan ng bagong agency na nakuha ni Matthew, na ang pangalan ay Eilberge Private Security Agency. Bago lang sa pandinig niya ang pangalan ng agency nito. Dati kasi, bilang hawak ng mga assassin, kabisado nila ang lahat ng pangalan at grupo ng mga ahensiyang maaari nilang makalaban, kaya naman nagtataka siya sa bagong ahensiy
Chapter 13HINDI pa nakuntento si Mr. Suarez at tinangka na naman nitong undayan ng isa pang suntok sa sikmura si Matthew. Ngunit nanlalaki ang mga mata nitong napalingon sa likuran niya, nang maramdaman ang isang kamay na mahigpit na pumigil sa mga kamao nito, at mabilis niyang binali ang kamay sabay tulak at sipa sa puwitang bahagi ng lalaki."At sino ka naman?!" galit nitong tanong nang makita si Cynthia. Mabilis itong napatayong muli mula sa pagkakatumba. Sinubukan nitong bumunot ng baril upang paputukan ang dalaga, ngunit mas mabilis si Cynthia nang madampot ang baril na nakakalat sa sahig, at pinaputok iyon sa lalaki. Tinamaan ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.“Kayo?! Ano pang hinihintay niyo? Paputukan niyo na sila! Patayin niyo na!” Utos nito sa ibang tauhan na naroon. Ngunit bago nito ‘yon magawa, mabilis na silang napatumba ni Cynthia gamit ang kanyang lakas at galing sa mixed martial arts.Matapos niyang patumbahin ang mga ito ay hinarap niya si Mr. Suarez at saka na
CHAPTER 14MAYA-MAYA pa ay isa-isa na niyang nilibot ang buong paligid. Lahat nang makikita niyang kalaban ay sinasalakay niya ng palihim bilang Snake Lady! Iyon ang kanyang pinagana… walang armas, at tanging katawan lang niya ang gagamitin niya upang isa-isahin ang mga kalaban niya. Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa buong building, at ang control ng power system ay nasa mga kamay na ni Matthew."Bakit namatay ang mga ilaw? Kayong lahat… may dala ba kayong flashlight?! Nalintikan na!"Dahil sa pagkawala ng ilaw sa buong paligid, medyo nagdilim sa ilang bahagi ng building. Si Cynthia naman ay nakasuot ng hi-tech shades kung saan nakikita niya nang malinaw ang lahat, kahit na madilim ang buong paligid. Isa ang mga gadgets na ‘yon sa nadala niya noong tumakas siya sa grupo nina Mondragona. Kumpleto rin sa mga kakaibang gadgets ang dating samahan na kinabibilangan niya, kaya naman gaanonman kadilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ang mga kalaban.Nakikita niya mula sa pinag
CHAPTER 20DALAWANG LINGGO NA ANG LUMIPAS…."Miss Cynthia," tawag sa kanya ng receptionist na si Alliza, itinaas pa nito ang kamay mula sa front desk nila upang mapansin niya ang pagtawag nito. Medyo malayo kasi ang kinatatayuan niya kasama ang iba pang mga bodyguard ni Matthew."A-Ako?" Nagtataka pa niyang naituro ang kanyang sarili. Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi habang kausap pa niya sina Sebastian, ang sekretarya ni Matthew, at iba pang member ng team.Lumakad naman siya palapit sa table ng mga ito, at kinuha ang landline na nakalapag. "H-Hello?" atubili pa niyang sagot sa telepono. Alam niyang imposibleng makatanggap siya ng tawag sa telepono dahil wala siyang alam na nakakakilala sa kanya."Kamusta ka na, aking mahal na alaga? Masyado ka na kasing matagal na naglalagalag; hindi na ako nasisiyahang makipaglaro ng taguan sa ‘yo," sambit ng isang tinig na kilalang-kilala niya."A-Ano’ng kailangan mo sa akin?" naitanong niya, kahit na alam na alam naman niya talaga ang kailang
CHAPTER 19Six month later…Nagsimula ng muli ang operasyon sa kanyang opisina. Bukas na ulit ang building para sa lahat ng mga empleyadong papasok doon at magtatrabaho. Isang mahigpit na seguridad na ang ipinalagay ni Matthew at ng lahat ng board members ng kumpanya para na rin sa kabutihan at kaligtasan ng lahat.Halos ayaw niyang bumaba nang pagbuksan siya ng pintuan ni Cynthia."Hindi ba dapat ako ang gumawa niyan? Ako ang dapat nagbubukas ng pintuan para sa ‘yo," wika niya sa babaeng nakatayo sa labas ng kanyang kotse.Naka-black blazer ito na napapalooban ng puting T-shirt, black pants, at black shades, na akala mo ay isa siyang miyembro ng men in black team. Dinaig nito ang dati niyang mga bodyguard; hindi ito namamansin habang nagmamaneho, masyado ring seryoso ito, at hindi rin nagtatanggal ng salamin. Sa nakalipas na anim na buwan matapos ang mga naganap sa lumang bahay nina Matthew, minabuti nilang magsanay nang magkasama. Isang training camp ang pinasukan nila kasama rin an
CHAPTER 18One week later…Sa kagustuhan ni Cynthia na mabago ang pagtingin ni Matthew sa mga pulis, sama-sama silang nagpunta sa lumang bahay. Napag-isipan nilang maghanap pa ng ilang maaaring maging ebidensiya roon kasama ang pulis na si Miguel Del Rosario. Kinumbinsi rin ni Cynthia si Matthew na pumayag nang makipagtulungan sa pulis upang matalo at mahanap kung sino ang mga tunay na pumatay sa kanyang mga magulang, at kung sino ang nagpapapatay sa kanya. Naroon sila sa dating mansiyon kung saan lumaki ang binata, at ngayon ay pilit nitong aalalahanin at babalikan ang nakaraan."Matthew, alam kong makakaya mo ‘yan," sambit ni Dra. Cesil, sumama rin kasi ito upang masiguro ang magiging kalagayan ng binata. Delikado kasi ang epekto ng trauma. Maaaring mag-cause ng atake, nahihirapang paghinga, at sobrang panginginig, kung hindi makakayanan ng binata ang matinding takot.Maya-maya pa, nagulat si Cynthia nang mahigpit na hinawakan ni Matthew ang kanyang kamay. Para sa binata, wala ng ib
CHAPTER 17"Ano’ng meron?" nakasimangot na tanong kaagad ni Matthew nang makita nitong bumaba siya sa sasakyan ni Chief Miguel Del Rosario."Wala, may ilang bagay lang akong ipinagtapat sa kanya patungkol sa kaso mo, at sa kaso ko na rin," sambit niya, sabay lakad nang papasok sa loob ng bahay ni Tita Art."Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na wala akong tiwala sa mga pulis? Ayokong makialam pa sila sa mga problema ko; wala silang naitutulong! Ayoko rin na lapit ka nang lapit sa lalaking ‘yon!" May bigat at himig ng galit sa tinig ni Matthew nang sabihin ang mga salitang ‘yon.Nalaglag naman ang balikat niya, at dismayadong marinig ang salitang ‘yon buhat sa binata. "Matt, ano ba? Kailangan nating magtiwala sa mga alagad ng batas. Kailangan nating makipagtulungan kung gusto nating mabuhay. Mabibigat ang mga kalaban natin… hindi ko sila kayang lahat! Ikaw lang naman ang inaalala ko rito.""Ako ang inaalala mo? Wow! Sige, ito ang sasabihin ko sa ‘yo… huwag mo na akong alalahanin. Aka
Chapter 16Pasado alas-diyes nang gabi nang makita ni Cynthia si Matthew sa maliit na balkonahe ng bahay na ‘yon na kanilang tinutuluyan. Nakita niya ang seryosong mukha ni Matthew habang may kausap sa cellphone. Hindi niya alam kung sino ang kinakausap nito, at kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit sa unang pagkakataon, nakita niya ang mukha ni Matthew na tila walang takot… hindi kagaya ng palagi niyang nakikita sa ekspresyon ng mukha ng binata. Ang makita ang lalaki sa ganoong itsura ay nagdulot nang matinding kaba para sa kanya. Naalala niyang ilang buwan pa lang niyang nakikilala at nakakasama si Matthew. Paano kung ang lahat ay isang malaking palabas lang pala? Paano kung hindi naman pala ito tulad ng kanyang inaakala? Bahagya siyang napatungo nang mapansing humarap ang binata, at nakita siya nitong nakatayo roon.Mabilis nitong ibinaba ang cellphone at ngumiti sa kanya bago lumakad palapit. "Ano’ng ginagawa mo riyan sa dilim?""Ha? Na…nauhaw kasi ako kaya lumabas
CHAPTER 15Matapos nilang manggaling sa police station, dumiretso sila sa bahay na tinutuluyan ni Cynthia, sa maliit na bahay ni Arturo na isa sa mga empleyado niya, at siyang tumulong kay Cynthia noong panahong sugatan ito. Palinga-linga siya sa buong paligid, maraming maliit na kabahayan doon at dikit-dikit din. Nakita rin niya ang ilang mga taong nakatambay sa tindahan at maraming mga batang nagtatakbuhan. Tatlong sakay ng jeep kung magko-commute lang sila papunta sa opisina ni Matthew, at mga kalahating oras naman kung sasakyang pribado ang gagamitin."Bakit dito tayo nagpunta? Huwag mong sabihin sa akin na sa ganitong klaseng lugar ka nakatira?" tanong niya sa dalaga."Oo, dito ako nakatira. Isa sa mga empleyado mo ang tagarito at siyang kumukupkop sa akin," sambit niya sabay liko sa isang maliit na eskinita.Siya naman ay mabilis na sinusundan ang dalaga. Hindi siya mapakali sa mga matang kanina pa sumusunod sa kanila nang tingin. Hindi sila sumakay sa kanyang sasakyan; mula sa
CHAPTER 14MAYA-MAYA pa ay isa-isa na niyang nilibot ang buong paligid. Lahat nang makikita niyang kalaban ay sinasalakay niya ng palihim bilang Snake Lady! Iyon ang kanyang pinagana… walang armas, at tanging katawan lang niya ang gagamitin niya upang isa-isahin ang mga kalaban niya. Sa isang iglap, namatay ang lahat ng ilaw sa buong building, at ang control ng power system ay nasa mga kamay na ni Matthew."Bakit namatay ang mga ilaw? Kayong lahat… may dala ba kayong flashlight?! Nalintikan na!"Dahil sa pagkawala ng ilaw sa buong paligid, medyo nagdilim sa ilang bahagi ng building. Si Cynthia naman ay nakasuot ng hi-tech shades kung saan nakikita niya nang malinaw ang lahat, kahit na madilim ang buong paligid. Isa ang mga gadgets na ‘yon sa nadala niya noong tumakas siya sa grupo nina Mondragona. Kumpleto rin sa mga kakaibang gadgets ang dating samahan na kinabibilangan niya, kaya naman gaanonman kadilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ang mga kalaban.Nakikita niya mula sa pinag
Chapter 13HINDI pa nakuntento si Mr. Suarez at tinangka na naman nitong undayan ng isa pang suntok sa sikmura si Matthew. Ngunit nanlalaki ang mga mata nitong napalingon sa likuran niya, nang maramdaman ang isang kamay na mahigpit na pumigil sa mga kamao nito, at mabilis niyang binali ang kamay sabay tulak at sipa sa puwitang bahagi ng lalaki."At sino ka naman?!" galit nitong tanong nang makita si Cynthia. Mabilis itong napatayong muli mula sa pagkakatumba. Sinubukan nitong bumunot ng baril upang paputukan ang dalaga, ngunit mas mabilis si Cynthia nang madampot ang baril na nakakalat sa sahig, at pinaputok iyon sa lalaki. Tinamaan ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.“Kayo?! Ano pang hinihintay niyo? Paputukan niyo na sila! Patayin niyo na!” Utos nito sa ibang tauhan na naroon. Ngunit bago nito ‘yon magawa, mabilis na silang napatumba ni Cynthia gamit ang kanyang lakas at galing sa mixed martial arts.Matapos niyang patumbahin ang mga ito ay hinarap niya si Mr. Suarez at saka na
CHAPTER 12Umupo ito sa harap ng table nito na may computer at nagsimula na namang magtrabaho."Oh, trabaho na naman? Akala ko ba’y galing ka na sa trabaho? Trabaho pa rin ba rito sa bahay?" nakapamaywang niyang tanong sa matandang lalaki, sabay abot niya ng isang tasang may lamang kape.Paraan niya ‘yon upang maitago sa itinuturing na niyang ama at ina ang pag-aalalang dulot ng mga nalaman niya. Hindi siya segurado sa mga ginagawa ni Matthew, at nag-aalala na naman siya para sa kaligtasan ng binatang minamahal na niya.Nang gabing ‘yon, natutulog na si Arturo pero gising pa siya. Siya naman ang nakaupo sa harap ng computer nito. Nagri-research siya patungkol sa pangalan ng bagong agency na nakuha ni Matthew, na ang pangalan ay Eilberge Private Security Agency. Bago lang sa pandinig niya ang pangalan ng agency nito. Dati kasi, bilang hawak ng mga assassin, kabisado nila ang lahat ng pangalan at grupo ng mga ahensiyang maaari nilang makalaban, kaya naman nagtataka siya sa bagong ahensiy