Nang malaman ni Ysabela ang kaniyang pagbubuntis, takot at saya ang bumalot sa kaniyang puso. Hindi niya iyon inaasahan, lalo pa't alam niyang maaaring hindi matanggap ni Greig ang kaniyang pagbubuntis. Alam niyang maaaring mapawalang bisa ang kasal nila dahil simula't sapul ay peke lamang ito. Ano ang mangyayari kung biglang bumalik ang babaeng mahal nito? Ano ang magiging laban niya kay Natasha? Magagawa niya pa bang ipaglaban ang lalaki kung patuloy nitong pinipili ang dating kasintahan? O magpapaubaya na lang siya ng tuluyan?
View MoreNang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital.Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito.Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela.Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad.“Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae.“Who is he?”Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata.Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga siya. Ima
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a
“Congratulations, you are pregnant!”Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.“What are you thinking about?”Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments