Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at kulang ang kanyang kaalaman sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho pero bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging taga-bantay. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga anak ng bilyonaryo kay Lingling, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
View MoreCHAPTER 116 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Maagang umalis hija kaya kami na lang ng driver ang sumundo muna sa inyo." Sagot ni Manang Marivic na maitanong ko sa kanya kung bakit hindi si Kale ang sumundo sa kanyang mga anak. Kaya pala, maagang umalis, marahil, importante ng meeting niya. Ten o'clock kasi ang dating ng eroplano at ngayon ay kakasundo lang sa amin ni Manang kasama ang driver pauwi ng bahay.. “Ganoon po ba Manang, ayos lang po, ang mahalaga narito po kayo.” Wika ko. "Oo, ewan ko ba sa batang iyon at focus na naman sa trabaho, kahapon lang siya umuwi ng bahay para sabihin na babalik na kayo kaya nagpa-general cleaning siya sa kwarto ng mga bata at kwarto mo-” kwarto ko? Ah, okay. Mananatili pa pala ako ng ilang days sa bahay nila hanggang sa maka-adjust ang mga bata at babalik na ako sa condo unit ko para doon manatili habang ako ang mag-aasikaso ng isa sa negosyo ng mga magulang ko rito sa Maynila, ang kilalang mall na pagmamay-ari ng mga mahal ko sa
CHAPTER 115 Yaya Lingling and the Billionaire's twin It's been two days na hindi nagparamdam si Kale kundi sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng tawag. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa Manila pagkatapos sabihin ng mga kuya ko ang tungkol kay Jeniza. Umuwi na rin sa ibang bansa ang mga kapatid ko at ako at ang mga bata ay nasa probinsya pa. Bukas pangalawa ay babalik na ang mga bata sa Manila at gusto nila na kasama ako kahit hindi na ako magiging Yaya sa kanila dahil malaki na raw sila. Kaya na nila mag-isa, pero ayaw na nila na mawalay sa akin. Ganoon din naman ako sa mga bata, kaya sasama ako sa kanila. Gusto ko ring malaman kung ano ang ginawa ni Mr Callisto sa Manila. Is he okay now? Tinawagan ko si Manang Marivic pero hindi raw sa bahay umuuwi si Kale. Isa lang din ang naisip ko, may hotel business siya baka doon muna siya namalagi. “Ang lungkot mo talaga ngayon apo." Narinig kong sabi ni Lola. Lumingon ako sa kanya na malapit na matapos ang ginawa niyang croc
CHAPTER 114Yaya Lingling and the Billionaire's twin Mahigit 30 minutes na yata akong nakadungaw sa kanya dahil nagbabakasakali na ulitin niyang sabihin sa akin ang narinig ko na pagpropose niya. Tama ang narinig ko at hindi ako nagkamali na lumabas mismo iyon sa bibig niya. Pero, niloloko ko lang yata ang sarili ko dahil wala na akong naririnig simula nang sabihin niya ang narinig ko na pakakasalan ko raw siya. Nakapamewang ako na masamang nakatingin sa kanya. “Alam mo…basta…I hate you. Sa panaginip ka lang nagsasalita eh. Make sure mo lang na maganda ako diyan sa panaginip mo, dahil kung hindi…hay naku…I hate you na talaga boss gulay. Makaalis na nga, baka hindi ako makapagpigil at mahalikan pa kita riyan…” Halos pukpukin ko ang sarili ko dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko at naiisip sa taong tulog. Baka talagang inaantok na ako kaya ako ganito. Walang lingon akong lumabas ng kanyang kwarto at nagmamadaling pumunta ng aking silid, tulog pa rin ng mahimbing ang mga ba
CHAPTER 113 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Tumayo ka kasi ng matuwid para makalakad ka ng maayos, ang bigat mo kayang tao ka." “Shit!" Ayan tuloy, kamuntikan na naman kaming matumba sa damuhan, buti nalang at bermuda itong tinatapakan namin dahil kung semento ito, for sure, kinabukasan marami itong pasa sa katawan. May mga pasa na rin yata ako pero hindi ko na pinapansin. "Sha...an ba tha...yo pupunta?” "Eh di sa kwarto mo kung saan ka matutulog. Alangan namang iuwi kita sa Maynila na ganyan ka– lasing…” sagot ko sa taong pasuray-suray na ang lakad. “Ah, thanks lady-" kanina baby ngayon naman lady, ang dami namang girlfriend ang lalaking ito, iba-iba ang endearment na ginagamit, tse. Kung hindi lang malambot ang puso ko ay baka iniwan ko na ito sa gazebo hanggang sumapit ang umaga. O di kaya hinayaan na matulog sa bermuda. “Umayos ka sa paglalakad, inalalayan lang kita kasi walang ibang tutulong sa'yo dahil ako lang ang gising sa mga oras na ito kaya umayos ka
CHAPTER 112 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Patulog na ako na may narinig akong maingay sa labas ng kwarto ko. Natutulog na ngayon ang mga bata. Dito ko sila gustong patululugin sa aking kwarto dahil ang ama nila ay iyon, naglalasing kasama ang mga kuya ko pagkatapos naming kumain ng hapunan. Konti lang ininom ni daddy dahil may trabaho pa ito kinabukasan. Nasa gazebo sila nag-iinuman at ngayon ay wala ng maingay akong naririnig sa labas lalo, sabagay, malapit na mag-alas onse ng gabi. Alam ko na hindi si Yaya nanay ang nasa labas dahil maaga itong natutulog. Oh, baka si boss gulay ang nasa labas ng kwarto ko at bago matulog ay silipin niya muna ang mga anak niya kung mahimbing na bang natutulog. Pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isa sa kasambahay namin. “Good evening po ma’am Chaldenne." “Yes po-" “Pwede po ba na kayo nalang po ang gumising kay sir….sir…ano na ang pangalan niya ma’am? Basta si sir pogi po,” sir pogi? Kilala niya ang mga pangala
CHAPTER 111 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Talaga po?" “Oo….noong sinabi ni mama, doon namin nalaman na anak pala ni uncle mo ang asawa ni Mr. Callisto." “So ibig niyo pong sabihin, cousin ko siya?" “Oo apo…." sagot naman ni granny sa akin. Nasa sala kami ngayon at umiinom ng tsaa. Samantalang si daddy at si boss Kale ay nasa library office ni daddy. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ang mga kapatid ko ay mamaya pa ang dating at ngayon ay nasa meeting palang. Kaya ito kami ni mommy, granny sa sala habang ang mga bata ay nasa kwarto ko dahil may online class. Pinayagan naman sila ng kanilang guro na online class na muna sila habang nasa probinsya sila namamalagi. At nang malaman ko ang tungkol sa asawa ni boss Kale na kadugo lang pala namin sa side ni daddy ay hindi ako makapaniwala, magpipinsan pa raw kami. “And still, I feel sad for her mommy and granny. May sakit na nga ang tao at lumalaban para sa kanyang mga anak, pero anong ginawa noong babae na itinurin
CHAPTER 110 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Mommy Lingling! Daddy! We miss you so much!" “Be careful kids!" Paalala ni Kale sa kanyang mga anak. Nauna na itong naglakad patungo sa loob para dalhin ang ibang mga gamit namin at ang mga bata ay nag-uunahan na bumaba sa hagdan. Kakauwi lang namin galing sa Maynila, pagkahupa ng bagyo ay agad kaming nag-book ng ticket para makauwi na agad habang maganda pa ang panahon, ang tatlong kuya ko ay mamayang gabi pa sila dadating, may business meeting daw muna silang pupuntahan sa Maynila at si Carpo naman ay tinamad nh sumama sa amin at may family dinner din sila ng kanyang pamilya. Hindi na ako umangal pa at may kasama naman ako, si Kale. “Hi babies! I miss you both!” pinigilan ko na hindi matawa pero hindi ko mapigilan na nilampasan ng mga bata ang kanilang daddy Kale at tumakbo sila patungo sa akin, naiwan sa ere ang mga kamay ni boss na handa na sanang yakapin ang kanyang mga anak, well, mas namiss nila ako, sorry ka na lang
CHAPTER 109Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hoy Mr Callisto! Nanigurado lang ako at baka may agenda kang gagawin habang dito ka natutulog.” wika ko sabay pinagcross ang mga braso sa dibdib ko at mataray na nakatingala sa kanya. "Silly, I'm here to sleep kaya makakaasa ka na hindi ka mabubuntis, hindi pa ako nakapagpaalam sa mga magulang mo para hingin ang kamay nila para ligawan ka at isa pa, may taong may gusto sa'yo-”Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Huh? Sino? Wala akong maalala na may nagkagusto sa akin.”"Akala mo lang iyon, marami nga akong kaagaw eh," aniya sa mahinang boses pero naririnig ko naman. Naglakad ito sa patungo sa single sofa at umupo. Don't say, diyan siya matutulog. Lumipat ang tingin ko sa kama at kasya naman kaming dalawa. Matutulog lang naman siya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sofa at pinikit ang mga mata. “Matutulog kang nakaupo?" Tanong ko na siya namang mabagal na pagdilat ng kanyang kanang mata para tingnan ako na nakatayo sa harapan n
CHAPTER 108 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kakarating lang namin sa airport kaso nga lang malakas ang ulan, mabuti nalang at nakarating kami na walang nangyari sa amin sa himpapawid. Balita ko kanina na nasa loob pa kami ng airport na cancel ang ibang flights. Timing na pagdating namin ay mas lalong lumakas ang ulan. “Hindi muna tayo makakauwi sa probinsya dahil isa sa flight natin ang cancel, kaya dito na lang muna tayo sa Manila magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Kuya Deion. "Are we going to book a hotel or uuwi kayo sa mga bahay niyo rito? Kaming apat ay sa hotel muna na malapit, since palakas ngayon ang ulan at baha na rin sa ibang kalsada at baka hindi na rin tayo aabot na ligtas,” sabi naman ni kuya Dazton. “Ako? Kung saan kayo, doon na rin ako, ayokong matulog lang sa kalsada kung ma trap ako dahil sa baha na iyan." Carpo said. “May malapit na hotel dito, doon na kami ni Miss Montaño." Sabay kaming napalingon kay Kale dahil sa sinabi nito. “Sa amin siya sasa
CHAPTER 01 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakangiting lumabas si Lingling sa public restroom at pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Umikot pa siya para makita ang kabuuhan niya. "Ang ganda ko talaga-" sambit niya sa sarili niya. "Kung sino ang tumutol ay tatadyakan ko," dagdag niya pa habang palinga-linga siya sa loob ng cr dahil may apat pa na pinto ang nakasarado. Baka mamaya may gumamit rin ng kabilang cubicle at narinig siya. At nang matanto niya na wala naman kaya napabuntong hininga na lamang s'ya at ngumiti ulit sa salamin. Tama naman ako na maganda ako ah. Bakit sila lang ba? Sabi ni nanay na dapat maging proud ka sa sarili, ipagmalaki mo ang sarili mo. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ako o kailan magtatago. Ang mahalaga ngayon sa akin ay kasama ko si nanay. Hanggang nariyan siya ay alam ko na safe ako. Maging maayos din ang lahat pero sa ngayon, e-enjoy ko muna ang buhay ko na malaya. Nasa mall kasi ako ngayon at may bibilhin at nang may nak...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments