Nakipagsapalaran sa Maynila si Charlie para makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin, masuportahan ang pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid, at maibsan ang pinansyal na responsibilidad ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglilibot para mag-apply ng trabaho, isang puting van ang biglang huminto sa harapan niya, at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. May kung anong tumama sa batok niya, dahilan upang mawalan siya ng malay. Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at suot ang isang wedding gown. Ilang tao ang nasa paligid niya, abala sa pag-aayos sa kanya. Nang tanungin niya kung ano ang nangyayari, nagulantang siya sa nalaman— Ikakasal na siya!
Lihat lebih banyak"Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse
Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen