Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.
Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.
At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.
Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arthur na gagawing miserable ang buhay kung hindi susunod sa gusto nito.
“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Ariel, ang kalbong make-up artist. “In all fairness, ma’am, hindi ako nahirapang pagandahin kayo dahil maganda na kayo naturally,” komento nito, at tanging ngiti lang ang iginanti niya dahil abala siya sa pagtitig sa sarili niya sa salamin.
Hindi niya lubos akalaing gaganda pa siya nang husto gamit lang ang make-up. Napakahusay gumawa ni Ariel.
“Ready na ba ang bride?” tanong sa kanila ng parang organizer ng kasal. Hindi niya ito makita dahil natatabunan ito ng repleksiyon ni Ariel.
“Magsisimula na ang wedding ceremony in twenty minutes,” anunsyo nito.
Isa-isa nang umalis ang mga tao sa kwarto hanggang si Charlie na lang ang natira. Hinintay niya na lang na dumating ang organizer para gabayan siya sa gagawin.
At bawat minutong lumilipas, hindi niya mapigilang mapaisip kung bakit pa sa kanya nangyari ang bagay na ‘to.
Siguro blessing in disguise na rin siguro ito matapos ang lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa niya ara sa pamilya niya.
“Ms. Charlie?”
Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito kasunod ng pagsulpot ng isang babae.
“This way po,” nakangiting sabi nito sa kanya bago inilahad ang kamay nito.
“The wedding ceremony will start any time from now,” dagdag pa nito.
Tumango lang siya at sumunod rito.
Pagkalabas ko ng kwarto, bumungad kay Charlie ang mahabang hallway. Hindi niya mapigilang mapatingin sa paligid dahil para siyang nasa isang hotel.
Kung hindi sinabi sa kanya na nasa bahay siya ni Arthur ay iisipin niya talagang isang hotel ‘to.
Ilang sandali pa, nakarating na sila sa labas ng bahay at bumungad sa kanya ang napakalawak na hardin. Kita niya rin mula sa kinatatayuan niya ang set-up ng venue.
Sa tapat niya ay nakalatag ang red carpet hanggang sa maliit na altar sa unahan. Sa bawat gilid naman ay ang mga bouquet ng pink at white roses. Kulay puti ang telang ginamit para palamutian ang paligid.
Kompleto rin ang mga kasali sa kasal gaya ng flower girls, ring bearers, at iba pa. May mga bisita rin na hindi niya alam kung bayad ba o totoong imbitado talaga.
Ilang saglit lang matapos kong makapwesto, namayani ang malamyos na tunog ng piano at violin sa paligid.
Huminga nang malalim si Charlie. Heto na talaga.
Ilang sandali mula ngayon, magbabago na ang takbo ng buhay niya... Magiging Instant Billionaire’s Wife na siya.
Alam niyang hindi naman totoo ang kasalang ito, pero hindi pa rin niya mapigilang madismaya—lalo na’t pangarap niyang ikasal sa taong minamahal niya. Pangarap niyang bagtasin ang mahabang pasilyo kung saan naghihintay ang lalaking nagmamay-ari ng puso niya. Ang ganitong karanasan ay isang beses lang nangyayari sa buhay ng isang tao, kaya naman ginagawa talaga ng karamihan ang lahat para gawing espesyal ang araw na ito.
Pero heto siya ngayon, pinipeke ang lahat.
Huminga siya nang malalim bago tumingin sa unahan, kung saan naghihintay si Arthur. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha nito. Pero kahit gano’n ay hindi niya maitatanggi ang kaguwapuhang taglay nito. Matangkad, mestiso, at guwapo. Idagdag mo pa ang yaman nito. Halos perpekto na sana, kaso ang sama lang talaga ng ugali. Kahit ilang oras pa lang niya itong nakikilala, masasabi na niyang marami ang may galit sa kanya. Tingin nito’y nareresolba ng pera ang lahat. Oo, nagagawa niyang ayusin ang mga bagay-bagay, pero hindi nito naaalis ang inis, galit, at pagkamuhi ng mga taong inaapakan niya—at kasama na siya roon.
Hindi niya mapigilang mainis dahil pinilit siya nitong mapunta sa posisyong ito at pwersahang pinayag. Pero iyon na nga, kaya niyang isawalang-bahala ang nararamdaman niya para sa pamilya niya. Kung ito lang ang tanging paraan para maibigay niya sa kanila ang magaang pamumuhay, gagawin niya. Titiisin niya.
Pagkarating niya sa dulo ay muli siyang bumuga ng hangin bago umangkla sa braso nito.
"Keep your head up. Huwag ka yumuko," bulong nito sa kanya. "We need to pretend we're really in love," dagdag pa kaya napatingin siya rito.
"Pati ba naman yun ay gagawin ko?" reklamo niya. Ni hindi nga niya alam kung anong feeling ng ma-inlove.
"Kasama yun syempre. My grandfather is here," matigas nitong sabi, at naramdaman niya kung paano nanigas ang muscles nito sa braso niyang hawak niya. "Just go with the flow. Think of me as your beloved groom. Hindi pwedeng mahalata ni Lolo na pinepeke lang natin ang kasal."
Wala itong ibang sinabi sa kanya kundi ang umakto nang natural. Hindi naman niya alam kung ano ang ibig sabihin nito, kaya inisip na lang niyang ito ang lalaking nagmamay-ari ng puso niya.
"Things will get real from now on. Ready yourself and don't act surprised or our cover will be blown," paalala nito bago sila tumayo para sa wedding vows.
Nang makatayo sila ay doon niya nakita ang isang matandang lalaki na halos puti na ang lahat ng hibla ng buhok, nakatitig sa kanila. Napapaligiran ito ng mga lalaking nakasuot ng itim na amerikana.
"That's my grandfather. Kahit matanda na 'yan, malinaw pa rin ang mga mata niyan kaya umayos ka," bulong ni Arthur sa kanya. "Take this ring as proof of..."
Hindi na siya nakapag-focus sa sinasabi nito dahil natuon ang atensyon niya sa lolo nitong titig na titig sa kanila. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.
"Your turn..." Napapitlag siya nang bahagyang pisilin ni Arthur ang kamay niya, kaya napatingin siya rito.
"Focus on me. Sa akin ka lang tumingin," dagdag nito. "Say your vows."
Napatango na lang siya bago sinunod ang mga sinasabi ng pari kasabay ng paglagay niya ng singsing sa daliri nito.
Hindi niya maiwasang magpasulyap-sulyap sa kinaroroonan ng lolo ni Arthur. Masyado siyang na-distract rito kaya hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ng pari.
Napakurap siya nang maramdaman ang paglapit ni Arthut sa kanya at ang dahan-dahan nitong pag-angat ng belo. Titig na titig ito sa kanya. Gusto sana niyang iwasan ang mga mata nito, pero may kung ano sa mga titig nito na pilit siyang hinihila rito.
"Close your eyes," matigas nitong bulong. "I can't kiss you when your eyes are open," dagdag pa nito bago mas lumapit sa kanya.
"K-Kiss?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Wala sa usapan natin 'yan."
"I told you, right? I told you that things will get real," dagdag nito bago mas lumapit sa kanya. Ikinulong ng malalaking kamay nito ang magkabilang pisngi niya. "So just put up with it. I'll give you additional compensation," dagdag pa nito. "May kinasal ba na hindi naghalikan?"
Natuod siya sa kinatatayuan niya. Gusto niyang pigilan ito. Gusto niyang sabihin na huwag—na kung pwede sa pisngi na lang, dahil hindi niya kayang hayaan magdampi ang mga labi nila. Hindi pa siya nahahalikan sa buong buhay niya, at gusto niyang ang unang halik niya ay sa lalaking mahal niya.
"Arthur, sandali—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang dumampi na ang mga labi nito sa kanya.
Gusto niya itong itulak, pero natatakot siya na baka masira ang plano nito. Kaya ang ginawa na lang niya ay pumikit at hinintay na lumayo ang labi nito sa kanya.
"I now declare you husband and wife..." rinig niyang sambit ng pari kasunod ng palakpakan ng mga tao sa paligid.
Marahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niyang nakalayo na pala ito sa kanya. Akala niya nakadampi pa rin ang labi nito dahil damang-dama niya pa rin ito.
Napatitig siya rito—sa lalaking nakakuha ng unang halik niya. Hindi siya makapaniwalang naibigay niya ang pinakainiingatan niyang first kiss sa isang estranghero.
Tumitig sa kanya si Arthur at ngumiti. Iyon ang unang beses na nakita niyang ngumiti ito sa kanya nang matamis... yong ngiti na tila ba nakatitig ito sa taong mahal na mahal nito.
Kung hindi lang niya talaga alam na palabas lang ang lahat, maniniwala talaga siyang mahal siya nito.
Pilit din siyang ngumiti rito pabalik at inisip na ito ang lalaking mahal niya. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, pero sana oo—dahil patay talaga siya rito mamaya pagkatapos ng wedding ceremony.
"I love you, my wife," sambit nito at sinadya pang lakasan ang boses para marinig ng lahat. Pagkatapos ay muli itong lumapit sa kanya at h******n siya.
"Kiss me back," dagdag nito. "Do it. I'll pay you extra."
Wala na siyang nagawa kundi ang humalik pabalik kahit hindi niya alam kung paano. Ginaya na lang niya ang ginawa nito kung paano ito humalik.
Para sa pera! Para sa pamilya! Para makaahon sila sa kahirapan!
Nang maglayo ang kanilang mga labi, muli siyang ngumiti rito. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at mabilis itong hinalikan.
"I love you, too,"sagot niya rito at matamis na ngumiti. "My handsome, sweet, and loving husband."
"Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char
"Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse
Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char