Share

Instant Billionaire's Wife
Instant Billionaire's Wife
Author: EZPERANZAMAMACITA

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-03-23 20:40:51

Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.

Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid.

"N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?"

"Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras.

"H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"

Huminga si Charlie ang malalim para pakalmahin ang sarili niya, lalo na’t naalala niyang may dumukot sa kanya. Muli niyang iginala ang mga mata niya at nakita ang dalawa pang taong kasama nila sa loob ng kwarto—isang lalaki at isang babae. May hawak silang wedding gown.

"Ma'am, please, makipag-cooperate ka na lang sa amin. Kami ang malilintikan kay Mr. Arthur. Mainit pa naman ang ulo no'n," nababahalang sambit ng make-up artist sa kanya. "Mamaya ka na po mag-hysterical 'pag natapos ang trabaho namin. Pakiusap lang."

"Hindi! Hindi!" Umiling siya nang mariin at akmang babangon na sana, pero pinigilan siya ng dalawa pa nitong kasamahan.

"Ma'am, please lang po. Isuot n’yo na lang 'tong gown at hayaan n’yo kaming tapusin ang make-up at hairstyle n’yo," pakiusap ng babae sa kanya. "Maawa kayo, ma'am. Kami ang mapagbubuntungan ng galit ni Mr. Arthur."

"This is kidnapping!" bulalas niya at muling umatras palayo sa mga ito. "Dinala ako rito nang labag sa kalooban ko! Magfa-file ako ng report sa pulis! Kaya kung ayaw n’yong madamay, huwag kayong lumapit sa akin!" pagbabanta niya sa mga ito, bago hinagilap ang cellphone niya, pero hindi niya mahanap.

Ano ba naman itong nangyari sa kanya. Maghahanap lang dapat siya ng trabaho, pero napunta siya rito.

"This one? Are you looking for this trash?"

Napalingon si Charlie sa llikuran niya nang umalingawngaw ang malalim na boses ng isang lalaki.

Matalim ang mga titig na ipinupukol nito sa kanya, bago ito mabilis na humakbang palapit. Pansin niya ang mabilis na paglayo ng tatlong kasama niya kanina. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot, kaya natakot na rin siya.

Ramdam niyang may kung anong bumara sa lalamunan niya sa mga sandaling iyon, pero pilit niyang tinatagan ang sarili niya. Hindi pwedeng magpadala siya sa takot. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili niya. Marami pang umaasa sa kanya, ang mga magulang niya at ang mga kapatid niya. Maghahanap pa siya ng trabaho.

"Hey, are you listening?"

Napakurap si Charlie nang marinig niya ang malalim na boses ng lalaki sa tapat mismo ng tainga niya. At doon niya lang napansin na nakalapit na pala ito sa kanya. Masyado kasi siyang nalunod sa pag-iisip sa pamilya niya kaya nawalan siya ng kamalayan sa paligid niya.

Napalunok siya nang halos hindi siya makahinga dahil sa bigat ng presensya ng lalaking kaharap niya. "L-Lumayo ka sa akin," halos pabulong niyang sabi. "Lumayo—"

Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang ilapat ng lalaki ang hintuturo sa kanyang labi.

"I'm still talking, Charlie Mera," bulong nito sa tainga niya.

Hindi niya napigilang kilabutan sa ginawa ng lalaki kaya agad niya itong naitulak. "S-Sabing layo! Sino ka ba, bakit... mo ako kilala!"

Natawa ang lalaki sa ginawa niya bago ito umatras at lumingon sa tatlong kasama niya kanina.

"Leave us alone for a moment," matigas nitong utos.

Mabilis na umalis ang tatlo. At pagkasara na pagkasara ng pinto ay muling humarap sa kanya ang lalaki. Doon napansin ni Charlie ang kulay asul nitong mga mata na tila sinasalamin ang malawak na karagatan sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw.

"You see, things are a bit complicated right now, and you're the only one who can make them easier," panimula nito bago humakbang palapit sa kanya.

"Bakit ako?" kunot-noong tanong niya. "Anong kinalaman ko rito?"

"That's also my question. Bakit ikaw?" balik na tanong ng lalaki sa kanya. "But I don't have time to answer that question. Time is running, so I will make it quick. Five million pesos—marry me."

"H-Ha?" Iyon na lang ang nasabi niya. Parang huminto ang isip niya sa narinig.

"Marry me, and I'll give you five million pesos as compensation," paglilinaw ng lalaki bago ito mas lumapit sa kanya. "I know you badly need money. I had your background checked just a few minutes ago, so I am sure you will not decline my offer. Tama ba ako, Charlie?"

Huminga si Charlie  nang malalim bago muling sinalubong ang asul nitong mga mata. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ako? Pwede namang ibang babae ang—"

"Dahil palpak ang mga inutusan ko," matigas nitong sambit. "They fùckin' picked up the wrong girl! Kaya narito ka ngayon sa harapan ko!"

Napapitlag si Charlie sa biglaang pagtaas ng boses ng lalaki. Nakakatakot ang awra na lumalabas dito, kaya hindi niya napigilang mapaatras.

"Look..." Huminga ito nang malalim. "I will give you a hundred thousand right now if you agree to be my bride. But don't worry, it will just be a fake wedding. After things get done, you'll be free to live your life again, but you'll be bringing home with you the five million pesos."

Diretso itong tumitig sa kanya. Bakas na bakas sa mukha nito ang desperasyon.

"If you need proof, then wait..." Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Ilang sandali lang ay nagsalita ito. "Bring the case here. Now."

Pagkatapos no'n ay ibinaba na nito ang tawag at muling tumingin sa kanya.

Hindi makapagsalita si Charlie, hindi dahil sa wala siyang masabi, kundi dahil hindi siya hinayaan ng lalaki na magsalita. Bawat buka niya ng bibig niya ay inuunahan siya ng lalaking ito.

"I saw the envelope you had with you. It seems like you're looking for a job, so let's put it this way..."

Isang hakbang na naman ang ginawa ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga dahil sa presensya nito.

"You'll have your five million, and you will also secure a job in my company."

"S-Sir..."

Kapwa silang napalingon nang may marinig silang boses ng babae. Hingal na hingal ito at mukhang tumakbo pa ito para lang makarating dito.

"H-Heto na po."

"Good. Give it to me and leave," matigas nitong sabi bago kinuha ang attaché case sa babae at agad nahumarap sa kanya kasabay ng pagbupagbug attaché case.

Nanlaki ang mga mata ni Charlie nang makita ang makakapal na bundles ng tig-iisang libong piso.

"So, what do you say?"

Tumitig lang siya rito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot; kung ano ang mararamdaman.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Kanina lang ay naghahanap pa siya ng trabaho, na-kidnap, at ngayon naman ay may estrangherong mayaman na nag-aalok sa kanya ng kasal.

Pabalik-balik ang tingin niya sa pera at sa guwapong mukha ng lalaki. Hindi siya makapagdesisyon dahil parang ang hirap paniwalaan ng lahat.

“P-Pwede ko bang... malaman kung bakit kailangan nating ikasal?”

Nakita niya kung paano huminga nang malalim ang lalaki. Nananunot na ang noo nito, pero nagawa pa rin nitong tumango nang marahan.

“I have to get married bago dumating ang lolo ko galing sa Italy. He’s already on his way back, kaya kailangan ko nang maikasal bago pa man siya dumating dahil mas magiging komplikado ang lahat kapag naabutan pa niya ang seremonya,” paliwanag nito.

“I had everything set. The only thing that I need right now is a bride.”

Tumitig lang siya rito. Kahit saang anggulo niya tingnan, may mali talaga.

“Bakit po kailangan mong ikasal?"

Napapikit ito matapos marinig ang sagot niya. Muli itong bumuga ng hangin.

“Alright. I guess I have to tell you everything,” sambit nito bago siya tiningnan nang diretso sa mga mata.

“My grandfather won’t give me my inheritance unless I get married. He wants to make sure that I am settled before he gives it to me. But there’s no way I’m going to let myself be tied to a woman, so I will just have to fake a wedding,” paliwanag nito sa kanya.

“Does that answer your question? Does that clear your doubts?”

“I... I don’t know. Anong mangyayari kapag hindi ako pumayag?” tanong niya rito at nakita niya kung paano dumilim ang ekspresyon nito. Hindi niya napigilang mapalunok nang tumagos sa balat niya ang matalim nitong mga titig.

“Look, you can’t say no to me. If you refuse to be my bride now, I will use all the connections I have to make sure you will never get a job—not just in this city but in the whole Philippines,” matigas nitong sambit habang nakatitig lang sa mga mata niya.  

"Seryoso ka ba?! Gagawin mo talaga yun?!" Nakaawang bibig niyang tanong.

“I'm serious. If you destroy my plan by refusing my offer, I will drag you down to hell with me. And yes, I am threatening you. But if you say yes, I will make sure you will be showered with blessings—work, money, and other opportunities.”

Humakbang ang lalaki palapit sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo nila.

Hindi niya na magawang umatras pa dahil tuluyan nang dumikit ang katawan niya sa pader.

“Be wise with your decision. Alam kong may pamilya kang gustong suportahan, na may pangarap kang iahon sila sa kahirapan. Just say yes, and I will make your dreams come true,” muling sabi nito.

“But say no, and I will shatter your dreams to dust and trample over your hope ‘til you fall into despair.”

Lumayo na ito sa kanya at inayos ang suit na suot. Pagkatapos ay matamis siya nitong nginitian kasabay ng pagkuha nito ng ilang bundles ng one-thousand-peso bills at inalok sa kanya.  

“You have one minute to decide. And your time's start now."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Instant Billionaire's Wife   Chapter 2

    Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth

    Last Updated : 2025-03-23
  • Instant Billionaire's Wife   Chapter 3

    "Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse

    Last Updated : 2025-03-23

Latest chapter

  • Instant Billionaire's Wife   Chapter 3

    "Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse

  • Instant Billionaire's Wife   Chapter 2

    Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth

  • Instant Billionaire's Wife   Chapter 1

    Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status