"Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon.
"You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie.
"You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"
Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit.
"Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.
Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas.
"Lolo, can you excuse me and my bride for a while?" magalang na sabi ni Arthur bago lumingon kay Charlie. Marahan ngunit madiin niyang tinanggal ang kamay ng dalaga mula sa kanyang braso.
"You said you wanted to go to the restroom, right? Let’s go while the program hasn’t started yet," aniya, sabay hila kay Charlie. Halos masubsob ito sa bilis ng galaw niya.
Ramdam ni Charlie ang higpit ng hawak ni Arthur sa kanyang kamay "N-Nasasaktan ako," daing niya nang makalayo sila mula sa mga bisita. Mabuti na lang at agad din siyang binitiwan nito.
"W-Wala naman akong sinabi na magbabanyo ako," dagdag niya, bahagyang nangangamba sa inaasal ng lalaki.
Lumingon si Arthur sa kanya, at nang makita niya ang matalim na tingin nito, napaatras siya.
"Charlie, learn to read the room," malamig nitong sabi. "My grandfather is not someone we can fool with your poor acting skills," dagdag pa nito bago marahas na bumuga ng hangin at nagmura. "He clearly tricked me this time."
Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha at napailing. "We have to restructure our plan."
"Ano...?" nauutal na sagot ni Charlie, hindi maintindihan ang ibig sabihin ng lalaki.
"There will be major changes in our plan," anito nang mariin. "My grandfather successfully tricked me. Nandito na siya sa Pilipinas bago pa man niya sabihin sa akin na uuwi siya, and he surely had his eyes on me—on us—before he even attended the wedding ceremony." Paliwanag nito bago muling nagmura at nasipa ang lupa. "We have to continue our act ‘til we convince him."
Lalong kumunot ang noo ni Charliene. "Wala akong naiintindihan. Hindi ko rin alam ang planong sinasabi mo."
Muling tumalim ang tingin ni Arthur sa kanya bago ito marahang tumango. "Right. You’re not that girl."
Bahagya itong ngumisi bago umiiling. "Pumalpak nga pala ang mga bwisit na ‘yon."
Magsasalita na sana si Charlie para magtanong, pero bago pa siya makapagsalita, bigla na lang sumigaw si Arthur at sinipa ang pader malapit sa kanya. Napapitlag si Charlie sa gulat, nanigas sa kinatatayuan. Ramdam niya ang gumagapang na takot sa kanyang sistema.
This man in front of her is insanely dangerous.
Ngayon niya lang napagtanto kung bakit ganoon na lang ang takot ng mga makeup artist sa kanya kanina. Pati na rin ng babaeng tingin niya'y empleyado nito.
"Okay. So, here’s what we gonna do. I’m gonna simplify it para maintindihan mo agad," anito, mahigpit ang titig ng kanyang asul na mga mata kay Charlie.
"Let’s act as real couples. Make it as genuine as possible. I’m sure may karanasan ka na sa pag-ibig kaya hindi ka na mahihirapan pang—"
"Wala," putol ni Charlie sa sasabihin nito. Agad siyang umiwas ng tingin, ramdam ang pag-akyat ng dugo sa kanyang mukha.
"H-Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend," pag-amin niya bago tuluyang yumuko.
"What?!" Halos mapatalon siya sa reaksyon ni Arthur. "You’re kidding me, right?"
Umiling siya, mas ibinaba pa ang tingin para hindi makita ang reaksyon nito. "N-Nagsasabi ako ng totoo. S-Sa totoo lang, ‘yong kiss kanina..." Dahan-dahan siyang tumingala, nag-angat ng tingin upang makita ang kanyang mukha. "...first time ko..."
"The fúck?!" Napakurap si Arthur, hindi makapaniwala. Muling sinipa nito ang pader sa tabi niya, pulang-pula ang mukha sa inis. Halos sumabog ito sa galit.
"Palpak! Lahat ay palpak!"
Napaatras si Charlie, hindi alam kung ano ang gagawin.
"Uurong na lang... ako," nauutal niyang sabi, halos mabingi sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "H-Humanap ka na lang ng iba."
Lalo siyang nanigas nang mapatingin sa kanya si Arthur. Nagngangalit ang mga mata nito, at kita niya ang pag-igting ng panga nito.
"Are you being serious right now?" malamig nitong tanong, pinaningkitan siya ng mata. "Anong tingin mo sa ginagawa natin ngayon, nagpapractice?"
Napayuko si Charlie sa sinabi nito. Tama naman siya.
"S-Sorry..."
"I don’t need your apology. Mas kailangan ko ang cooperation mo," mabilis na sagot ng lalaki bago lumapit kay Charlie.
Dahan-dahang inabot nito ang kanyang baba at iniangat ang mukha niya upang magkasalubong ang kanilang mga titig.
"Are you alright?" tanong nito sa malambing na tono.
Hindi niya napigilan ang paglundag ng puso niya nang mapagtantong sobrang lapit ng mukha ng binata sa kanya.
"Ayos lang ako..."
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Arthur.
"Someone is watching us," bulong nito bago ibinaon ang mukha niya sa matikas nitong dibdib.
"Probably one of my lolo’s men. Act like you’re not aware of them and just act in love," dagdag nito bago siya marahang itinulak palayo.
Pagkatapos ay ikinulong nito ang kanyang mukha sa pagitan ng malalaking kamay nito.
"Shall we head back? I’m sure they’re waiting for us."
Bago sila lumakad, inilapit ni Arthur ang kanyang labi sa noo ni Charlie at bumulong.
"Again, cooperate with me. Dahil sa oras na pumalpak ang plano ko, I will drag you kung saang impyerno man ako babagsak."
Pagkatapos, nginitian siya nito at iniabot ang kamay. "Let’s go, honey?"
Tiningnan ni Charlie ang kamay nito bago humugot ng malalim na hininga at tinanggap iyon. Sabay silang lumabas habang magkawak ang mga kamay.
"Keep your chin up," bulong ni Arthur habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Charlie.
Tahimik silang naglakad papunta sa harapan ng hall, kung saan nagaganap ang wedding reception. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila. Hindi man siya sanay sa ganitong sitwasyon, pinilit niyang isuot ang pinakamagandang ngiti na kaya niya.
“Relax,” dagdag ni Arthur, bahagyang niluwagan ang hawak sa braso niya. “Just smile and act like you belong here.”
Napalunok siya. “Easy for you to say. Ikaw, sanay na rito. Ako hindi ako sanay na magsinungaling at magpanggap."
He smirked. “Then let me remind you—so should you.”
Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng titig ng lolo ni Arthur—matapang, mapanuri, at tila may hinahanap na butas. Hindi niya maiwasang mapalingon kay Arthur. “He’s watching us,” bulong niya.
“I know.” Bumaling ito sa kanya, bahagyang yumuko upang bumulong. “Just keep smiling. Wala akong pakialam kahit mamaga ‘yang pisngi mo.”
"Ang sakit na nga, eh," reklamo niya, pero nanatili pa rin ang pilit na ngiti sa kanyang mukha.
Pagdating sa harapan, muling nagsalita ang host. “Ladies and gentlemen, let’s give our newlyweds another round of applause!”
Palakpakan ang lahat. Lumapit sa kanila ang lolo ni Arthur, may bahagyang ngiti sa labi.
“It’s nice to see you finally settling down, hijo,” anito, saka tumingin kay Charlie. “And I’m happy to see you do it with such a fine lady.”
“Thank you, Lolo,” sagot ni Arthur, tila walang bahid ng kaba. “I told you, I found the one.”
Napilitan siyang ngumiti at tumango.
“Good,” wika ng matanda bago muling bumaling sa mga bisita upang magbigay ng talumpati.
Habang nakikinig, unti-unting humupa ang kaba ni Charlie. Parang gusto lang nitong makita ang apo niyang bumuo ng sariling pamilya.
Wala naman sigurong dapat ipag-alala… di ba?
Ngunit agad siyang bumalik sa realidad nang marinig ang host.
"Now, to officially open the feast, let's have our newlyweds share their first bite of cake!"
Napalunok si Charlie nang makita ang staff na papalapit sa kanila dala ang isang maliit na plato ng cake. Bago pa man siya makapagsalita, bahagyang lumapit sa kanya si Arthur.
"Your smile," paalala nito sa mababang boses.
Napilitan siyang muling ngumiti. Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Arthur.
"Say 'ah'..." nakangiting sabi nito habang hawak ang kutsarita.
Napatingin siya sa kanya. Ang galing talaga nitong umarte—parang totoo. Pinilit niyang itugma ang ngiti niya sa ngiti nito. “Ah…”
Maingat nitong isinubo sa kanya ang piraso ng cake. Narinig niya ang palakpakan ng mga bisita, pero hindi niya naisip na agad nang lumapit ito sa kanya.
"You got something on your lips, honey," bulong nito.
Akma niyang pupunasan ang sarili, pero mabilis nitong hinawakan ang kamay niya.
"Let me," anito, bahagyang nakangiti.
Bago pa niya maproseso ang nangyayari, naramdaman niya ang mainit na labi nito sa gilid ng kanyang bibig, at kasunod niyon, ang dila nitong marahang dumaan sa balat niya.
Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon.
Lalo pang lumakas ang palakpakan ng mga bisita.
Nang lumayo ito, nakangiti pa rin si Arthur. “There you go, all clean.” Iniabot nito sa kanya ang kutsarita.
Hindi siya makakilos. Ramdam niya ang init sa mukha niya, pati na rin ang mabilis na pagbilis ng tibok ng puso niya.
“Charlie.”
Napapitlag siya sa malamig na tono ni Arthur. “S-Sorry.” Dali-dali niyang sinubuan ito ng cake, pilit na hindi iniisip ang nangyari.
Ngunit kahit lumipas na ang oras, hindi niya maialis sa isip ang eksena.
“Shall we dance?”
Napatingin siya kay Arthur. Sa gitna ng dance floor, ang mag-asawang bagong kasal ay nagsisimula nang sumayaw sa mabagal na tugtog ng piano.
“I… I don’t know how to dance,” amin niya.
“Then just follow my lead.” Hinawakan nito ang kanyang baywang, habang marahang ginagabayan ang kanyang mga kamay papunta sa kanyang balikat.
Napalunok siya. Malapit sila. Masyadong malapit.
“Think of this as your real wedding,” bulong nito. “And think of me as your real husband.”
Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mga mata at sinalubong ang titig nito. Hindi niya alam kung paano o kailan, pero sa kauna-unahang pagkakataon, kusa siyang ngumiti.
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char
Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth
"Congratulations lovers!" Iyon ang mga salitang bumungad kay Charlie at Arthur nang lapitan sila ng lolo nito pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanila, pero may kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa kanyang ekspresyon."You look good in your wedding suit, hijo," dagdag nito sabay tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling ito kay Charlie."You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?"Nagtagpo ang mga mata nila, at bago pa makasagot si Charlie, naramdaman niya ang paninigas ng braso ni Arthur, kung saan siya nakakapit."Charlie po," sagot ng dalaga, ngunit agad iyon inulit ng matanda.Nang tingnan niya si Arthur bakas sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari. At batay sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang maagang pagdating ng lolo nito, isang bagay na hindi bahagi ng kanyang plano. Kitang-kita sa mukha niya na nais niyang maikasal muna sila bago pa lumapag ang matanda sa Pilipinas."Lolo, can you excuse
Nakaharap si Charlie ngayon sa salamin habang suot-suot ang wedding gown na inihanda para sa kanya. Kasalukuyang tinatapos ng make-up artists ang make-up niya at inaayos din ng mga ito ang buhok niya.Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, pero ‘yon ang sa tingin niyang nararapat. Alam niyang mali na makisali siya sa panlolokong gagawin ni Arthur, pero ayaw niya rin naman na sirain nito ang buhay niya. Mas matimbang sa kanya ang pangarap niya, para sa pamilya niya kaysa sa moralidad niya.At isa pa, panandalian lang naman ito. Once na ikasal sila, kailangan niya lang manatili nang saglit sa bahay ni Arthur para makumbinsi ang lolo nito. Pagkatapos no’n ay tapos na ang kasunduan. Makukuha na rin niya ang salaping ipinangako nito at makakapagtrabaho sa kompanya nito—iyon ang nakasaad sa kontratang pinirmahan nilang dalawa.Napatingin si Charlie sa mga make-up artist. Mukhang pati ang mga ito ay alam kung ano ang nangyayari. Panigurado pinagbantaan din ang mga ito ni Arth
Puno ng ingay ang narinig ni Charlie. Kunot-noo nagmulat siya ng mga mata dahil sa bahagyang kirot na naramdaman niya sa kanyang batok. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at napasigaw na lang siya nang bumungad sa kanya ang isang kalbo na puno ng makapal na make-up ang mukha.Mukhang nagulat din ito sa pagsigaw niya, kaya sumigaw rin ito. Nagsigawan silang dalawa bago siya bumangon at agad na iginala ang tingin sa paligid."N-Nasaan ako?" bulalas ni Charlie bago muling tiningnan ang lalaki na may hawak na make-up brush. "Anong ginagawa mo sa akin? Sino ka?""Ma'am, kumalma po muna kayo. Kailangan nating maayos agad ang pagmi-make-up dahil nira-rush na po kami ni Mr. Arthur," mahinahong sambit nito bago muling lumapit sa kanya, pero muli siyang umatras."H-Huwag kang lalapit sa akin!" tili niya at hinarang ang dalawang kamay niya sa ere nang tuluyan niyang maalala kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay. "Diyan ka lang! Huwag mo subukan lumapit sa akin!"Huminga si Char