(This story may contain violent plotline. Read at your own risk. R18) Leigh is just an ordinary high school girl who wants to finish her studies peacefully, but things don't seem to be going as planned when she witnesses the brutality of Kenji, a guy with a darker past. She began to become involved with this guy that night, no matter how hard she tried to avoid him. Meeting him is a nightmare she never wished for-and as she becomes entangled with Kenji, unexplainable feelings begin to grow inside of her. No matter how much she tries to avoid him, fate has a way of bringing them together. How is she going to get away from him? Will she be able to get away from him, or will the opportunity to change him and make him a better person pass her by?
view more“ANO?” malakas na bulalas ni Kenji na may kasamang panlalaki ng kanyang mga mata. “Ayoko!” mariin niyang pagtutol.“Wag ka ng maarte! Umihi ka na riyan at ako na lang ang magtatapon,” sabi ni Leigh sabay abot ng empty shell na parang wala lang sa kanya ang kanyang gagawin.“Ayoko—”Hindi natuloy ni Kenji ang pagtutol nito nang putulin ito ni Leigh. “Mamili ka, tumagal tayo rito dahil sa pagmamatigas mo at sumabog ang pantog mo o iihi ka riyan?” panghahamong tanong ng dalaga.Hindi maipinta ang mukha ni Kenji nang sandaling iyon na kitang-kita ang pagtutol nito sa suhestiyon ng dalaga.“Pero—”“Wala ng pero-pero umihi ka na riyan!” sabal na utos ni Leigh na determinadong paihiin ang binata sa empty shell ng IV fluid.“Go! Umihi ka na,” wika ng dalaga habang nakapamaywangan ito sa harap ni Kenji.Sa kabila nang hindi maipin
KANINA pa gising si Kenji ngunit nang paggising niya ay hindi niya na nakita si Leigh sa couch. “Nasaan na kaya ‘yong babaeng iyon?” tanong niya sa kanyang sarili na nakakaramdam na ng gutom nang sandaling iyon. Gumuhit ang pagsuya sa kanyang mukha dahil kung kailan nagutom siya ay saka naman ito wala sa kanyang tabi lalo na’t hindi pa siya malayang makagalaw lalo na at lagi niyang dala-dala ang IV pole na siyang lalo niyang ikinabanas. Lumipas pa ang ilang sandali ng kanyang paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang k’warto. Napakunot-noo si Kenji nang makita niya ang itsura ni Leigh kung saan balot-balot ang mukha nito na tila isang terorista. “Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Kenji na may pagkabanas sa kanyang tinig dahil sa nagugutom na ito. Hindi naman sinagot ni Leigh ang tanong nito imbes inuna niyang tanggalin ang scarf and shades na suot-suot niya bago hinarap ang masungit na si Kenji. “Dahil sa b’wiset na ito!”
Nasa kalagitnaan si Leigh ng kanyang pagtulog nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata para gisingin ang inaantok niyang diwa dahil sa hindi siya pinatulog ng mga salitang binitawan ng kanyang Tita Hany at maging ng sitwasyon ni Kenji.“Rounds lang po, Ma’am,” sabi ng nurse nang makapasok sa k’warto.“Okay po,” mahinang sagot ni Leigh na patuloy pa rin sa pagkusot ng kanyang mga mata kasabay ang mahabang paghikab.Pupuyos-puyos pa ang mga mata ni Leigh na tinignan ang ginagawa ng nurse na chini-check ang IV fluids ni Kenji at saka isinusulat sa chart na hawak nito.“Ang swerte naman ng boyfriend mo sa ‘yo, Ma’am. Ikaw pa talaga ang nagbabantay sa kanya. Napakasweet niyo naman po,” nakangiti at kinikilig na sabi ng nurse nang humarap ito kay Leigh.“Nagka
"Halimaw, lumaban ka!" mangiyak-ngiyak na bulong ni Leigh na may labis na pagmamakaawa habang pinagmamasdan niya ang pulang ilaw ng OR. Hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon. Bakit bigla na lang kakaiba ang nagiging reaksyon ng kanyang katawan sa mga nangyayari kay Kenji. Hindi niya alam ngunit labis siyang nakakaramdam ng takot, pangamba sa kung ano ba ang magiging kalagayan ng binata habang nasa loob ito ng OR. Mamatay ba talaga ito o magiging malala ba ang kondisyon nito? Samu’t saring katanungan ang nagsilitawan sa kanyang utak habang naghihintay sa labas ng OR. Hindi niya nais mamatay ang binata sa ganoong paraan lalo na nang sandaling malaman niya na wala na itong mga magulang ay nilamon siya ng pagkaawa para rito. Iniisip niya na marahil kaya ito nagkaganito ay dahil sa pagkawala ng magulang nito at maarahil kung nabubuhay pa ang mga ito ay siguro malabo humantong ito sa ganito o kaya mangyari ang lahat ng ito sa
NATAUHAN si Leigh nang biglang nakita niya sa likuran ni Kenji si Zyrus na tumatakbo papalapit sa kanila at may dalang patalim. Ngunit bago niya pa masabihan ang binata ay huli na ang lahat, naramdaman niya na lang ang pagdiin ng katawan nito sa kanyang katawan. Itiningala niya ang kanyang mukha at saktong nakita niya na may pulang likido ang bumahid sa suot nitong uniporme. "Ke-kenji…” mahina niyang usal sa pangalan ng binata. Napatingin si Kenji sa kanya ng ilang segundo bago ito tumayo na tila ‘di man lang iniinda ang saksak sa kanyang likod. Hinarap nito si Zyrus at isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay at sinundan pa iyon ng isa pa at ng isa pa hanggang sa napatumba niya itong muli. "Tarantado!" Pasigaw niyang sabi sabay hugot ng kutsilyo sa kanyang likod at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Leigh. "Ayos ka—" Hindi na nito nagawang matapos ang kanyang sasabihin nan
NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Unregistered caller calling... Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita. "Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad. Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya. "Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na gin
NAKARAMDAM si Leigh nang pananakit sa kanyang ulo nang manumbalik ang kanyang malay. “Ano bang nangyari? Shit! Ang sakit ng ulo ko,” saad niya sa kanyang sarili. Ididilat niya na sana ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng mga tinig ng kalalakihan. "Pare ang ganda niya." Dinig na dinig ni Leigh na sabi ng isang lalaki na halatang manyakis base sa kanyang tono ng pananalita. Nakaramdam naman ng kaba ang dalaga nang sandaling marinig niya ang nakakadiring pagnanasa ng isang lalaki sa kanya. “Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako? Bakit may mga lalaki rito?” tanong niya sa kanyang sarili sabay napakagat sa kanyang labi. Nakararamdam man ng kaba ay pilit ni Leigh inalala kung paano siya napunta sa mga kamay ng mga kalalakihang ito. Matapos ang paghahalughog ng kanyang alaala ay doon niya lang muling naalala kung ano ang nangyari sa kanya kanina bago siya nawalan ng malay. Dinampot pala siya ng mga hindi niya kilalang mga lalaki at pinaa
NAPANSIN ni Leigh habang naglalakad siya sa hallway ay hindi maalis ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya at kahit saan siya pumunta ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanila. Napakunot ako ng aking noo. May dumi ba ako sa mukha? May bogger ba ako? Hindi naman ako nangulangot para may kumalat o maiwan na kulangot sa mukha ko. Kinuha ni Leigh ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang mga tingin nito sa dalaga. Iginala niya niya kanyang mga mata sa buong paligid at talagang lahat sila nakatingin sa dalaga. “Ano bang meron sa mukha ko at pinagtitinginan nila ako? Imposible naman sa damit—sabay tingin sa aking suot. –maayos naman ang damit ko. Bakit kaya sila nakatingin sakin? Ano bang problema nila?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na hindi mawari kung ano ba ang nangyayari sa mga taong nasa kanyang paligid. Halos lahat na kanyang mada
“WHAT? WTF! Bakit? Anong ginawa ko sa kanya bakit pati ako nakasali? Ano naman ba ang pumasok sa utak niya? Paraan niya ba ito para hindi ako makakawala sa mga kamay niya? May koneksyon pa ba ito sa nakita ko ng gabing iyon? Oh my! What am I going to do?” paghihimutok at naguguluhang pakikipagd’welo ni Leigh sa kanyang isipan "Kyaaa! Ang swerte mo Leigh!" tumitiling sabi ng babae niyang kaklase. "Oo nga!" sabay-sabay na pagsang-ayon pa ng iba niya pang kaklase. "Ang g’wapo talaga ni Jieun!" “WT? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Ako mas’werte sa halimaw na ‘yon? Paano naging mas’werte ang magkaroon ng ugnayn ang isang tulad ko sa isang halimaw? Nababaliw na ba sila? Monster siya hindi siya tao! Anong mas’werte roon? Nabulag na ata sila ng pagkahumaling sa halimaw na 'yon. Kyaaa! Somebody help me!” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang sandaling iyon. Nanghihina ang kanyang mga
Meet the CastsNakasakit at NagmahalKenji Shaunn Delos Reyes (Jieun)Nasasaktan pero patuloy na nagmamahalKim Leigh Jo (KayEl)Naguguluhan sa nararamdamanShann Maxpien RebellousNaghihintay at lihim na nagmamahalLucas Kyser Williams (Luke)Parte ng kahapon na naw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments