KINABUKASAN,
Pagmulat ni Leigh ng kanyang mga mata laking gulat niya nang makita niya ang malalambing, cute at pamilyar na mga mukha sa pagdilat ng kanyang mga mata. Anong ginagawa nila rito?
"Mommy! Si Ate Leigh gising na!" sigaw ni SaJun.
Naibaling ni Leigh ang kanyang tingin sa babaeng na kakapasok lang ng kanyang k'warto. "Gising ka na pala, Leigh," nakangiting bati ni Tita Hany sa kanya na may ubod na lambing mga ngiti sa mga labi nito.
"Paanong—"
"Good Morning, Ate Cute!" Sabay-sabay na bati ng apat na kambal sa kanya na sina Cess, Pam, Geli at Vince.
Naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita at kung totoo ba na narito silang lahat. Panaginip ba ang lahat ng ito?
Biglang bumukas muli ang pinto para maibaling ni Leigh ang kanyang tingin doon at bumungad sa kanya ang isang lalaki.
"Oh! P’kin, gising ka na pala,” nakangiting salubong bati ni Yeshun, ang kanyang tito.
Nanlaki ang mga mata ni Leigh at napasigaw sa labis na tuwa nang makita niya ang kanyang tito. Napatayo siya sa kanyang pagkakahiga at patakbong lumapit papapunta sa kanyang Tita Hany at Tito Yeshun sabay niyakap sila nang napakahigpit.
"Kailan pa po kayo dumating? Super na-miss ko po kayo!" tuwang-tuwa at sabik na tanong ni Leigh sa kanila nang maialis niya ang pagkakayakap sa dalawa.
Hindi umumik ang kanyang tito at tita at tanging mahinang tawa ang itinugon sa kanyang naging kilos at asal.
“Bakit po? May nagawa po ba akong mali? Bawal po ba na ma-miss kayo?” sunod-sunod na tanong ni Leigh na medyo nailang sa mga titig at ngiti sa kanya ng kanyang tito at tita. Masaya lang naman ako, ‘e. Mali ba na maging masaya dahil sa nakita ko sila? E, sobrang na-miss ko naman talaga sila.” Sa loob-loob ni Leigh.
"Kani-kanina lang lang p’kin,” nakangiting sagot ni Yeshun.
"Ate Cute, kami ba wala rin bang hug?" Sabay-sabay na sabi nina SaJun at ng apat na kambal na nagpapa-cute sa harap ni Leigh.
"Syempre meron," masayang tugon ni Leigh at isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga napaka-cute na mga pamangkin.
"Hmm... Ang cute niyo talaga,” nanggigigil na sabi ni Leigh sa mga pamangkin niya at isa-isang pinisil ang mga cute at malalambot na pisngi nito.
"Mas cute ka, Ate Cute,” sabay-sabay at masigla sabi ng kanyang mga pamangkin.
Natawa na lamang si Leigh sa kanyang mga pamangkin. “Tignan niyo nga naman, “Kids don’t lie,” saad niya sa kanyang sarili.
"O, siya! Tama na 'yan magsibaba na tayo nang makapaghanda na ang Tita Cute niyo, bago pa siya mahuli sa pagpasok niya sa school," aya ni Yeshun sa kanyang mga anak pababa.
“Opo!” magalang na tugon ng mga bata at isa-isa silang sumunod sa kanilang ama pababa papunta sa dining area.
“Baba na kami, Leigh. Sunod ka na lang, ha?” nakangiting wika ni Hany.
“Sige po, Tita Hany,” nakangiting tugon ni Leigh.
Matapos noon ay lumabas na ng kanyang k’warto ang kanya tita kaya nagsimula na siya mag-ayos ng kanyang sarili at ng kanyang pinaghigaan. Dali-daling nagpunta si Leigh sa C.R para mag-toothbrush at nagsuklay pakatapos ay bumaba na rin ito. Nakita niya na naghihintay ang lahat sa kanya para sabay-sabay na silang kumain dahilan para mapangiti siyang muli.
“Na-miss ko ‘to,” wika niya sa kanyang sarili at binilisan ang kanyang paglakad para makapagsimula na silang kumain.
“Tara na po, kain na tayo,” aya niya sa kanyang tito at tita at mga pamangkin nang siya’y makaupo.
“SaJun, lead the prayer,” wika ni Hany sa kanyang panganay na anak.
At nagsimulang sambitin ni SaJun ang dasal bago kumain. “In the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen.”
“Amen.”
Matapos noon ay isa-isang kumuha ng pagkain ang mga bata maging ang mag-asawa at si Leigh.
"Kayo talaga, Tita kapag dumarating kayo palagi niyo na lang ako sinusurpresa. Hindi niyo man lang hilig ang magpasabi,” saad ni Leigh bago isinubo ang kanyang pagkain.
Nagsitawanan naman ang mag-asawa.
"Hindi ka na nasanay, P’kin alam mo naman ‘yang Tita mo laging pabigla-bigla,” tumatawang wika ni Yeshun.
"Si Tita talaga talo pa ang mga manliligaw palaging may surpresa,” pagbibirong sabi ni Leigh.
Nginitian lang ni Hany si Leigh at nagpatuloy sa pag-inom ng tsaa nito. Naging masaya ang umaga at breakfast ng dalaga kasama ang kanyang tita at tito at sa lima nitong pamangking sobrang kukyut na labis na nakakagigil at masarap pagpipisilin.
Ang saya talaga tuwing nakakasama ko sila.
Hindi maalis ang tuwa sa kanyang kaloob-looban lalo na ngayon na makakasama silang muli ng kanyang itinuturing na pangalawang pamilya matapos ang lahat na nangyari sa kanyang pamilya. Laking pasasalamat na lamang ni Leigh na nariyan ang kanyang tito at tita para gabayan at pasayahin siya at hindi hinahayaang mag-isa lamanag.
"Ang sarap po talaga ng luto mo, Tita 'di pa rin kumukupas,” pagpuri ni Leigh sa kanyang tita na sobrang nasasarapan at ini-enjooy ang pagkain sa inihanda nitong almusal.
"Mag-aral ka na kasi magluto para na rin ‘yan sa magiging asawa mo. Kawawa naman ng magiging asawa mo kung palagi kayong fast foods,” hikayat na sabi sa kanya ni Hany.
"Tita naman, ‘e,” napangusong awat ni Leigh.
Biglang napalingon si Yeshun sa orasan.
"P’kin wala ka bang pasok?" pagtatakang tanong ni Yeshun sa kanyang pamangkin dahil sa hindi pa ito tumatayo sa pagkakaupo nito.
Napabalikwas naman ang dalaga sa kanyang pagkakaupo at napatingin sa orasan.
"OMG!" bulalas nitong sabi na may panlalaki ng mga mata.
Agad na uminom ng tubig si Leigh at dali-daling napaktakbo papuntang sa kanyan k’warto at mabilis na kumilos para makaligo at makapag-ayos ng kanyang sarili.
"Mahuhuli na ako! Ano ba 'yan? Ba’t ko ba nakalimutang may pasok ako?" natatarantang pangaral ni Leigh sa kanyang sarili.
Halos hindi na magkamayaw ang dalaga sa sobrang pagmamadali ngunit kailangan niyang bilisan ang kanyang kilos kung ayaw niyang mahuli sa pagpasok. At mukhang dahil anak ata siya ni The Flash ay wala pang dalawampung minuto ay nakapag-ayos na siya ng kanyang sarili. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at nagpaalam sa kanyang tita at tito at sa kanyang mga pamangkin na binigyan niya ng tig-iisang h***k sa noo bago tuluyang umalis ng bahay.
Mabilis naman nakarating sa university si Leigh gawa ng ‘di naman kalayuan ito pero kailangan niya pa rin magmadali dahil nakakahiya naman na ang lapit na nga lang ng bahay niya nahuli pa siya. Takbo-lakad ang ginawa ng dalaga para hindi siya masyadong ma-haggard at iwas na rin sa mga tingin ng ibang tao na magmukha siyang tanga dahil sa kamamadali. Sa labis na pagmamadali ay hindi niya namalayan na may mababangga siya dahil sa nakayuko itong tumakbo. Well, sino ba ang tumatakbo ng nakatingala?
“Aray! Shit! Bwiset naman! Bakit ngayon pa? Ang sakit sino ba itong taong pader na ito at nakaharang pa talaga sa dadaanan ko?” mahinang mura ni Leigh habang hinihimas ang kanyang noo.
Lalo namang nairita si Leigh dahil hindi man lang siya nitong gawang tulungan kita ng nasaktan ito mula sa pagkakabangga.
“Takte! Ang sakit tuloy ng p’wet ko,” d***g ni Leigh.
Habang iniinda ni Leigh ang sakit ng pagkakabagsak ng p’wet ko at noo niyang nakabangga ay itiningala niya ang kanyang ulo para makita kung sino ang nakaharang sa kanyang daraanan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang taong nakabalandra sa kanyang daraanan.
"I-ikaw?" nauutal na bigkas ni Leigh at napaturo sa lalaking nasa kanyang harapan.
Oh no! Not now. Bakit ba sa lahat ng timing ito ang wrong timing? Ang daming pagkakataon bakit ngayon pa? Pag-inuulan ka naman nga ng kamalasan. God help me ayaw ko pa pong mamatay. Tulungan Niyo naman po ako.
Napadasal nang wala sa oras si Leigh sa labis na takot nang makita niya ang binata. Tinititigan lang siya nito na may mga matang animo’y mangangain ng buhay.
“Gosh! Ang mga mata niya talagang handang pumatay nakakatakot talaga!” sa loob-loob ni Leigh na kinakain na ng takot lalo na hindi pa nawawala sa kanyang alaala ang ginawa nito kagabi.
Halos tinawag na ang dalaga ang lahat ng santong alam niya para lang iligtas siya pero mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil nakatitig pa rin sa kanya ang binata. Wala siyang nagawa kung ‘di ang humingi na lang ng tawad para hindi na ito magalit sa kanya kahit na siya ang nasaktan siya na lang nagpakumbaba para isalba ang kanyang buhay.
"So-sorry—"
Lalong napaatras ang dila ni Leigh at napatigil sa pagsasalita at napapikit ng kanyang mga mata dahil sa pagkilos ng binata kung kaya bigla niya namang itinaas ang kanyang mga braso at iniharang iyon sa kanyang ulo bilang depensa kung sakaling saktan siya nito. Pinakinggan niyang mabuti ang ang naging kilos ng binata habang nanantili sa ganoong posisyon bilang handa sa kung anong gagawin nito sa kanya pero lumipas na ang ilang segundo pero wala pang lumalanding na kahit ano sa kanyang katawan. Kaya dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ang nangyari pero laking gulat niya ng wala na sa kanyang harapan binata. Lumingon siya sa kanyang likuran kung saan nakita niya itong naglalakad papalayo na sa kanyang kinaroroonan.
“Shit! Akala ko papatayin niya na ako sobrang lakas ng kabog ng puso ko,” sabi ni Leigh na nakahinga na nang maluwag habang hawak-hawak ang kanyang d****b.
Labis ang kanyang pagkatakot nang sandaling iyon ngunit nawala ang lahat ng takot ni Leigh nang bumalik sa kanyang ulirat na mahuhuli na siya sa kanyang klase. Agad namang napatakbo nang mabilis ang dalaga papunta sa kanyang classroom.
"Ay ano ba ‘yan may klase pa ako!" inis niyang sabi habang tumatakbo at habol ang kanyang paghinga.
Takbo-lakad iyon ang kanyang ginawa hanggang sa makita niya na ang pinto ng kanyang classroom at walang ano-ano’y agad niya itong binuksan at sabay yuko at sabing,
"Ma'am, sorry I'm late!" nakayuko niyang paghingi ng dispensa.
Hinintay niyang may magsalita ngunit wala siyang narinig na sermon o kahit boses man lang ng kanyang professor.
“Bakit walang nagsasalita? Bakit hindi ko marinig ang boses ni Ma'am?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan niya namang itinaas ang kanyang ulo para makita kung naroon ba ang kanyang professor at nang maitaas niya na ang kanyang ulo ay she just find out na wala ang kanyang professor sa harapan.
Napasapo naman ng kanyang ulo si Leigh. “Another katangahan moments mo na naman Leigh. Epic failure!” nahihiya niyang sabi sa kanyang sarili.
Narinig niya naman ang tawanan ng kanyang mga kaklase dahil sa ginawa niyang katangahan.
"Leigh, ano bang nangyayari sa ‘yo? Ang aga-aga pa kaya anong late na pinagsasabi mo riyan?" nagtatakang tanong ni Bry na may kasamang pangungunot ng noo nito.
"Ay naku! Nakalimutan na naman siguro ni Leigh na advance ang orasan niya ng 30 minutes,” sabi ni My na umiiling-iling.
"Oo nga pala advance ang orasan ko sa bahay!” Muli ay napasapo si Leigh sa kanyang noo dahil sa pagiging makakalimutin niya. Epic failure talaga!
Nagsitawanan na lang ang mga kaklase ni Leigh dahil sa ka-engotan at makakalimutin ng dalaga. Sa sobra niyang hiya ay tahimik na naglakad na lamang siya papunta sa likuran kung nasaan ang kanyang upuan at inubob na lang ang kanyang mukha sa kanyang arm chair.
“Grabe! Sobrang nakakahiya talaga ang ginawa ko!” hiyang-hiya niyang sabi sa kanyang sarili.
Wala siyang pinansin kahit isa sa sobrang kahihiyaan na kanyang sinapit kaya natulog na lamang siya para hindi niya na maalala ang sandaling iyon na punong-puno ng kanyang ka-engotan.
"MS. JO! MR. DELOS REYES!"
"MS. JO! MR. DELOS REYES!” Napabalikwas sa pagkakatulog si Leigh at napatayo sa kanyang pagkakaupo ng wala sa oras nang biglang sumigaw si Sir Panot ay este si Mr. Calvou. "SIR!" napasigaw na tugon ni Leigh sa professor niya dahil sa sobrang pagkabigla ng dalaga. "MR.DELOS REYES!" muling tawag nito sa isa niya pang kaklase. Napalingon si Leigh sa direksyon kung saan nakatuon ang pansin ni Mr. Calvou at para malaman niya rin kung kung sinong Mr. Delos Reyes ang sinisigawan nito. Nanlaki ang mga mata ni Leigh nang makita niya kung sino ang taong sinisigawan ng kanyang professor. “Holy cow! Tanga ba itong kalbo na ito ay este si Sir? Gusto niya na bang mapaaga ang libing niya? Kilala niya ba 'yang taong pinagsisigawan niya?” kinakabahang tanong ni Leigh sa kanyang sarili. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang professor para ilayo ito sa nalalapit na kamatayan nito. "S-sir ha-hayaan niyo na lang po si-siyang matulog," nauutal na awa
“WHAT? WTF! Bakit? Anong ginawa ko sa kanya bakit pati ako nakasali? Ano naman ba ang pumasok sa utak niya? Paraan niya ba ito para hindi ako makakawala sa mga kamay niya? May koneksyon pa ba ito sa nakita ko ng gabing iyon? Oh my! What am I going to do?” paghihimutok at naguguluhang pakikipagd’welo ni Leigh sa kanyang isipan "Kyaaa! Ang swerte mo Leigh!" tumitiling sabi ng babae niyang kaklase. "Oo nga!" sabay-sabay na pagsang-ayon pa ng iba niya pang kaklase. "Ang g’wapo talaga ni Jieun!" “WT? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Ako mas’werte sa halimaw na ‘yon? Paano naging mas’werte ang magkaroon ng ugnayn ang isang tulad ko sa isang halimaw? Nababaliw na ba sila? Monster siya hindi siya tao! Anong mas’werte roon? Nabulag na ata sila ng pagkahumaling sa halimaw na 'yon. Kyaaa! Somebody help me!” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang sandaling iyon. Nanghihina ang kanyang mga
NAPANSIN ni Leigh habang naglalakad siya sa hallway ay hindi maalis ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya at kahit saan siya pumunta ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanila. Napakunot ako ng aking noo. May dumi ba ako sa mukha? May bogger ba ako? Hindi naman ako nangulangot para may kumalat o maiwan na kulangot sa mukha ko. Kinuha ni Leigh ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang mga tingin nito sa dalaga. Iginala niya niya kanyang mga mata sa buong paligid at talagang lahat sila nakatingin sa dalaga. “Ano bang meron sa mukha ko at pinagtitinginan nila ako? Imposible naman sa damit—sabay tingin sa aking suot. –maayos naman ang damit ko. Bakit kaya sila nakatingin sakin? Ano bang problema nila?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na hindi mawari kung ano ba ang nangyayari sa mga taong nasa kanyang paligid. Halos lahat na kanyang mada
NAKARAMDAM si Leigh nang pananakit sa kanyang ulo nang manumbalik ang kanyang malay. “Ano bang nangyari? Shit! Ang sakit ng ulo ko,” saad niya sa kanyang sarili. Ididilat niya na sana ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng mga tinig ng kalalakihan. "Pare ang ganda niya." Dinig na dinig ni Leigh na sabi ng isang lalaki na halatang manyakis base sa kanyang tono ng pananalita. Nakaramdam naman ng kaba ang dalaga nang sandaling marinig niya ang nakakadiring pagnanasa ng isang lalaki sa kanya. “Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako? Bakit may mga lalaki rito?” tanong niya sa kanyang sarili sabay napakagat sa kanyang labi. Nakararamdam man ng kaba ay pilit ni Leigh inalala kung paano siya napunta sa mga kamay ng mga kalalakihang ito. Matapos ang paghahalughog ng kanyang alaala ay doon niya lang muling naalala kung ano ang nangyari sa kanya kanina bago siya nawalan ng malay. Dinampot pala siya ng mga hindi niya kilalang mga lalaki at pinaa
NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Unregistered caller calling... Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita. "Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad. Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya. "Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na gin
NATAUHAN si Leigh nang biglang nakita niya sa likuran ni Kenji si Zyrus na tumatakbo papalapit sa kanila at may dalang patalim. Ngunit bago niya pa masabihan ang binata ay huli na ang lahat, naramdaman niya na lang ang pagdiin ng katawan nito sa kanyang katawan. Itiningala niya ang kanyang mukha at saktong nakita niya na may pulang likido ang bumahid sa suot nitong uniporme. "Ke-kenji…” mahina niyang usal sa pangalan ng binata. Napatingin si Kenji sa kanya ng ilang segundo bago ito tumayo na tila ‘di man lang iniinda ang saksak sa kanyang likod. Hinarap nito si Zyrus at isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay at sinundan pa iyon ng isa pa at ng isa pa hanggang sa napatumba niya itong muli. "Tarantado!" Pasigaw niyang sabi sabay hugot ng kutsilyo sa kanyang likod at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Leigh. "Ayos ka—" Hindi na nito nagawang matapos ang kanyang sasabihin nan
"Halimaw, lumaban ka!" mangiyak-ngiyak na bulong ni Leigh na may labis na pagmamakaawa habang pinagmamasdan niya ang pulang ilaw ng OR. Hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon. Bakit bigla na lang kakaiba ang nagiging reaksyon ng kanyang katawan sa mga nangyayari kay Kenji. Hindi niya alam ngunit labis siyang nakakaramdam ng takot, pangamba sa kung ano ba ang magiging kalagayan ng binata habang nasa loob ito ng OR. Mamatay ba talaga ito o magiging malala ba ang kondisyon nito? Samu’t saring katanungan ang nagsilitawan sa kanyang utak habang naghihintay sa labas ng OR. Hindi niya nais mamatay ang binata sa ganoong paraan lalo na nang sandaling malaman niya na wala na itong mga magulang ay nilamon siya ng pagkaawa para rito. Iniisip niya na marahil kaya ito nagkaganito ay dahil sa pagkawala ng magulang nito at maarahil kung nabubuhay pa ang mga ito ay siguro malabo humantong ito sa ganito o kaya mangyari ang lahat ng ito sa
Nasa kalagitnaan si Leigh ng kanyang pagtulog nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata para gisingin ang inaantok niyang diwa dahil sa hindi siya pinatulog ng mga salitang binitawan ng kanyang Tita Hany at maging ng sitwasyon ni Kenji.“Rounds lang po, Ma’am,” sabi ng nurse nang makapasok sa k’warto.“Okay po,” mahinang sagot ni Leigh na patuloy pa rin sa pagkusot ng kanyang mga mata kasabay ang mahabang paghikab.Pupuyos-puyos pa ang mga mata ni Leigh na tinignan ang ginagawa ng nurse na chini-check ang IV fluids ni Kenji at saka isinusulat sa chart na hawak nito.“Ang swerte naman ng boyfriend mo sa ‘yo, Ma’am. Ikaw pa talaga ang nagbabantay sa kanya. Napakasweet niyo naman po,” nakangiti at kinikilig na sabi ng nurse nang humarap ito kay Leigh.“Nagka
“ANO?” malakas na bulalas ni Kenji na may kasamang panlalaki ng kanyang mga mata. “Ayoko!” mariin niyang pagtutol.“Wag ka ng maarte! Umihi ka na riyan at ako na lang ang magtatapon,” sabi ni Leigh sabay abot ng empty shell na parang wala lang sa kanya ang kanyang gagawin.“Ayoko—”Hindi natuloy ni Kenji ang pagtutol nito nang putulin ito ni Leigh. “Mamili ka, tumagal tayo rito dahil sa pagmamatigas mo at sumabog ang pantog mo o iihi ka riyan?” panghahamong tanong ng dalaga.Hindi maipinta ang mukha ni Kenji nang sandaling iyon na kitang-kita ang pagtutol nito sa suhestiyon ng dalaga.“Pero—”“Wala ng pero-pero umihi ka na riyan!” sabal na utos ni Leigh na determinadong paihiin ang binata sa empty shell ng IV fluid.“Go! Umihi ka na,” wika ng dalaga habang nakapamaywangan ito sa harap ni Kenji.Sa kabila nang hindi maipin
KANINA pa gising si Kenji ngunit nang paggising niya ay hindi niya na nakita si Leigh sa couch. “Nasaan na kaya ‘yong babaeng iyon?” tanong niya sa kanyang sarili na nakakaramdam na ng gutom nang sandaling iyon. Gumuhit ang pagsuya sa kanyang mukha dahil kung kailan nagutom siya ay saka naman ito wala sa kanyang tabi lalo na’t hindi pa siya malayang makagalaw lalo na at lagi niyang dala-dala ang IV pole na siyang lalo niyang ikinabanas. Lumipas pa ang ilang sandali ng kanyang paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang k’warto. Napakunot-noo si Kenji nang makita niya ang itsura ni Leigh kung saan balot-balot ang mukha nito na tila isang terorista. “Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Kenji na may pagkabanas sa kanyang tinig dahil sa nagugutom na ito. Hindi naman sinagot ni Leigh ang tanong nito imbes inuna niyang tanggalin ang scarf and shades na suot-suot niya bago hinarap ang masungit na si Kenji. “Dahil sa b’wiset na ito!”