"MS. JO! MR. DELOS REYES!”
Napabalikwas sa pagkakatulog si Leigh at napatayo sa kanyang pagkakaupo ng wala sa oras nang biglang sumigaw si Sir Panot ay este si Mr. Calvou.
"SIR!" napasigaw na tugon ni Leigh sa professor niya dahil sa sobrang pagkabigla ng dalaga.
"MR.DELOS REYES!" muling tawag nito sa isa niya pang kaklase.
Napalingon si Leigh sa direksyon kung saan nakatuon ang pansin ni Mr. Calvou at para malaman niya rin kung kung sinong Mr. Delos Reyes ang sinisigawan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Leigh nang makita niya kung sino ang taong sinisigawan ng kanyang professor. “Holy cow! Tanga ba itong kalbo na ito ay este si Sir? Gusto niya na bang mapaaga ang libing niya? Kilala niya ba 'yang taong pinagsisigawan niya?” kinakabahang tanong ni Leigh sa kanyang sarili.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang professor para ilayo ito sa nalalapit na kamatayan nito. "S-sir ha-hayaan niyo na lang po si-siyang matulog," nauutal na awat ni Leigh kay Mr. Calvou.
“Sir, I’m saving your life right now kaya tandaan niyo po na utang niyo buhay sa akin.” Sa loob-loob na sabi ng dalaga.
"Hindi! Wala pang estudyante ang nangahas na matulog sa klase ko kaya dapat siya magising!" galit na singhal ni Mr. Calvou na sobrang nag-iinit ang ulo dahil sa ginawang kabastusan ng kanyang estudyante sa oras ng kanyang klase.
Parang gusto mapakamot ng ulo si Leigh sa kanyang narinig mula sa kanyang professor nang sandaling iyon ngunit hindi niya magawa at baka lalo itong magalit.
“E, nakatulog nga kami anong walang nakakatulog sa klase mo baka hindi mo lang nahuhuli. Kung alam mo lang halos lahat ‘e, inaantok na sa klase mo pero Sir Panot naman kung gusto mo pang mabuhay tantanan mo na iyang lalaking iyan. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa ‘yo kung ipagpapatuloy mo 'yan.”
"MR.DELOS REYES!" muling sigaw ni Mr. Calvou na sobrang nag-iinit ang tainga sa galit.
“Sir! Tae ka naman, ‘e ! Ako ang kinakabahan sa ginagawa ng kalbong ito, ‘e!” kinakabahang mura ni Leigh sa kanyang isipan.
Napapapikit na lamang si Leigh sa bawat sigaw ni Mr. Calvou sa kanyang kaklase. Gustong-gusto niya itong awatin ngunit hindi niya naman kaya ang paghihimutok nito sa galit at the same time natatakot din siya na baka sa oras na magising ang halimawa na lalaking ito ay kung anong gawin nito kay Mr. Calvou. Ayaw niyang makakita na kumalat ang dugo sa classroom na ito. Tama na ‘yong nangyari kagabi.
"Ms. Jo!” tawag sa akin ni Mr. Calvou sabay baling ng kanyang tingin sa akin. “Saan kayo pumunta ni Mr. Delos Reyes at parehas kayong antok na antok, ha? Nagbahay-bahayan ba kayo?" makahulugang tanong ni kanyang professor.
“Ha?”
Napanganga naman bigla si Leigh sa kanyang narinig mula sa kanyang professor na kalbo.
“Aba't! Marumi ang isip ng kalbong ito, ‘a! Makapagparatang ng kabastusan wagas! Anong akala niya sa akin ganoong klase na lang na babae? Saka ngayon ko nga lang iyan nakilala, well kung i-co-consider pa iyong kagabi pangalawang pagkakataon ko palang na nakikita siya. Kung pwede nga lang na hindi ko na lang siya nakita kagabi para hindi ako napapaastang parang baliw. Halos parang habol ang paghinga ko sa tuwing nakikita ko siya dahil sa takot na kung ano ang p’wede niyang gawin sa akin tapos paparatangan mo na lang akong bigla ng kabastusan na iyan. Bahala ka riyan sa buhay mo! Bahala ka kung anong gagawin ng lalaking iyan ‘pag iyan nagising,” nanggigigil na saad ni Leigh sa kanyang isipan habang sobrang nadidismaya siya sa professionalism na ipinapakita sa kanya ng kanyang professor.
Hindi niya sinagot ang tanong ni Mr. Calvou at dahil sa sobrang inis ay inirapan niya ito at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin.
“Aba’t!” hindi makapaniwalang reaksyon ni Mr. Calvou sa kanyang estudyante na halos hindi na nagawang matapos ang kanyang sasabihin.
Sa labis na inis ay ibinaling naman ang tingin nito kay Mr. Delos Reyes.
"MR.DELOS REYES!" malakas at mariing sigaw nito.
“Bahala ka sa buhay mong malisyosong kalbo ka! Tignan natin kung sino ang magiging kawawa ‘pag iyan nagising ng galit dahil sa pinaggagawa mo. Buti iyan sa ‘yo! Pagdusahan mo.” Sa loob-loob ni Leigh na ilang beses ng napapairap dahil sa labis na pagkainis.
Tahimik ang lahat habang pinagmamasdan ang kanilang professor na patuloy na tinatawag ang pangalan ni Mr. Delos Reyes habang si Leigh ay napaliyad na lang ang mga mata habang pinagmamasdan niya sa mala-diktador niyang astahin.
"MR.DELOS REYES!"
Muling sumigaw ang professor ngunit hindi pa rin nagigising ang estudyante nitong kanyang tinatawag kanina pa.
Naibaling naman ni Leigh ang kanyang tingin sa direksyon ng dalawang kaklaseng babae nang marinig niya ang impit na tili ng mga ito.
“Ang gwapo talaga ni Jieun!" mahinang tili ng kaklase niyang babae na kinikilig masyado sa halimaw na kanyang kinatatakutan.
"Sinabi mo pa!" pagsang-ayon ng kaibigan nito sa kanyang kaklase.
Napataas naman ng kilay si Leigh sa kanyang nasaksihang kalandian ng dalawang babae na nagpapantasya sa isang halimaw.
“Ano ito? Lumalandi? Lalandi na lang sa halimaw pa. Sabagay wala palang pinipili ang makati, as long as, g’wapo, hot at yummy gogora ang mga mahaharot na babae. Literal na makati ang ekup. Landi niyo girls!” saad niya sa kanyang isipan na may kasamang pandidiri sa mga ito sabay irap at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang mga mata.
"MR.DELOS REYES!" Muling sigaw ni Mr. Calvou na tila mapuputulan na ng ugat sa lalamunan dahil sa lakas ng boses at panggigigil nito sa halimaw na kaklase ni Leigh.
Matapos ang ilang pagsisigaw sa pangalan ni Mr. Delos Reyes ay gumalaw ito sa kanyang posisyon—tanda na nagising na rin ito sa wakas. Napaayos naman ng upo si Leigh at pinagmasdan ang kinatatakutan niyang halimaw na unti-unting inaangat pataas ang ulo.
Napaangat ang gilid ng mga labi ni Leigh. “Ngayon tignan natin kung ano ang mangyayari sa iyong kalbo ka. Ngayon magsisisi ka na ginising mo 'yang halimaw na 'yan,” mahinang sabi ng dalaga na may diin sa kanyang pananalita.
"Mr. Delos Reyes! Ba't ka natutulog sa klase ko, ha?" pahagsik na tanong ni Mr. Calvou sa binata.
Ngunit imbes na sagot ang marinig ni Mr. Calvou sa kanyang estudyante ay isang nakakamatay na tingin ang itinapon ni Mr. Delos reyes sa kanina pang nagwawalang professor. Walang bahid ng takot o pagkatinag na pinagsisigaw ng galit na professor sa binatang kinatatakutan ni Leigh.
"Hindi mo ba alam na wala pang estudyante ang nangahas na matulog sa klase ko maliban sa inyong dalawa ni Ms. Jo?" hagsik ni Mr. Calvoy saka tinignan si Leigh at binibigyan nang makahulugan silang tinitignan nito na animo’y may ginawa silang kababalaghan kaya sila parehong natutulog sa klase nito.
“Aba't! Grabe itong kalbo na ito, ‘a!” mahinang saad ni Leigh na may panggigigil dahilan para mapailing ang dalaga.
Napatingin si Mr. Delos Reyes kay Leigh dahilan para bigyan ito ng dalaga nang tingin na, “Wah! 'Wag mo nga akong tignang Halimaw ka! Nakakatakot ka!”
Nagsimula namang mangatog ang tuhod ni Leigh dahil sa binibigay na presensya ni Mr. Delos Reyes sa buong klase at lalong-lalo na sa mga titig na ibinibigay nito sa dalaga. Ilang sandali din siyang tinitigan nito bago inalis nito ang tingin kay Leigh at ibinaling naman sa professor nilang nanggagalaiti sa galit.
Nakahinga nang maluwag si Leigh at gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. “Haha! Lagot ka ngayong kalbo ka patay ka ngayon sa kanya!” wika nito sa kanyang isipan na tila nagpupunyagi sa mangyayaring masama sa kanyang professor.
Ngunit nasira ang momentum nang pagdiriwang ni Leigh nang marinig niya ang malanding tili ng kaklase niya sa kanilang likuran.
"Kyaa! Ang gwapo ni Jieun!" muling narinig ni Leigh ang boses noong babaeng tumitili rin kanina na sobrang pinagpapantasyahan ang halimaw na malapit sa dalaga.
“Landi much, ate? Kating-kati? Ingay mo kanina ka pa. Kita ng may inaabangan tayong aksyon movie!” iritang saad ni Leigh sa kanyang isipan.
"Ngayon? Kailangan ko bang purihin ang sarili ko dahil isa ako sa estudyanteng tinulugan ang klase mo? Well, I don't care,” wala sa mood at pakialam na sabi ni Mr. Delos Reyes.
"Pero—”
Hindi pinatapos ng binata ang sasabihin ni Mr. Calvou at mabilis na binara ito.
"Madaldal ka masyadong kalbo ka. Manahimik ka nga." At tinignan ng binata si Mr. Calvou mula ulo hanggang paa sabay palatak na may halong inis.
Lahat nagulat at napasinghap sa sinabi at inasta ni Mr. Delos Reyes sa kanilang professor maging si Leigh hindi makapaniwala sa ginawa ng binata. Ngunit inaasahan na iyon ni Leigh lalo na para sa isang halimaw na tulad nito—kung nagawa nga nitong mambugbog na walang pag-aalinlangan wala lang din sa taong ito ang pagbitaw nang masasakit na salita. Napatigalgal naman ang kalbong professor sa itinuran sa kanya ng kanyang estudyante.
“Unbelievable! Nasabi niya talaga iyon sa harap ni Mr. Calvou? Talaga ngang walang kinakatakutan ang halimaw na ito. Halimaw nga talaga na nagkatawang lupa ni Adonis,” manghang saad ni Leigh sa kanyang isipan ngunit mabilis ding natauhan sa huli niyang sinabi. “Ay tae! Ano ba itong pinagsasabi ko?” Sabay iling ng kanyang ulo.
Nang maikumpas ni Mr. Calvou ang kanyang sarili ay galit na tinuro nito ang binata at naglakad papalapit dito.
"Aba't! Bastos kang bata!" galit na singhal ni Sir at akmang susuntukin ni Mr. Calvou ang binata nang bigla itong magsalita.
"Ituloy mo kung gusto mo pang mabuhay. Ituloy mo 'yang gagawin mo,” pagbabantang sabi ni Mr. Delos Reyes na hindi man lang kumukurap nang pagbanta ang kanyang professor.
Bigla namang napayakap si Leigh sa kanyang sarili nang makaramdam siya ng panlalamig. “Yikes! Ang lamig ng mga tingin at aura niya. Nakakatakot talaga siya!”
Napahinto naman si Mr. Calvou sa kanyang akmang pagsuntok at biglang namutla ang mga labi nito dahil sa nakaramdam ng takot sa pagbabantang ginawa sa kanya ng kanyang estudyante.
"Tsk!" malutong na palatak ni Mr. Delos Reyes sabay irap.
Ngunit matapos ang ilang saglit ay naikumpas ni Mr. Calvou ang kanyang sarili at muling hinarap ang kanyang estudyante.
"Wag mo akong tinatakot, Mr. Delos Reyes! Isa ka lamang estudyante at bagito samantalang ako isang propesor at 'di hamak na malaki sa ‘yo! Kaya 'wag mo akong tinatakot dahil hindi mo ako masisindak ng mga pagbabanta mo! Akala mo ba 'di kita kaya? Sa laki kong ito sisiw lang sa akin na saktan ka!" buong tapang na pagsagot ni Mr. Calvou at pagmamalaki sa kanyang sarili.
"Tss! Madadal ka masyado bakla ka ba?" pambabarang tanong ni Mr. Delos Reyes at nakipagtitigan sa kanyang professor.
"Aba't!—"
"Kung kaya mo talaga ako dapat—” At tinignan muli ng binata mula ulo hanggang paa si Mr. Calvou. “—ginawa mo na noong una pa lang. Sinuntok mo na dapat ako. Bakit hindi mo na lang aminin na natatakot ka, 'di ba?" nanunuyang panghahamon ng binata kay Mr. Calvou.
"Hindi, ‘a! Bakit naman ako matatakot sa ‘yo?" mariin at lakas loob na tanong ni Mr. Calvou.
Napapalatak si Mr. Delos Reyes na may kasamang pag-iling. “Inamin mo nga na natatakot ka,” nang-aasar na saad ng binata at binigyang nang nakakapang-insultong ngiti ang kalbong professor.
"Hindi, ‘a!—"
Biglang tumayo ang binata at biglang sinunggaban si Mr. Calvou dahilan para mawala ang kumpas nito.
"Walang k’wenta ang satsat kung ‘di ka kikilos. Para saan ang bato-bato mong katawan kung 'di mo gagamitin?” tanong ng binata habang tinititigan sa mga mata si Mr. Calvou at mahigpit ang pagkakahawak sa leeg nito.
Lalong humihigpit ang pagkakasakal ng kanyang estudyante sa leeg ng professor ngunit wala man lang itong magawa para pigilan ang binata.
“Iyan na kasing sinasabi ko kanina, ‘e! Ayaw makinig ng panot na ‘to kaya ‘yan bahala ka sa buhay mo,” wika ni Leigh habang pinapanuod ang eksena ng dalawa at umiiling.
Nahihirapan man ay pilit na nagsalita si Mr. Calvou at nagmakaawa kay Mr. Delos Reyes. "Bi-bitawan mo a-ako—"
Napapalatak ang binata sa nakakaawang itsura ng professor dahilan para bitawan na nito ang leeg ni Mr. Calvou.
Napaubo nang sobra-sobra si Mr. Calvou dahil sa mahigpit na pagkakasakal sa kanya ni Mr. Delos Reyes.
"Sa susunod 'wag mo ipagmamalaki kung gaano ka kalaki kung mahina ka lang naman. Sa susunod, w‘ag mo kong pakikialaman kung ayaw mo mamatay," malamig na pagbabanta ng binata sabay alis.
“Yikes! Super nakakatakot talaga itong Halimaw na ito! Grabe kahit matanda pinapatulan niya—pero si Sir Panot naman kasi ang may kasalanan masyadong mayabang at judger buti nga iyon sa kanya! Pinag-isipan niya pa kami ng masama ng halimaw na iyon!—Pero wala ba siyang puso? Bakit ganoon na lang kadali sa kanyang gumawa ng ganoong mga bagay? Tao pa ba siya o baka isa siyang halimaw na nagpa-plastic surgery para magmukhang tao?” naguguluhang pakikipagd’welo ni Leigh sa kanyang isipan. “Ay! Ano ba iyan, Leigh kung ano-ano ang iniisip mo!”
Muling nakuha ang atensyon ng lahat maging ng professor nang magsalita si Mr. Delos Reyes. "At 'wag na 'wag mo ring papakialaman si Ms. Jo kung ayaw mong matuluyan ka,” pagpapaalala nitong sabi at saka tuluyan nang lumabas ng classroom.
Napaiwang naman ng bibig si Leigh habang kumakabog nang napakalakas ng kanyang puso dahil sa pahabol na paalala ng halimaw na kanyang kinatatakutan.
“What the? Anong pinagsasasabi niya?” naguguluhang usal ni Leigh.
Bigla namang natauhan ang dalaga nang maramdaman niya ang mga tingin ng buong klase ay nasa kanya.
“Wag mong papakialaman si Ms. Jo."
Oh no! Ano na naman ba ito?
“WHAT? WTF! Bakit? Anong ginawa ko sa kanya bakit pati ako nakasali? Ano naman ba ang pumasok sa utak niya? Paraan niya ba ito para hindi ako makakawala sa mga kamay niya? May koneksyon pa ba ito sa nakita ko ng gabing iyon? Oh my! What am I going to do?” paghihimutok at naguguluhang pakikipagd’welo ni Leigh sa kanyang isipan "Kyaaa! Ang swerte mo Leigh!" tumitiling sabi ng babae niyang kaklase. "Oo nga!" sabay-sabay na pagsang-ayon pa ng iba niya pang kaklase. "Ang g’wapo talaga ni Jieun!" “WT? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Ako mas’werte sa halimaw na ‘yon? Paano naging mas’werte ang magkaroon ng ugnayn ang isang tulad ko sa isang halimaw? Nababaliw na ba sila? Monster siya hindi siya tao! Anong mas’werte roon? Nabulag na ata sila ng pagkahumaling sa halimaw na 'yon. Kyaaa! Somebody help me!” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang sandaling iyon. Nanghihina ang kanyang mga
NAPANSIN ni Leigh habang naglalakad siya sa hallway ay hindi maalis ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya at kahit saan siya pumunta ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanila. Napakunot ako ng aking noo. May dumi ba ako sa mukha? May bogger ba ako? Hindi naman ako nangulangot para may kumalat o maiwan na kulangot sa mukha ko. Kinuha ni Leigh ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang mga tingin nito sa dalaga. Iginala niya niya kanyang mga mata sa buong paligid at talagang lahat sila nakatingin sa dalaga. “Ano bang meron sa mukha ko at pinagtitinginan nila ako? Imposible naman sa damit—sabay tingin sa aking suot. –maayos naman ang damit ko. Bakit kaya sila nakatingin sakin? Ano bang problema nila?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na hindi mawari kung ano ba ang nangyayari sa mga taong nasa kanyang paligid. Halos lahat na kanyang mada
NAKARAMDAM si Leigh nang pananakit sa kanyang ulo nang manumbalik ang kanyang malay. “Ano bang nangyari? Shit! Ang sakit ng ulo ko,” saad niya sa kanyang sarili. Ididilat niya na sana ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng mga tinig ng kalalakihan. "Pare ang ganda niya." Dinig na dinig ni Leigh na sabi ng isang lalaki na halatang manyakis base sa kanyang tono ng pananalita. Nakaramdam naman ng kaba ang dalaga nang sandaling marinig niya ang nakakadiring pagnanasa ng isang lalaki sa kanya. “Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako? Bakit may mga lalaki rito?” tanong niya sa kanyang sarili sabay napakagat sa kanyang labi. Nakararamdam man ng kaba ay pilit ni Leigh inalala kung paano siya napunta sa mga kamay ng mga kalalakihang ito. Matapos ang paghahalughog ng kanyang alaala ay doon niya lang muling naalala kung ano ang nangyari sa kanya kanina bago siya nawalan ng malay. Dinampot pala siya ng mga hindi niya kilalang mga lalaki at pinaa
NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Unregistered caller calling... Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita. "Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad. Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya. "Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na gin
NATAUHAN si Leigh nang biglang nakita niya sa likuran ni Kenji si Zyrus na tumatakbo papalapit sa kanila at may dalang patalim. Ngunit bago niya pa masabihan ang binata ay huli na ang lahat, naramdaman niya na lang ang pagdiin ng katawan nito sa kanyang katawan. Itiningala niya ang kanyang mukha at saktong nakita niya na may pulang likido ang bumahid sa suot nitong uniporme. "Ke-kenji…” mahina niyang usal sa pangalan ng binata. Napatingin si Kenji sa kanya ng ilang segundo bago ito tumayo na tila ‘di man lang iniinda ang saksak sa kanyang likod. Hinarap nito si Zyrus at isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay at sinundan pa iyon ng isa pa at ng isa pa hanggang sa napatumba niya itong muli. "Tarantado!" Pasigaw niyang sabi sabay hugot ng kutsilyo sa kanyang likod at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Leigh. "Ayos ka—" Hindi na nito nagawang matapos ang kanyang sasabihin nan
"Halimaw, lumaban ka!" mangiyak-ngiyak na bulong ni Leigh na may labis na pagmamakaawa habang pinagmamasdan niya ang pulang ilaw ng OR. Hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon. Bakit bigla na lang kakaiba ang nagiging reaksyon ng kanyang katawan sa mga nangyayari kay Kenji. Hindi niya alam ngunit labis siyang nakakaramdam ng takot, pangamba sa kung ano ba ang magiging kalagayan ng binata habang nasa loob ito ng OR. Mamatay ba talaga ito o magiging malala ba ang kondisyon nito? Samu’t saring katanungan ang nagsilitawan sa kanyang utak habang naghihintay sa labas ng OR. Hindi niya nais mamatay ang binata sa ganoong paraan lalo na nang sandaling malaman niya na wala na itong mga magulang ay nilamon siya ng pagkaawa para rito. Iniisip niya na marahil kaya ito nagkaganito ay dahil sa pagkawala ng magulang nito at maarahil kung nabubuhay pa ang mga ito ay siguro malabo humantong ito sa ganito o kaya mangyari ang lahat ng ito sa
Nasa kalagitnaan si Leigh ng kanyang pagtulog nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata para gisingin ang inaantok niyang diwa dahil sa hindi siya pinatulog ng mga salitang binitawan ng kanyang Tita Hany at maging ng sitwasyon ni Kenji.“Rounds lang po, Ma’am,” sabi ng nurse nang makapasok sa k’warto.“Okay po,” mahinang sagot ni Leigh na patuloy pa rin sa pagkusot ng kanyang mga mata kasabay ang mahabang paghikab.Pupuyos-puyos pa ang mga mata ni Leigh na tinignan ang ginagawa ng nurse na chini-check ang IV fluids ni Kenji at saka isinusulat sa chart na hawak nito.“Ang swerte naman ng boyfriend mo sa ‘yo, Ma’am. Ikaw pa talaga ang nagbabantay sa kanya. Napakasweet niyo naman po,” nakangiti at kinikilig na sabi ng nurse nang humarap ito kay Leigh.“Nagka
KANINA pa gising si Kenji ngunit nang paggising niya ay hindi niya na nakita si Leigh sa couch. “Nasaan na kaya ‘yong babaeng iyon?” tanong niya sa kanyang sarili na nakakaramdam na ng gutom nang sandaling iyon. Gumuhit ang pagsuya sa kanyang mukha dahil kung kailan nagutom siya ay saka naman ito wala sa kanyang tabi lalo na’t hindi pa siya malayang makagalaw lalo na at lagi niyang dala-dala ang IV pole na siyang lalo niyang ikinabanas. Lumipas pa ang ilang sandali ng kanyang paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang k’warto. Napakunot-noo si Kenji nang makita niya ang itsura ni Leigh kung saan balot-balot ang mukha nito na tila isang terorista. “Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Kenji na may pagkabanas sa kanyang tinig dahil sa nagugutom na ito. Hindi naman sinagot ni Leigh ang tanong nito imbes inuna niyang tanggalin ang scarf and shades na suot-suot niya bago hinarap ang masungit na si Kenji. “Dahil sa b’wiset na ito!”
“ANO?” malakas na bulalas ni Kenji na may kasamang panlalaki ng kanyang mga mata. “Ayoko!” mariin niyang pagtutol.“Wag ka ng maarte! Umihi ka na riyan at ako na lang ang magtatapon,” sabi ni Leigh sabay abot ng empty shell na parang wala lang sa kanya ang kanyang gagawin.“Ayoko—”Hindi natuloy ni Kenji ang pagtutol nito nang putulin ito ni Leigh. “Mamili ka, tumagal tayo rito dahil sa pagmamatigas mo at sumabog ang pantog mo o iihi ka riyan?” panghahamong tanong ng dalaga.Hindi maipinta ang mukha ni Kenji nang sandaling iyon na kitang-kita ang pagtutol nito sa suhestiyon ng dalaga.“Pero—”“Wala ng pero-pero umihi ka na riyan!” sabal na utos ni Leigh na determinadong paihiin ang binata sa empty shell ng IV fluid.“Go! Umihi ka na,” wika ng dalaga habang nakapamaywangan ito sa harap ni Kenji.Sa kabila nang hindi maipin