He, Who Can't Feel Pain

He, Who Can't Feel Pain

last updateLast Updated : 2022-01-30
By:  itsssMorpheusCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
69Chapters
4.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

When the most competent resident doctor Sayne Ricamonte goes with her colleague in the bar and accidentally drunk a drink with Flibanserin, a type of medicine that triggers the libido of a woman, she encounters a man who save her and who happened to be their anesthesiology professor in their department, Trick Manego. Sa ikalawang pagkakataon nang pagkikita nila ay hindi niya malaman kung bakit 'di siya nito nakikilala o natatandaan man lamang. Confused and thrilled by the treatment she received from him ay hindi niya namamalayang nahuhulog na pala ang loob niya rito. Unable to defy Sayne's strong principle, wit, beauty and pride ay nahuhulog na rin ang loob ni Trick sa dalaga but --- he’s afraid because of his rare disease. When he decided to tell her the truth the past of Trick start to disturb their present and here the couple will embarks on a bold, unfathomable journey of their relationship and as doctors with strong moral rule. This a medical-romance story of Trick and Sayne. A novel that will surely keep you in-hook of the plot because of the characters strong sense of principle.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Sayne! Hindi ka ba talaga sasayaw?!" pasigaw na tanong ni Mia sa kanya ang best friend niya upang magkarinigan sila dahil ang ingay sa loob ng club.

Maraming tao sa floor at nagsasayaw at ang iba naman ay nasa table lang nila at nag-iinuman.

"Hindi. Enjoy yourself at dito lang ako." Ngumiti siya at tinulak ito para sumama na sa mga kapwa nilang doctor na nagkakasiyahan sa dance floor.

"Sure ka na ba talaga?" tanong ulit ni Mia. Natawa tuloy siya sa reaksyon nito. Alam niyang nagdadalawang isip itong iwan siyang mag-isa sa counter ng bar.

"Oo nga. Kulit naman. Ayos lang ako dito nakikita ko naman kayo oh," saad niya sabay turo sa mga kasama.

Tumango-tango na lamang si Mia at kumaway-kaway bago siya talikuran at iwan sa counter ng bar. Alam nitong hindi talaga siya mapipilit nito sa pagsasayaw dahil sayaw ang pinakaayaw niya sa lahat.

"One glass of Margarita please," sabi niya sa bartender at ilang segundo lang ay binigay na nito ang order.

Nagkakasiyahan sila ngayon dahil wala na ang terror nilang professor sa anesthesiology department.

Matagal-tagal din nila iyong hiniling na sana ay aalis na ito sa ospital at huwag na huwag nang babalik sapagkat problema ang palaging dulot nito sa kanila.

Si Dijoon na nasa 2nd year fellowship nito ang namamahala sa department nila ngayon sa utos ng chief ng department na ina rin naman nito.

Wala rin naman silang pasyente kaya swerte sila sa pagkakataong ito. Sa susunod na araw pa darating ang papalit sa prof nila kaya sinusulit na nila ang pagkakataon.

Hindi niya namalayan kung ilang baso na ng Margarita ang naubos niya dahil mukhang natamaan na siya ng alak at nagsisimula na siyang mahilo. Pinili niyang tumayo para pumunta ng banyo nang may umupo sa tabi niya kaya kunot noo niya itong tiningnan.

"Hi. I'm Knight, mind if I join —"

"Di ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala," prangkang sabi niya at umupo ulit. Naiinis man sa taong kausap at gusto niyang iwan ito ay hindi niya ginawa dahil hindi siya ang tipo ng taong mambabastos sa kausap dahil may edukasyon siyang natapos.

Nakita niyang ngumisi ito sa kanya at tinawag ang bartender. "Give me one glass of Margarita for this beautiful lady here."

Medyo nahihilo na nga talaga siya dahil sa nainom niya ngunit nakikita niya pa nang maayos ang mukha ng lalaki at aminado siyang gwapo nga ito pero sigurado siyang hindi niya ito type.

Nang ibigay sa kanila ng bartender ang baso ay hinawakan muna ito ng lalaki bago ibinigay sa kanya. Nang ibinigay sa kanya ang baso ay napabuntong-hininga siya at tinitigan ang alak na nando'n at tinungga lamang ito ng isang beses.

Nakita niya kung paano nabigla ang lalaking kausap niya sa ginawa. Padabog niya namang nilagay ang baso sa counter at ngumisi sa lalaki.

"Alam ko ang mga tipo mo eh. Kaya kung may plano ka na lasingin ako at gawin 'yang gusto mo p'wes sasabihin ko sayo hindi low ang alcohol tolerance —"

Bigla siyang napakunot noo nang maramdaman ang matinding pagkahilo at 'di natapos ang sasabihin nang parang may kung anong nararamdaman ang bumubuo sa katawan niya.

"Well... You may have high alcohol tolerance but not when —"

"Knight!"

Tinis na boses ng dalawang babae ang narinig nila at lumapit ang mga ito sa lalaki. Walang alinlangan ang mga ito na yumakap at lumingkis sa Knight na iyon at hinalikan pa. Kaya nakatiyempo siyang iwan ang mga ito at tumakas sa kung anumang plano ng lalaki kanina.

Doctor siya at alam niyang may nilagay itong gamot sa ininom niyang Margarita nang hinawakan nito ang baso kanina bago nito binigay. Ang tanga niya lang at hindi niya iyon napansin agad.

Kinakabahan siya sa naisip niyang gamot na nilagay dahil iba ang dulot nito sa katawan at hinihiling niyang sana ay mali ang akala niya.

Kahit hilong hilo ay kinaya niya ang sariling kumuha ng kwarto upang doon niya matago ang sarili.

Top Class ang club na pinuntahan nila at may sarili itong hotel room sa taas na pwede mong pagpalipasan ng gabi kung nagkataong hindi ka makakauwi dahil sa kalasingan.

Ngunit nang papasok siya sa elevator ay may isang lalaking lumabas mula doon at nag-iba ang reaksyon ng katawan niya.

Napahawak siya ng mahigpit sa pinto ng elevator dahil nagtangka ang katawan niyang lapitan ang lalaki at yakapin ito.

Doon niya nakumpirma kung anong gamot ang nilagay ng lalaking Knight na iyon sa alak niya.

It's Flibanserin.

Isa 'yong gamot na nagpapalakas ng libido ng babae. Muntikan niyang hindi mapigilan ang sarili sa pagtangkang pagyakap sa lalaki mabuti na lamang ay umalis na ito at dali-dali naman siyang pumasok sa elevator at pinasara ito at pinindot ang floor niya.

Ang init ng katawan niya at mas nadagdagan ang pagkahilo. She felt that her mouth is drying. Isa ang mga 'yon sa side effect ng gamot na Flibanserin lalong lalo na't nakainom siya ng alak na isa sa mga hindi maaaring gawin kapag uminom ng gamot na 'yon.

Gumaan ang loob ni Sayne nang bumukas ang elevator sa floor kung saan nando'n ang room number niya at walang tao sa hallway.

Dahil sa matinding hilo ay nahihirapan siyang maglakad at napapahawak sa wall upang makarating sa pinto ng kwarto.

Nang marating ang kwarto ay in-encode niya na ang password dito ngunit kahit pag-type ay nahihirapan siya dahil sa matinding hilo.

Narinig niyang may bumukas na pinto at kinabahan siya nang malaman niyang ang kaharap niyang kwarto ang bumukas. Hindi siya lumingon at hinihiling sa sana ay hindi tatraydor ang kanyang katawan. Ngunit bago niya matapos ang pag-type ng password sa pinto ay sumuko na ang katawan niya at nalaglag siya sa sahig.

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya at uminit lalo ang katawan nang may lumapit sa kanya upang tulungan siya.

"Don't touch me," saad niya at iniharang pa ang mga palad sa harap ng lalaki senyales nang pagpigil niya sa paglapit nito at hindi ito tiningnan upang maiwasan ang kung ano mang dinadaing ng letche niyang katawan.

Wala siyang plano na ibigay ang virginity sa kung sino mang taong makakabangga dahil lang sa daing ng katawan na hindi niya rin naman ginusto.

Sinubukan niyang tumayo ulit at balansehin ang katawan kahit nahihilo ngunit nang sa kalagitnaan na siya nang pagtayo ay muntikan ulit siyang matumba at mahulog sa sahig. Bago pa niya maramdaman ang pagkahulog ay may matipunong mga braso na ang humawak sa beywang niya at leeg upang di siya malaglag.

Sa pagkakataong iyon doon niya nakita ang pagmumukha ng maginoong sumalo sa kanya. Parang humina at bumagal ang oras nang magtama ang paningin nila. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso niyang hindi niya maipaliwanag kung ba't nangyayari. Those eyes, those mesmerizing eyes.

"Ayos ka lang?" uminit ang katawan niya ng marinig ang baritonong tinig nito. Ang lalim at parang ang sarap niyang pakinggan kung kumanta.

Nakita niya kung paano gumalaw ang Adams Apple nito dahil napalunok ito. Marahil ay nagtataka sa binibigay na reaksyon niya. May isang nunal ito sa kaliwang gilid ng leeg at ang sarap kagatin no’n. Sa pagkakataong ito, aminado siyang gwapo ito at sigurado siya sa sarili na ito ang lalaking tipo niya.

"Hey woman, are you —"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin nito at hinila ang leeg upang walang alinlangan itong halikan ng mapusok.

Para namang may kung anong uri ng boltahe ang nanalaytay sa katawan at kaibuturan niya nang dumampi ang labi nito sa labi niya at hinihiling niyang tutugon ito at punan ang daing ng katawan. Ngunit hindi dahil hindi ito tumugon kundi marahas siyang nilayo habang hawak pa rin siya.

"What the hell is happening to you?" tanong nito at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.

His eyes is mesmerizing and those eyes made her flatter kahit sa ganitong eksena nilang dalawa.

"Pinainom ako ng Flibanserin," walang alinlangang sagot niya na para bang magkakilala na sila. Nakita niya kung paano umiba ang reaksyon nito na para bang alam nito kung anong klaseng gamot iyon. Nakita niyang napalunok ulit ito pero this time pag-alala ang pinakita nitong reaksyon.

Walang gamot ang makakakontra sa Flibanserin. Ang tanging magagawa mo lang para mapigilan ang daing ng katawan ng nakainom nito ay patulugin ito o sagutin ang hinihiling ng katawan ng nakainom sa gamot.

"I'm sorry," tanging nasabi niya at niyapos ang leeg ng lalaking hindi niya kilala. She gives her very boldly and seductively kisses para tugunan nito ang halik niya at bumilis ang tibok ng puso niya nang sa pagkakataong ito ay tumugon ito sa halik. Hindi maiwasan ng katawan ni Sayne na mag-react. It's her first time. Unang beses ito sa buhay niya na may labing dumadampi sa labi niya.

He's a great kisser.

Ang inaakala niyang siya ang mag-effort para tugunan nito ang mapusok na katawan niya ay hindi nangyari dahil ito na ang gumaya sa kanya.

He kissed her torridly at pinasandig siya sa labas ng pinto nito. She's closing her eyes while feeling his kiss. Napamulat siya ng tumigil ito at sumalubong sa kanya ang mahipnotismong mga mata nito. She's in her rough breath while he's still calm.

Hindi ito nagsalita at in-encode ang password nito sa pinto. When she heard the sound of the door na bukas na ay marahas niyang hinila ang damit ng lalaki at hinalikan ito. Naramdaman niyang may sumilay na ngiti sa labi nito dahil kahit hilo ang katawan niya sa gamot ay nasa matino pa rin naman ang pag-iisip niya.

When they entered his room ay siya ang nagsara sa pinto habang yakap at hinahalikan pa rin ang lalaki.

Hindi niya na inisip kung sino pa ang kukuha ng pagkababae niya dahil sa sitwasyon niya ngayon kung hindi niya masagot ang daing ng katawan ay mababaliw siya.

She let his kisses travel down to her neck. Idagdag pa ang mga kamay nito na marahang dumadaloy paloob sa kanyang damit.

Damn! She’s going crazy.

Gusto niyang sambitin ang pangalan nito ngunit hindi niya alam. Hindi ito nagpakilala sa kanya.

Nagtangka sana siyang hubarin ang black t-shirt nito nang hawakan nito ang kamay niya at hindi siya hinayaan.

"Why?" tanong niya dito habang nasa leeg niya ang mga labi nito and he's leaving a kiss mark on her neck. Damn! Ano na lamang ang gagawin niya bukas para matago ang markang 'yan sa ospital?

Tumigil ito sa paghalik sa kanya at tinitigan siya. Mata sa mata at kakaibang pakiramdam ang epekto ng mga titig na 'yon.

"I can still answer your urge even if I'm with my clothes."

The moment he said those words ay hinalikan na naman siya nito at dinala sa kwarto nito at pinahiga.

His kiss is so passionate na para bang pinapakalma nito ang katawan ni Sayne. He as if really knows if what her body needs.

She's waiting na tatanggalin nito ang mga saplot niya kung wala itong balak magpahubad sa kanya pero hindi nito ginawa.

Nagtaka siya nang parang may kinuha ito sa side table ng kama ngunit hindi na lamang iyon pinansin. She's feeling his touch while her eyes are closed.

"Ahh! Hmmm..." Napadaing si Sayne hindi dahilan ng paggalaw nito sa katawan niya kundi may kung anong bagay itong itinusok sa braso na ilang segundo lang ay nagdulot sa kanya ng kaantukan.

"Wh-why am I feeling s-sleepy?" tanong niya dito. Wala na itong ginagawa sa kanyang katawan at nakipagtitigan lamang.

"Saving you," saad nito na ang lalim ng boses at ang seryoso. She loves men who has a deep voice at ngayon ay narinig niya ang boses na gustong-gusto niya.

Ilang segundo lamang ay parang nawawala na ang paningin niya at ang huling nakita niyang mukha ay ang mukha ng lalaking pinili niyang ipagkaloob ang sarili ngayong gabi dulot ng gamot na nainom.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Bagzzz
Gusto ko yung plot ng storya na to. Ang talino ng mga medical terms na ginamit. Looking forward for this book.
2021-12-10 16:46:02
1
user avatar
Nikolai
interesting plot! Craving for more chapters miss author...
2021-11-07 19:58:37
4
user avatar
T
Immersive, a rollercoaster of emotions. Excited to see more chapters .........
2021-10-24 23:59:20
2
69 Chapters
Chapter 1
"Sayne! Hindi ka ba talaga sasayaw?!" pasigaw na tanong ni Mia sa kanya ang best friend niya upang magkarinigan sila dahil ang ingay sa loob ng club. Maraming tao sa floor at nagsasayaw at ang iba naman ay nasa table lang nila at nag-iinuman. "Hindi. Enjoy yourself at dito lang ako." Ngumiti siya at tinulak ito para sumama na sa mga kapwa nilang doctor na nagkakasiyahan sa dance floor. "Sure ka na ba talaga?" tanong ulit ni Mia. Natawa tuloy siya sa reaksyon nito. Alam niyang nagdadalawang isip itong iwan siyang mag-isa sa counter ng bar. "Oo nga. Kulit naman. Ayos lang ako dito nakikita ko naman kayo oh," saad niya sabay turo sa mga kasama. Tumango-tango na lamang si Mia at kumaway-kaway bago siya talikuran at iwan sa counter ng bar. Alam nitong hindi talaga siya mapipilit nito sa pagsasayaw dahil sayaw ang pinakaayaw niya sa lahat. "One glass of Margarita pleas
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more
Chapter 2
"Nathan de Verde. 23 years old. He's experiencing indigestion, heartburn as well as nausea and vomiting. So I suspected, he just have normal stomach ache becau—" "Does that person vomits with blood?" Sayne cut what the 2nd year resident was saying while still discussing the presentation about their following patients. Kumunot ang noo niya sa naging sagot nito. "Yes Doc," plain na sagot lang nito at para bang wala itong kaalam-alam sa pinagsasabi. "Indigestion, heartburn, nausea and vomiting with blood? Then you just suspected that as normal stomach ache?!" Parang natahimik ang buong kwarto kung saan sila nag me-meeting dahil sa sinabi niya. Kahit si Dijoon na nasa 2nd year fellowship nito ay 'di nagsalita at hindi siya pinakialaman. "That's an early warning of stomach cancer. Saan ka ba nag-aral at ganyan ka lang kung makapag-diagnose ng pasyente? You're second year resident still you
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more
Chapter 3
"Hoy! Anong ginagawa mo Sayne, aber?"Nabigla siya nang may dumapong mga palad sa balikat niya. Nang lingunin niya ay si Mia ito at may nagdududang mga tingin na binibigay. Nitong mga nagdaang araw ay masyado na siyang magugulatin marahil siguro sa kakainom niya ng kape."Ba't may pasilip silip ka pa r'yan? Sino hinihintay mo?" naniningkit ang mga matang saad nito."Ha? Ah, si ano —"Hindi niya natapos ang sasabihin ng tinulak siya nito at pumasok ito sa loob ng conference room. Naiwan naman siyang 'di makapaniwala sa kaibigan at gusto niyang matawa rito dahil sa nangyari.Kaya siya sumisilip sa conference room ay para hintayin ang lalaking iyon na lumabas para makausap niya at matanong kung bakit ganito ang reaksyon nito na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nagtutulak sa kanya para gawin iyon.Teka nga. May
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more
Chapter 4
A sweet and sorf murmur came from Sayne's lips nang maramdamang niyang may dumadaloy na kamay sa kanyang katawan.  Sinubukan niyang buksan ang mga mata ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito. Only his rough breath gave her an idea that the person is a him. 
last updateLast Updated : 2021-09-15
Read more
Chapter 5
“Just open the fridge kung nagugutom ka. Eat before you go home,” saad ni Trick bago ito tuluyang pumasok sa kwarto.Inikot ni Sayne ng tingin ang buong bahay. Trick seems to be the meticulous type of guy and a clean freak. Wala kang makitang kahit anong dumi o alikabok sa kahit saan mang banda ng bahay nito.“Malinis pa ‘tong bahay niya sa bahay ko,” bulong niya sa sarili.Kumuha siya ng tubig sa ref at pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa bahay ni Trick.The house is in modern design at medyo dull ang mga kulay sa loob. Kung ikaw ang tipo ng taong gustong gusto ang mga ganitong klase ng kulay ay tiyak na ikakatuwa ng mga mata mo ang pagtingin-tingin sa loob.Halatang mayaman ang may-ari dahil sa mga gamit at paintings na nakasabit sa mga dingding.Of course he’s rich. Who would when he finish his doctorate at States and the most co
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
Chapter 6
"Wala ka bang katabi?"Nasa eroplano na sila patungong Palawan upang gawin ang InterCare Outreach Program na na-assign sa kanila.Mahina siyang umiling upang sagutin ito at naupo naman 'to agad sa tabi niya. Hindi niya nakaligtaan ang tinginan ng tatlong kaibigan niyang si Mia, Dijoon at Jion na binibigyan na naman siguro ng ibang ideya ang nangyayari."Are you always like that?""Like what?" balik niya kay Trick sa tanong nito and he's comfortably closing his eyes at nakasandig na sa upuan."Nakatulala," simpleng saad nito."I'm not," pagtatanggol niya sa sarili."Yes you are." Ngumisi pa ito nang sabihin iyon."Paano mo nasabing palagi? Are you always sneaking gaze at me?" pabiro ang tanong niyang iyon ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang binigay na ngiti nito.He's still closing his eyes while comfortably lying his ba
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
Chapter 7
Chapter 7Kinaumagahan, huli na si Sayne nagising kay Trick. Nang tingnan niya ang higaan nito at wala na ito doon at tanging nakatuping higaan at ang damit nito na ibibihis ang nakita ay sigurado siyang naliligo ito at baka nasa banyo. Ngunit nang tingnan niya rin ang banyo ay bukas naman ang pinto.Saan ba siya naligo?Nang tingnan niya ang wristwatch ay 4:00 a.m pa lang. Eksaktong oras iyon na sinabihan siya ni Trick kagabi na bumangon. Saglit pa siyang humiga bago tuluyang napagdesisyunan na maliligo. Napangiti siya at nakahinga ng maluwag nang makitang puno ang lalagyan ng tubig sa banyo. Kaya excited siyang naunang maligo bago pa darating si Trick na tiyak niya namang hindi pa naliligo.Nasa kalagitnaan na siya ng pagliligo ng ma-realize niyang hindi niya nadala ang lotion body wash niya sa loob ng banyo. Napakagat labi siya dahil kahit ang bath robe ay nakalimutan niya. Nasanay kasi si Sayn
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more
Chapter 8
"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc." Para namang 'di magkamayaw ang puso niya dahil sa kaba epekto ng sinabi ni Dijoon. Ilang segundo siyang tinitigan ni Dijoon marahil ay hinuhuli nito ang reaksyon niya ngunit hindi siya agad-agad nagbigay ng rason para makagawa ito ng eksaktong konklusyon. "Joke lang!" natatawang pahabol agad nito ng makompirma nitong walang makuha sa panghuli-huli nito sa kanya. Para naman siyang nabunotan ng tinik sa lalamunan sa sinabi nito at nakahinga ng maluwag. Alas 5 ng hapon natapos ang outreach program nila. Naging kilala sila sa mga tao roon dahil sa kagalingang taglay nila sa medisina lalong lalo na si Trick na hindi lang sa galing nito kundi pati na rin sa kakisigan nitong taglay. Marami rin kasing hindi makapaniwala na nasa early 30's pa 'to at isa ng ganap na professor at galing pa talaga sa prestisyosong paaralan sa ibang bansa. Nang pumasok si Sa
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
Chapter 9
"It's probably because of the chickenpox," saad ni Sayne habang diretsong tumingin kay Trick.Nabasa niya ang pinapahiwatig ng mga mata nito. Naalala marahil ni Trick ang mga documents na binabasa tungkol sa mga health history ng lugar. Minsan niya rin iyong nabasa nang maiwan nito ang mga iyon sa kama at natingnan niya.Nang nakaraang 3 buwan ay naging uso ang chickenpox virus sa lugar at halos 35% ng population ang nagkaroon."It's the cause of Varicella Zoster Virus. Dahil virus 'yon imposibleng hindi magkaroon si Jaybee dahil nasa iisang lugar lang sila ng mga nagkaroon. He has Zoster Sine Herpete," Trick smirked after he fix the puzzle of the symptoms of their patients."Shingles? You mean the shingles without rashes then —""Chickenpox virus causes all forms of it," putol ni Mia sa sasabihin ni Jion."Could it be that the chickenpox virus remains in his nerve c
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
Chapter 10
"Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa. "Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito. "Wala akong nararamdaman, Mia." "Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse." Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam. "Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa." "Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibig
last updateLast Updated : 2021-10-26
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status