Chapter 7
Kinaumagahan, huli na si Sayne nagising kay Trick. Nang tingnan niya ang higaan nito at wala na ito doon at tanging nakatuping higaan at ang damit nito na ibibihis ang nakita ay sigurado siyang naliligo ito at baka nasa banyo. Ngunit nang tingnan niya rin ang banyo ay bukas naman ang pinto.
Saan ba siya naligo?
Nang tingnan niya ang wristwatch ay 4:00 a.m pa lang. Eksaktong oras iyon na sinabihan siya ni Trick kagabi na bumangon. Saglit pa siyang humiga bago tuluyang napagdesisyunan na maliligo. Napangiti siya at nakahinga ng maluwag nang makitang puno ang lalagyan ng tubig sa banyo. Kaya excited siyang naunang maligo bago pa darating si Trick na tiyak niya namang hindi pa naliligo.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagliligo ng ma-realize niyang hindi niya nadala ang lotion body wash niya sa loob ng banyo. Napakagat labi siya dahil kahit ang bath robe ay nakalimutan niya. Nasanay kasi si Sayne sa condo niya na nasa banyo na ang towel. Ilang minuto niya munang dinaramdam ang paligid at baka dumating na si Trick at maghingi na lamang siya ng pabor dito na ipaabot sa kanya ang mga naiwan niya sa kama ngunit inaatake na siya ng ginaw ay wala pa rin siyang narinig na pumasok sa kubo.
Bahala na.
Napagdesisyunan niya na lamang na mag ninja-ninja sa naging resulta ng katangahan niya. Inilabas niya ang ulo sa pinto at nang makitang sarado naman ang pinto ng kubo ay mabilis siyang tumakbo para kunin ang tuwalya nang kung walang ano-ano’y may pumasok sa kubo which made her freeze from what she’s doing at napatingin sa taong pumasok.
It’s Trick.
Basa ang buhok nito at naka pedal lang na suot sa ibaba at walang pang-itaas na saplot. May dala itong dalawang gallon na nasa tig-iisang mga kamay nito na bigla rin naman nitong nabitawan dahil marahil sa nakita nitong kaganapan nang pumasok sa loob.
“What are you doing?” Diretso ang tingin nito sa mga mata niya mukhang wala rin sa reyalidad ang tanong nito at ‘di man lang bumaba sa kanyang katawan ang mga mata. “I’m sorry. Hindi ko sinasadya,” seryosong saad nito at napalunok bago siya tinalikuran at lumabas ulit sa kubo.
Pareho silang hindi naka-react agad sa nangyari. Ilang segundo bago niya ma-realize at kusa na lamang siyang sumigaw.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” Dali-dali niyang hinablot ang bath robe niya at isinuot iyon at ilang segundo lang ay may naririnig na siyang mga tao sa labas ng kubo nila at tinatanong kay Trick kung ano raw ba ang nangyari.
Narinig niya pang nagbiro ito na nakakita siya ng daga at hindi pa raw siya magkamayaw sa pagsigaw pagkatapos itong makita.
Lumabas siya sa kubo at nilapitan rin naman siya ni Mia, Jion at curious na curious sa nangyari.
“Nakakita ka lang ng daga ganyan na agad reaksyon mo, binulabog mo pa kami,” natatawang saad ni Jion.
“Imposible pong may daga Doc Sayne nilinis naman namin lahat ng parte ng kubo,” may halong ngiti na saad ni Jolina nang lumapit ito sa kanya. Para itong may halong pang-aasar sa paraan ng pagkasabi nito. Galing ito roon kina Trick at mukhang kanina pa ito gising.
Parang ang lahat naman at maliban sa kanilang mga doctor ang kanina pa nagising at mukhang may inaasikaso na. Ang aga talagang magising ng mga tao kapag nasa probinsya.
Pinabalik na ni Trick ang lahat sa kani-kanilang gawain at bumalik na rin silang dalawa sa kanilang kubo ngunit naguguluhan siya at kinabahan sa huling sinabi ni Jolina.
“Basta ako Doc Sayne ‘di naniniwala na nakakita ka ng daga si Doc Trick yata ang may nakitang ikinasigaw mo eh.” Pahabol na bulong ng dalagita bago ito sumunod kay Mia.
Napakagat labi siya ng maalala iyon. Ano kaya ang nakita ng ni Jolina sa nangyari sa kanilang dalawa ni Trick.
Nang makapasok sa kubo ay mas lalong namuo ang ilang sa paligid nilang dalawa. Pumasok siya ulit sa banyo at tinuloy ang pagligo niya at nang matapos siya at nakabihis na si Trick at kaharap na naman nito ang mga records na kinuha niya sa health center kahapon.
Tinitigan niya ito dahil may gusto sana siyang sabihin ngunit ‘di niya magawa-gawa.
“I’m sorry earlier.” Nabigla siya nang magsalita ito. Buti na lang ay nagsalita ito kundi ay mapapatay siya ng ilang na nararamdaman niya kanina pa.
Hindi niya pinansin ito at hinayaan lang. Kung alam lang nito ang nararamdaman niyang hiya ay sigurado siyang pagtatawanan siya nito.
Ganoong klase ba ng tao si Trick?
Naalala niya ang nangyari kanina nang makita siya nitong walang saplot. Ni hindi tumama ang mga mata ni Trick sa katawan niya kundi nakatitig lamang ito sa kanyang mga mata. She smiled because Trick is a focused type of man at hindi madaling makuha ang atensyon nito ng mga ganoong bagay.
Focused men are powerful men.
Alas siete nang magsimula ang outreach nila. Si Jion at Mia ang nakaatang sa mag che-check ng BP at heart rate ng mga mamayan at si Sayne naman at Dijoon sa pag i-interview sa mga ito tungkol sa kani-kanilang mga karamdaman. Samantalang kay Trick naman nila binibigay ang pasyente kapag complicated at hindi basta-basta lang i-diagnose.
"Magandang araw po, ako po si Clarisse Reyes," bati ng babaeng sa tingin ni Sayne ay ka-edad lang niya. Morena ang kulay ng balat nito at napakaganda. Kahit nga siya ay napapahanga sa kagandahang taglay nito ano pa kaya kapag lalake ang titingin dito.
"Magandang araw din naman," bati niya pabalik at naghintay sana sa papel na i-aabot nito kung saan nilalagay nina Jion at Mia ang BP at heart rate ngunit wala itong ibinigay sa kanya.
"Doc, gusto ko po sanang hingan kayo ng pabor. Tungkol po sa kapatid ko. Hindi ko po siya dinala rito dahil may sakit siya at ang sakit niyang iyon ang rason kung bakit hindi siya pwedeng dalhin dito."
Sayne's curiousity and empathy towords her patients triggers. Marahil ay physically disabled ang kapatid nito kaya 'di maaaring dalhin at wala itong mga gamit na pwedeng gamitin upang madala dito.
"Ano bang nangyari sa kanya?"
"Eh kasi po Doc, sumasakit ang balat niya kahit wala naman pong nakikitang galos o sugat sa kanyang katawan. Kahit simpleng paghawak lang po, pagtama ng hangin sa kanyang balat o ang pagdaplis ng damit niya sa katawan ay nahihirapan na siya at namimilipit sa sakit. Naaawa na po ako sa kalagayan ng kapatid ko halos tatlong buwan na siyang nahihirapan," nakagat labing paliwanag at saad nito sa kanya. Ni halos hindi nito magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Dinala naman na namin siya sa provincial hospital noong nakaraang buwan. Ang sabi ng doktor sakit lang daw ng balat 'yon at mawawala rin naman kapag araw-arawin lang ang pagliligo ngunit di naman po nangyari ang inaasahan naming paggaling ng kapatid ko."
"May health history ba kayo ng pamilya na may ganitong sakit?" tanong niya.
"Wala po, Doc. Si Jaybee lang po ang nagkaroon ng ganoong sakit sa amin magpapamilya. Nais ko po sanang hingan kayo ng pabor na dalawin po ang kapatid ko, Doc at tingnan," naiiyak nang saad nito.
"Saan ba kayo nakatira?"
"Sa kabilang isla lang po, Doc...Doc Ricamonte," pagdadalawang isip na saad nito sa last name niya nang makita ang kanyang name tag sa lab coat na suot.
"Can you wait there?" turo niya sa waiting area ng mga nagpapakunsulta. "I'll approach you later kapag nakausap ko si Doc Mañego at nasabi ang tungkol sa case mo. Don't worry, we'll find ways to diagnose your brother properly. Ok?" sabay ngiti niya rito at hinawakan pa ang balikat nito giving her the assurance that they will help her.
Tumango-tango naman ito. After entertaining 2 patients ay hinayaan niya muna si Dijoon ang mag-aasikaso sa paparating pa at pinuntahan si Trick.
Trick is busy entertaining patient as well at nang mabakante ito ay nilapitan niya ito at kinausap at sinabi ang case tungkol dito. Walang alinlangan na nagdesisyon si Trick na dalawin ang pasyenteng sinabi kanina. Sinabi nitong pupuntahan nila iyon bukas na bukas din kapag maaga nilang natapos ang consultantation sa lugar na 'to.
"Doc Mañego, it's a rare case for me to encounter this kind of disease. Hindi naman po CRPS ang sakit ng kapatid niya tulad ng inaakala ko, diba?"
"CRPS typically develops after an injury, a surgery, stroke or heart attack, we can't conclude that as of now until we have further questions and test."
Tumango-tango naman siya sa sinabi nito. CRPS is a chronic pain that usually affects the arm and leg commonly nasa utak lang ang sakit. Kahit wala namang sakit ang katawan ay nagbibigay ang utak ng chemicals na may sakit ang parte ng katawan kahit hindi naman nag-eexist and it needs a further test first bago maka diagnose na ganoong sakit.
"Can you tell the guardian to come here so I can talk to him and ask everything regarding the patient."
Ginawa niya naman agad ang sinabi nito. Trick is undisturbed when he's focusing in his patient and work kaya hindi maiwasan ni Sayne na mapahanga rito.
She continue her work kasama si Dijoon habang pa-simpleng ninanakawan ng tingin si Trick at Clarisse na nag-uusap. 10 metro lang kasi ang layo ng lamesa nito sa lamesa nilang dalawa ni Dijoon.
Hindi niya malaman kung bakit niya iyon ginagawa at naiinis siya kapag nahuhuling ngumingiti si Trick habang kausap ang babaeng iyon.
"The audacity. She still managed to smile kahit hindi pa nga nalalaman ang totoong sakit ng kapatid niya," bulong niya sa sarili. Narinig naman ito ni Dijoon kaya natawa ito.
"Init ng ulo natin ah," pagbibiro nito. "Anong pangalan ng babaeng 'yon? Hindi ba ikaw ang nag nagtanong doon kanina?"
Tumango lang naman siya at inismiran ito kaya mas lalo itong ngumisi sa kanya.
"Maganda siya. Hindi lang maganda, kundi sobrang maganda. Filipina na Filipina ang beauty. Unlike niyo ni Mia alagang glutathione ang balat," pang-aasar nito.
"Pwede ba Dijoon, tatapakan ko talaga 'yang paa mo," kalmang saad niya na may nakangiting sarkastiko.
"May sakit ba siyang komplikado i-diagnose kaya sinend mo doon kay Doc Mañego?" Sumeryoso ito sa pagkausap sa kanya.
"'Yong kapatid niya. May hindi malamang pananakit ng balat kahit wala namang nakikitang rashes o sugat sa panlabas. I thought it's CRPS pero ang sabi ni Doc Mañego hindi daw agad-agad iyon masasabi. Kaya sila nag-uusap ni Clarisse dahil sinabi niya sa akin kanina na kakausapin niya ang guardian ng pasyente nang matanong ang health history ng pamilya o ano ba talaga ang nangyari."
"CRPS? Isn't that disease the opposite of the famous rare disease, CIPA? CIPA can't feel pain while CRPS is you feel pain without reasons." Para pa itong natuwa sa nalaman. Binigyan niya naman ito nang nagtatakang tingin.
"In my thesis when I was 4th year, I research about CIPA and you know what's exciting about it. There's a black lab in U.S that experiment people with that kind of genes. A lab that experiments people illegally. Yet, it was just a theory na may ganoon ngang lab pero wala pa namang nababalitan na totoo iyon. Puro pa lang mga article ang mga nababasa ko pero 'di naman naging famous dahil parang wala naman yatang curious gaano sa ganoong bagay."
"CIPA. CIPA. That's so rare. Imposibleng may ganoong tao dito sa atin ang may ganoong sakit," saad niya naman.
"Kaya nga, that's my point. You're hunch that Clarisse' brother has a CRPS is the same like people with CIPA, I-M-P-O-S-I-B-L-E. Imposible!"
Nagawa pa nitong mag spelling sa kanya. Tama nga naman ito. Medyo imposible ang sakit na iyon na ma-encounter nila rito.
"Pero huwag ka. We're in the field of science. Everything is discoverable and possible. Malay mo ako may CIPA," natatawang saad nito. "O 'di kaya si Doc Mañego."
"Tumigil ka nga," sabay palo niya sa balikat nito.
"Huwag mo kong paluin. Duda pa rin kami sa pagsigaw mo kaninang umaga sa kubo niyo ni Doc Trick," pagpapalit nito ng usapan at ngumiting aso sa kanya.
"Anong ibig mong s-sabihin?" nag-aalangang tanong niya.
"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc."
Para namang gusto niyang lamunin na lamang siya ng lupa sa sinabi ni Dijoon. Paano na lamang kung alam nito ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Trick kaninang umaga?
"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc." Para namang 'di magkamayaw ang puso niya dahil sa kaba epekto ng sinabi ni Dijoon. Ilang segundo siyang tinitigan ni Dijoon marahil ay hinuhuli nito ang reaksyon niya ngunit hindi siya agad-agad nagbigay ng rason para makagawa ito ng eksaktong konklusyon. "Joke lang!" natatawang pahabol agad nito ng makompirma nitong walang makuha sa panghuli-huli nito sa kanya. Para naman siyang nabunotan ng tinik sa lalamunan sa sinabi nito at nakahinga ng maluwag. Alas 5 ng hapon natapos ang outreach program nila. Naging kilala sila sa mga tao roon dahil sa kagalingang taglay nila sa medisina lalong lalo na si Trick na hindi lang sa galing nito kundi pati na rin sa kakisigan nitong taglay. Marami rin kasing hindi makapaniwala na nasa early 30's pa 'to at isa ng ganap na professor at galing pa talaga sa prestisyosong paaralan sa ibang bansa. Nang pumasok si Sa
"It's probably because of the chickenpox," saad ni Sayne habang diretsong tumingin kay Trick.Nabasa niya ang pinapahiwatig ng mga mata nito. Naalala marahil ni Trick ang mga documents na binabasa tungkol sa mga health history ng lugar. Minsan niya rin iyong nabasa nang maiwan nito ang mga iyon sa kama at natingnan niya.Nang nakaraang 3 buwan ay naging uso ang chickenpox virus sa lugar at halos 35% ng population ang nagkaroon."It's the cause of Varicella Zoster Virus. Dahil virus 'yon imposibleng hindi magkaroon si Jaybee dahil nasa iisang lugar lang sila ng mga nagkaroon. He has Zoster Sine Herpete," Trick smirked after he fix the puzzle of the symptoms of their patients."Shingles? You mean the shingles without rashes then —""Chickenpox virus causes all forms of it," putol ni Mia sa sasabihin ni Jion."Could it be that the chickenpox virus remains in his nerve c
"Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa. "Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito. "Wala akong nararamdaman, Mia." "Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse." Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam. "Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa." "Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibig
Trick stand up from where he's sitting at naka-smirk na dahan-dahang lumapit kay Sayne. Alam niyang naguluhan si Sayne sa pag-amin niya pero lango pa ito sa alak at tiyak niyang malilimutan nito ang nangyari kapag may balak siyang gawin dito.Hinawakan niya ang kaliwang pisngi nito. Namumula ito. Marahil ay dahil sa alak na nainom dahil hindi naman maaaring dahil sa paghawak niya rito. Her face is so soft at parang ayaw niya na lamang bitawan ang pisngi nito. He ran his thumb on her cheek at inilapit niya ang bibig sa taenga nito at may ibinulong. Dahil kung ipagpapatuloy niya ang pagtitig kay Sayne ay 'di na niya mapigilan ang nararamdamang umuusbong sa kanya."Goodnight," Binuksan niya ang syringe na kanina niya pa hawak-hawak at itinurok sa braso nito. May laman iyong pampatulog."Trick..."Unang pagkakataon iyon na narinig niyang banggitin nito ang unang pangalan niya at 'di niya maiwasang matuwa. Iba
"Look, the truth about life is that some of us were born to give more love than we will ever see in return."Doon niya nakita si Trick na nakaupo sa kabilang side ng bench na inuupuan niya. Lumingon-lingon siya sa paligid at ibinalik ulit ang tingin rito. Nagtataka kung paano ito umabot doon dahil hindi niya naman ito napansin kanina."What are you doing here? Are you stalking me?!"Kumunot ang noo nito at gustong matawa sa tanong niya."Kanina pa 'ko rito. Ako ang nauna sa upuan na 'to at sumunod ka lang."Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito."Ang layo ng park na 'to sa bahay mo. Bakit dito ka talaga pumunta? Unless you're stalking me?" Nakataas ang kilay na saad niya which made Trick look at her with amazement.Sa dami-dami ng pwede niyang ma-encounter sa park ba't si Trick pa? Inayos niya ang posture niya at taas kilay na tiningnan ito. Kailang
"Doc Ricamonte, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo!"Kumunot ang noo ni Sayne sa narinig mula sa intern nurse na si Aimee. May dala itong bouquet of red roses at kinikilig ito habang sinisinghot-singhot ang mga bulaklak.Isang oras na matapos ang pangyayari kanina at balik na ulit sa dati ang department nila. Wala ng critical na pasyente at chinecheck na lamang nila ang mga vital signs ng mga ito paminsan-minsan.Hindi na niya nakitang lumabas si Trick sa opisina ngunit kapag dumadaan siya malapit sa pintuan nito ay nakikita niya sa glass na may mga binabasa itong mga documents at libro na para rin sa kanilang mga pasyente."Doc Sayne!" Kinikilig at 'di mapakaling lumapit si Aimee sa table niya at ibinigay ang bouquet ng bulaklak.Nakangiti niya iyong tiningnan at inamoy.Ang bango.But she loves white and green roses than red. Iyon ang pabori
NABIGLA SI SAYNE sa narinig. Hindi niya naman sinasadyang marinig ang sinabi ni Shannon nang makalapit sila sa table ng mga ito. Nainis siya sa mga kaibigan kung bakit sa lahat ng table sa cafeteria ay pinili pa talaga ng mga ito na umupo malapit sa table nina Trick."I still like you," pang-uulit ni Shannon sa sinabi nito.Para namang umakyat ang lahat ng dugo ni Sayne at kung may makakakita lamang at bigyan siya ng pansin ay tiyak na iisipin nito na tumaas ang altapresyon niya. Siya lang ang tanging nakarinig niyon sa grupo nila dahil masyadong maingay ang mga kasama niya. Bumati ang mga ito kay Trick at Shannon bago bumalik ulit ang pansin sa pinagkakaabalahan nilang usapan.Hindi maipaliwanag ni Sayne ang nararamdaman ng tingnan siya ni Trick. Malalim ang paraan ng pagtingin nito at para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Ayaw niyang mag-akala ngunit iyon ang palagay niya sa paraan ng pagtitig nito.
Pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na sila nag-usap pa ni Trick. Tatlong araw na silang nagkakaroon lang ng usapan kapag may tanong tungkol sa pasyente o kapag importanteng bagay. Mabuti na lang ay 'di nagtataka ang mga kasama nila sa trabaho sa kanilang dalawa. Busy rin kasi ang mga ito sa trabaho at maramirami ang pasyente nila.Ngayon ang araw na napili ni Sayne na makipag-usap sa taong kinatatakutan niyang makita.Kanina pa siya aligaga noong nasa ospital siya at hanggang ngayon na nasa harap na siya ng restaurant kung saan sinabi nito na mag-usap sila ay hindi pa rin siya mapalagay.Nanlalamig ang kamay niya at mas lalong kumakabog ang kanyang dibdib.Mia is right. Makipag-usap lang naman siya rito. She won't be exchanging wits with him na siyang kinatatakutan niya.Naglakas-loob siyang lumabas sa kanyang kotse at pumasok na sa loob ng restaurant. Sinabi niya ang VIP room sa waiter at
"Trick gising na," saad ni Sayne habang niyuyogyog ng marahan ang balikat ni Trick. Alam niyang gising na ito at nagkukunwari na lamang na natutulog."Hmm..."Nagpalit lamang ito ng puwesto at nakita niya kung paano bumahid ang ngiti sa labi ng lalakeng pinakamahal niya. He's still closing his eyes at komportableng komportable ang pagkahiga sa kama."Trick you have to go to work," kausap niya dito pero wala pa rin itong epekto para magmulat ng mata. Nabigla naman siya ng marahang hinila ni Trick ang braso niya at nahulog siya sa matipunong katawan nito."It's still to early. Cuddle with me for a little while," parang batang saad nito at niyakap siya. Hindi pa rin ito nagmulat ng mata.Trick is half naked under the blanket. Nakasuot lamang ito ng maong na jeans sa ilalim ng kumot dahil hindi ito nakapag bihis pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Funny how he managed to put his
Nagising naman si Sayne sa isang kwartong magara at hindi niya alam kung nasaan siya.Ang naaalala niyang huling nangyari ay may bumulong sa kanyang lalaki at pagkatapos niyon ay wala na.Napadpad na siya sa lugar na 'to at hindi niya alam kung paano at bakit siya nandito.Nabigla naman siya nang may pumasok na tatlong babaeng nakangiti siyang tiningnan at may dala itong mga damit at isang tool box."Anong ginagawa ko rito?Sino kayo?"Nginitian lang naman siya ng isang babae bago siya sinagot."Huwag po kayong mag-alala, ma'am.Hindi po kami masasamang tao.Ang katunayan nga po ay nautusan kaming pagandahin pa kayo lalo."Mas lalong naging magulo ang isipan ni Sayne.*Ano 'to?What the hell is happening to me?From getting kidnap to this?Ano ba talaga ang nangyayari?*Ayaw niya sanang pumayag pero mabuti ang pagkausap ng mga babae sa k
Mia and the squad were busy accepting patients and giving the people of the island diagnosis when Sayne suddenly approach her and took the stethoscope on her neck at ito ang nagcheck ng mga pasyente.Kahit nabigla sa ginawa ng kaibigan ay hinayaan niya lang iyon at tinuloy na rin ang pag-intertain ng iba't ibang mga taong lumalapit sa kanila para magpakonsulta.May isang lalaki naman na lumapit rito.The man is the definition of tall,dark and handsome at mukhang may intensyong gustong magpakilala kay Sayne kasabay ng pagpakunsulta rito.Halata sa katawan nito ang mabibigat na trabaho na ginagawa.He has a good fit and build at kung magdadamit lang ito ng maayos ay magmumukha itong professional sa itsura.Tinaasan siya ng kilay ni Sayne nang tingnan siya nito at nahuli siyang nakataas kilay na may halong ibang depinisyon ang mga tingin.Dahil mamaya pa naman magsisimula ang plano ni Trick ay mukhang magandang pandagdag pampatay oras muna ni Sayne ang
"Hey..."Iyon ang tanging saad ni Mia nang makalapit ito kay Sayne.Hindi alam ni Sayne kung bakit parang mas gusto niyang umiyak ngayong nasa harapan niya na si Mia at may masasabihan na naman siya ng lahat ng kanyang hinanakit.She wants to tell everything to Mia and rants everything to her.Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o saan siya magsisimula sa iistorya niya.Sayne really don't know.Humagulgol siya ng iyak sa balikat ni Mia nang yakapin siya nito. Her bestfriend as well keep on rubbing her back para patahanin siya.Hinayaan lang naman siya ni Mia sa kanyang pag-iyak at hindi na nagsalita pa.Dahil sa isip ni Mia hindi niya rin alam kung ano ang gagawin.Ito ang pinakanakakaawang naging sitwasyon ni Sayne na nakita niyang nangyari rito and this is her biggest heartbreak after her relationship with her stupid exes kaya hindi niya alam kung anong tamang sabihin gayong nasali lang siya sa plano ni Trick na gustong
"How's my acting?" Shannon asked to Trick and she playfully raise her eyebrows.Bumaling si Trick dito ng may nakakamatay na tingin."I hate it!" singhal niya."You hate that?" Hindi makapaniwalang sabi nito."Eh ,umepekto nga kay Sionne," dagdag reklamo pa niya.Nilabanan din nito ang tingin na binibigay niya at mukhang ayaw magpatalo sa kanya.Woman!"Yes, it's good but I hate it," nag-aalalang saad niya at sinundan ng tingin si Sayne.Dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay gusto niya na lang tuloy na bawiin ang plano nila at magsorry dito.Kanina pa siya palaging nasa cellphone niya dahil sa nakapag-isip na siya ng taong tutulong sa kanya para sa magiging proposal niya kay Sayne.Para siyang na pressured sa sinabi ni Sayne noong isang gabi tungkol sa hindi pa nga sila kasal kung ano-ano na iniisip niya.Natakot
"Good morning,my love."Bumahid agad ang ngiti sa labi ni Sayne nang pagmulat na pagmulat ng kanyang mata ay ang gwapong mukha ni Trick ang sumalubong sa kanya.Trick is half naked at mukhang kakatapos lang nitong maligo."Ang aga mo naman na nagising.Nakaligo ka na.May lakad ka ba?"She scanned him from head to toe."No."Tinaasan niya ito ng kilay."So what's the rush at ganyan ka?""Gusto ko lang pag bigyan mo 'ko ng morning kiss gwapo na ako."Nagpigil tawa siya sa walang kwentang sinabi nito."You're like a baby.""Baby naman talaga.Baby mo," Trick stole a peck on her lips at nginitian siya nito."I went to the market kaya nang makarating ako dito ay naligo dahil nangangamoy akong isda," saad nito at lumabi pa sa kanya."You went there?Eh alam mo namang hindi advisable
"But, I'm hungry..."Napalingon si Trick sa kanya habang hinihila na siya nito papasok sa building ng kanilang hotel."Kakakain lang natin ah?"Napalabi siya sa sinabi nito.Trick smiled because of her reaction mukhang alam na nito kung ano ang gusto niya.Trick didn't argue with her anymore dahil kapag usapang pagkain ay dapat siya talaga masusunod."I'll order to this hotel cuisine.Mauna ka na lang sa kwarto,hmn?"Nakangiti naman siyang tumango sa sinabi nito at ginawa ang sinabi ni Trick.She waited for about 10 minutes bago rin dumating si Trick at hinintay nila magkasabay ng another 15 minutes ang pagkain.Trick's keeps on triggering her on her erogenous zone while they're waiting but she keep on stoping him at tawang-tawa naman siya sa reaction nito.Nang makarating ang pagkain ay napakunot noo si Sayne nang siya lang
Umiba ang itsura ni Trick nang marinig ang sinabi ni Dravin.Sayne knows na hindi maganda ang dulot noon dito lalo na't nang itinanong nito sa kanya kung ano niya ito ay hindi niya iyon sinagot ng totoo."And?" sagot ni Trick kay Dravin pagkalipas ng ilang segundong titigan nila.Kumunot ang noo ng panghuli na tila ba nagtaka. Mukhang hindi niya inaasahan na maging kalmado si Trick sa kanya."Look, man... She'll probably leave you kapag hindi mo nabigay ang gusto niya," nakangising saad ni Dravin at tumawa pa ng peke."Why would she leave me eh ako mismo ang gusto niya at bigay na bigay ko naman sarili ko?"Nagpipigil si Sayne sa pagngiti. She didn't expect that sarcastic answer of Trick na nagbigay kilig sa kanya.Tumaas ang kilay ni Sayne at tiningnan si Dravin at napagdesisyunang sagutin ito."Hindi kita iniwan dahil sa hindi mo nabigay
Nang magising si Sayne kinaumagahan ay may breakfast in bed nang nakahanda sa kanya and Trick seems not to be in the room.After few minutes nang magising siya ay bumalik naman itong karga-karga ang isang tourist guide book at nakangiting pinagmamasdan ito.Naupo ito sa kama kasama siya at binigyan siya ng isang peck bago ipinagmalaki ang dala-dalang mini guide."What's your plan?" tanong niya naman dito."I want you to incircle everything na gusto mong puntahan dito."Kinuha niya naman ang guide book ngunit hindi iyon binuksan."Hindi ba't nasa Palawan si Anthony? Why not dalawin ulit natin ang isla nila?"Kumunot ang noo ni Trick na para bang naguguluhan siyang tiningnan nito marahil dahil sa gusto niyang gawin."Anthony is now on States," sagot ni Trick. "Sabay kaming nagpunta roon dahil sa nagtatrabaho na ulit siya bilang doktor sa Joh