"It's probably because of the chickenpox," saad ni Sayne habang diretsong tumingin kay Trick.
Nabasa niya ang pinapahiwatig ng mga mata nito. Naalala marahil ni Trick ang mga documents na binabasa tungkol sa mga health history ng lugar. Minsan niya rin iyong nabasa nang maiwan nito ang mga iyon sa kama at natingnan niya.
Nang nakaraang 3 buwan ay naging uso ang chickenpox virus sa lugar at halos 35% ng population ang nagkaroon.
"It's the cause of Varicella Zoster Virus. Dahil virus 'yon imposibleng hindi magkaroon si Jaybee dahil nasa iisang lugar lang sila ng mga nagkaroon. He has Zoster Sine Herpete," Trick smirked after he fix the puzzle of the symptoms of their patients.
"Shingles? You mean the shingles without rashes then —"
"Chickenpox virus causes all forms of it," putol ni Mia sa sasabihin ni Jion.
"Could it be that the chickenpox virus remains in his nerve cells were reactivated?" nakatinging tanong sa kanya ni Dijoon at lumingon kay Trick. Tumango naman ang panghuli.
"Yey!" sabay suntok sa hangin na sabi ni Jion at nakipag-apiran ito kay Dijoon at Mia.
Lumiwanag rin ang mga mukha ng pamilya ng pasyente nila.
Sayne smiled after realizing all the symptoms of Jaybee. Hindi niya mapigilang mapahanga kay Trick sa kaalaman nito at paraan ng pag-analyze sa lahat ng konektado sa sitwasyon at kay Jaybee.
"Gagaling na po ba ako, ate Sayne?" parang naiiyak na tanong ng bata.
"You will be," sagot niya rito.
"Gagaling na po ba ang kapatid ko, Doc?"
Napatingin siya kay Clarrise. Ito ang nagtanong kay Trick.
"He will be. Kailangan lang namin ng mga samples niya para ma-test siya. When we will all see his immunoglobin after test. We can make a conclusion for his diagnosis," saad ni Trick at ngumiti ito ng konti.
"Talaga ho?" tanong nito ulit. Halata sa mukha nito ang tuwa ngunit ang 'di nila inaasahan ang pagyakap nito kay Trick.
Nagtinginan sila ni Mia at para siya nitong inaasar. Aminin niya para siyang nainis kay Clarisse na hindi niya mapaliwanag. Dapat sana ay wala siyang maramdaman sapagkat natuwa lamang ito sa nalaman tungkol sa kapatid kaya nito nagawa ang gano'n.
Pero ba't 'di ko mapigilang mainis? Ano naman sa 'kin kung yayakapin niya si Trick?
Ngunit mas lalong nadagdagan ang inis niyang nararamdaman nang walang ginawa si Trick sa braso na pumulupot sa kanya. Hinayaan lang nito si Clarisse sa ginawa at parang gusto niyang hampasin ng dos pos dos ang Trick Mañego na nasa harapan niya.
Gustong gusto niya rin naman ang ginagawa sa kanya.
Parang nahiyang tumingin sa kanila ang mga magulang ni Clarisse. Ngunit wala silang pinahiwatig na ilang dito at ngumiti na lamang.
Napagdesisyunan na iwan sa pamilya ang keypad na cellphone ni Dijoon sapagkat walang matatawagan o magsisilbing komunikasyon para sa kanila kapag natapos na ang test.
Dijoon just gave his phone at para na rin daw may magamit ang pamilya sa mga importanteng bagay. Labis naman ang tuwa ng mga ito sa ginawa niya.
Nang matapos ay inimbitahan sila ng pamilya na doon na mananghalian at mamaya na lamang hapon umuwi. Ikinatuwa naman 'to ng mga kasama nila dahil bukas pa naman ng umaga sila uuwi ng Manila.
In-enjoy nina Mia, Dijoon at Jion ang ganda ng isla at napagdesisyunang maligo. Ang totoo ay nakahanda na ang mga ito bago pa sila pumunta rito. Kaya nga may dala ang mga ito na back pack dahil may laman iyong mga damit at gamit nila sa panligo. Hindi alam ni Sayne kung mga professionals ba ang mga kasama niya o mga bata.
Nakakatuwa na kahit masyadong busy sa trabaho ay nagkaroon sila ng pagkakataon na maka-experience ng ganitong luxury sa buhay nila bilang doktor. Sa field kasi na 'to masyado ng swerte kung magkakaroon ka pa ng oras sa sarili mo.
Malayo siya sa gawi nina Clarisse at Trick at nakaupo lang sa duyan kung saan tanaw niya ang mga kasama na naglalaro ng habulan sa dalampasigan. Minsan din siyang natatawa kapag may nangyayaring katatawanan sa tatlo.
"3rd year highschool lang natapos ko Doc Trick. Hindi na kasi kaya nina Inay at Itay na ipagpatuloy ang pag-aaral ko at para makapagpatuloy sa kolehiyo."
Kumunot ang nuo ni Sayne nang marinig niya iyon. Narinig niya ang usapan ng dalawa dahil sa gawi niya paroon ang hangin kaya tyempo at eksakto para makarinig siya ng usapan nang hindi sinasadya.
Napaismid siya dahil doon.
Nagpapaawa ba siya?
Kung ano-anong bagay pa ang narinig niya mula rito. Hanggang sa nakita niya sa peripheral view niya na tumayo ito at hinihila si Trick papunta sa baybayin pero ayaw nitong sumama.
"Halika ka na, paminsan-minsan lang 'to," sigaw nito sabay hila kay Trick ngunit ayaw pa rin nitong tumayo mula sa kinauupuan.
Kahit pinipigilan niyang mainis ay inoobserbahan pa rin niya ang nangyayari sa dalawa. Kahit ayaw sumama ni Trick ay panay pa rin si Clarisse sa pag imbita rito papuntang baybayin at tumayo na ito habang patalikod na naglakad at nakaharap pa rin kay Trick.
What's with her?
Kung tao lang ang kaloob-looban niya ay malamang sa malamang kung ano-ano ng masasakit na salita ang nasabi nito kay Clarisse.
She's trying to flirt with him.
"Sama ka Doc Sayne!" sigaw nito sa kanya. Mukhang napansin siguro nito na tinitingnan niya kung anong ginagawa nila.
"Hindi. Kayo lang. Ayos na ako rito!" sagot niya rin naman at ngumiting aso pa. Mukhang 'di naman napansin ni Clarisse na peke ang sagot niya. Tiningnan niya si Trick kung nakatingin din ba ito sa kanya pero wala.
Ang ayos-ayos ng lugar ko rito sa duyan then ibibilad mo 'ko sa araw. As if parang gusto mo namang makasama ako.
Gusto niyang matawa sa sinasabi ng kaloob-looban niya. She's being immature again at hindi niya 'yon mapigilan kapag nasasali ang lalaking 'yon sa usapan.
Napatingin siya kay Trick. Mas ikakabuti ng katawan nito na maligo sa tubig-alat para mabilis gumaling 'yong kaninang sugat niya sa braso pero wala itong plano.
"Halika ka na Doc Tri— aray!"
Napatayo si Trick at nabigla naman siya sa pagsigaw ni Clarisse. Napaupo ito sa buhanginan at mukhang may natapakang sumugat sa talampakan nito.
Nilapitan naman ito ni Trick. She can't help to rolled her eyes after she saw Clarisse smile nang makalapit si Trick dito.
He's name is Trick pero siya naman 'tong nadadaya.
Kumunot ang noo niya nang ilang segundo lang ay may konting dugo na nga sa talampakan ni Clarisse. Hindi pala talaga 'to nagbibiro. Mukhang may natapakan itong matalim na bagay. Maaring mga nabiyak na shell sa buhangin.
Malayo sa bituka.
Taliwas ang reaction niya sa pagiging doktor niya. She's suppose to run after seeing someone get injured or what pero wala siyang ginawa. Nakaupo pa rin siya sa duyan sa ilalim ng niyog at nakapalumbaba pang minamasdan ang dalawa.
Am I watching a romantic movie? I hate romance!
Bumaling sa gawi niya si Trick kaya 'di maiwasang umarko ang gilid ng labi niya dahil sa ngiti.
Nagmistula tuloy siyang kontrabida sa ginagawa niya.
"Did you bring your medical kit?"
Ayaw niya sana itong sagutin agad-agad sa tanong pero wala siyang nagawa dahil seryoso ang mukha nito.
"Yes. Nasa backpack ko. You can get it if you'll use it," saad niya. Nasa bahay nina Clarisse ang dala niyang bag pack.
"Makakalakad ka ba?" Narinig niyang tanong ni Trick kay Clarisse at umiling-iling naman ang panghuli.
"Ang sakit. Kumikirot 'yong talampakan ko," sagot pa nito.
Sa sagot pa lang na iyon ay alam niya na kung anong gagawin ni Trick. He'll probably lift her up in bridal way at 'di nga siya nagkamali dahil iyon ang ginawa ng binata. Nagpaalam pa ito kay Clarisse kung pwede ba niyang gawin iyon at 'di naman nag-atubiling sumang-ayon ito.
Hindi nakakatuwa ang pagiging gentleman niya.
And there, doon mas lalong umusbong ang inis ni Sayne. Kunot-noong minasdan niya ang pagtalikod sa kanya ni Trick habang buhat-buhat nito si Clarisse sa mga braso papunta sa bahay.
Magka-infection sana 'yang sugat niya sa paa.
At hindi lang doon natapos ang ganap ng dalawa. Kahit sa pagkain, pagmeryenda at sa kahit anong gagawin ni Trick ay nakadikit si Clarisse dito. Alagang-alaga nito si Trick at mukhang napapansin din naman ng lahat ang paraan ng pagtrato ni Clarisse rito. Ngunit si Trick ay parang gustong-gusto nito ang ginagawa sa kanya dahil hindi ito nagrereklamo at wala itong ilang na nararamdaman.
"Hi po, Doc Sayne. Ayos lang po ba kayo rito?" Nabigla siya sa paglapit sa kanya ni Clarisse may dala na itong saklay para pantukod sa paa niyang nasugatan kanina. Malalim din yata ang sugat kaya sinabihan ito ni Trick na gumamit ng pantukod.
"Ayos naman," plain lang na sagot niya.
"Maraming salamat at pumayag kayong pumunta sa lugar namin para tingnan ang kapatid ko."
"H'wag ka sa 'kin magpasalamat kundi kay Doc Mañego. Siya ang head ng outreach program namin at objectives ng program na iyon na gawin ang lahat upang makatulong sa pasyente ng napiling lugar ng ospital."
"Salamat pa rin sa 'yo," sinserong saad nito.
How come naiinis siya sa babaeng ganito kabait? Dito ba talaga siya nagagalit o sa sarili niya dahil hindi niya matukoy ang nararamdaman niya.
"Gusto mo siya, 'di ba?"
Napakunot naman ang noo niya sa naging tanong nito. Iniwas niya ang tingin dito ngunit 'di niya pinahalata na tama ang hinala nito sa kanya. Pareho silang nakatingin kay Trick at sa kapatid ni Clarisse. Tinuturan ni Trick si Jaybee na mag-ayos ng Rubik's Cube. Tuwang-tuwa naman ang bata at mukhang gustong-gusto matuto.
Nasa labas sina Mia, Dijoon at Jion at kausap rin ang mga magulang nina Clarisse at ang dalawa pa nitong kapatid.
"Kahit 'di mo aminin ay masasabi ko dahil pareho tayong babae. Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga pagtitig mo sa kanya dahil ganyan rin ang nararamdaman ko kapag minamasdan ko siya. Una pa lang alam ko nang hindi siya para sa 'kin at pansamantala lang 'tong pagkakataon na nakita ko siya kaya in-enjoy ko na lang na nagkasama kami kahit konting panahon," paliwanag nito at tiningnan niya rin si Clarisse.
She's sincere about what she's saying. Hindi niya mapigilang mapahanga dahil kilalang-kilala nito ang sariling nararamdaman bagay na wala sa kanya.
"Nagseselos ka sa 'min, 'di ba?"
Hindi siya makasagot dahil wala rin siyang alam kung ano ang totoong nararamdaman niya.
Nagseselos nga ba talaga siya? Ngunit para sa kanya ay naiinis lamang siya. Naiinis siya sa ginagawang pagtrato ni Clarisse kay Trick pero bakit niya 'yon nararamdaman? Dahil ba hindi niya 'yon magawa kay Trick? Dahil ba kahit siya ay 'di niya naiintindihan ang sarili? Marahil oo ngunit hindi siya sigurado.
Before they left the island ay naging maganda ang relasyon nila ni Clarisse. They talk a lot. Ang ganda ng mindset nito at palagay niya ay mas marami pa siyang natutunan kaysa ito sa kanya. Doon niya lang napagtanto na nasa kanya ang problema. Problema niya sa sarili. Problemang kailangan niyang ayusin para mas maintindihan niya ang nararamdaman.
Hanggang sa makabalik sa tinutuluyan nila ay walang nangyaring usapan sa pagitan nilang dalawa ni Trick. Kapag nagkakataon na naiiwan silang mag-isa at mukhang magkakatyempo na sila ang mag-usap ay tumataliwas siya at kinakausap si Dijoon o 'di kaya ay si Mia.
Hindi niya rin alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. Parang gusto niya munang ilayo ang sarili rito pero wala siyang choice dahil pareho naman sila ng kubo na tinutuluyan.
"Are you still mad at me dahil sa nangyari sa 'tin kahapon?"
Trick break the silence nang makapasok sila sa kubo. Ito pa rin pala ang issue nilang dalawa na nasa utak nito. Napapikit siya nang maalala na naman ang kahihiyang iyon. Buti na lang dahil hindi pumasok sa utak nito ang inaakala ni Clarisse na nagseselos siya.
"H'wag mo na ngang ipaalala sa 'kin ang nangyari. Kinalimutan ko na 'yon. Sana kalimutan mo na rin. I'm not mad at you or anything. Ayaw ko lang ng kausap," saad niya at inayos ang mga gamit dahil lalabas siya ulit dahil hindi niya kayang magtagal na ito ang kasama. Parang nagdedeliryo ang buong pagkatao niya sa halo-halong kaba at kung ano pang emosyon na hinahatid nito.
Trick is really not good for her health.
Lumabas na siya ng kubo dahil naisipan ng lahat na mag bonfire sa labas pagkatapos kumain.
"Hey! Talk to me!" Excited na excited na saad ni Mia nang makalapit ito sa kanya at nakapaligid sila sa bonfire.
"About what?" nakakunot nuong saad niya.
"About you and your mood kanina." Dinagdagan pa nito nang pagtaas-taas nito ng kilay.
"Why?"
"Gaga ka! Kung ako si Doc Trick o 'di kaya si Clarisse ay mababasa ko na agad ang nararamdaman mo kapag tinitingnan mo kami," konklusyon nito.
"Na alin?" Hindi niya pa rin pag-amin.
"C'mon Sayne. Stop playing safe with me. Your secret is safe with me but when you have secrets at 'di mo sinasabi sa 'kin, hindi ka magiging safe sa 'kin. Sinasabi ko sayo Sionne Sayne Ricamonte," pagkokompleto pa nito sa buong pangalan niya.
"What are you talking, Mia?" nakangiting saad niya dahil natatawa na lamang siya sa reaction ng matalik na kaibigan.
"That you're jealous kanina kina Doc Trick at Clarisse and h'wag mong i-deny kundi sasabihin ko kay Doc ang totoo."
"Mia! Refrain from concluding things. Stop it," pang-iipit niya sa sinabi.
"Why?!" natatawang pang-aasar nito sa kanya.
"Why would I be jealous? He's not even mine."
There...she said it while gazing at him.
Those are the right words for the feelings she has for now.
"Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa. "Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito. "Wala akong nararamdaman, Mia." "Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse." Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam. "Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa." "Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibig
Trick stand up from where he's sitting at naka-smirk na dahan-dahang lumapit kay Sayne. Alam niyang naguluhan si Sayne sa pag-amin niya pero lango pa ito sa alak at tiyak niyang malilimutan nito ang nangyari kapag may balak siyang gawin dito.Hinawakan niya ang kaliwang pisngi nito. Namumula ito. Marahil ay dahil sa alak na nainom dahil hindi naman maaaring dahil sa paghawak niya rito. Her face is so soft at parang ayaw niya na lamang bitawan ang pisngi nito. He ran his thumb on her cheek at inilapit niya ang bibig sa taenga nito at may ibinulong. Dahil kung ipagpapatuloy niya ang pagtitig kay Sayne ay 'di na niya mapigilan ang nararamdamang umuusbong sa kanya."Goodnight," Binuksan niya ang syringe na kanina niya pa hawak-hawak at itinurok sa braso nito. May laman iyong pampatulog."Trick..."Unang pagkakataon iyon na narinig niyang banggitin nito ang unang pangalan niya at 'di niya maiwasang matuwa. Iba
"Look, the truth about life is that some of us were born to give more love than we will ever see in return."Doon niya nakita si Trick na nakaupo sa kabilang side ng bench na inuupuan niya. Lumingon-lingon siya sa paligid at ibinalik ulit ang tingin rito. Nagtataka kung paano ito umabot doon dahil hindi niya naman ito napansin kanina."What are you doing here? Are you stalking me?!"Kumunot ang noo nito at gustong matawa sa tanong niya."Kanina pa 'ko rito. Ako ang nauna sa upuan na 'to at sumunod ka lang."Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito."Ang layo ng park na 'to sa bahay mo. Bakit dito ka talaga pumunta? Unless you're stalking me?" Nakataas ang kilay na saad niya which made Trick look at her with amazement.Sa dami-dami ng pwede niyang ma-encounter sa park ba't si Trick pa? Inayos niya ang posture niya at taas kilay na tiningnan ito. Kailang
"Doc Ricamonte, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo!"Kumunot ang noo ni Sayne sa narinig mula sa intern nurse na si Aimee. May dala itong bouquet of red roses at kinikilig ito habang sinisinghot-singhot ang mga bulaklak.Isang oras na matapos ang pangyayari kanina at balik na ulit sa dati ang department nila. Wala ng critical na pasyente at chinecheck na lamang nila ang mga vital signs ng mga ito paminsan-minsan.Hindi na niya nakitang lumabas si Trick sa opisina ngunit kapag dumadaan siya malapit sa pintuan nito ay nakikita niya sa glass na may mga binabasa itong mga documents at libro na para rin sa kanilang mga pasyente."Doc Sayne!" Kinikilig at 'di mapakaling lumapit si Aimee sa table niya at ibinigay ang bouquet ng bulaklak.Nakangiti niya iyong tiningnan at inamoy.Ang bango.But she loves white and green roses than red. Iyon ang pabori
NABIGLA SI SAYNE sa narinig. Hindi niya naman sinasadyang marinig ang sinabi ni Shannon nang makalapit sila sa table ng mga ito. Nainis siya sa mga kaibigan kung bakit sa lahat ng table sa cafeteria ay pinili pa talaga ng mga ito na umupo malapit sa table nina Trick."I still like you," pang-uulit ni Shannon sa sinabi nito.Para namang umakyat ang lahat ng dugo ni Sayne at kung may makakakita lamang at bigyan siya ng pansin ay tiyak na iisipin nito na tumaas ang altapresyon niya. Siya lang ang tanging nakarinig niyon sa grupo nila dahil masyadong maingay ang mga kasama niya. Bumati ang mga ito kay Trick at Shannon bago bumalik ulit ang pansin sa pinagkakaabalahan nilang usapan.Hindi maipaliwanag ni Sayne ang nararamdaman ng tingnan siya ni Trick. Malalim ang paraan ng pagtingin nito at para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Ayaw niyang mag-akala ngunit iyon ang palagay niya sa paraan ng pagtitig nito.
Pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na sila nag-usap pa ni Trick. Tatlong araw na silang nagkakaroon lang ng usapan kapag may tanong tungkol sa pasyente o kapag importanteng bagay. Mabuti na lang ay 'di nagtataka ang mga kasama nila sa trabaho sa kanilang dalawa. Busy rin kasi ang mga ito sa trabaho at maramirami ang pasyente nila.Ngayon ang araw na napili ni Sayne na makipag-usap sa taong kinatatakutan niyang makita.Kanina pa siya aligaga noong nasa ospital siya at hanggang ngayon na nasa harap na siya ng restaurant kung saan sinabi nito na mag-usap sila ay hindi pa rin siya mapalagay.Nanlalamig ang kamay niya at mas lalong kumakabog ang kanyang dibdib.Mia is right. Makipag-usap lang naman siya rito. She won't be exchanging wits with him na siyang kinatatakutan niya.Naglakas-loob siyang lumabas sa kanyang kotse at pumasok na sa loob ng restaurant. Sinabi niya ang VIP room sa waiter at
SAYNE IS AWARE about what she's doing pero natatalo nang sigaw ng katawan niya ang kanyang pag-iisip. She can't control her body. Kusa iyong naghahanap. Kusa iyong gustong magpahawak sa lalaking nasa harapan niya.Naulit na naman sa kanya ang nangyari nuon. Muntik na naman siyang maging biktima ng lalaking walang ibang hangad kundi ang matugunan ang tawag ng laman nito. Mabuti na lang ay sa ikalawang pangyayari ay nandito na naman si Trick. Muli na naman siya nitong niligtas.But this time, kilala na nila ang isa't isa. She can call his name when she wanted to if he answers the urge of her body and if he'll choose to pleasure her. Gusto niyang sagutin ito ni Trick. Walang siyang magandang rason kung bakit gusto niyang magpa-angkin dito. Marahil dahil sa gamot o baka marahil sa nararamdaman niya rito, 'yon ay 'di niya na alam.When Trick put her on the bed ay kusa niyang niyakap at inangkin ang labi nito.P
NAPATITIG SI TRICK sa babae na nakahiga sa braso niya at himbing na himbing ang tulog.She's too gorgeous.He ran his index finger on Sayne's cheek. It's so soft kaya 'di niya napigilan ang sarili at nahagkan ito. He can't help to smile after realizing what happened between them.Pangatlong beses niya itong naangkin ngayong gabi. Pangatlong beses nilang sinaluhan ang rurok ng kaligayahan.She's mine. Kahit sa pagkakataon lang na 'to.At hindi mawala-wala sa isipan niya na siya ang unang lalaking dumaan dito at gusto niyang maging panghuli. Gusto niyang siya ang mag-aalaga rito. Gusto niyang siya ang proproteka rito — but he's afraid.Natatakot siyang pag nalaman nito ang pinakatago-tago niyang sakit ay iiwasan siya nito kaya nahihirapan siyang magdesisyon kung anong dapat gawin pagkatapos ng pangyayaring ito sa kanilang dalawa.Kani
"Trick gising na," saad ni Sayne habang niyuyogyog ng marahan ang balikat ni Trick. Alam niyang gising na ito at nagkukunwari na lamang na natutulog."Hmm..."Nagpalit lamang ito ng puwesto at nakita niya kung paano bumahid ang ngiti sa labi ng lalakeng pinakamahal niya. He's still closing his eyes at komportableng komportable ang pagkahiga sa kama."Trick you have to go to work," kausap niya dito pero wala pa rin itong epekto para magmulat ng mata. Nabigla naman siya ng marahang hinila ni Trick ang braso niya at nahulog siya sa matipunong katawan nito."It's still to early. Cuddle with me for a little while," parang batang saad nito at niyakap siya. Hindi pa rin ito nagmulat ng mata.Trick is half naked under the blanket. Nakasuot lamang ito ng maong na jeans sa ilalim ng kumot dahil hindi ito nakapag bihis pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Funny how he managed to put his
Nagising naman si Sayne sa isang kwartong magara at hindi niya alam kung nasaan siya.Ang naaalala niyang huling nangyari ay may bumulong sa kanyang lalaki at pagkatapos niyon ay wala na.Napadpad na siya sa lugar na 'to at hindi niya alam kung paano at bakit siya nandito.Nabigla naman siya nang may pumasok na tatlong babaeng nakangiti siyang tiningnan at may dala itong mga damit at isang tool box."Anong ginagawa ko rito?Sino kayo?"Nginitian lang naman siya ng isang babae bago siya sinagot."Huwag po kayong mag-alala, ma'am.Hindi po kami masasamang tao.Ang katunayan nga po ay nautusan kaming pagandahin pa kayo lalo."Mas lalong naging magulo ang isipan ni Sayne.*Ano 'to?What the hell is happening to me?From getting kidnap to this?Ano ba talaga ang nangyayari?*Ayaw niya sanang pumayag pero mabuti ang pagkausap ng mga babae sa k
Mia and the squad were busy accepting patients and giving the people of the island diagnosis when Sayne suddenly approach her and took the stethoscope on her neck at ito ang nagcheck ng mga pasyente.Kahit nabigla sa ginawa ng kaibigan ay hinayaan niya lang iyon at tinuloy na rin ang pag-intertain ng iba't ibang mga taong lumalapit sa kanila para magpakonsulta.May isang lalaki naman na lumapit rito.The man is the definition of tall,dark and handsome at mukhang may intensyong gustong magpakilala kay Sayne kasabay ng pagpakunsulta rito.Halata sa katawan nito ang mabibigat na trabaho na ginagawa.He has a good fit and build at kung magdadamit lang ito ng maayos ay magmumukha itong professional sa itsura.Tinaasan siya ng kilay ni Sayne nang tingnan siya nito at nahuli siyang nakataas kilay na may halong ibang depinisyon ang mga tingin.Dahil mamaya pa naman magsisimula ang plano ni Trick ay mukhang magandang pandagdag pampatay oras muna ni Sayne ang
"Hey..."Iyon ang tanging saad ni Mia nang makalapit ito kay Sayne.Hindi alam ni Sayne kung bakit parang mas gusto niyang umiyak ngayong nasa harapan niya na si Mia at may masasabihan na naman siya ng lahat ng kanyang hinanakit.She wants to tell everything to Mia and rants everything to her.Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o saan siya magsisimula sa iistorya niya.Sayne really don't know.Humagulgol siya ng iyak sa balikat ni Mia nang yakapin siya nito. Her bestfriend as well keep on rubbing her back para patahanin siya.Hinayaan lang naman siya ni Mia sa kanyang pag-iyak at hindi na nagsalita pa.Dahil sa isip ni Mia hindi niya rin alam kung ano ang gagawin.Ito ang pinakanakakaawang naging sitwasyon ni Sayne na nakita niyang nangyari rito and this is her biggest heartbreak after her relationship with her stupid exes kaya hindi niya alam kung anong tamang sabihin gayong nasali lang siya sa plano ni Trick na gustong
"How's my acting?" Shannon asked to Trick and she playfully raise her eyebrows.Bumaling si Trick dito ng may nakakamatay na tingin."I hate it!" singhal niya."You hate that?" Hindi makapaniwalang sabi nito."Eh ,umepekto nga kay Sionne," dagdag reklamo pa niya.Nilabanan din nito ang tingin na binibigay niya at mukhang ayaw magpatalo sa kanya.Woman!"Yes, it's good but I hate it," nag-aalalang saad niya at sinundan ng tingin si Sayne.Dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay gusto niya na lang tuloy na bawiin ang plano nila at magsorry dito.Kanina pa siya palaging nasa cellphone niya dahil sa nakapag-isip na siya ng taong tutulong sa kanya para sa magiging proposal niya kay Sayne.Para siyang na pressured sa sinabi ni Sayne noong isang gabi tungkol sa hindi pa nga sila kasal kung ano-ano na iniisip niya.Natakot
"Good morning,my love."Bumahid agad ang ngiti sa labi ni Sayne nang pagmulat na pagmulat ng kanyang mata ay ang gwapong mukha ni Trick ang sumalubong sa kanya.Trick is half naked at mukhang kakatapos lang nitong maligo."Ang aga mo naman na nagising.Nakaligo ka na.May lakad ka ba?"She scanned him from head to toe."No."Tinaasan niya ito ng kilay."So what's the rush at ganyan ka?""Gusto ko lang pag bigyan mo 'ko ng morning kiss gwapo na ako."Nagpigil tawa siya sa walang kwentang sinabi nito."You're like a baby.""Baby naman talaga.Baby mo," Trick stole a peck on her lips at nginitian siya nito."I went to the market kaya nang makarating ako dito ay naligo dahil nangangamoy akong isda," saad nito at lumabi pa sa kanya."You went there?Eh alam mo namang hindi advisable
"But, I'm hungry..."Napalingon si Trick sa kanya habang hinihila na siya nito papasok sa building ng kanilang hotel."Kakakain lang natin ah?"Napalabi siya sa sinabi nito.Trick smiled because of her reaction mukhang alam na nito kung ano ang gusto niya.Trick didn't argue with her anymore dahil kapag usapang pagkain ay dapat siya talaga masusunod."I'll order to this hotel cuisine.Mauna ka na lang sa kwarto,hmn?"Nakangiti naman siyang tumango sa sinabi nito at ginawa ang sinabi ni Trick.She waited for about 10 minutes bago rin dumating si Trick at hinintay nila magkasabay ng another 15 minutes ang pagkain.Trick's keeps on triggering her on her erogenous zone while they're waiting but she keep on stoping him at tawang-tawa naman siya sa reaction nito.Nang makarating ang pagkain ay napakunot noo si Sayne nang siya lang
Umiba ang itsura ni Trick nang marinig ang sinabi ni Dravin.Sayne knows na hindi maganda ang dulot noon dito lalo na't nang itinanong nito sa kanya kung ano niya ito ay hindi niya iyon sinagot ng totoo."And?" sagot ni Trick kay Dravin pagkalipas ng ilang segundong titigan nila.Kumunot ang noo ng panghuli na tila ba nagtaka. Mukhang hindi niya inaasahan na maging kalmado si Trick sa kanya."Look, man... She'll probably leave you kapag hindi mo nabigay ang gusto niya," nakangising saad ni Dravin at tumawa pa ng peke."Why would she leave me eh ako mismo ang gusto niya at bigay na bigay ko naman sarili ko?"Nagpipigil si Sayne sa pagngiti. She didn't expect that sarcastic answer of Trick na nagbigay kilig sa kanya.Tumaas ang kilay ni Sayne at tiningnan si Dravin at napagdesisyunang sagutin ito."Hindi kita iniwan dahil sa hindi mo nabigay
Nang magising si Sayne kinaumagahan ay may breakfast in bed nang nakahanda sa kanya and Trick seems not to be in the room.After few minutes nang magising siya ay bumalik naman itong karga-karga ang isang tourist guide book at nakangiting pinagmamasdan ito.Naupo ito sa kama kasama siya at binigyan siya ng isang peck bago ipinagmalaki ang dala-dalang mini guide."What's your plan?" tanong niya naman dito."I want you to incircle everything na gusto mong puntahan dito."Kinuha niya naman ang guide book ngunit hindi iyon binuksan."Hindi ba't nasa Palawan si Anthony? Why not dalawin ulit natin ang isla nila?"Kumunot ang noo ni Trick na para bang naguguluhan siyang tiningnan nito marahil dahil sa gusto niyang gawin."Anthony is now on States," sagot ni Trick. "Sabay kaming nagpunta roon dahil sa nagtatrabaho na ulit siya bilang doktor sa Joh