Share

Chapter 8

Author: itsssMorpheus
last update Last Updated: 2021-10-24 13:03:28

"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc."

Para namang 'di magkamayaw ang puso niya dahil sa kaba epekto ng sinabi ni Dijoon. Ilang segundo siyang tinitigan ni Dijoon marahil ay hinuhuli nito ang reaksyon niya ngunit hindi siya agad-agad nagbigay ng rason para makagawa ito ng eksaktong konklusyon.

"Joke lang!" natatawang pahabol agad nito ng makompirma nitong walang makuha sa panghuli-huli nito sa kanya.

Para naman siyang nabunotan ng tinik sa lalamunan sa sinabi nito at nakahinga ng maluwag.

Alas 5 ng hapon natapos ang outreach program nila. Naging kilala sila sa mga tao roon dahil sa kagalingang taglay nila sa medisina lalong lalo na si Trick na hindi lang sa galing nito kundi pati na rin sa kakisigan nitong taglay. Marami rin kasing hindi makapaniwala na nasa early 30's pa 'to at isa ng ganap na professor at galing pa talaga sa prestisyosong paaralan sa ibang bansa.

Nang pumasok si Sayne sa kubo nila ay nakita niyang nakaharap si Trick sa laptop nito at mukhang may binabasa. Hindi pa sila nakakain at plano ng lahat na magdinner sabay-sabay ang buong team kasama ang mayor at ang mga tumulong sa program.

"20 minutes daw maluluto na 'yong niluluto nila," saad niya rito.

Tumango naman ito bago tumingin sa kanya. Hindi ito nagsalita ng tingnan siya nito. Para nitong binabasa ang kaluluwa niya sa paraan ng pagtingin nito.

Why is he always like that?

Magsimula na sana siyang mailang dahil pumasok sa isipan niya ang nangyari kaninang umaga nang magsalita ito.

"Ano sa palagay mo ang sakit ng kapatid ni Clarisse?"

Para namang napikon siya sa tanong nito. Hanggang ngayon kasama pa rin ito sa usapan.

Why are you being childish, Sayne? Natural magtatanong talaga siya dahil pasyente niyo 'yon.

"You said it's CRPS. It's possible since nang magsimula ang sakit ni Jaybee at nahulog daw muna ito sa puno ng mangga at nagkaroon ng bali sa kanyang katawan. Ngunit pinahilot lang naman nila iyon at naging maayos na."

"CRPS commonly happens kapag nagka-injury ka," dagdag ni Sayne sa sinabi ni Trick.

"What if you're right that it's CRPS?"

"We'll know it tomorrow if I'm right kapag nakita natin ang pasyente." Naupo siya sa kama at humarap dito. "You should free yourself from work sometimes. Kulang na lang ay iisipin kong workaholic ka dahil kahit ganitong oras trabaho pa rin iniisip mo Doc Mañego," pagpopormal niya sa pagkausap niya rito.

"Last time you thought that I'm a clean freak and now, I'm a workaholic. What will be the next?" He smirk at her while he ask her kaya natawa na lamang si Sayne.

"I'm thinking about my patients and not work, Doc Ricamonte."

Natahimik siya sa sinabi nito ngunit 'di niya maiwasang mapangiti.

His principles about how to differentiate work and patients who have life and can feel pain is admirable.

Nang kumain sila ay napag-usapan nila kung anong oras bukas pupunta sa isla kung nasaan ang tirahan nina Clarisse at Jaybee na pasyente nila.

Hindi maiwasan ni Sayne na mainis kapag naaalala ang paraan ng pagtingin ng babaeng Clarisse na iyon kay Trick. Babae siya at alam niya ang ibig sabihin ng ganoong mga tingin nito sa Prof nila. She likes Trick at hindi niya alam kung ba't siya naiinis sa ganoong bagay.

Alas 5 ang usapan na dapat ay gising na sila. Nang bumangon siya ay nakita niyang puno ang lalagyan ng tubig sa paliguan. Wala si Trick sa kubo kaya lumabas siya at para tingnan ito dahil baka maulit na naman ang nangyari.

Papasikat na ang araw at nagtatakbuhan na ang mga bata sa labas. Umuusok na ang mga bahay dahil sa may nagluluto na ng pang-umagahan sa ganitong oras.

Ang sarap mabuhay sa probinsya.

Kumunot ang noo niya sa grupo ng mga bata na pinapalibutan si Trick kaya na curious siya at lumapit dito.

And there she saw Trick's arm is bleeding.

Sinabihan niyang gumilid ang mga bata para matingnan niya ang sugat.

"What happened to you?" tanong niya rito. Hindi ito sumagot at tinitigan lang siya. May isang batang babae ang nagpupunas sa dugo sa braso nito.

Tiningnan niya ang sugat at malalim nga ito. Ano bang nangyari sa lalakeng 'to at may sugat siyang ganoon.

"What happened to you ba?" pang-uulit niya sa tanong. Ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot kaya nakakunot nuong tinitigan niya ito at pananlisikan ng mata.

Gladly he answered her.

"I probably hit my arm on the barb wire kanina nang kumukuha ako ng tubig." Malalim ang tinig nito ngunit parang batang nagsusumbong sa kanya ang paraan ng paghatid nito sa sinabi.

Hindi maiwasan ni Sayne na may kung anong humimas sa puso niya.

"You probably what?" maldita pa rin niyang tanong. "Ang lalim ng sugat mo at 'di mo napansin 'to?" naiinis na saad niya.

"Hindi niya po talaga napansin, Doc. Huwag niyo po siya pagalitan. Hindi naman po sinasadya ni Kuya Trick. Kumuha lang po siya ng tubig para may ipangligo kayo," sumbong din naman ng batang babae na nagpunas sa dugo sa braso nito.

"Kung hindi ko nga po nakita, hindi niya rin napansin," dagdag rin ng isa.

"Oo nga po," sabay sabay rin namang sagot ng iba pa.

He did fetch water at ito ang naging resulta? Ano bang katangahang meron ka Trick Mañego?

Hindi niya alam kung kikiligin ba siya sa ginawa nito o maiinis.

And why does he keep on staring to the kid na nag-aalaga sa sugat niya? Trick was like a little kid na para bang ngayon lang natulungan at nabigyan ng atensyon.

"Lets go. I'll treat that sa loob ng kubo. I have medical kit there," malditang saad niya. "Kids, thank you. Gagamutin ko lang si Kuya Trick niyo and babalikan niya rin kayo mamaya," malambing na baling niya sa mga bata.

How can this kids call me Doc while Kuya lang kay Trick?The innocence.

Hinila niya si Trick paloob ng kubo at kusa lang naman itong sumama.

"What's wrong with you? Are you numb or what?" Hindi pa rin mawala ang inis niya rito. Ginamot niya ang sugat nito at buti na lang ay 'di ito nagrereklamo na nadidiinan niya ang sugat dahil sa inis na nararamdaman niya.

"Huwag kang tumitig sa 'kin ng ganyan. Mamaya niyan 'di mo na lang napansin na gusto mo na pala ako," pagbibirong saad niya upang labanan ang umuusbong ilang sa pagtitig nito sa kanya.

Wala siyang pakialam sa pagtitig ni Trick sa mukha niya habang ginagamot niya ang braso nito. Gustuhin man niyang matuwa dahil tinititigan siya o 'di kaya ay mailang ay umuusbong ang inis niya rito.

"Hindi ko lang napansin. Sorry..."

Napatigil siya sa ginagawa ng ilang segundo. Trick is saying sorry to her for getting himself wounded. Hindi niya alam kung kikiligin siya o maaawa.

"I'll inject you an anti-tetanus dahil baka may tetanus 'yong barb wire na nakasugat sayo," saad niya pagkatapos niyang lagyan ito ng band aid.

"Huwag na, ayos lang ako. Wala namang infection dahil ginamot mo na nang maayos," nakangiting saad nito sa kanya.

Trick is so rare to smile and hindi niya maiwasan na mapangiti na rin dito.

"Mag-ingat ka nga," naiinis niya namang saad dito. Hindi niya gustong akalain nito na nag-aalala siya rito ng masyado kaya dinadaan niya na lamang sa pagmamaldita.

"Hmn. Thank you, Doc Ricamonte," pagtango nito.

"Thank you sa pag-igib ng tubig," saad niya. "Ginamot ko 'yan dahil para makabawi sa pagkuha mo ng tubig. Baka kapag napano ka ako pa sisisihin mo."

Pagbibiro iyon ngunit may halong ganti sa sinabi nito kahapon sa kanya tungkol sa kaartehan ng balat niya.

Ngunit 'di niya mapigilang matuwa nang ngumiti lang si Trick sa sinabi niya.

Pumasok na nga siya sa banyo at naligo na rin. 

Dalawang oras ang lumipas at natapos na ang paghahanda nilang lahat at ready na sila upang pumunta sa isla na kung saan naroon ang pasyente nilang si Jaybee na kapatid ni Clarisse.

They rent a boat para mahatid sila sa isla. It took 30 minutes bago makarating doon at hindi mo pagsisihan ang ganda ng tanawin ng lugar na iyon. Idagdag pa ang ganda ng tubig — ang linaw-linaw. Klarong klaro ang mga bato sa ilalim ng tubig at mga coral reefs.

Palawan really hits different.

Kahit saang banda ng lugar na ito ay maganda.

"Ang ganda!" Sigaw ni Mia kaya natawa ang mga kasama nila rito. Nilalaro nito ang tubig habang minamasdan ang ganda ng mga bagay sa ilalim ng tubig.

Nang makarating sa isla ay 'di maiwasan ng lahat na pawisan dahil sa init ng araw exept Trick na wala man lamang naging epekto dito. Kahit isang butil ng pawis ay wala kang makikitang tumutulo galing sa katawan o noo man nito.

"Parang gustong gusto ng katawan niyo Prof ang araw ah, 'di man lang kayo pinagpawisan," pagbibiro ni Jion dito at ngumiti lang naman ito rito.

Ang init talaga ng araw ngayon unlike noon na pag nasa alas 9 ng umaga ay hindi pa nakakasakit ng balat pero ngayon parang trial card sa impyerno.

Grrr!

Sinalubong sila ni Clarisse at ng dalawa pa nitong kapatid nang makadaong sila sa isla. Ang ibang mga residente na nakatira malapit sa baybayin ay napatingin din sa pagdating nila.

Nagalak ang mga magulang ni Clarisse nang makita silang mga doktor. Natuwa ang mga ito at lubos na nagpapasalamat dahil sila pa ang dumayo upang tingnan si Jaybee.

Nakita nila ang sinasabing kapatid ni Clarisse na nakaupo  lamang sa kama nito at parang ayaw makipag-usap sa kanila.

"Pasensya na kayo. Simula kasi noong pumunta kami sa ospital at sinabi ng doktor na sakit lang ng balat ang nangyayari sa kanya at niresetahan kami ng gamot ay parang ayaw niya nang maniwala sa kahit kaninong mag diagnose sa kanya. Hindi rin naman kasi siya gumagaling," saad ng ina ni Jaybee at mas lalong nalungkot sa sinabi niya.

Linapitan nina Mia at Jion ang mag-asawa at pinagaan ang nararamdaman. Habang sinimulan rin namang i-check ni Sayne ang heart rate ng bata.

"Huwag mo akong hawakan," inis na turing nito sa kanya kaya nagtinginan sila ni Dijoon.

"Jaybee, right?" pagkausap nito rito. Tumango rin naman ito at 'di si Dijoon tiningnan nang diretso. "Ako naman si Doctor Mike Dijoon Ferrer. Pwede mo kong tawaging Doc Dijoon o Doc Mike o 'di kaya ay kuya Dijoon kung gustuhin mo." Malambing ang tono nang pagkausap nito sa bata kaya mukhang gumaan ang pakiramdam nito sa kanya.

"Siya naman si Doc Sionne Sayne Ricamonte. Pwede mo siyang tawagin kahit ano kung anong gusto mo hindi naman 'yon importante sa kanya." Pagbibiro ni Dijoon kaya natawa si Jaybee at tumingin sa kanya.

"You can call me whatever you want," sabay ngiti niya rito. "Alam kong masakit 'tong gagawin ko pero tiisin mo lang ha, we need to know your blood pressure para makatulong sa amin para malaman kung anong nararamdaman mo."

Nagdadalawang-isip itong tumingin sa hawak niyang sphygmomanometer. Alam nitong masasaktan siya sa pagkuha ng blood pressure nito sa kanya dahil para iyong pipisil sa braso.

"Gagawin namin ang lahat para malaman ang sakit mo, we promise," she said while giving the kid the most sincere smile she could.

Napalunok ito at sumang-ayon na sa gagawin nila.

NANG MAPANSIN NI TRICK na mukhang gumaan ang pakiramdam ng bata kina Sayne at Dijoon ay sinimulan niyang interbyuhin at tanongin ito at pagkatapos makuha ang kakailanganin niyang mga impormasyon tungkol sa nararamdaman nito ay tinanong niya rin naman ang mga magulang.

"Nang magsimula po ba ang sakit niya wala bang sumunod na nagkasakit sa inyo rito?" tanong ni Trick.

"Wala naman po, Doc. Nauna pa nga po kaming nagkasakit ng chickenpox dito lahat kaysa sa kanya pero 'di naman siya nagkaroon," saad ng ina.

"Chickenpox?" tanong ni Trick.

"Opo, lahat po sa pamilya namin ay nagkaroon ng ganoon."

"Lahat? Kasama si Jaybee?"

"Hindi po, Doc. Ikinatuwa nga niya at 'di siya nagkaroon pero may iba namang sakit ang dumapo sa kanya na 'di maintindihan," malungkot na dagdag ng ina nito. "Nagsimula siyang magkaroon ng ganyang pakiramdam nang gumaling ang bali niya nang mahulog siya sa puno ng mangga."

"Doc, baka tama si Sayne na CRPS nga —"

"That doesn't make sense." Trick cut what Dijoon will be saying. "Ang sabi ng bata may kung anong sakit, kati at parang may kung anong bagay ang tumutusok sa buong katawan niya. The feelings like burning, stabbing, or throbbing pain inside his skin is like the feelings of having CRPS. Nagkataon lang na nagkasakit siya pagkatapos gumaling ng injury niya. In CRPS the affected limb is often extremely sensitive to touch and the painful area is often swollen pero wala naman ang sa kan—"

Kumunot ang noo ni Trick ng maalala niya ang binabasang health history ng lugar kahapon. Marami ang case nang nagkaroon ng chickenpox sa lugar at kung hindi pa nakaranas si Jaybee ng ganoon ay posible itong magkaroon pa lang.

His patients is infected as well pero hindi ito ganoon kasimpleng sakit lang. Napatingin siya sa gawi ni Sayne at mukhang nakuha rin nito ang mga sinabi niya.

Mukhang ngayon ay pareho na sila ng diagnosis sa sakit ng pasyente nila.

Related chapters

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 9

    "It's probably because of the chickenpox," saad ni Sayne habang diretsong tumingin kay Trick.Nabasa niya ang pinapahiwatig ng mga mata nito. Naalala marahil ni Trick ang mga documents na binabasa tungkol sa mga health history ng lugar. Minsan niya rin iyong nabasa nang maiwan nito ang mga iyon sa kama at natingnan niya.Nang nakaraang 3 buwan ay naging uso ang chickenpox virus sa lugar at halos 35% ng population ang nagkaroon."It's the cause of Varicella Zoster Virus. Dahil virus 'yon imposibleng hindi magkaroon si Jaybee dahil nasa iisang lugar lang sila ng mga nagkaroon. He has Zoster Sine Herpete," Trick smirked after he fix the puzzle of the symptoms of their patients."Shingles? You mean the shingles without rashes then —""Chickenpox virus causes all forms of it," putol ni Mia sa sasabihin ni Jion."Could it be that the chickenpox virus remains in his nerve c

    Last Updated : 2021-10-25
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 10

    "Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa. "Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito. "Wala akong nararamdaman, Mia." "Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse." Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam. "Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa." "Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibig

    Last Updated : 2021-10-26
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 11

    Trick stand up from where he's sitting at naka-smirk na dahan-dahang lumapit kay Sayne. Alam niyang naguluhan si Sayne sa pag-amin niya pero lango pa ito sa alak at tiyak niyang malilimutan nito ang nangyari kapag may balak siyang gawin dito.Hinawakan niya ang kaliwang pisngi nito. Namumula ito. Marahil ay dahil sa alak na nainom dahil hindi naman maaaring dahil sa paghawak niya rito. Her face is so soft at parang ayaw niya na lamang bitawan ang pisngi nito. He ran his thumb on her cheek at inilapit niya ang bibig sa taenga nito at may ibinulong. Dahil kung ipagpapatuloy niya ang pagtitig kay Sayne ay 'di na niya mapigilan ang nararamdamang umuusbong sa kanya."Goodnight," Binuksan niya ang syringe na kanina niya pa hawak-hawak at itinurok sa braso nito. May laman iyong pampatulog."Trick..."Unang pagkakataon iyon na narinig niyang banggitin nito ang unang pangalan niya at 'di niya maiwasang matuwa. Iba

    Last Updated : 2021-10-27
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 12

    "Look, the truth about life is that some of us were born to give more love than we will ever see in return."Doon niya nakita si Trick na nakaupo sa kabilang side ng bench na inuupuan niya. Lumingon-lingon siya sa paligid at ibinalik ulit ang tingin rito. Nagtataka kung paano ito umabot doon dahil hindi niya naman ito napansin kanina."What are you doing here? Are you stalking me?!"Kumunot ang noo nito at gustong matawa sa tanong niya."Kanina pa 'ko rito. Ako ang nauna sa upuan na 'to at sumunod ka lang."Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito."Ang layo ng park na 'to sa bahay mo. Bakit dito ka talaga pumunta? Unless you're stalking me?" Nakataas ang kilay na saad niya which made Trick look at her with amazement.Sa dami-dami ng pwede niyang ma-encounter sa park ba't si Trick pa? Inayos niya ang posture niya at taas kilay na tiningnan ito. Kailang

    Last Updated : 2021-10-28
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 13

    "Doc Ricamonte, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo!"Kumunot ang noo ni Sayne sa narinig mula sa intern nurse na si Aimee. May dala itong bouquet of red roses at kinikilig ito habang sinisinghot-singhot ang mga bulaklak.Isang oras na matapos ang pangyayari kanina at balik na ulit sa dati ang department nila. Wala ng critical na pasyente at chinecheck na lamang nila ang mga vital signs ng mga ito paminsan-minsan.Hindi na niya nakitang lumabas si Trick sa opisina ngunit kapag dumadaan siya malapit sa pintuan nito ay nakikita niya sa glass na may mga binabasa itong mga documents at libro na para rin sa kanilang mga pasyente."Doc Sayne!" Kinikilig at 'di mapakaling lumapit si Aimee sa table niya at ibinigay ang bouquet ng bulaklak.Nakangiti niya iyong tiningnan at inamoy.Ang bango.But she loves white and green roses than red. Iyon ang pabori

    Last Updated : 2021-10-31
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 14

    NABIGLA SI SAYNE sa narinig. Hindi niya naman sinasadyang marinig ang sinabi ni Shannon nang makalapit sila sa table ng mga ito. Nainis siya sa mga kaibigan kung bakit sa lahat ng table sa cafeteria ay pinili pa talaga ng mga ito na umupo malapit sa table nina Trick."I still like you," pang-uulit ni Shannon sa sinabi nito.Para namang umakyat ang lahat ng dugo ni Sayne at kung may makakakita lamang at bigyan siya ng pansin ay tiyak na iisipin nito na tumaas ang altapresyon niya. Siya lang ang tanging nakarinig niyon sa grupo nila dahil masyadong maingay ang mga kasama niya. Bumati ang mga ito kay Trick at Shannon bago bumalik ulit ang pansin sa pinagkakaabalahan nilang usapan.Hindi maipaliwanag ni Sayne ang nararamdaman ng tingnan siya ni Trick. Malalim ang paraan ng pagtingin nito at para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Ayaw niyang mag-akala ngunit iyon ang palagay niya sa paraan ng pagtitig nito.

    Last Updated : 2021-10-31
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 15

    Pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na sila nag-usap pa ni Trick. Tatlong araw na silang nagkakaroon lang ng usapan kapag may tanong tungkol sa pasyente o kapag importanteng bagay. Mabuti na lang ay 'di nagtataka ang mga kasama nila sa trabaho sa kanilang dalawa. Busy rin kasi ang mga ito sa trabaho at maramirami ang pasyente nila.Ngayon ang araw na napili ni Sayne na makipag-usap sa taong kinatatakutan niyang makita.Kanina pa siya aligaga noong nasa ospital siya at hanggang ngayon na nasa harap na siya ng restaurant kung saan sinabi nito na mag-usap sila ay hindi pa rin siya mapalagay.Nanlalamig ang kamay niya at mas lalong kumakabog ang kanyang dibdib.Mia is right. Makipag-usap lang naman siya rito. She won't be exchanging wits with him na siyang kinatatakutan niya.Naglakas-loob siyang lumabas sa kanyang kotse at pumasok na sa loob ng restaurant. Sinabi niya ang VIP room sa waiter at

    Last Updated : 2021-10-31
  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 16

    SAYNE IS AWARE about what she's doing pero natatalo nang sigaw ng katawan niya ang kanyang pag-iisip. She can't control her body. Kusa iyong naghahanap. Kusa iyong gustong magpahawak sa lalaking nasa harapan niya.Naulit na naman sa kanya ang nangyari nuon. Muntik na naman siyang maging biktima ng lalaking walang ibang hangad kundi ang matugunan ang tawag ng laman nito. Mabuti na lang ay sa ikalawang pangyayari ay nandito na naman si Trick. Muli na naman siya nitong niligtas.But this time, kilala na nila ang isa't isa. She can call his name when she wanted to if he answers the urge of her body and if he'll choose to pleasure her. Gusto niyang sagutin ito ni Trick. Walang siyang magandang rason kung bakit gusto niyang magpa-angkin dito. Marahil dahil sa gamot o baka marahil sa nararamdaman niya rito, 'yon ay 'di niya na alam.When Trick put her on the bed ay kusa niyang niyakap at inangkin ang labi nito.P

    Last Updated : 2021-11-03

Latest chapter

  • He, Who Can't Feel Pain   EPILOGUE

    "Trick gising na," saad ni Sayne habang niyuyogyog ng marahan ang balikat ni Trick. Alam niyang gising na ito at nagkukunwari na lamang na natutulog."Hmm..."Nagpalit lamang ito ng puwesto at nakita niya kung paano bumahid ang ngiti sa labi ng lalakeng pinakamahal niya. He's still closing his eyes at komportableng komportable ang pagkahiga sa kama."Trick you have to go to work," kausap niya dito pero wala pa rin itong epekto para magmulat ng mata. Nabigla naman siya ng marahang hinila ni Trick ang braso niya at nahulog siya sa matipunong katawan nito."It's still to early. Cuddle with me for a little while," parang batang saad nito at niyakap siya. Hindi pa rin ito nagmulat ng mata.Trick is half naked under the blanket. Nakasuot lamang ito ng maong na jeans sa ilalim ng kumot dahil hindi ito nakapag bihis pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Funny how he managed to put his

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 68

    Nagising naman si Sayne sa isang kwartong magara at hindi niya alam kung nasaan siya.Ang naaalala niyang huling nangyari ay may bumulong sa kanyang lalaki at pagkatapos niyon ay wala na.Napadpad na siya sa lugar na 'to at hindi niya alam kung paano at bakit siya nandito.Nabigla naman siya nang may pumasok na tatlong babaeng nakangiti siyang tiningnan at may dala itong mga damit at isang tool box."Anong ginagawa ko rito?Sino kayo?"Nginitian lang naman siya ng isang babae bago siya sinagot."Huwag po kayong mag-alala, ma'am.Hindi po kami masasamang tao.Ang katunayan nga po ay nautusan kaming pagandahin pa kayo lalo."Mas lalong naging magulo ang isipan ni Sayne.*Ano 'to?What the hell is happening to me?From getting kidnap to this?Ano ba talaga ang nangyayari?*Ayaw niya sanang pumayag pero mabuti ang pagkausap ng mga babae sa k

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 67

    Mia and the squad were busy accepting patients and giving the people of the island diagnosis when Sayne suddenly approach her and took the stethoscope on her neck at ito ang nagcheck ng mga pasyente.Kahit nabigla sa ginawa ng kaibigan ay hinayaan niya lang iyon at tinuloy na rin ang pag-intertain ng iba't ibang mga taong lumalapit sa kanila para magpakonsulta.May isang lalaki naman na lumapit rito.The man is the definition of tall,dark and handsome at mukhang may intensyong gustong magpakilala kay Sayne kasabay ng pagpakunsulta rito.Halata sa katawan nito ang mabibigat na trabaho na ginagawa.He has a good fit and build at kung magdadamit lang ito ng maayos ay magmumukha itong professional sa itsura.Tinaasan siya ng kilay ni Sayne nang tingnan siya nito at nahuli siyang nakataas kilay na may halong ibang depinisyon ang mga tingin.Dahil mamaya pa naman magsisimula ang plano ni Trick ay mukhang magandang pandagdag pampatay oras muna ni Sayne ang

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 66

    "Hey..."Iyon ang tanging saad ni Mia nang makalapit ito kay Sayne.Hindi alam ni Sayne kung bakit parang mas gusto niyang umiyak ngayong nasa harapan niya na si Mia at may masasabihan na naman siya ng lahat ng kanyang hinanakit.She wants to tell everything to Mia and rants everything to her.Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o saan siya magsisimula sa iistorya niya.Sayne really don't know.Humagulgol siya ng iyak sa balikat ni Mia nang yakapin siya nito. Her bestfriend as well keep on rubbing her back para patahanin siya.Hinayaan lang naman siya ni Mia sa kanyang pag-iyak at hindi na nagsalita pa.Dahil sa isip ni Mia hindi niya rin alam kung ano ang gagawin.Ito ang pinakanakakaawang naging sitwasyon ni Sayne na nakita niyang nangyari rito and this is her biggest heartbreak after her relationship with her stupid exes kaya hindi niya alam kung anong tamang sabihin gayong nasali lang siya sa plano ni Trick na gustong

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 65

    "How's my acting?" Shannon asked to Trick and she playfully raise her eyebrows.Bumaling si Trick dito ng may nakakamatay na tingin."I hate it!" singhal niya."You hate that?" Hindi makapaniwalang sabi nito."Eh ,umepekto nga kay Sionne," dagdag reklamo pa niya.Nilabanan din nito ang tingin na binibigay niya at mukhang ayaw magpatalo sa kanya.Woman!"Yes, it's good but I hate it," nag-aalalang saad niya at sinundan ng tingin si Sayne.Dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay gusto niya na lang tuloy na bawiin ang plano nila at magsorry dito.Kanina pa siya palaging nasa cellphone niya dahil sa nakapag-isip na siya ng taong tutulong sa kanya para sa magiging proposal niya kay Sayne.Para siyang na pressured sa sinabi ni Sayne noong isang gabi tungkol sa hindi pa nga sila kasal kung ano-ano na iniisip niya.Natakot

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 64

    "Good morning,my love."Bumahid agad ang ngiti sa labi ni Sayne nang pagmulat na pagmulat ng kanyang mata ay ang gwapong mukha ni Trick ang sumalubong sa kanya.Trick is half naked at mukhang kakatapos lang nitong maligo."Ang aga mo naman na nagising.Nakaligo ka na.May lakad ka ba?"She scanned him from head to toe."No."Tinaasan niya ito ng kilay."So what's the rush at ganyan ka?""Gusto ko lang pag bigyan mo 'ko ng morning kiss gwapo na ako."Nagpigil tawa siya sa walang kwentang sinabi nito."You're like a baby.""Baby naman talaga.Baby mo," Trick stole a peck on her lips at nginitian siya nito."I went to the market kaya nang makarating ako dito ay naligo dahil nangangamoy akong isda," saad nito at lumabi pa sa kanya."You went there?Eh alam mo namang hindi advisable

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 63

    "But, I'm hungry..."Napalingon si Trick sa kanya habang hinihila na siya nito papasok sa building ng kanilang hotel."Kakakain lang natin ah?"Napalabi siya sa sinabi nito.Trick smiled because of her reaction mukhang alam na nito kung ano ang gusto niya.Trick didn't argue with her anymore dahil kapag usapang pagkain ay dapat siya talaga masusunod."I'll order to this hotel cuisine.Mauna ka na lang sa kwarto,hmn?"Nakangiti naman siyang tumango sa sinabi nito at ginawa ang sinabi ni Trick.She waited for about 10 minutes bago rin dumating si Trick at hinintay nila magkasabay ng another 15 minutes ang pagkain.Trick's keeps on triggering her on her erogenous zone while they're waiting but she keep on stoping him at tawang-tawa naman siya sa reaction nito.Nang makarating ang pagkain ay napakunot noo si Sayne nang siya lang

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 62

    Umiba ang itsura ni Trick nang marinig ang sinabi ni Dravin.Sayne knows na hindi maganda ang dulot noon dito lalo na't nang itinanong nito sa kanya kung ano niya ito ay hindi niya iyon sinagot ng totoo."And?" sagot ni Trick kay Dravin pagkalipas ng ilang segundong titigan nila.Kumunot ang noo ng panghuli na tila ba nagtaka. Mukhang hindi niya inaasahan na maging kalmado si Trick sa kanya."Look, man... She'll probably leave you kapag hindi mo nabigay ang gusto niya," nakangising saad ni Dravin at tumawa pa ng peke."Why would she leave me eh ako mismo ang gusto niya at bigay na bigay ko naman sarili ko?"Nagpipigil si Sayne sa pagngiti. She didn't expect that sarcastic answer of Trick na nagbigay kilig sa kanya.Tumaas ang kilay ni Sayne at tiningnan si Dravin at napagdesisyunang sagutin ito."Hindi kita iniwan dahil sa hindi mo nabigay

  • He, Who Can't Feel Pain   Chapter 61

    Nang magising si Sayne kinaumagahan ay may breakfast in bed nang nakahanda sa kanya and Trick seems not to be in the room.After few minutes nang magising siya ay bumalik naman itong karga-karga ang isang tourist guide book at nakangiting pinagmamasdan ito.Naupo ito sa kama kasama siya at binigyan siya ng isang peck bago ipinagmalaki ang dala-dalang mini guide."What's your plan?" tanong niya naman dito."I want you to incircle everything na gusto mong puntahan dito."Kinuha niya naman ang guide book ngunit hindi iyon binuksan."Hindi ba't nasa Palawan si Anthony? Why not dalawin ulit natin ang isla nila?"Kumunot ang noo ni Trick na para bang naguguluhan siyang tiningnan nito marahil dahil sa gusto niyang gawin."Anthony is now on States," sagot ni Trick. "Sabay kaming nagpunta roon dahil sa nagtatrabaho na ulit siya bilang doktor sa Joh

DMCA.com Protection Status