Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
View MoreIkinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i
Mabilis na binaliktad ng nurse ang clipboard na hawak habang maingat ngunit mabilis na nagii-scan ng listahan. “Hmm, hindi pa siya nadadala sa ospital. Lahat ng dinala doon ay accounted for sa listahan ko.”“Ibig sabihin, nandito pa siya? Tama ba? Pero kung nandito nga siya, nasaan?”“Hindi ko masasagot ang tanong na ‘yan, miss.”Nanikip ang sikmura ni Natalie kasabay ng pagkakaintinding wala si Mateo sa ospital at wala din ito sa mga ambulansyang naroon. Kung hindi siya ginagamot---isang pangit na ideya muli ang dumapo sa kanya, ngunit mabilis niyang iwinaksi.“Hindi. Huwag mong iisipin ‘yan, Natalie!” Singhal niya sa sarili. Pagkatapos ay hinarap ulit ang nurse. “Maraming salamat. Pero…pwede ko kayang silipin ang mga ambulansya? Baka sakaling naroon pa siya.”Nag-atubili ang nurse pero marahil ay naawa sa kanya. “Sige, pero bilisan mo. Marami pang pasyente na kailangan asikasuhin.”“Naiintindihan ko, salamat!” Walang sinayang na sandali si Natalie. Tumalikod na siya at tumakbo.Ang
[Narito ang listahan ng mga biktima---] sabi ng news anchor.Biglang dumilim ang screen at nagsimulang magflash ang mga pangalan. Halos nakadikit na ang mukha ni Natalie sa TV. Ayaw niyang kumurap, baka may makaligtaan siya kapag ginawa niya iyon. Ang bawat segundo ay mahalaga at mabilis ang takbo ng mga pangalan. Kasabay ng pagtutok niya sa TV ay ang taimtim niyang pagdasal na wala ang pangalan ni Mateo doon.Nagsimulang manginig ng matindi ang kanyang mga kamay. Patuloy pa rin ang pagflash ng mga pangalan hanggang sa makita niya ‘yon---Mateo Garcia.“Nasa listahan nga ang pangalan ni Mateo! Diyos ko po!”Pero hindi malinaw kung nasa listahan ito ng mga sugatan o…patay. Ilang libong beses niyang tanggap kung sugatan lang ito. Mas mainam iyon kaysa una. Hindi niya makakayanan kapag may nangyari kay Mateo.Biglang naging mababaw ang kanyang paghinga at naging malabo ang kapaligiran niya. Wala siyang ibang maisip, maliban kay Mateo---lahat ay lumabo.“Hindi. Hindi. Hindi pwede.”Mahigpi
Bumigat lalo ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Punong-puno ito ng hindi mabigkas na tensyon. Pagpasok nila sa city proper ng Calgary, liningon ni Alex si Mateo.“Sir, saan natin ihahatid si Natalie?”Hindi na kailangang itanong ‘yon dahil iyon naman talaga ang dapat na mangyari. Pero hindi pa nakakasagot si Mateo, nagising si Natalie.“Ibaba niyo na lang ako dyan sa may kanto. Alam kong out of the way ang tinutuluyan ko. Hindi niyo kailangang lumihis ng daan para sa akin. Kailangan ko din namang pumunta sa ospital.”Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Mateo dahil hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. “Natalie.”“Nangako ka sa akin.” Alam na alam na ni Natalie kung ano ang sasabihin ni Mateo kaya inunahan na niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata---mga matang walang alinlangan at malinaw ang pakay. “Tapos na tayo sa Wells, Mateo.”Wala ng kailangang sabihin pa. Panahon na para tuldukan ang lahat sa kanila.Bumalik ang mapait na lasa sa bibig ni Mateo, isang pait na mas mapait
Dating mga sundalo sina Alex at Tomas. Mga ex-Special Forces kaya kapag may nararamdaman silang ganito, bihira silang magkamali.Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo. “Canada…sino ang may pakana nito? Sino kang hayop ka at ano ang atraso ko sayo? Bakit hindi ka lumaban ng patas? Bakit kailangan mong lumaban ng pailalim?”Paulit-ulit na nilang tinangkang patayin siya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung ano ang dahilan sa likod ng mga atakeng ito. Palaisipan pa rin sa kanila ang katauhan ng taong may pakana nito.“Sir---”Biglang kumilos si Natalie sa kanyang upuan. Mabilis na lumamlam ang tingin ni Mateo at sa mababang tinig, pinutol niya ang mga sasabihin pa sana ni Alex.“Tama na,” malinaw ang ibig niyang sabihin. Na huwag na nilang ituloy pa ang usapan dahil baka marinig sila ni Natalie.Agad namang nakuha ni Alex ang ibig niyang sabihin kaya tumahimik na ito.Sa likod ng sasakyan, bahagyang gumalaw muli si Natalie. Naghahanap ito ng maayos na pwesto para sa pagtulo
Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel…Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya. [Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta’t sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet. Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta. Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie. Pum...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments