Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
View MoreSHIN'S POV Abalang abala si Ram na nakamasid sa isang hide out sa Rizal. Nakakubli lamang sya sa itaas ng puno. Hawak nya ang kanyang sniper rifle. Medyo malayo ang distansya nito sa hide out na pag-aari ni Azhi. Kung tutuusin, hindi lang ito basta hide out. Mayroon pa itong ikalawang palapag. Ilang minuto lamang ang nilagi ni Ram sa taas ng puno at tumalon na ito upang makababa. "Positive?" tanong ko agad sa kanya. Nakasandal lamang ako sa puno habang naka cross arms. "Ay! T*ngn*!" gulat na wika ni Ram sabay tutok sa akin ng kanyang rifle. "Go ahead. Pull the trigger" paghamon ko sa kanya habang tinitignan ko ang aking mga kuko. "Shin, ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" reklamo nito sabay baba ng kanyang armas. "Hindi ba napaka walang kwenta naman ng cause of death mo pag ganon?" natatawang wika ko sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Kala ko ba misyon ko to?" atungal nya sa akin habang hinihimas nya pa rin ang kanyang dibdib. "As if namang hahayaan kita ng ganoo
NEO'S POV "Sir?" tawag ni Maynard kay Seann ng makarating ito sa mansion ko. Magkakasama pa rin kasi kami dahil mukhang mahihirapan kaming ma-trace kung sino ang leader ng King Cobra Organization. "Maynard? Halika. Tuloy ka? Pinapunta ka ba ng kapatid ko dito?" usisa naman ni Seann kaya naman napatango si Maynard. "Pinapaabot po ni Lady Shin ito" magalang na wika ni Maynard sabay abot ang dokumento na kinuha naman ni Seann. Tahimik lamang kaming nakamasid sa kanilang dalawa dahil mukhang seryoso ang dahilan kung bakit inutusan ni Shin si Maynard na papuntahin dito. Binaling ko ang tingin ko kay Seann nang basahin nya ang dokumento. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay na halos lukutin na ang papel na hawak nya. Mukhang hindi nya nagustuhan ang nilalaman ng dokumento. "ano ang nilagay mo sa dokumento Shin?" tanong ko sa isip ko. Diretso akong tinignan ni Seann kaya napakunot ako ng aking noo. "Pakihanda ang mga tauhan mo Neo. Alam na ng kapatid ko kung sin
SHIN'S POVMarahas ang pagbuga ko ng hangin kaya napatingin lamang sa akin si Ram.Sumasakit na ang ulo ko dahil sa patong patong na problema. Idagdag pa ang hindi namin pagkakaayos ni Neo.Sumobra na yata ako sa kanya? "Mukhang stressed na stressed ka ha" puna ni Ram sa akin. Sabay kuha nito sa ice coffee na inorder nya at ininom ito."Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula." matamlay na wika ko sa kanya."Sa King Cobra ba yan? o kay Neo?" tanong ni Ram sa akin kaya tumingin ako sa kanya."Kahit hindi mo sagutin ang tanong ko Shin alam kong si Neo ang gumugulo ng isip mo. Bakit hindi na lang kayo magtulungan na kunin ang hustisya para sa anak nyo? Ganoon din naman ang gusto nya hindi ba? Ang makapaghiganti sa King Cobra Organization." mahabang wika nito at sumandal sa upuan.Hindi pa rin inaalis ni Ram ang tingin nya sa akin na tila ba hinihintay lamang nya kung ano ang maaari kong isagot sa kanya. "Pero nilihim nila sa akin ang tungkol dito....." ani ko na pinutol
NEO'S POVAlas dose na ng mapagpasyahan kong magtungo sa restaurant. Nagugutom na kasi ako dahil hindi ako nag-almusal kanina.Maaga akong umalis para hindi na ako makita ni Shin. Alam kong namumuhi sya sa akin at nararamdaman ko ang panlalamig nya.Hindi ko rin sya tinatabihan sa pagtulog para kahit paano ay hindi ako makadagdag ng pasanin sa kanya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating ako sa isang japanese restaurant.Pinagbuksan ako ng guard upang makatuloy na sa loob.Nilinga ko ang paligid upang maghanap ng bakanteng mesa pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.Nandito si Shin at may kasama syang isang lalaki. Maputi, reddish brown ang buhok na bahagyang mahaba. Malaki rin ang kanyang pangangatawan na hindi nalalayo sa akin. Hindi sya pamilyar sa akin pero sa mga kinikilos nila parang matagal na silang magkakilala.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mabuti pa ang lalaking iyon at nagagawa nyang pangitiin ang mahal ko.Napataas naman ang kilay ko ng biglang punasan ng lalak
"Hello? Ano??!! Anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang turan ni Seann sa kausap nya sa telepono."Sige, sige. Babalik kami ngayon ni Zach dyan" sagot nyang muli bago pinatay ang telepono."Bakit? May problema ba sa camp?" tanong naman ni Zach sa kanya pero umiling sya.Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi nya alam kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin."Anong problema Seann?" usisa ni Ivan sa kanya."Kailangan naming bumalik sa camp ni Zach ngayon din" malamig na sagot nito.Nakatitig lang sya kay Neo na nakayuko na tila ba malalim ang iniisip nito."Ano ba kasi yun? Bakit hindi mo na lang kami diretsuhin?" naiiritang tanong naman ni Caleb.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Seann. Isa- isa rin nyang tinignan ang bawat isa na kasama nya ngayon."Si Shin nasa camp" ani ni Seann na nagpaangat ng mukha ni Neo."Anong sabi mo?!" tanong ni Neo sa kanya. "Si Shin nasa camp. Mukhang may balak syang gumawa ng sarili nyang plano para makaganti" sagot muli ni
SHIN'S POV"Ano nakuha mo ba?" tanong ko kay Ram.Si Ram ang isa sa pinagkakatiwalaan kong assassin.Walang nakakaalam na nagtatrabaho sya para sa akin maliban sa aming dalawa."Yeah. Napaka- easy naman ng pinapagawa mo. Wala na bang mas hihirap dyan" pagyayabang nya sa akin habang nilalaro nya pa ang kanyang bangs na kulay reddish brown.Napangisi naman ako sa kanya. Tunay ngang isa sya sa pinakamahusay na assassin ng grupo. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng death threat at ang resulta ng finger print test.Nanlaki ang mata ko ng makita ito."Wala? walang nakitang finger print?" dismayado kong wika kay Ram."Mukhang nagsayang lang tayo ng oras dyan sa bagay na yan" naiiling na sagot ni Ram sa akin.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko."Ano ba kasi ang mayroon dyan.?" tanong ni Ram at tinuro ang papel na hawak ko gamit ang kanyang nguso."Narinig ko lang si Janvir at ang mga kaibigan nya. Nagpaplano silang maghiganti dahil sa nangyari sa anak namin" sagot ko kay
"Neo, may malaki tayong problema. Nawawala ang Death threat....." humahangos na wika ni Zach.Bigla nyang itinikom ang ang bibig ng makita si Shin na kasama pala si Neo.Kumunot naman ang noo ni Shin at salitan na tinignan si Zach at si Neo."Anong nawawala? Death threat?" tanong ni Shin sa dalawa.Nagkatinginan naman si Neo at si Zach."Ano? Sagutin nyo ako?" naiiritang wika ni Shin.Naka cross arms pa sya ng tanungin ang dalawa dahil mukhang may tinatago sila."Ah. Hindi Death threat Shin. Ahm yung ano" utal utal na wika ni Zach. Hindi nya alam kung paano nya lulusutan si Shin. Wala ring pumapasok sa isip nya na pwedeng idahilan gayundin naman si Neo na akala mo ay naputulan ng dila. Nagsimula ring mamuo ang mga butil butil na pawis nila. "Death cert sis hindi death threat. Namatay kasi ang isang tauhan ni Neo pero nawala ni Zach ang death certificate. Burara kasi ang lalaking yan. Alam nyang importanteng dokumento iyon pero hindi nya iniingatan" singit naman ni Seann.Naglakad sya
"Zach wala pa bang result doon sa finger print? Ang tagal naman yata iyon? Kailangan ko na ang resulta sa lalong madaling oanahon" naiinip na wika ni Neo.Hindi na sya makapaghintay dahil nangangati na ang kanyang mga kamay na maghiganti sa kalaban. "Mamayang hapon pa nila irerelease. Pupuntahan ko na lang mamaya bago kami bumalik ni Seann sa Baguio" sagot naman ni Zach.Nandito sila sa opisina ngayon ni Neo para pag-usapan ang kani-kanilang mga impormasyon na nakalap ngunit mas nahihirapan sila ngayon."Yung kapatid ko? Hindi ba sya nakakahalata sa iyo? Buti hindi ka nya kinukulit na tumulong?" tanong naman ni Seann.Umiling naman si Neo."Hindi sya nangungulit ngayon pero masyado nyang dinidibdib ang pagkawala ng anak namin. Lagi na lang syang nagkukulong sa kwarto at ayaw kumain. Lagi rin syang umiiyak. Nauunawaan ko naman sya dahil masakit naman talagang mawalan ng anak" malungkot na wika ni Neo. Muling nagbalik sa alaala nya ang nangyari sa anak nya. Sinisisi nya ang kanyang s
"CODE BLUE, private ICU" sigaw ng isang nurse.Natataranta na ang lahat kaya nagmamadali silang kumilos patungo sa ICU."Anong nangyayare??!!" tarantang sigaw ni Shin.Kitang kita ni Shin ang pagbilis ng tunog ng machine na nakakabit kay Nico."Ma'am maghintay muna po kayo sa labas" ani ng isang nurse at giniya si Shin palabas ng pinto. "Anak please, lumaban ka please!!!" umiiyak na wika ni Shin. "Sige na po maam, maghintay na lang po kayo." ani ng nurse at tuluyang inilabas si Shin."Love what happened?!!" tanong ani ni Neo nang makalapit sya kay Shin.Napayakap na lang si Shin kay Neo at tuluyang humagulgol.Palinga linga si Neo sa may glass window subalit nahaharangan ito ng kurtina."One, two, three CLEAR!" wika ng doktor na nasa loob.Tila natigilan na lamang si Neo sa kanyang naririnig mula sa loob."Hindi . Hindi !!! Please anak lumaban ka" naiiyak na wika ni Neo habang mahigpit na yakap si Shin. Napatingala na lamang sya upang pigilan sana ang kanyang luha pero hindi nya ma
SHIN'S POV"Lola, aalis po muna ako susubukan ko po ulit maghanap ng mapapasukang trabaho. Kayo po muna ang bahala kay baby Jaleel " paalam ko sa aking lola.Ganito ang araw araw na routine ko dahil pahirapan makahanap ng trabaho.Ayoko naman na kasing umasa sa kikitain ng lola ko sa maliit na tindahan nya lalo pa at nadadagdagan ang mga bayarin.Mula kasi nung umalis si ate wala ng katuwang si lola sa paghahanap buhay. 20 years old naman na ako kaya kahit anong trabaho papasukan ko na.Naglakad ako papunta sa bayan baka sakaling may naghahanap bilang tindera."Naku ineng wala kaming bakante ngayon, pasensya ka na" ani ng tindera ng gulay."Sige po salamat" buntong hininga kong wika.Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang isang ale na namimili ng gulay."Neng, baka gusto mong mamasukan bilang kasambahay?" tanong nito.Nabuhayan ako ng loob sa winika ng ale."Sige po, kahit anong trabaho po tatanggapin ko" masayang wika ko."Halika sumama ka sa akin. Manang Cora na lang ang itawag mo s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments