Dahil sa matinding pagmamahal ni Bianca Issabelle Velasquez, nagawa niyang magtiis sa loob ng tatlong taon sa piling ni Daniel Aragon Buenaventura. Alam niyang hindi siya nito mahal pero nangako siya sa abwela nito bago sila ikasal na mamahalin niya ng buong puso si Daniel. Kahit na masyado nang masakit, pinilit niya pa ring intindihan ang pambabaliwala nito sa kanya. Hangang sa dumating ang oras na labis niyang kinatatakutan. Umuwi si Daniel na may dalang divorce agreement at pilit itong pinapa-pipirmahan sa kanya. Ang dahilan niya...wala na daw pag-asa ang relasyo nila. Kailangan na nilang palayain ang isat-isa dahil never naman daw siya nitong minahal! Isa pa, bumalik na ang kanyang childhood sweetheart na balak niyang pag-alayan ng kanyang pangalan. Hangang saan at kailan niya kayang magpaka-martir sa ngalan ng pag-ibig? Kaya niya bang magtiis ng another years sa piling ni Daniel lalo na at may batang nasa sinapupunan na gusto niya sanang bigyan ng kumpletong pamilya? Paano kung dumating na sa punto na iniuwi na ni Daniel ang babaeng mahal nito sa sarili nilang pamamahay? Lulunukin niya na lang ba ang pride niya huwag lang siyang mahiwalay sa lalaking mahal niya or kusa na siyang bibitaw para sa katahimikan ng lahat?
View MoreSCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal
BIANCA ISSABELLE POV “Sign this! Tapos na ang pagiging sunod-sunuran ko sa iyo Bianca. Hindi kita mahal at ito na din siguro ang pagkakataon natin pareho para palayain ang isat isa!” seryosong wika sa akin ni Daniel Aragon Buenaventura. Inihagis niya sa harap ko ang hawak niyang papel at gamit ang nangingnginig kong kamay pinulot ko iyun at binasa. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata habang binabasa ko ang divorce agreement. Mahigit isang lingo din siyang hindi umuwi dito sa bahay tapos ito pala ang pasalubong niya sa akin. Gusto niya nang makigpahiwalay sa akin. Gusto niya nang tapusin ang tatlong taon naming pagsasama na pilit kong iniingatan huwag lang masira. “Bakit? Hindi mo ba ako mahal? Never mo ba talaga akong minahal? Daniel, alam na alam mo kung paano kita inaalagaan sa loob ng tatlong taon! Hindi pa ba sapat ang lahat-lahat ng sakripisyo ko at pag-aalaga na ibinigay ko sa iyo? Ano ba ang kulang sa akin? Sabihin mo? Ano pa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments