Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!
"Kailangan ko ng anak, ibibigay mo sa akin iyun sa ayaw at gusto mo!"
Elijah Villarama Valdez! Mula sa mayamang angkan ng mga Villarama Clan at walong taon nang hinahanap ang kanyang pag-ibig sa katauhan ni Ethel Angeles! Subalit nang matagpuan niya ito pagkatapos ng walong taon, napag-alaman niyang mayroon na itong ibang lalaking iniibig!
Para makabawi sa lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa dito, pinili niya na lang na magpaubaya pero sa isang kondisyon, kukunin niya ang kustudiya ng anak nilang si Ezekiel! Papayag lang si Ethel na ibigay ang kustudiya ng kanilang anak kung magbabayad siya ng dalampung milyon na kaagad namang sinang-ayunan ni Elijah!
Para sa anakm na gusto niyang makapiling, gagawin niya ang lahat pero bago pa niya nakuha ang bata, isang trahedya ang hindi niya inaasahan na nangyari! Nalunod ang kanyang anak at ang itinuturo ni Ethel na may kasalanan ay ang maganda at sexy na life guard na si Jennifer Madlang-awa!
"Hindi ako Yaya ng anak mo para twenty four seven ko siyang bantayan!" katagang lumabas sa bibig ng magandang si Jennifer habang kaharap ang umiiyak at galit na si Ethel!
Paano matatangap ng isang bilyonaryo na si Elijah ang isang hindi inaasahang trahedya na siyang dahilan kung bakit biglang umusbong ang galit sa puso niya?
Malalagpasan niya ba ang pighati na dulot ng matinding kabiguan lalo na kapag malaman niya na ang anak na inaasam niyang makasama ay tuluyan na siyang iniwan dahil sa kapabayaan ng mga taong nakapaligid dito or mananaig ang galit sa puso niya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging sangkot kung bakit napahamak ang anak niya?
Sabay-sabay nating tunghayan ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig at kabiguan ng isang Elijah Villarama Valdez!