"Kailangan ko ng anak, ibibigay mo sa akin iyun sa ayaw at gusto mo!" Elijah Villarama Valdez! Mula sa mayamang angkan ng mga Villarama Clan at walong taon nang hinahanap ang kanyang pag-ibig sa katauhan ni Ethel Angeles! Subalit nang matagpuan niya ito pagkatapos ng walong taon, napag-alaman niyang mayroon na itong ibang lalaking iniibig! Para makabawi sa lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa dito, pinili niya na lang na magpaubaya pero sa isang kondisyon, kukunin niya ang kustudiya ng anak nilang si Ezekiel! Papayag lang si Ethel na ibigay ang kustudiya ng kanilang anak kung magbabayad siya ng dalampung milyon na kaagad namang sinang-ayunan ni Elijah! Para sa anakm na gusto niyang makapiling, gagawin niya ang lahat pero bago pa niya nakuha ang bata, isang trahedya ang hindi niya inaasahan na nangyari! Nalunod ang kanyang anak at ang itinuturo ni Ethel na may kasalanan ay ang maganda at sexy na life guard na si Jennifer Madlang-awa! "Hindi ako Yaya ng anak mo para twenty four seven ko siyang bantayan!" katagang lumabas sa bibig ng magandang si Jennifer habang kaharap ang umiiyak at galit na si Ethel! Paano matatangap ng isang bilyonaryo na si Elijah ang isang hindi inaasahang trahedya na siyang dahilan kung bakit biglang umusbong ang galit sa puso niya? Malalagpasan niya ba ang pighati na dulot ng matinding kabiguan lalo na kapag malaman niya na ang anak na inaasam niyang makasama ay tuluyan na siyang iniwan dahil sa kapabayaan ng mga taong nakapaligid dito or mananaig ang galit sa puso niya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging sangkot kung bakit napahamak ang anak niya? Sabay-sabay nating tunghayan ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig at kabiguan ng isang Elijah Villarama Valdez!
view moreELIAS POV '"Ayan! Iyan tayo eh. kung hindi ka ba naman gumawa ng kalokohan, hindi mangyayari iyan!" sermon ng pinsan ko sa kabilang linya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Matino akong partner ni Amery at mas magiging matino ako ngayun lalo na at may anak na kami." sagot ko din naman kaagad sa kanya. "Eh, kung matino kang lalaki dapat hindi ka na pumapatol sa ibang babae. Tsk, sa lahat ng mga playboy, ikaw na yata ang pinakamalala. Nasa tabi mo na nga si Amery, naghanap ka pa talaga ng iba. And worst, binigyan mo pa ng singsing!" walang pakundangan na wika ni Charlotte. Hindi ko naman maiwasan na magulat "Hey...saan mo nakuha ang ganiyang impormasyon? Ikaw ba ang nagpakalat ng tsismis na iyan kaya hangang ngaun galit sa akin si Amery?" seyosong tanong ko sa kanya. "Iyung tungkol kay Rebecca ako ang nagsabi noon kay Amery pero iyung tungkol sa singsing hindi ako. Galing kay Amery iyun. Siya ang may sabi." sagot din naman kaagad nito. "Umayos ka cous ha? Nararamdaman din nam
ELIAS POV "MOM, pwede bang tsaka na tayo mag-usap? Aasikasuhin ko lang si Amery." muli kong wika kay Mommy. Kaya nga pala ako nandito sa labas para bumili ng pagkain. Baka biglang mainip si Amery sa loob ng condo unit at umalis. Natatakot din naman ako sa sinabi ni Mommy na baka layasan ako ni Amery dahil sa mga kalokohan na ginawa ko. Ngayun pa lang, siguro kailangan ko nang magtino. Kailangan ko na talagang magpakatino. Para kay Amery at sa anak namin. Nakakabahala pa naman ang ipinapakitang malamig na pakikitungo ni Amery sa akin. Haysst, kung bakit naman kasi bigla na lang nagbalik si Rebecca. Dumirecho ako sa isang restaurant para bumili ng makakain para kay Amery. Pinili ko talaga ang mga paborito niya at baka sakaling bumlik sa dati ang mabait niyang mood at maging mabuti ulit ang pakikitungo sa akin. Pagkatapos maibigay ang orders ko, mabilis na din akong bumalik ng condo unit. Naabutan ko si Amery na nanonood ng telibisyon habang seryosong seryoso ang mukha. "Hey
ELIAS POV RAMDAM ko ang pagbabago ng pag-uugali ni Amery kaya naman balak kong kausapin mamaya ang Doctor niya. HIndi ko kasi talaga maiwasan na mag-aalala ng sobra sa kanya eh. HIndi naman ganito ang pakikitungo niya sa akin dati pero sa isang iglap, biglang nagbago ang pag-uugali niya Alam kong malaki ang tampo nito sa akin dahil ilang linggo din akong walang time sa kanya. Naging abala kasi ako sa hospital dagdagan pa ng kabi-kabilaang mga meetings at mga conference na dapat kong aattendan. Dumagdag pa ang problema ko kay Rebecca. Kung bakit naman kasi bigla na lang nagpakita sa akin. Nagulo tuloy ang sistema ko at muling bumalik sa isipan ko ang matatamis na nakaraaan na namagitan sa aming dalawa. Childhood Sweetheart ko si Rebecca. Siya ang first ko. First girlfriend at unang babae na naikama ko kaya talagang special siya sa akin. Siya din ang dahilan kaya naging playboy ako. Akala ko talaga puro saya na lang ang mararanasan ko sa relasyon namin dati pero nagkamali ako.
AMERY HEART POV PAGKATAPOS kong padedehin ang anak ko, muli na akong lumabas ng NICU. Naabutan ko dito sa labas si Elias na halatang hinihintay ang paglabas ko. May ngiti sa labi na kaagad niya akong sinalubong "Kumusta? Hindi ba't ang cute ng baby natin?" nakangiti niyang tanong sa akin. Ilang saglit ko din siyang tinitigan bago tumango "Oo..ang cute niya." mahinang sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, muli kong inihakbang ang aking paa pero muli ding napahinto at hinarap siya. "I changed my mind. Dito na lang muna ako sa hospital. Hiintayin ko na lang muna si Baby para sabay na kaming umuwi." seryosong wika ko sa kanya. Nakangiti naman siyang kaagad na tumango. "Alam kong umay na umay ka na sa atmosphera dito sa hospital. May condo ako malapit dito at pwede tayong mag stay doon. Anytime naman pwede tayong pumunta dito para dalawin si Baby." nakangiti niyang suhistiyon sa akin. Seryoso ko siyang tinitigan bago tumango. "Anywhere. Basta malapit kay Baby at mabilis siyang ma
AMERY HEART POV PINANINDIGAN ko talaga ang malamig na pakikitungo ko kay Elias sa nakalipas na mga araw. Alam kong nahahalata niya din iyun pero wala naman akong narinig na kahit na anong negative na salita mula sa kanya na mas lalo pang nagpadagdag sa kagustuhan ng puso ko na tuluyan na siyang talikuran Ngayung araw ang labas ko sa hospital na hindi ko man lang sinisilip ang anak ko sa NICU. Alam kong pati mga pinsan niya ay nahahalata na din ang pagbabago ng kilos ko sa tuwing dinadalaw nila ako dito sa hospital. Kapansin-pansin kasi talaga ang kawalan ko ng gana na makipag-usap kahit na sa kanila. Ewan ko ba! Biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Iniisip ko na lang na baka epekto lang ito ng panganganak ko kaya ganito. May mga oras na wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak. Baka nga may postpartum depression na ako eh. Hindi ko alam or baka naman ayaw ko lang aminin sa sarili
AMERY HEART POV "Hindi! May ginawa ka bang kasalanan para magalit ako sa iyo?" seryosong tanong ko sa kanya! Natigilan naman siya sabay iwas ng tingin sa akin. "Pakiayos na lang ng mga papeles. Gusto ko nang umuwi ng bahay." seryoso kong wika sa kanya! "Amery...hindi ka pa okay! Wala pang go signal mula sa Doctor mo na pwede ka nang lumabas ng hospital.'" seryoso nyang sagot sa akin "Doctor din ako at alam ko ang nararamdaman ko. Gusto ko nang makauwi dahil feeling ko magkakasakit lang ako lalo dito sa hospital." seryoso kong sagot sa kanya. "How about our baby? Kaya mo ba siyang iwan dito sa hospital? Ayaw mo bang hintayin siya ng ilang lingo para sabay na kayong umuwi ng bahay?" seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakaimik "Balita ko, ni minsan hindi mo pa nasilip ang anak natin sa loob ng NICU. Kumain ka muna pagkatapos labas tayo. Puntahan natin siya. Silipin natin siya. Alam mo bang sobrang cute niya?" nakangiti niyang muling bigkas. Hindi naman ako nakaimik "An
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero nang muli kong imulat ang aking mga mata nasa isang pribadong silid na ako. Nang kapain ko ang aking tiyan ay wala na ang umbok doon kaya biglang dagsa ang takot sa puso ko "Ang anak ko. Kumusta ang anak ko?" mahinang tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ng kung sino sa akin at nang ibaling ko ang aking tingin ang seryosong mukha ni Charlotte ang sumalubong sa akin. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Amery. Napaanak ka ng wala sa oras pero nasa incubator si Baby. Although mino-monitor ng mga Doctor ang kalagaya niya pero siguro naman na magiging maayos siya." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ang akala ko talaga masama nang nangyari sa anak ko. "Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit pati ang anak ko ay nahihirapan ngayun." mahina kong sambit. "Amery, ano ba? Ano ba iyang pinagsasabi mo? Kahit kailan huwag
AMERY HEART POV AKALA ko madali lang ang mag-handle ng ganitong problema pero mahirap pala. Now I know! Mas naiintindihan ko na si Kuya kung bakit halos mabaliw siya noong namatay si Ate Mia. Masakit pala talaga! Sobrang sakit ang harapin ang matinding kabiguan sa pag-ibig. Sa nakalipas na mga araw, feeling ko lalo akong nalulubog. Oo, tumatawag naman minsan si Elias sa akin para kumustahin ang kalagayan ko. Ang pinagbubuntis ko Nababaliw na nga din yata ako dahil feeling ko hindi naman talaga siya concern sa akin eh. Sa baby lang yata siya concern. Feeling ko nga may depression na ako eh. Para na akong mababaliw sa matinding pag-iisip. Ni ang pag-inom ng mga vitamins ay nakakaligtaan ko na nga din. "Kailan ka ba talaga uuwi?" hindi ko na mapigilan pang tanong sa kanya. Kagaya na lang ngayun kausap ko siya sa cellphone. Sa loob ng halos isang linggo na bigla na naman siyang hindi umuuwi ng bahay, pangalawang beses pa lang ngayun na tumawag siya sa akin. Alam ko din naman k
AMERY HEART POV MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Kahit na nasasaktan sa bawat araw na nagdaan sa kakaisip na hindi naman talaga out of town ang dahilan kaya wala si Elias. Alam kong iyung babae na iyun ang kasama niya at masaya siya samantalang ako naman ay masyadong nasasaktan. Stress na stress ako at ang laki na din ang binagsak ng aking katawan. Mabuti nalang talaga at palagi akong dinadalaw ni Mommy MIracle kaya kahit papaano, nalilibang ako. Mukhang wala din siyang kamalay-malay sa kung ano ang ginagawa ng anak niya. Palagi niya pa rin kasing nababangit sa akin na pagkapanganak ko daw, dapat daw magpaksal na kami ni Elias. Ang dalawang linggo na pangako ni Elias na uuwi siya ay hindi naman nangyari. Kahit si Mommy Miracle ay tinatawagan niya din ito pero bihira lang daw niyang ma-contact. Kung hindi naka off ang cellphone, hindi din naman ito sumasagot sa tawag. Kasalukuyan kaming nasa garden ni Mommy Miracle nang bigla na lang dumating sila Charlotte at Jeann. I
BILLIONAIRES TRUE LOVE BOOK 2: MINAMAHAL KITA (ELIJAH VILLARAMA VALDEZ STORY) "Ang anak ko! Tulungan niyo ang anak ko!" umiiyak na sigaw ni Ethel habang pilit na nire-revived ng isang life guard ang anak niyang si Ezekiel na nangingitim na dulot ng pagkalunod! Kung kailan makikilala niya na ang tunay niyang ama tsaka naman nangyari ang trahedyang ito! Iniwan niya lang saglit ang anak niya dito sa gilid na dagat para bumalik sa trabaho pero pagbalik niya pinagkakaguluhan na siya ng mga tao habang pilit na isinasalba ng life guard sa pamamgitan ng pag CPR "Iligtas niyo ang anak ko! Maawa kayo sa kanya! Iligtas niyo siya!" muling sigaw ni Ethel! Tigmak ang luha sa kanyang mga mata at para na siyang mababaliw sa sobrang sakit at pag-aalala para sa kaisa-isa niyang anak! "Pasensya na Ethel pero wala na talaga eh! Wala na siyang pulso at nangingitim na siya!" walang pakundangan namang sagot ni Jennifer! isa siya sa mga life guard dito sa beach resort at siya din ang unang nakakit...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments