Nanganganib na mawalan ng trabaho si Chrissa dahil sa papalugi na ang kompanyang kanyang pinapasukan. Isa siya sa mga nagsusulat para sa isang magazine na sa bawat labas ng bagong edition ay laging mababa ang benta. She doesn't want to lose her job. All she needs to do is to write something that would catch everyone's attention and urge them to buy their next magazine issue. She needs to find someone whom she can feature on her next article... someone like— Trace Dela Serna. Trace is a well-known businessman. Kilalang-kilala ito dahil sa yamang mayroon ang pamilya nito. Laman din ng mga balita noon ang lalaki dahil sa kinasangkutang kontrobersiya ilang taon na ang nakararaan. Namatay sa isang engkuwentro ang kasintahan nito at walang sino man ang nakaaalam kung ano ang dahilan ng barilang naganap. Naniniwala si Chrissa na gumamit ng koneksiyon at yaman ang mga Dela Serna upang hindi malaman ng media ang dahilan ng mga nangyari. Ni walang nagtagumpay na makuhanan ito ng panayam. At iyon ang gusto niyang magawa— si Trace ang nais niyang maging paksa sa sunod na article na kanyang isusulat. Kung sakaling maisiwalat niya ang dahilan ng pagkamatay ng kasintahan nito, baka sakaling tumaas ang kita nila. She thought it would be easy, pero hirap siyang makapanayam ang kampo ng binata. Dahilan iyon para mag-isip siya ng ibang paraan upang makalapit dito at makakuha ng mga impormasyon— Chrissa applied as Mat-Mat's nanny, ang limang taong gulang na anak ni Trace. Magagawa niya bang alamin ang sikretong nakabalot sa pagkatao ni Trace? Will she be able to make him agree for an interview? O sadyang siya ang mahihirapang makasama ang binata sa iisang bubong dahil sa pag-uugaling mayroon ito? Can she ever tame... his stone heart?
View MoreGulantang na napatitig si Chrissa kay Trace matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. May diin ang pagbitiw nito ng bawat kataga. Halos nakatiim-bagang pa ito nang magsalita habang matamang nakatitig sa kanya na wari bang pinahihiwatig na walang makakokontra sa mga sinabi nito.“Do you understand what you have said?” she scoffed at him. “Hindi mo ako pag-aari, Trace.”She said the last sentence with equal firmness. Nilakipan niya pa ng galit ang kanyang boses at matapang na sinalubong ang mga titig nito. As much as possible, she also wanted to look firm in front of him, kahit pa ang totoo ay sapat na ang presensiya nito upang magkagulo ang lahat-lahat sa kanya.The corner of Trace’s lips twisted upwardly as he was staring at her. Iginala nito ang paningin sa kanyang kabuuan na mistula bang masusi siyang sinusuri. Nagtagal pa ang paninitig nito sa kanyang katawan bago muli itinutok ang mga mata sa kanyang mukha.Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa. Hindi pa halata ang kanyang
Hindi maipaliwanag ni Chrissa ang kabang nadarama niya dahil sa mangyayari sa araw na iyon. Kung posible lang na umalis siya at talikuran ang responsibilidad na ipinasa sa kanya ng kanyang ama ay ginawa na niya. Pero hindi niya maaaring gawin iyon. Kaylaki ng kasalanang nagawa niya sa kanyang mga magulang. Ang tanging magagawa niya upang makabawi sa mga ito ay ang tuluyang tanggapin ang pamamahala ng kanilang kompanya at iyon ay magsisimula sa araw na iyon.It’s been days since she started living again with her parents. Kahit naman siguro magmatigas siya ay hindi rin papayag ang kanyang amang bumalik siya sa kanyang apartment. Ito na nga ang gumawa ng paraan para makuha ang lahat ng gamit niya sa dating tinitirhan.Handa naman siyang tanggapin ang responsibilidad na pamahalaan ang Bonifacio Construction Company kung iyon ang paraan para mapatawad siya ng mga ito sa mga nagawa niyang pagkakamali. She’s ready... ang hindi niya lang napaghandaan ay ang unang proyektong pinahahawakan sa k
Halos hindi maawat ni Chrissa ang kabang nasa dibdib niya nang ihinto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang gate. Napahigpit pa ang hawak niya sa manibela at nagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba sa pagpasok sa kanilang bahay.She stared at the house in front of her. Nasisiguro niyang naroon na ang kanyang mga magulang dahil pasado alas-otso na ng gabi. Karaniwan, kapag ganoong oras ay nakauwi na ang mga ito mula sa pag-aari nilang construction company.Ilang buwan na rin mula nang huli siyang makatungtong sa bahay nila. Nagpupunta na lang siya roon para dalawin ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang ina. Madalas kasi ay talagang umiiwas siya sa kanyang ama dahil ang bawat pagkikita nila ay nauuwi lamang sa pagtatalo at sagutan. Sa tuwina kasi ay ipinipilit nitong umalis siya sa kanyang trabaho at mas pagtuunan na ng pansin ang kanilang kompanya.But now, she bravely went to their house to meet them both. Hindi niya alam kung bakit pero natagpuan niya na lamang ang kanyan
Pasado alas-siyete na ng umaga at nakagayak na si Trace para pumasok sa trabaho. Tuloy-tuloy siyang humakbang patungo sa komedor ng kanilang bahay upang makakain na ng almusal. Nasa may entrada pa lang siya ay natuon na ang kanyang mga mata kay Matthew na tahimik na nakaupo sa silyang puwesto nito sa tuwing kakain. May nakasandok nang pagkain sa pinggan nito. Sa tabi ni Matthew ay nakatayo naman si Manang Tess na naabutan niya pang pilit na pinapakain na ang kanyang anak.Napalingon sa kanya ang dalawa nang maglakad siya palapit sa silyang nasa kabisera ng mesa. Si Manang Tess ay naibaba sa pinggan ang kutsarang may pagkain na isinusubo sana nito kay Matthew. Agad itong kumilos at sinalinan ng kape mula sa perculator ang tasang nasa harapan niya.He didn’t even utter his thanks to Manang Tess and looked at his son instead. “Why aren’t you eating? At bakit nagpapasubo ka pa kay Manang Tess? Malaki ka na, Matthew.”“Okay lang, Trace. Ayos lang sa aking asikasuhin muna si Mat-Mat,” sambi
Sinundan ni Chrissa ng tingin si Trace nang maglakad ito patungo sa study room. Hindi pa maiwasang magdikit ng kanyang mga kilay nang pumasok ito roon nang hindi man lang siya pinapansin. Hindi ba nito nakitang pababa siya ng hagdan?Nagpatuloy siya sa pagbaba at dumiretso na lamang sa komedor. It’s already past nine in the evening. Tapos na silang maghapunan at napatulog na niya si Mat-Mat sa silid nito. Habang naglalakad ay hindi niya pa mapigilang mapaisip. Mula pa kanina ay napansin na niyang may kakaiba sa binata. Tahimik ito at waring kaylalim ng iniisip. Kung ano man ang gumugulo sa isipan nito ay hindi niya alam.Maagang umuwi si Trace kanina. Nang bumaba sila ni Mat-Mat ay nadatnan nila ito sa kusina. Pinansin din naman nito ang anak samantalang sa kanya ay simpleng ngiti lamang ang iginawad. Kahit nang maghapunan sila hanggang sa asikasuhin na niya ang anak nito ay halos hindi siya kibuin ng binata. Gustuhin niya man itong kausapin ay mas pinili niya na lamang na hayaan na m
Makailang beses nang binasa ni Chrissa ang mensaheng natanggap niya mula kay Daisy. Kaninang umaga pa iyon pinadala ng kaibigan niya ngunit hanggang nang mga oras na iyon ay hindi niya pa ito sinasagot. Alas-tres na ng hapon at kasalukuyan siyang nasa loob ng silid na inookupa niya sa bahay ng mga De la Serna. Dahil natutulog naman si Mat-Mat ay nagawa niyang magtungo muna sa kanyang kuwarto.Daisy was urging for her to start writing now an article that they could feature on their magazine. Base sa mensaheng natanggap mula rito ay minamadali na rin ito ni Mrs. Cipriano na makapagbigay ng bagong mailalathala nila sa MC Press. It’s either she would start writing now about the De la Serna or she would look for another topic to write. Kung ang huli ang gagawin niya, isa lang ang ibig sabihin niyon--- aalis na siya sa bahay nina Trace at maghahanap ng ibang taong makukunan ng panayam.Kung itutuloy niya naman ang pagkausap sa binata ay nangangahulugan iyon na aaminin na niya rito ang tungk
“T-Trace…”“Come on, baby. Show me what you have learned from me,” masuyong saad ni Trace na agad nagpabahala kay Chrissa.Hindi siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang nais nitong mangyari. She was a virgin when he first took her, yes. Ngunit sa maraming pagkakatong nagtalik sila ng binata ay maraming bagay na rin itong ipinaranas sa kanya. Mga bagay iyon na ni sa hinagap ay hindi niya maiisip na magagawa niya. There were even times that Trace would teach her to also explore his body, did some sharing of touching and even pleasuring him.Lahat iyon ay ipinaras nito sa maingat na paraan. Walang pagmamadali at puno ng pasensiyang itinuro nito sa kanya ang mga bagay na dito niya lamang gugustuhing gawin. He was like a teacher who was patiently teaching a newbie student like her. Ni hindi niya nakitang nawalan ito ng pasensiya sa pagturo sa kanya ng mga bagay na ginagawa sa kama ng dalawang taong magkarelasyon.At ngayon, may gusto na naman itong ipasubok sa kanya. He wanted for the
Pagkababa mula sa silid ni Mat-Mat ay agad dumiretso sa kusina si Chrissa. Siniguro niya munang maayos na ang lahat bago lumabas ng naturang silid. Matapos niyang malaman ang dahilan kung bakit hindi nagsasalita si Mat-Mat sa loob ng ilang taon ay naging mas maasikaso siya rito. Pakiramdam niya, kailangan nito ng dobleng paggabay at pag-aaruga. Hindi lang kasi ang trauma ni Mat-Mat sa lalaking nanakot dito ang dapat nitong kalimutan. Maging ang katotohanang harap-harapan nitong nakita ang panloloko ng sariling ina ay maaaring tumatak sa batang isipan nito. Idagdag pa na ayon sa mga kasama niya sa bahay na iyon na nakita rin daw nito ang duguang katawan ni Liezel.It’s been days since she learned about it. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang maging mas maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace. Simula nang magkuwento ito tungkol kay Liezel ay makailang ulit na nitong sinabi na huwag niyang isipin ang dati nitong kasintahan sapagkat parte na lamang ito ng nakaraan. Hindi ni
Nakangiti si Chrissa habang pinagmamasdan niya si Mat-Mat na masayang pinaglalaruan ang pasalubong ni Trace para rito. Malaking laruang robot iyon na de-baterya at maaaring gumalaw. Hindi maitago ang excitement sa mukha ng bata ngayong hawak na nga ang naturang laruan, bagay na nakakapagpangiti rin sa kanya. Seeing the kid happy made her happy as well. Hindi niya maipaliwanag pero magaan talaga ang loob niya bata.“Ingatan mo iyan para lagi kang bibilhan ng daddy mo,” wika niya habang inaayos na ang higaan nito.Tapos na niyang linisan ng katawan si Mat-Mat. Nabihisan niya na rin ito at ngayon nga ay inihahanda niya na ang higaan ng kanyang alaga. Hindi pa maiwasang sumagi sa isipan niya ng mga huling sinabi ni Trace sa kanya kanina bago siya tuluyang pumasok sa silid na iyon. Hindi naman siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang nais nitong mangyari.And she didn’t answer him. Pagkawika niyon ng binata ay agad niya itong tinaasan ng kilay sabay pasok na nga sa kuwarto ni Mat-Mat.
MABILIS na napaupo nang tuwid si Chrissa nang makita niyang naglalakad na palapit sa kanilang mesa ang editor-in-chief nilang si Arthur. Hindi pa man ito nagsasalita ngunit dama niya nang problema ang dala nitong balita para sa kanila. Pinatawag ito ni Mrs. Myrna Cipriano, ang kanilang boss at siyang may-ari ng publishing house kung saan siya nagtatrabaho--- ang MC Press Publication. Kailangan daw itong makausap ni Mrs. Cipriano tungkol sa ilang bagay na konektado sa kanilang trabaho. Mag-iisang taon pa lamang si Chrissa sa nasabing kompanya. It was just a small company, actually. Ni hindi pa iyon maihahanay sa naglalakihang publishing house sa Pilipinas. Ayon kay Mrs. Cipriano at sa iba niyang mga kasamahan ay halos limang taon pa lamang ang MC Press. Si Mrs. Cipriano at ang asawa nito ang nagtayo ng kompanya na sa loob ng ilang taon ay buwan-buwang naglalabas ng magazine issue na siyang binebenta nila sa merkado. And Chrissa is part of that magazine, the Art And Shine Magazine...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments