"I'M glad you came, Chrissa. I thought you will ignore my invitation," malumanay na saad ni Victoria matapos makipagbeso sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Chrissa rito bago naupo na sa silyang laan para sa kanya. Katulad niya ay pumuwesto na rin sa silyang kaharap niya si Victoria, ang kanyang ina. "Of course, I wouldn't decline it, Mama. How are you?" Sukat sa naging tanong niya ay naging malamlam ang ekspresyon nito sa mukha. May malungkot na ngiti ring namutawi sa mga labi nito nang sagutin siya. "How am I?" pag-uulit nito sa kanyang tanong. "Here I am, missing my daughter so much..." Chrissa swallowed hard. Napayuko siya sa tasa ng kapeng nasa harapan niya. Kararating niya lang sa cafeteria na iyon at nadatnang may mga na-order nang pagkain ang kanyang ina bago pa man siya dumating. Of course, as her mother, Victoria knew her favorites. Iyon na nga ang inorder ng ginang para sa kanya. Tinawagan siya ni Victoria kagabi at humiling na magkita silang dalawa. Walang pagdadalawang-isip na pinaunlakan niya ito. Mula nang magpasya siyang bumukod ng tirahan ay lagi rin namang nakikipagkita sa kanya ang kanyang ina, na sa tuwina ay pinananabikan niyang makasama. "I miss you too, Ma... kayo ni Papa, actually." "Then, why don't you go home?" maagap nitong sabi. "Isang taon na mula nang humiwalay ka ng tirahan sa amin, Chrissa. And you know you don't have to do that. Umuwi ka na sa atin, anak." "I really want to be with you always, Mama," masuyo niyang sabi rito. "Pero alam mo kung ano ang nangyari sa amin ni Papa. Lagi lang kaming magsasagutang dalawa kung magkasama kami sa iisang bubong. Mas maiging ganito... ang humiwalay muna ako." "Dahil pa rin ba ito sa naging pagtatalo ninyo noon? Sa hindi niya pagsang-ayon sa trabahong pinasok mo?" magkasunod nitong tanong na kahit hindi niya sagutin ay alam nitong oo ang tugon niya. "Chrissa, nag-iisa ka naming anak ni Alfredo. You know na sa iyo lang mauuwi ang BCC," anito pa na ang tinutukoy ay ang Bonifacio Construction Company na pag-aari nila. Hindi siya tumugon. Umiwas pa siya ng tingin dito at mas itinuon ang mga mata sa kanilang paligid. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Victoria. "Your Papa just wants the best for you, Chrissa. Gusto ka lang niyang ihanda sa pamamahala ng kompanya. You know---" "It's not what I want," mabilis niyang sansala sabay tingin ulit dito. "I love you both, Mama, you know that. Sinunod ko rin ang gusto ninyong kumuha at mag-aral ng kursong hindi ko gusto. Now that I already finished my studies, hindi ba puwedeng ang gusto ko naman ang sundin ko? I want to be a journalist. Hindi man iyon ang trabaho ko talaga ngayon pero masaya ako sa ginagawa ko." "You've been working on that publishing house for almost a year now," hindi pa rin nagpapaawat na saad nito. "Ang kinikita mo sa kompanyang iyon ay---" "Barya lang para sa inyo..." pagtatapos niya sa sinasabi nito. "I know, Mama. Wala pa iyon sa kalahati man lang ng kinikita ng BCC. But that's my hard-earned money. Mula sa sarili kong sahod, Mama. And I told you, I love my work." "So, how's your days on that publishing house? How is it going? Hanggang kailan ka masusuportahan financially ng maliit na kompanyang iyon?" Sunod-sunod ang paglunok na ginawa niya dahil sa naging mga katanungan nito. How's the MC Press? It's struggling. Mababa ang kita at nanganganib na hindi na sila makapaglabas ng bagong issue ng magazine. In short, papalugi na ang kompanyang pinapasukan niya. But she wouldn't tell it to her mother. Kapag sinabi niya rito ay nasisiguro niyang malalaman din iyon ng kanyang ama at kapag nangyari iyon, nahihinuha na niya ang iisipin ng mga ito--- walang pinatunguhan ang pagtatrabaho niya sa MC Press, na nag-aksaya siya ng oras sa maliit na kompanyang iyon at sa BCC na lamang sana niya itinuon ang kanyang panahon. Iyon ang matindi nilang pinag-awayan ng kanyang ama. Ipinaalam niya ritong natanggap siya sa MC Press at gusto niyang subukang magtrabaho roon. Her father was so mad and even insulted the craft that she chose to do. Iyon ang naging dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan mag-isa at magtrabaho para sa kanyang sarili. Ngayon, halos isang taon na siyang hindi umaasa sa kanyang mga magulang. Kahit sentimo mula sa pera ng mga ito ay hindi siya tumanggap. Pero paano ngayon? Paano kapag nalaman ng mga itong may tiyansang magsara na ang kompanyang pinapasukan niya? Hindi niya gustong isipin ng mga ito, lalo na ng kanyang ama, na mali ang pasyang ginawa niya. She tried so hard to smile at her mother. Hinamig niya pa ang kanyang sarili at pilit na nagpakita rito ng kasiyahan. "Everything is fine, Mama. MC Press is doing fine. A-Actually, we are about to release a new magazine issue," masigla niyang saad dito. Victoria looked at her intently. Halos kabahan pa si Chrissa sapagkat baka mahalata nitong nagsisinungaling lamang siya. Hangga't maaari, gusto niyang ipakita sa mga itong walang problema sa buhay na mas pinili niyang tahakin. After a while, her mother smiled at her lovingly. Masuyo ang tinig nito nang muling magwika. "Believe it or not, masaya akong makitang masaya ka sa ginagawa mo, Chrissa. I'm proud that you are trying so hard to do it on your own. Sana lang, hindi kami nagkamali ng Papa mo sa pangaral namin sa iyo." Marahang kumilos si Chrissa at inabot ang kamay ng kanyang ina. Masuyo niya iyong ikinulong sa kanyang dalawang palad saka nagsalita. "I'm okay, Mama, I assure you that. W-Walang problema sa trabaho ko. Masaya ho ako sa ginagawa ko ngayon." Hindi na tumugon pa si Victoria. Isang masuyong ngiti na lamang ang iginanti nito sa kanya saka iniba na ang usapan. Mas kinumusta na nito ang tinitirhan niya at inalam kung may kailangan ba siyang maaari nitong maibigay, bagay na tinanggihan niya. Katulad ng ipinangako niya sa kanyang sarili nang magpasya siyang bumukod, hindi na niya gusto pang iasa sa kanyang mga magulang ang mga pangangailangan niya. She's okay. Isa na lang ang dapat niyang isipin ngayon--- ang makabawi ang MC Press para maipakita niya sa kanyang mga magulang na walang mali sa trabahong pinasok niya. At iisa lang ang nakikita nilang paraan para mangyari iyon, ang makuha ang kuwento ng buhay ng negosyanteng si Trace De la Serna. ***** MATAMANG pinagmasdan ni Chrissa ang mataas na gate ng bahay na nasa harapan niya. Gawa iyon sa bakal at napipinturahan ng kulay itim. Mataas din ang bakod na nakapalibot sa naturang bahay dahilan para hindi niya man lang masilip ang bakuran niyon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga kasabay ng marahan pang paghakbang palapit doon. Hindi niya pa nga maiwasang mapahawak nang mahigpit sa strap ng kanyang shoulder bag nang maglakad na siya. Bahay ng mga De la Serna ang nasa harapan niya. Talagang sumadya siya roon upang subukang makakuha ng panayam sa negosyanteng si Trace De la Serna. It was their plan. Kailangan nila itong mapapayag na magpa-interview at nang mai-feature nila ang buhay nito sa kanilang next magazine issue. Halos nahirapan pa si Chrissa na makapasok sa naturang subdivision. Mahigpit ang seguridad at kung walang abiso mula sa taong sadya sa loob ay hindi papapasukin. Hindi niya lang maunawaan kung bakit nang banggitin niyang sa mga De la Serna ang sadya niya ay agad nang pinapasok ng guwardiya ang taxi na sinasakyan niya. Hanggang ng mga sandaling iyon ay nagtataka rin siya. Hinamig niya na ang kanyang sarili at tuluyan nang lumapit sa gate. Tama sina Arthur. Kung sakali nga namang maikuwento nila ang tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng mga De la Serna dalawang taon na ang nakalipas ay baka sakaling makuha nila ang atensiyon ng mga tao. At isa lang ang magiging epekto niyon sa MC Press--- tataas ang benta nila at maaaring makabawi ang nasabing kompanya. And so she did the initiative to go to De la Serna's address. Susubukan niyang makakuha ng interview kay Trace De la Serna. Actually, she was thinking to go to their company. Pagmamay-ari ng pamilya ng mga ito ng isa sa pinakamalaking telecommunication companies sa bansa--- ang DLS Corporation. But Chrissa changed her mind in the last minute. Sa halip, inalam niya ang address ng mga De la Serna at iyon ang sinadya. Hindi naman mahirap alamin kung saan nakatira ang mga ito. Dahil nga sa kontrobersiyang nangyari noon ay maraming media ang naging buntot ni Trace dahilan para halos maging bukas na aklat ang address ng mga ito. At dahil isa ang MC Press sa mga naghabol dito noon, sa mga kasamahan na niya nalaman kung saan matatagpuan ang tinitirhan ng mga De la Serna. "This is it! You need to do this, Chrissa..." pagpapalakas-loob niya sa kanyang sarili. Narito na siya sa harap ng bahay ng mga ito, hindi na siya dapat pang umatras. Akmang lalapit na siya sa kinaroroonan ng doorbell upang pindutin na iyon nang siyang pagbukas naman ng gate. Iyong maliit na bahagi na laan para sa tao lamang ang bumukas at iniluwa ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay matanda lamang sa kanya ng ilang taon. Nakasuot ito ng ternong damit na isang tingin pa lamang ay masasabi niyang kasambahay ito sa bahay na iyon. Mataman itong napatitig sa kanya nang mapansing magdo-doorbell siya. Chrissa smiled and greeted her. "G-Good afternoon---" "Ay sus, maryosep! Dumating ka rin!" halos eksaherada nitong sabi sa kanya. "Kanina pa umuusok ang bunbunan ni Sir Trace kakahintay sa iyo." Halos magusot ang kanyang noo dahil sa mga narinig. "A-Ano---" Ano mang gusto niyang sabihin ay hindi na niya natapos pa nang biglang lumapit na ito at hawakan siya sa kanang kamay. Sa laking gulat niya ay agad na siyang iginiya ng babae papasok ng gate. Ni hindi na siya nakapagprotesta pa dahil sa nagtataka siya sa ikinikilos nito. "Tumawag ako sa guard ng subdivision at sinabing kapag dumating na 'yong babysitter na kinuha ni Sir Trace ay patuluyin na niya rito sa bahay. Buti na lang dumating ka na, kanina pa ako sinasabon ni Sir Trace. Bakit ba ngayon ka lang?" "T-Teka lang, hindi ako---" "Ako nga pala si Kakay. Ano ang pangalan mo?" tuloy-tuloy nitong daldal at hindi man lang pinansin ang sasabihin niya sana. "C-Chrissa..." tipid niyang saad. Nakarating na sila sa may sala ng bahay. Naigala pa ni Chrissa ang kanyang paningin sa paligid at halos mamangha sa karangyaang nakikita niya. Lumaki rin naman siya sa maalwan na buhay at hindi na bago sa kanya ang makakita ng naglalakihang bahay. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang mamangha sa bawat detalyeng nakikita niya sa bahay na kanyang kinaroroonan. "Tatawagin ko lang si Sir Trace. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, haharap ka sa leon. Kanina pa iyon galit dahil sa tagal ng pagdating mo," maya-maya ay saad ni Kakay. Para bang may pagbabanta pa sa tinig nito. Hindi na nito hinintay na makasagot siya. Mabilis na itong tumalikod at iniwan siya sa gitna ng sala. Marahil ay pupuntahan nito si Trace De la Serna upang ipaalam ang presensiya niya. Mariing napalunok si Chrissa. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit kaydaling pinapasok ng guwardiya ng subdivision ang taxi na sinasakyan niya. Inakala ng mga itong siya ang babysitter na kinuha ni Trace. "Babysitter..." marahan niyang sambit sa kanyang sarili. "Seriously?" She exhaled an air. Muli niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti. Kaydali siyang nakapasok sa bahay ng mga De la Serna. Isa na lang ang kailangan niyang gawin at iyon ay ang makausap si Trace at makapanayam. Chrissa was busy roaming her eyes around when suddenly, an authoritative voice got her attention. "Finally, you came. I needed to cancel my appointment this afternoon because you kept me waiting. What took you so long, lady?" Marahas ang ginawang paglingon ni Chrissa. Ihahanda niya sana ang isang ngiti sa kanyang mga labi ngunit ano mang balak niyang gawin ay agad nang naudlot nang makita ang lalaking bagong dating. Halos maang siyang napatitig dito. The man was just standing few steps away from her. Yes, just standing, yet his aura was almost screaming with authority. Nakasuot lamang ito ng maong na pantalon na pinaresan ng puting cotton na t-shirt. Halos bumakat na sa suot nitong damit ang maskulado nitong pangangatawan. And his face... Chrissa swallowed hard. Gusot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Ganoon pa man, pakiramdam niya ay nakadagdag iyon sa karakter ng lalaki. May maiitim itong mga mata na para bang mapanganib tumitig. He also has pointed nose and prominent jaws. The man in front of her was oozing with sex appeal. Ano na nga ba iyong madalas niyang marinig sa mga kaibigan niya? Iyong titig pa lang ay makalaglag panty na? Why, she wanted to believe now that man like that really exist! "What? Lost your tongue now?" paasik na saad ng lalaki nang lumipas na ang ilang saglit ay hindi pa rin siya nakaimik. "I waited for how many hours. Pati ba naman sagot mo ay matagal kong hihintayin?" Her eyebrow arched upwardly. Mala-Greek God ang kagwapuhan, pero antipatiko ang pag-uugali!MARIING napalunok si Chrissa upang hamigin ang kanyang sarili. Tumayo rin siya nang tuwid at tuluyang humarap sa lalaking bagong dating. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang si Trace De la Serna ang kanyang kaharap.She did some research. Bago pa man tuluyang pumunta sa address na iyon ay sinubukan niyang maghanap ng ilang impormasyon tungkol sa mga De la Serna. Oo't wala siyang nahanap na ano mang detalye tungkol sa kontrobersyang nangyari dalawang taon na ang nakararaan. Sadyang nagawa ng mga itong ipabura lahat ng balita tungkol sa pangyayaring iyon. Ganoon pa man, Chrissa was able to see some photos of Marcelo and Trace De la Serna. Karamihan nga lang ay mga stolen shots lamang at galing sa mga business related events ng mga ito.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang matigilan nang makita nang malapitan ang lalaking sadya niya sa lugar na iyon. Nagkaroon siya ng pagkakataong makita nang malinaw ang mukha nito at hindi man gustong aminin ni Chrissa pero masa
Welcome to Trace and Chrissa's story. Sa lahat pong nagbabasa ng story na ito, sana ay masubukan niyo ring basahin ang kuwento ng kapatid ni Trace na si Lemuel. Ang kuwento nilang dalawa ay kasama sa aking series na HIS HEART SERIES... Series 1: His Scarred Heart (Lemuel and Jossa) Series 2: His Stone Heart (Trace and Chrissa) Other stories included on this series will be announced soon. Thank you so much.
"You did... what?!"Bahagyang nailayo ni Chrissa ang cell phone niya mula sa kanyang tainga dahil sa lakas ng pagkakatanong ni Daisy. She was talking to her over the phone while she's busy getting her things."You heard me, Daisy. Magtatrabaho ako sa bahay ni Trace De la Serna," mariin niyang saad dito kasabay ng pagkuha pa ng ilang damit niya mula sa closet. Gamit niya ang kanyang kanang kamay sa pagkuha ng mga damit habang ang kaliwang kamay niya naman ay nakahawak sa kanyang cell phone.Pagkaalis na pagkaalis nga ni Trace kanina ay dali-dali siyang nagpaalam kay Kakay na uuwi muna para kumuha ng gamit. Binanggit niya rin sa babae ang kasinungalingang nauna na niyang nasabi kay Trace. Agad namang pinaniwalaan ni Kakay na may emergency ngang nangyari dahilan kung bakit nahuli siya ng dating sa bahay ng mga De la Serna at wala man lang bitbit na mga damit.She wanted to hate herself for fooling Kakay as well. Pero wala na siyang magagawa. Mahirap nang bawiin ang mga nasabi niya kay Tr
Agad napaupo nang tuwid si Chrissa habang nakatitig kay Kakay. Hawak pa rin nito ang telepono at nakatapat sa tainga nito. Waring pinakikinggan nito ang mga sinasabi ng nasa kabilang linya. At hindi mahirap hulaan na mula sa agency na pinagkukuhanan ni Trace ng babysitter ang kausap ngayon ni Kakay. Parang nahihinuha niya na rin kung ano ang sanhi ng pagtawag ng mga ito."S-Sige ho... tatawag na lang ho ako maya-maya para sabihin sa inyo kung ano ang pasya ng boss ko. Maraming salamat ho," wika na nito bago ibinalik sa cradle ang telepono.Walang sinayang na segundo si Kakay. Pagkabitiw na pagkabitiw nito ng telepono ay mabilis itong lumapit sa kanya at basta na lamang siyang hinawakan sa kanyang kanang braso. Chrissa didn't have a choice but to stand up. Napahakbang na rin siya nang igiya siya ni Kakay palayo sa kinaroroonan ni Mat-Mat. Dinala siya nito malapit sa may lanai."Magsabi ka nga sa akin ng totoo, sino ka, huh?" pabulong na usisa nito habang napapasulyap pa kay Mat-Mat.Ma
Matamang nakatitig si Chrissa sa screen ng kanyang laptop. Kanina pa siya nakaharap doon at nag-iisip ng mga dapat isulat. It's already past eleven in the evening. Kanina pa tahimik ang bahay na kinaroroonan niya pero hayun siya't gising na gising pa rin ang diwa at nag-iisip kung paano sisimulan ang mga dapat isulat.Nasa silid na siya. Good thing that she's just alone in that room. May tig-isang kuwarto rin sina Manang Tess at Kakay dahilan para hindi niya kasama ang mga ito sa iisang silid. Sa laki ba naman ng bahay ni Trace De la Serna ay maaari na talagang magkaroon ng tig-iisang kuwarto ang mga kasambahay nito, lalo pa't tatatlo lang naman sila roon.Though, the room that she's occupying was just small. Sapat lamang talaga para sa isang tao. Ang naroon lang ay pang-isahang higaan, cabinet na pinaglagyan niya ng kanyang mga damit, mesa at isang silya. And she's okay with it. At least, may pribadong lugar siya sa bahay na iyon at magagawa niya ang mga dapat niyang gawin--- ang mag
Trace continued tapping the ballpen he was holding on the table while listening to one of their employees. Kasalukuyan siyang nasa importanteng meeting kasama ang ilang empleyado ng DLS Corporation. Naroon na rin ang kliyenteng kailangan nilang mapapayag na muling mag-invest sa kanilang kompanya. And of course, there's Lemuel.Mula nang manganak si Jossa ay ngayon lamang muling bumalik sa kompanya ang kanyang kapatid. Hindi niya pa inaasahang papasok na ito. Nang huli silang magkausap ay inudyukan niya pa si Lemuel na maglaan muna ng oras para sa mag-iina nito dahil dama niyang maligayang-maligaya ito ngayon dahil sa pagdating ng bunso nitong anak.But surprisingly, Lemuel went to work that day. Kasama niya nga ito sa naturang meeting, bagay na pinagpapasalamat niya na rin.One of their employees was discussing about the project proposal that they prepared for their client. Lahat sila ay dito nakatutok ang buong atensiyon."That is impressive," narinig na niyang saad ni Mr. Chavez, an
Marahang binuksan ni Chrissa ang pinto ng opisina ni Trace nang hindi na kumakatok roon. Mas nauna na ang binata sa pagpasok sa loob at alam niyang hinihintay na lamang siya nito. Hindi niya pa mapigilang mapahugot ng malalim na hininga bago tuluyan nang buksan ang pinto at pumasok.Agad natuon ang paningin niya kay Trace na ngayon ay nakatutok din ang mga mata sa kanya. He was sitting on his swivel chair while impatiently tapping his fingers on the executive desk. Sinundan pa nga nito ng tingin ang paghakbang niya papasok ng naturang silid na wari bang nababagalan sa kilos niya.Nag-alis ng bara sa lalamunan si Chrissa kasabay ng tuluyan niyang paglapit sa mesa ng binata. Nagbigay lang siya ng sapat na distansiya sa pagitan nilang dalawa saka matapang na sinalubong ang titig nito."Wala ka pang isang buwan dito pero makailang beses ka nang nakagawa ng mali, Chrissa. First, you came late on your first day as my son's nanny. Naligo ka sa swimming pool sa disoras ng gabi kahit alam mong
Agad na nahinto sa pagpirma ng ilang mahahalagang dokumento si Trace nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Mula sa labas ay pumasok si Lemuel na rinig niya pang nagpaalam sa kanyang sekretarya. Todo-todo pa ang ngiti nito nang magsimula nang maglakad palapit sa kanya.Sa tuwing pupunta ito sa DLS Corporation ay talagang sumasadya ito sa kanyang opisina. At sa tuwina, hindi na itinatawag ng kanyang sekretarya sa intercom ang pagdating nito. Agad na lang pumapasok ang kanyang kapatid, kahit pa nga minsan ay wala naman itong appointment sa kanya.Mahigpit sa kanilang kompanya. Kung wala rin namang appointment sa kanya ay hindi basta-bastang nakakatuloy para harapin niya. But of course, Lemuel was different. Kapatid niya ito at mula nang kilalanin itong anak ng kanyang ama at magsimulang tumulong sa pamamahala ng DLS Corporation ay malaya na itong nakapapasok sa opisina niya“Good afternoon, Trace,” bati nito matapos maupo sa visitor’s chair na nasa harapan ng mesa niya.Trac
Dumoble ang bilis ng kabog sa dibdib ni Chrissa pagkakita sa kanyang amang si Alfredo. May kasama itong ilang kalalakihan at ngayon ay pumuwesto sa mesang hindi kalayuan sa kinaroroonan nila nina Trace at Mat-Mat. Nahihinuha niyang may koneksiyon sa kanilang kompanya ang dahilan ng pag-uusap-usap ng mga ito. Maaaring kliyente ng Bonifacio Construction Company ang kasama ng kanyang ama.Agad siyang napayuko kasabay ng pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Hindi siya maaaring makita ng kanyang papa. Kapag nagkataon kasi, paniguradong lalapitan siya nito at kakausapin. Sa kabila naman ng hindi nila pagkakaintindihang mag-ama, hindi maaaring hindi siya nito pansinin. Baka magtaka ito kung bakit siya naroon at magtanong kung sino ang mga kasama niya.At iyon ang hindi dapat mangyari. Baka maghinala si Trace at mang-uusisa tungkol sa pagkatao niya. Malalaman nitong anak siya ni Alfredo Bonifacio at nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang construction company. Paniguradong magtataka ito kung bakit
Nagising si Chrissa nang sumunod na araw na wala na sa kanyang tabi si Mat-Mat. Agad pa siyang napabalikwas ng upo sa kama kasabay ng paggala ng kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik at tanging siya na lamang ang naroon. Kahit ang isang kama ay bakante na at wala man lang bakas na tinulugan ni Trace.Agad pa siyang napalunok nang maalala ang binata. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang naging takbo ng usapan nila kagabi. Trace was offering her a relationship… isang uri ng relasyon na hindi niya alam kung ano ba ang tamang itatawag.Exclusive relationship? Meaning they wouldn’t date anyone else except each other? Then what? No emotion involved?It was so obvious what Trace wanted. Hindi naman nito itinanggi na sexually attracted ito sa kanya. Prangka iyong sinabi ng binata at kung ikatutuwa niya iyon ay hindi niya alam. It was just desire… lust… purely physical attraction. Walang malalim na damdamin. Samantalang siya…Tuwid siyang napaupo sa kama. Ano nga ba ang nadarama niy
Agad na nanlaki ang mga mata ni Chrissa dahil sa ginawa ni Trace. Ni sa hinagap ay hindi niya iisiping gagawin iyon ng binata. Mariin nang nakahawak ngayon ang isang kamay nito sa kanyang baywang at naramdaman niya pang hinapit siya palapit sa katawan nito. Ang isa naman nitong kamay ay pigil siya sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas nang bumaba ang mukha nito sa kanya.Naiangat niya ang kanyang mga kamay at marahang naitukod ang mga iyon sa matipunong dibdib ni Trace. Agad pang nanulay ang waring kuryente patungo sa kanya nang madaiti ang kanyang mga palad sa walang saplot nitong balat. He’s topless, at ang kaninang iniiwasan niya pa lang tingnan ay hawak na niya ngayon.A soft sound came out from her. Intensiyon niya sanang magpakita ng protesta. But because her knees suddenly went weak after he kissed her, the sound turned out like a moan. Pakiramdam niya pa ay naging dahilan iyon para idiin ni Trace ang pagkakadaiti ng mga labi nito sa kanya.He kissed her more. His l
Nakangiting pinagmamasdan ni Chrissa sina Trace at Mat-Mat na abalang namimili ng laruang pambata. Tulad ng nabanggit ni Trace sa anak nito nang isang araw, binilhan nga ng binata ng mga laruang sasakyan ang bata. Sa ground floor ng hotel na tinutuluyan nila sa resort na iyon ay may iba’t ibang establisyemento. May restaurant, mini grocery, shop kung saan maaaring makabili ng mga souvenir items at ang mini store na kinaroroonan nila ngayon na saktong may mga panindang laruan. Pati mga damit ay mayroon din doon.“Is that what you want?” narinig niyang tanong ni Trace kay Mat-Mat na tumango lang bilang sagot. Hawak na ng bata ang isang kahong may katamtamang laki at naglalaman ng mga laruang pambata. Hindi niya pa man nakikita ang presyo ay nasisiguro na niyang mahal ang halaga niyon.Maliban sa hawak nitong kahon ay kumuha pa si Trace ng dalawa pang uri ng laruan. Isinama nito iyon sa nauna nang napili ng anak nito. Then, after a while, he looked at her. “Do you need to buy something?”
“ARE you sure you’re okay now?” tanong ni Lemuel kay Trace mula sa kabilang linya.“Yes,” sagot niya kasabay ng pagsandal ng kanyang likod sa kinauupuan. He was sitting on the visitor’s chair in front of his executive desk while talking to his brother over the phone. Ang isa niyang paa ay iniunat niya sa isa pang visitor’s chair na nasa tapat niya. “I’m fine, Lemuel. It’s just that baka bukas na ako pumasok sa kompanya. Just do me a favor to please attend the meeting that I was supposed to have with Mr. Yap. Ikaw na muna ang humarap sa kanya.”“No problem, Trace. Wala na rin namang masyadong gaagwin sa shop. Katatapos lang namin ng mga orders kahapon.”“Thank you…” tipid niyang saad.“Why don’t you take a rest first? Hindi mo kailangang pumasok agad bukas, Trace.”“Maraming kailangang gawin sa kompanya, Lemuel,” sagot niya rito. “Besides, ano ang gagawin ko rito sa bahay?”“Take a vacation,” mabilis nitong suhestiyon. “Look at yourself. Nagkakasakit ka na dahil sa labis na pagtatrabah
“W-What are you doing, Chrissa?” mabuway na tanong ni Trace sa kanya. Naidilat nito ang mga mata at nagtatakang napatingin sa kanyang mukha. Nanatili pa rin itong nakahiga habang siya ay halos nakatunghay na rito.Natigil ang mga kamay niya sa pagbukas ng mga butones ng polo nito. Para bang noon niya lamang din napagtanto ang ginagawa niya. Nang titigan niya sa mukha ang binata ay halos gusto niya na lamang maglaho sa harap nito. Sa ngayon kasi, mataman na ring nakatingin sa kanya si Trace.Tumikhim si Chrissa upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Mistula kasi siyang nawalan ng sasabihin dahil sa nakaiilang na sitwasyon nilang dalawa. Ang totoo, nakaaasiwa pala ang ginawa niya. Ano ba ang pumasok sa isipan niya at sinimulan niyang hubarin ang polong suot nito?She composed herself. Sa kabila ng pagkailang na nadarama ay hindi niya iyon pinahalata sa binata. “Pawis na pawis ka na, Ser. Hindi ho maganda kung matutuyuan ka,” saad niya sabay tuloy na sa nasimulan.Inabot niya ang mg
Malayo pa lang ay nakakunot na ang noo ni Trace nang matanawan niya ang lalaking prenteng nakaupo at naghihintay sa kanya. Nakapuwesto na ito sa mesang naka-reserve para sa kanilang dalawa at kung gaano na ito katagal na naghihintay ay hindi niya alam. Bahagya na kasing nakikita ang pagkainip sa mukha nito habang nakaupo roon.Tuluyan na siyang lumapit at nang mapansin ang kanyang pagdating ay tuwid nang napaupo ang lalaking katagpo niya--- si Alvaro Savalleno, isa sa matatagal nang stockholders sa kanilang kompanya. At ito rin ang tinutukoy niya noon kay Lemuel na siyang nagpull-out ng shares sa DLS Corporation, bagay na hanggang sa mga sandaling iyon ay palaisipan sa kanya.“Finally, you came. Pinaghihintay mo ba talaga ng ganito katagal ang mga ka-meeting mo, Mr. De la Serna?” agad nitong bungad umuupo pa lamang siya sa silyang katapat nito.Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling restaurant. Siya ang humingi ng appointment sa binata ngunit sa halip na magtungo sa pag-aari rin nit
Hawak ni Chrissa sa kamay si Mat-Mat habang bumababa sila ng hagdan. Hapon iyon at kagigising lang ng alaga niya mula sa pagsi-siesta. Hindi pa sana sila bababa kung hindi lang umakyat si Kakay at sinabing pinapababa sila ni Trace dahil may bisitang dumating--- ang panganay na kapatid ng binata kasama ang pamilya nito.Sa durasyon ng pananatili niya sa bahay nina Trace ay ngayon niya pa lamang makikita ang kapatid nito. Kahit nga ang ama ng binata ay hindi niya pa nakakaharap. Isa pa naman si Marcelo De la Serna sa mga importanteng dapat maging parte ng panayam niya kay Trace. Ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho, si Marcelo talaga ang usap-usapang parte ng illegal na negosyo na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng dating kasintahan ni Trace. Kung totoo man ang napabalitang iyon ay hindi niya sigurado. Hindi rin naman nakumpirma ng media at mga awtoridad.“Nasa may hardin sila Chrissa. Doon na kayo dumiretso,” wika ni Kakay. Hindi na ito sumama pa sa kanila at sa halip ay nagtungo na
Halos patakbong bumaba ng hagdan si Mat-Mat. Mabilis itong sinalubong ni Chrissa dahil sa pangambang baka matalisod ang bata sa pagmamadali nito. Pagdating sa baba ay agad itong yumakap sa kanyang baywang na para bang takot na takot na umalis siya.Chrissa moved swiftly. She squatted abruptly in front of him so their faces would be levelled to each other. Naging dahilan pa iyon para makabitiw sa kanya si Mat-Mat pero ang mga kamay nito ay mabilis na kumapit pa rin sa kanyang mga braso.She was almost teary-eyed. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang naging epekto sa kanya ang kaalamang nagsasalita na ito, na bumalik na ito sa normal. She’s happy… she’s genuinely happy.“You are talking now,” hindi maitago ang saya na saad niya. Umangat pa ang dalawang kamay niya at sinapo ang magkabilang pisngi nito.Mat-Mat didn’t answer her. Sa halip, mas natuon ang pansin nito kay Trace na ngayon ay marahan nang naglalakad palapit sa kanila. Napalingon din si Chrissa sa binata at hin