MARAHANG sinalinan ni Trace ng alak ang dalawang kopitang kinuha niya. Ang isa ay para sa kanyang sarili. Ang isa naman ay para sa kapatid niyang si Lemuel. Siya pa ang nagbigay sa kanyang kapatid ng inumin na agad naman nitong kinuha.
Nasa bahay niya ito ngayon at bumisita. Once in a while, kung may oras din naman ay talagang sinasadya siya nito upang personal na kumustahin. Hindi muna ininom ni Trace ang alak. Mula sa may mini bar ng kanyang bahay ay humakbang siya palabas sa may lanai habang bitbit ang kanyang kopita. Hindi na niya kailangan pang ayain si Lemuel. Agad na itong sumunod sa kanya habang dala-dala rin ang kopita nito. "May problema ba, Trace? Kung titingnan ka ay para bang ang daming gumugulo sa isipan mo," komento ni Lemuel bago dinala sa bibig ang inumin. Marahan itong sumimsim ng alak habang sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata. "Kailan ba tayo nawalan ng problema, Lemuel? Ang daming kailangang ayusin sa kompanya, hindi ba?" Nagkibit ito ng mga balikat bago siya sinagot. "Hindi tayo nawawalan ng trabaho. I think that's the right term to use, Trace. Bakit ituturing mong problema ang bagay na nagdadala sa iyo ng pera?" Trace smirked as he looked intently at his brother. "Having Jossa in your life really changed you, Lemuel. Hindi ganyan ang mga naririnig ko sa iyo noon sa tuwing pinag-uusapan natin ang kompanya ng ating ama. You even hate working there, right?" Tipid na ngumiti sa kanya si Lemuel. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang masuyong ekspresyong lumarawan sa mukha nito nang mabanggit niya ang asawa nitong si Jossa. "They really changed a lot in me, Trace. Not just Jossa, but the kids as well," anito sa malumanay nang tinig. "Simula nang maging maayos ang lahat sa amin, pakiramdam ko ay magaan na lang ang lahat. Oh well, after everything we went through, sa tingin ko ay wala nang makahihigit sa mga problemang pinagdaanan namin. It's the reason why I just want to take life easily now. Ayokong ituring na problema ang mga simpleng bagay na lang." Muli siyang napaismid. Alam niyang ang huling pangungusap nito ay disimulado nitong patama sa kanya. Napailing na lamang si Trace bago inubos ang laman ng kopitang hawak niya. Sa kabila ng lahat ay masaya naman siya para kay Lemuel. Totoong maayos na nga ang buhay nito ngayon at bilang kapatid, kahit pa sabihing hindi naman sila ganoon kalapit sa isa't isa, ay masaya siya sa itinatakbo ng buhay nito. It's true that they weren't that close to each other. Katunayan, nitong nakalipas na taon lamang nila lubusang binigyan ng pagkakataong mapalapit sa isa't isa. Lemuel is just his half-brother. Matanda ito sa kanya ng tatlong taon at anak ng kanyang ama sa ibang babae. Kung hindi pa dahil sa organisasyong kinabibilangan nila noon ay hindi niya pa malalamang may anak ang kanyang ama sa iba. He would admit, he found it hard to accept. Hanggang sa kalaunan ay unti-unti na ngang nagkakaroon ng puwang sa buhay niya ang bastardo ng kanyang ama. Well, Lemuel was not hard to be with. Halos magkaugali lang naman sila dahilan para unti-unti ay makapalagayan niya rin ito ng loob. "Why don't you think of settling down as well, Trace? Baka sakaling magbago ka rin," maya-maya ay narinig niyang sambit nito. Hindi pa itinago ng kanyang kapatid ang panunudyo sa tinig nito nang magsalita. "Look at yourself. Walang araw na hindi yata magkadikit ang mga kilay mo at nakakunot iyang noo mo. Loosen up, Trace. You're not getting any younger." Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya dahil sa mga sinabi ni Lemuel. "Don't preach, Lemuel. You know that settling down is not for me." Lemuel shrugged his shoulders. "Don't you need a woman in your life?" Ang kaninang pagak niyang tawa ay nauwi sa isang marahang halakhak. "Kailan ba nawalan ng babae sa buhay ko, Lemuel? If you're just referring to my sex life, it's active, my brother." "You know what I mean, Trace," giit nito. "Seryosong relasyon ang tinutukoy ko. Hindi ka ba naghahanap ng babaeng makakasama ninyo ni Mat-mat?" Hearing his son's name, Trace's expression suddenly became serious. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka nagsalita. "I don't need it, Lemuel. Hindi ko gustong makatagpo ng isang katulad ni Liezel---" "Hindi lahat ng babae ay katulad ni Liezel," mabilis na awat nito sa pagsasalita niya. "Come on, Trace. Dahil sa ginawa ni Liezel, ang tingin mo sa mga babae ay magkakapareho na. Not everyone is like her." Napatiim-bagang siya. Hindi maiwasang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari noon... ang mga ginawa ni Liezel na naging dahilan para hindi na niya hayaan ang sariling mahulog sa kahit kaninong babae. Hindi na niya gustong makakilala ng isang katulad nito--- manloloko at babaeng nakipaglapit lamang sa kanya dahil sa pansariling intensyon. Kung hindi siguro nabuo si Matmat ay baka matagal nang bumitiw sa kanya si Liezel. Nagbunga lang ang pakikipagrelasyon nito sa kanya, dahilan para tumagal sila. Hindi siya minahal ni Liezel sa totoong kahulugan ng salitang iyon. She just loved the things that he could give to her. Iyon lang. Hinamig na ni Trace ang sarili at paismid na ngumiti sa kanyang kapatid. "Hindi ko kailangang maghanap ng babae, Lemuel. Ang mahalaga ay nasa akin ang anak ko. Besides, tagapagbantay nga ni Matmat ay nahihirapan na akong maghanap, seryosong relasyon pa kaya?" "Speaking of that, hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring nahahanap na kapalit ni Lea?" anito na ang tinutukoy ay ang huling nakuha niyang tagapagbantay ng kanyang anak. "Wala pa," tipid niyang sagot dito. May iba pa silang kasama sa bahay. Maliban sa mga security guards ay naroon din sina Manang Tess at Kakay na kapwa matagal na sa kanya. Halos kabisado na nga ng mga ito ang pag-uugali niya dahilan para matagalan ng mga itong makisama sa kanya. Ang hindi tumatagal sa kanya ay ang mga nakukuha niyang tagapagbantay ni Matmat. Umaabot lang ng ilang buwan ang mga ito. Pagkaraan ay bigla-bigla na lang magpapaalam ang mga ito na aalis na at iiwan na ang trabaho. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi tumatagal ang mga nakukuha mong tagapagbantay ng pamangkin ko?" "What are you trying to say?" buwelta niya kay Lemuel. "Sinasabi mo bang mahirap bantayan ang anak ko?" Napapailing habang napapangiti si Lemuel. "I'm not referring to Mat-mat. He's a nice boy, we know that. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Trace?" Pinanliitan niya ito ng mga mata. Hindi man nito sabihin ngunit nahuhulaan na niya kung ano ang nais nitong ipahiwatig. At nang hindi nga siya umimik ay isinatinig ni Lemuel ang nasa isipan nito. "You're being too harsh, Trace. Okay... kina Manang Tess ay hindi ka gaanong kahigpit, pero sa mga nakukuha mong tagabantay ni Matmat? Daig mo pa lagi ang leon." "Dahil sina Manang Tess ay alam na ang mga dapat gawin. Hindi na nila kailangan pang bilinan," katwiran niya rito. "But those nannies that we got, puros hindi alam kung ano ang gagawin. At masama ba kung kaligtasan ni Mat-mat ang iprioridad ko? For sure, iyon din ang gagawin mo kina Lianna at sa pinagbubuntis ngayon ni Jossa." Lemuel was silent for a while. Alam niyang sang-ayon ito sa mga sinabi niya. Higit sa ano pa man, kaligtasan din ng mag-iina nito ang mahalaga para sa kanyang kapatid. Sa bagay na iyon ay hindi sila magtatalo. "I'm just concern, Trace, more to Mat-mat," wika pa ni Lemuel. "Don't you think he needs a---" "We're family, Lemuel," mabilis niyang sabat, hindi pa man ito tapos sa pagsasalita. "Hindi ko kailangan ng asawa para matawag kaming pamilya ni Matmat." Lemuel heaved out a sigh. Tinalikuran siya nito at humakbang papasok ng bahay. Dumiretso ito sa mini bar at muling sinalinan ng alak ang kopitang hawak. Sinundan niya lang ito ng tingin at hindi na nag-abala pang kumuha rin ng inumin niya. Nang makapaglagay ng alak sa kopita nito ay nilingon siya ni Lemuel. Hindi na ito lumapit ulit sa kanya at mula sa may mini bar ay muli nang nagwika. "Kakainin mo lahat ng sinabi mo oras na may makilala kang babaeng magpapaibig sa iyo, Trace. Kapag nangyari iyon, pagtatawanan kita..." nakaloloko nitong saad bago itinaas ang kopitang hawak na para bang inaasar pa siya. Then, after a while, he sipped from his goblet while still looking at him mischievously. Hindi siya kumibo. He doubted it. After what Liezel did? Hindi na niya hahayaan pang may pumasok na babae sa buhay niya, lalo na kung ang intensyon lang naman ay makakuha ng impormasyon sa kanya at sa mga De la Serna--- katulad ng ginawa ni Liezel! ***** DIRE-DIRETSONG pumasok sa may komedor si Trace at nadatnan doon sina Kakay at Manang Tess. Ang huli ay abala sa pag-aasikaso kay Matmat. Kasalukuyang sinasandukan ng matandang babae ang platong nasa harapan ng kanyang anak habang si Kakay ay nasa aktong inilalapag pa lang ang bandehadong naglalaman ng mga hiniwang hinog na papaya. "Magandang umaga, Trace," bati sa kanya ni Manang Tess nang tuluyan siyang nakalapit sa mesa. Mula bata pa lang siya ay namamasukan na ito sa mga De la Serna dahilan para maging malapit na siya rito. Ni hindi na nga ito nasanay na tawagin pa siyang 'sir' sapagkat halos dito na siya lumaki. "Good morning, Sir Trace," bati naman sa kanya ni Kakay. Kapwa tango lamang ang isinagot niya sa mga ito. Dumiretso na siya sa kabisera ng mesa at naupo sa silyang naroon. Mula nang magpasya siyang bilhin ang bahay na iyon at doon na manirahan ay nasa kanya na sina Manang Tess at Kakay. Ang matandang babae ay sadyang kinuha niya pa sa bahay ng kanyang ama. Sa halip na doon pa nito mamasukan ay inalok niyang sa kanya na magtrabaho. Si Kakay naman ay inirekomenda sa kanya ni Manang Tess. Laki rin ito sa probinsiyang pinagmulan ng matandang babae. "How's your sleep, Mat? Did you sleep well?" baling niya kay Mat-mat. The boy just looked at him intently. Tapos na itong sandukan ni Manang Tess pero hindi pa nito pinagkaabalahang simulang kumain. Trace slightly tilted his head, as if urging for his son to answer. Doon lang ito kumilos at marahang tumango sa kanya. Hindi pa maiwasang mapabuntonghininga ni Trace. Sa halip kasi na magsalita ay mas pinili nitong isenyas na lamang ang sagot. Mat-mat started to stop talking since his mother, Liezel, died. Simula noon, kahit isang salita ay wala na siyang narinig mula sa kanyang anak. He was only three years old back then. Dalawang taon na ang lumipas pero hindi pa rin ito bumabalik sa normal. The doctor said he was traumatized. Nakita kasi ng kanyang anak ang duguang katawan ni Liezel. After that, everything changed on him. Kahit ilang beses na niya itong pinatingnan sa doktor ay hindi pa rin bumabalik ang pagsasalita nito. Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit siya sa paghahanap ng tagapagbantay ni Mat-mat. As much as possible, ang gusto niyang makasama nito ay yaong matutulungan itong maging normal na bata ulit. "By the way," aniya. Hinamig niya na ang kanyang sarili at nagsimula nang magsandok ng pagkain sa kanyang pinggan. "Nakausap na ba ninyo ang agency kung saan tayo kumukuha ng babysitter?" "Tumawag na si Kakay roon, Trace," sagot ni Manang Tess. "Baka sa makalawa dumating ang babysitter na kinukuha mo." "Did you check the profile? Ayoko nang kung sinu-sino lang, Manang. Baka mamaya ay katulad lang ng mga nauna nating nakuha na halos wala namang naitulong sa anak ko," saad niya sabay sulyap pa kay Mat-mat na ngayon ay nagsisimula nang galawin ang pagkain sa pinggan nito. "Maayos naman daw ang ipapadala ngayon, Sir," wika naman ni Kakay. "Anong oras darating sa makalawa? I'll be the one to talk to her." "Umaga ho, Sir. Baka mga alas-nueve ay narito na siya." He nodded his head. Hindi na siya nagbigay pa ng ano mang komento at mas pinagtuunan na ng pansin ang pagkain. Kapag ganoong hindi na siya umimik ay alam na ng mga itong tinatapos na niya ang usapan. Nagpaalam na nga si Kakay at pumasok na sa kusina. Si Manang Tess naman ay nanatili sa tabi ni Mat-mat at nakabantay dito. Hindi niya maiwasan ang maya't mayang pagsulyap sa kanyang anak. Maliban sa sandamakmak na gawain sa kanilang kompanya, ang tungkol kay Mat-mat ang labis niyang pinoproblema. Kailangan na niyang makahanap ng tagabantay nito at personal niyang haharapin iyon sa makalawa..."I'M glad you came, Chrissa. I thought you will ignore my invitation," malumanay na saad ni Victoria matapos makipagbeso sa kanya.Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Chrissa rito bago naupo na sa silyang laan para sa kanya. Katulad niya ay pumuwesto na rin sa silyang kaharap niya si Victoria, ang kanyang ina."Of course, I wouldn't decline it, Mama. How are you?"Sukat sa naging tanong niya ay naging malamlam ang ekspresyon nito sa mukha. May malungkot na ngiti ring namutawi sa mga labi nito nang sagutin siya. "How am I?" pag-uulit nito sa kanyang tanong. "Here I am, missing my daughter so much..."Chrissa swallowed hard. Napayuko siya sa tasa ng kapeng nasa harapan niya. Kararating niya lang sa cafeteria na iyon at nadatnang may mga na-order nang pagkain ang kanyang ina bago pa man siya dumating. Of course, as her mother, Victoria knew her favorites. Iyon na nga ang inorder ng ginang para sa kanya.Tinawagan siya ni Victoria kagabi at humiling na magkita silang dalawa. Walang pag
MABILIS na napaupo nang tuwid si Chrissa nang makita niyang naglalakad na palapit sa kanilang mesa ang editor-in-chief nilang si Arthur. Hindi pa man ito nagsasalita ngunit dama niya nang problema ang dala nitong balita para sa kanila. Pinatawag ito ni Mrs. Myrna Cipriano, ang kanilang boss at siyang may-ari ng publishing house kung saan siya nagtatrabaho--- ang MC Press Publication. Kailangan daw itong makausap ni Mrs. Cipriano tungkol sa ilang bagay na konektado sa kanilang trabaho. Mag-iisang taon pa lamang si Chrissa sa nasabing kompanya. It was just a small company, actually. Ni hindi pa iyon maihahanay sa naglalakihang publishing house sa Pilipinas. Ayon kay Mrs. Cipriano at sa iba niyang mga kasamahan ay halos limang taon pa lamang ang MC Press. Si Mrs. Cipriano at ang asawa nito ang nagtayo ng kompanya na sa loob ng ilang taon ay buwan-buwang naglalabas ng magazine issue na siyang binebenta nila sa merkado. And Chrissa is part of that magazine, the Art And Shine Magazine
"I'M glad you came, Chrissa. I thought you will ignore my invitation," malumanay na saad ni Victoria matapos makipagbeso sa kanya.Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Chrissa rito bago naupo na sa silyang laan para sa kanya. Katulad niya ay pumuwesto na rin sa silyang kaharap niya si Victoria, ang kanyang ina."Of course, I wouldn't decline it, Mama. How are you?"Sukat sa naging tanong niya ay naging malamlam ang ekspresyon nito sa mukha. May malungkot na ngiti ring namutawi sa mga labi nito nang sagutin siya. "How am I?" pag-uulit nito sa kanyang tanong. "Here I am, missing my daughter so much..."Chrissa swallowed hard. Napayuko siya sa tasa ng kapeng nasa harapan niya. Kararating niya lang sa cafeteria na iyon at nadatnang may mga na-order nang pagkain ang kanyang ina bago pa man siya dumating. Of course, as her mother, Victoria knew her favorites. Iyon na nga ang inorder ng ginang para sa kanya.Tinawagan siya ni Victoria kagabi at humiling na magkita silang dalawa. Walang pag
MARAHANG sinalinan ni Trace ng alak ang dalawang kopitang kinuha niya. Ang isa ay para sa kanyang sarili. Ang isa naman ay para sa kapatid niyang si Lemuel. Siya pa ang nagbigay sa kanyang kapatid ng inumin na agad naman nitong kinuha.Nasa bahay niya ito ngayon at bumisita. Once in a while, kung may oras din naman ay talagang sinasadya siya nito upang personal na kumustahin.Hindi muna ininom ni Trace ang alak. Mula sa may mini bar ng kanyang bahay ay humakbang siya palabas sa may lanai habang bitbit ang kanyang kopita. Hindi na niya kailangan pang ayain si Lemuel. Agad na itong sumunod sa kanya habang dala-dala rin ang kopita nito."May problema ba, Trace? Kung titingnan ka ay para bang ang daming gumugulo sa isipan mo," komento ni Lemuel bago dinala sa bibig ang inumin. Marahan itong sumimsim ng alak habang sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata."Kailan ba tayo nawalan ng problema, Lemuel? Ang daming kailangang ayusin sa kompanya, hindi ba?"Nagkibit ito ng mga balikat bago siya s
MABILIS na napaupo nang tuwid si Chrissa nang makita niyang naglalakad na palapit sa kanilang mesa ang editor-in-chief nilang si Arthur. Hindi pa man ito nagsasalita ngunit dama niya nang problema ang dala nitong balita para sa kanila. Pinatawag ito ni Mrs. Myrna Cipriano, ang kanilang boss at siyang may-ari ng publishing house kung saan siya nagtatrabaho--- ang MC Press Publication. Kailangan daw itong makausap ni Mrs. Cipriano tungkol sa ilang bagay na konektado sa kanilang trabaho. Mag-iisang taon pa lamang si Chrissa sa nasabing kompanya. It was just a small company, actually. Ni hindi pa iyon maihahanay sa naglalakihang publishing house sa Pilipinas. Ayon kay Mrs. Cipriano at sa iba niyang mga kasamahan ay halos limang taon pa lamang ang MC Press. Si Mrs. Cipriano at ang asawa nito ang nagtayo ng kompanya na sa loob ng ilang taon ay buwan-buwang naglalabas ng magazine issue na siyang binebenta nila sa merkado. And Chrissa is part of that magazine, the Art And Shine Magazine