Married a Secret Billionaire

Married a Secret Billionaire

By:   Breaking Wave  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.4
57 Mga Ratings. 57 Rebyu
1219Mga Kabanata
1.1Mviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

”Gabi na. Matulog ka na.”Biglang ginising ng malalim at malamig na boses ng isang lalaki si Cordelia Jenner mula sa kanyang pag-iisip. Noong tumingin siya sa taas at nagtagpo ang kanilang mga mata, may nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki na hindi niya matukoy.Kabado siyang humawak sa laylayan ng kanyang damit at hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Mula nang pumasok siya sa kwarto, nakaupo na siya sa gilid ng kama. Sa sobrang tagal niyang nanatili sa posisyon na ito ay namanhid ang kanyang likod mula sa pagiging tensyonado at pag-upo ng tuwid. Ni hindi pa nga niya hinuhubad ang kanyang damit pangkasal.Natauhan lamang siya noong makatapos maligo ang lalaki at lumabas ng banyo. Matutulog siya ngayong gabi kasama ang lalaking ito bilang mga bagong kasal. Subalit, hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. Higit pa dito, ikinasal siya bilang kapalit ng kanyang ate.Siya ang anak sa labas ng isang mayamang pamilya, kaya pinakasalan niya...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
91%(52)
9
2%(1)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
4%(2)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
4%(2)
9.4 / 10.0
57 Mga Ratings · 57 Rebyu
I-scan ang code para mabasa sa App
user avatar
Bakka Joan
I hope the author can think about us who understand English only coz it seems the book is good
2024-07-22 02:01:26
5
user avatar
Arlyn Catamco
iisang author lang po ba yong tagalog version at english niti?
2024-07-21 08:05:24
0
user avatar
BemBem Dipul
update plz.
2024-06-14 11:38:07
0
user avatar
Mid winter
maganda ang kwento Nila Cordelia kumpara SA iba na may halong kalaswaan ngunit napakaba at parang ABIT kamay na pangarap
2024-06-12 05:30:25
1
user avatar
Kristine Grace Aquino
the best book I've read.........thank you writer for making my every day life exciting sa kakaabang Ng bawat chapters.sana mas mahaba pa ung kwento...️...️...️
2024-05-06 11:21:32
1
user avatar
Jeff Valdez
9ytiugufxucuucugtltdtdyk
2024-04-26 21:38:05
2
user avatar
Ethan B. Dela Cruz
Ang Ganda.
2024-04-14 12:34:46
1
user avatar
Emelyn Mapacpac
pwede pong yung mga nabasa kona.nabura lang po kc.ayW ko ng bumalik sa una
2024-03-24 19:32:12
0
user avatar
Kingryan khalid ma
𝘔𝘪𝘳𝘰𝘯 𝘈𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘕𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘢𝘨𝘦 𝘮𝘦 𝘰𝘯 𝘮𝘺 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝗞𝗶𝗻𝗴𝗿𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗵𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮𝗼
2024-03-07 12:44:19
8
user avatar
Kingryan khalid ma
𝘔𝘪𝘳𝘰𝘯 𝘈𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘕𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘢𝘨𝘦 𝘮𝘦 𝘰𝘯 𝘮𝘺 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝗞𝗶𝗻𝗴𝗿𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗵𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮𝗼
2024-03-07 12:44:14
0
user avatar
Kingryan khalid ma
𝘔𝘪𝘳𝘰𝘯 𝘈𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘕𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘢𝘨𝘦 𝘮𝘦 𝘰𝘯 𝘮𝘺 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝗞𝗶𝗻𝗴𝗿𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗵𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮𝗼
2024-03-07 12:44:10
0
user avatar
Ginben Bawa-an
Sino po may full version na ito
2024-03-04 00:41:11
0
user avatar
Kingryan Khalid Ma
meron ako full chapters nito
2024-03-02 16:32:09
0
user avatar
Mary Grace Fuentes
cnu po may full story nito?
2024-03-02 11:23:02
0
user avatar
Lilybeth S. Rabara
Love this story
2024-02-28 21:14:45
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
1219 Kabanata
Kabanata 1
”Gabi na. Matulog ka na.”Biglang ginising ng malalim at malamig na boses ng isang lalaki si Cordelia Jenner mula sa kanyang pag-iisip. Noong tumingin siya sa taas at nagtagpo ang kanilang mga mata, may nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki na hindi niya matukoy.Kabado siyang humawak sa laylayan ng kanyang damit at hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Mula nang pumasok siya sa kwarto, nakaupo na siya sa gilid ng kama. Sa sobrang tagal niyang nanatili sa posisyon na ito ay namanhid ang kanyang likod mula sa pagiging tensyonado at pag-upo ng tuwid. Ni hindi pa nga niya hinuhubad ang kanyang damit pangkasal.Natauhan lamang siya noong makatapos maligo ang lalaki at lumabas ng banyo. Matutulog siya ngayong gabi kasama ang lalaking ito bilang mga bagong kasal. Subalit, hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. Higit pa dito, ikinasal siya bilang kapalit ng kanyang ate.Siya ang anak sa labas ng isang mayamang pamilya, kaya pinakasalan niya
Magbasa pa
Kabanata 2
Nablanko ang isipan ni Cordelia. Naramdaman niya ang mainit na dibdib ng lalaki na dumikit sa kanyang likod. Naririnig din niya ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ng lalaki. Hinawakan siyang maigi ng lalaking nasa ibabaw niya, at sinubukan niyang huminga ng malalim ngunit hindi pa rin niya maiunat ang naninigas niyang mga braso. Biglang huminto ang lalaki. "Alam mo ba kung sino ako?" Napahinto si Cordelia.Gustong sabihin ng lalaki na siya ang asawa niya at ito ang gabi ng kanilang kasal. Walang masama na gawin nila ito bilang mag-asawa. Sa kabila nito, niliteral ni Cordelia ang kanyang tanong at nahihiyang sumagot, "Oo… Ikaw si Marcus Grist."Naningkit ang mga mata ng lalaki at ngumisi siya. Marcus Grist… Hah, dapat ba siyang matuwa na alam niya ang pangalan na 'yun? Pasensya na lang sa kanya hindi siya si Marcus Grist—at hindi siya si Yelena Jenner. Mula noong pumasok siya sa pinto na iyon, alam na niya agad na isa lang siyang substitute. Hindi niya alam kung bakit,
Magbasa pa
Kabanata 3
Nagtapis si Cordelia at lumabas siya sa harap ng bahay, kung saan nageehersisyo si Marcus.Walang suot na pang-itaas si Marcus habang hawak niya ang dalawang dumbbell sa magkabila niyang kamay. Nang masikatan ng araw ang kanyang mga muscle, nagmistula siyang si Helios, na bumaba mula sa kalangitan. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Cordelia habang binabati niya siya. "Ang aga mong nagising!" Lumingon si Marcus sa kanya. Pinagmasdan ni Cordelia ang kanyang paligid. Hindi gaanong malawak ang harap ng bahay. Sa halip ay magulo ito, at may mga sandbag, boxing gloves, baseball bats, weights, at iba pang mga bagay na nagkalat sa paligid. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi siya nangahas na sabihin na totoo ang mga balita, ngunit marahil ay madalas mapaaway si Marcus. Napaisip siya tungkol sa pasensya ng lalaki. Narinig niya na ang mga tao sa lugar na ito ay mga masokista at karaniwan na para sa mga nalalasing na lalaki na bugbugin ang kanilang mga asawa.Kinagat ni Cordelia ang kany
Magbasa pa
Kabanata 4
"Nilabhan ko 'to!" Ang agad na sinabi ni Cordelia. "Pangako, malinis 'to! Walang problema dito!" "Hah, nilabhan mo 'to?" Suminghal ang sales assistant. "Miss, bakit mo 'to nilabhan kung isang araw mo lang 'tong nirentahan? Nirentahan mo 'to para magpakasal, hindi para magsaka, tama?" Namula si Cordelia sa sobrang hiya. Sa katunayan, hindi gaanong nalalayo sa isang taniman ang kondisyon ng paligid noong kinasal siya. Nilakad niya ang maputik na daan sa nayon sa gitna ng ulan, nadungisan ang kanyang puting wedding dress at sapatos, at nagasgas din ang kanyang mga paa. Paulit-ulit na inangat ng sales assistant ang palda ng wedding dress at tumingin siya ng masama kay Cordelia. "Miss, kahit na labhan mo pa 'tong wedding dress na 'to, dry clean lang dapat 'to! "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng dry cleaning?" Sinadya siyang insultuhin ng sales assistant nang makita kung gaano siya kainosente. "Hayy, sunud-sunod na nabenta ang mga wedding gown namin mula noong nagbukas kami
Magbasa pa
Kabanata 5
Biglang nanahimik ang buong boutique. Naawa ang iba sa sales assistant habang sumimangot naman ang huli. Sa kabila nito, tinitigan siya ng dumating na manager, inudyukan siya nito na gawin ang gusto ng customer. Kung sabagay, isa itong mamahaling wedding gown. Mahinahon si Marcus, at hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti sa kanyang masungit na mukha. Hindi mapigilan ni Cordelia na humigpit ang kanyang hawak sa kamay ni Marcus. "Hayaan mo na, huwag na nating bilhin 'yan," ang sabi niya kay Marcus. "Napakamahal ng wedding gown na 'to, at hindi naman natin 'to magagamit…""I-swipe mo na ang card." Malamig ang tono ng boses ni Marcus. "Sa huli, ang manager ng boutique at ang designer ang namagitan sa sitwasyon. Tumayo si Marcus sa may pinto at nanigarilyo habang sinusukatan si Cordelia sa loob ng boutique. Sa pagkakataong ito, walang sinuman ang nangahas na insultuhin siya. Tumayo sa isang tabi ang sales assistant pagkatapos siyang sermonan ng manager, at paulit-ulit na pi
Magbasa pa
Kabanata 6
Kinurot ni Marcus ang pagitan ng kanyang mga kilay at mukhang mas malagim ang kanyang ekspresyon bago siya huminga ng malalim at binaba ang tawag. Babalik siya sa Centrolis—pero hindi pa ngayon. Aalertuhin lamang niya ang mga tao na nag-aakala na namatay siya sa plane crash at muli silang gagawa ng plano at hahanap sila ng mas masamang paraan upang patayin siya! "Boba o grass jelly? Alin dito ang gusto mo?" Nagising si Marcus sa kanyang pag-iisip dahil sa tanong na 'yun, at sumalubong sa kanya ang makislap at malalaking mata ni Cordelia. Nginitian siya ni Cordelia, ng kasing tamis ng milk tea na hawak niya. "Anong nangyari sa'yo?" Tumingin sa kanya si Cordelia. "Mukhang hindi maganda ang…""Ayos lang ako." Hindi niya gusto na may taong kayang bumasa sa kanya. Malamig ang boses ni Marcus noong lumingon siya sa kanya. "Inumin mo na lang yung isa. Ayaw ko ng matatamis."Nanigas si Cordelia sa kinatatayuan niya, habang hawak ang dalawang baso ng milk tea. Ilang sandali ang lumipa
Magbasa pa
Kabanata 7
Pagkatapos niya itong hulaan, sinabi ni Marcus na, “Puntahan mo yung drawer sa kwarto. May kahon sa loob. Dalhin mo yung kahon dito.”Ginawa ni Cordelia ang sinabi sa kanya ni Marcus, nahanap niya ang isang kahon na gawa sa kahoy sa pinakamalalim na parte ng drawer. Napakaganda ng pattern na nakaukit sa kahon, habang may mabangong amoy na nagmumula sa box.Kinuha ni Marcus ang kahon mula kay Cordelia at binuksan niya ito, at makikita ang ilang piraso ng gintong alahas sa loob nito: isang kwintas, isang pares ng kwintas, isang singsing, at isang pulseras. Ang pulseras ang pinakanatatangi sa lahat, dahil gawa ito sa ginto at jade. Matingkad ang kulay ng jade na nakabaon sa ginto at malamig ito sa pakiramdam.Nanlaki ang mga mata ni Cordelia habang takang-taka siyang nakatingin sa lalaki.“Ano ‘to…”“Hindi pa kita nabigyan ng magandang regalo para sa kasal natin,” ang sabi ni Marcus habang dinadampot niya ang mga alahas at tinitingnan ang mga ito.”“Ituring mo itong isang regalo mul
Magbasa pa
Kabanata 8
Nanigas ang ngiti ni Cordelia nang makaramdam siya ng kalungkutan sa kanyang puso. Tama si Linda. Pang habangbuhay ang kasal, at nagpakasal siya ng hindi nag-iisip. Ni hindi man lang niya naranasan na makipagdate. Totoo na tinapon niya ng habangbuhay ang kanyang kasiyahan. Gayunpaman…Tinikom niya ang kanyang mga labi bago siya tumawa. "Hindi naman ganun kasama ang nangyari. Yung totoo, gusto kong magpasalamat kay Marcus. Kung hindi niya ako pinakasalan, hindi ako magkakaroon ng $40,000!"Basta't gagaling ang kanyang ina at makakapag-aral at makakapamuhay ng maayos ang nakakabata niyang kapatid, magiging masaya siya. "Sige na, bababa na ako!" Nagmamadali si Cordelia na ibaba ang tawag. "Babalik ako ngayon para sa pera. Babalitaan kita kapag nakuha ko na ang pera!" Maingat na binalik ni Cordelia ang phone niya sa kanyang bag at di-nagtagal ay nakarating siya sa maingay na kalye ng Jangasas. Habang nakatayo siya sa kalye at pinagmamasdan niya ang maingay na buhay sa harap niya, p
Magbasa pa
Kabanata 9
”Ang sabi ko—wala si dad sa bahay!” Ngumisi si Yelena.“Nakalimutan ni dad na bibisita ka ngayon! Isipin mo, sa klase ng lalaki na pinakasalan mo, kailangan pa ba talaga ni dad na salubungin ka? Ano ka ba, sapat na ang kahihiyan na dinala mo!”“Hindi ko kailangan na salubungin niyo ako!”Biglang tumayo si Cordelia upang patigilin si Yelena. “Ibigay mo sa’kin ang wedding gift ko!”“Wedding gift?”Nagtaas ng kilay si Yelena at nginitian niya ng masama si Cordelia. “Anong wedding gift? Wala akong alam diyan!”Natulala si Cordelia, ngunit napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Sa mga sandaling iyon, bumugso ang lahat ng galit, pag-aalinlangan, at sama ng loob na nararamdaman niya. Alam niya na hindi mataas ang kanyang pinagmulan. Mula noong sinilang siya sa mundong ito, binansagan na siya na isang anak sa labas. Gayunpaman, hindi ito ang kagustuhan niya. Sa kabila ng kadiliman na naranasan niya sa mga nagdaang taon, nagsikap siya na habulin ang liwanag. Walang ordinaryong babae na
Magbasa pa
Kabanata 10
Noong binuksan ni Marcus ang pinto, nakita niya si Cordelia na lumabas mula sa kusina dala ang dalawang plato. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha noong una, ngunit pinalitan niya ito ng isang ngiti noong nakita niya si Marcus. Sa kasamaang-palad, mukhang pilit ang ngiti niya. Umupo si Marcus sa may mesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay. Buong araw siyang nagsanay, kaya pagod na pagod siya. Nakakatakam ang mainit na mga pagkain. Dinampot niya ang kubyertos niya at nagsimula siyang kumain, habang nakaupo naman sa harap niya si Cordelia. "Anong nangyari?" Tumingin siya kay Cordelia. Napatalon si Cordelia ngunit bahagya siyang umiling.“Kung ganun, kumain ka na.” Nilagyan ni Marcus ng karne ang kanyang plato. “Mabubusog ka ba kung tititigan mo lang yung pagkain?”Niyuko ni Cordelia ang kanyang ulo ng nakatikom ang kanyang mga labi. Wala talaga siyang ganang kumain. Tumunog ang kanyang phone, at nakita niya na may message sa kanya ang kapatid niya, si Carter Irwin.[Ate, kai
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status