Noong binuksan ni Marcus ang pinto, nakita niya si Cordelia na lumabas mula sa kusina dala ang dalawang plato. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha noong una, ngunit pinalitan niya ito ng isang ngiti noong nakita niya si Marcus. Sa kasamaang-palad, mukhang pilit ang ngiti niya. Umupo si Marcus sa may mesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay. Buong araw siyang nagsanay, kaya pagod na pagod siya. Nakakatakam ang mainit na mga pagkain. Dinampot niya ang kubyertos niya at nagsimula siyang kumain, habang nakaupo naman sa harap niya si Cordelia. "Anong nangyari?" Tumingin siya kay Cordelia. Napatalon si Cordelia ngunit bahagya siyang umiling.“Kung ganun, kumain ka na.” Nilagyan ni Marcus ng karne ang kanyang plato. “Mabubusog ka ba kung tititigan mo lang yung pagkain?”Niyuko ni Cordelia ang kanyang ulo ng nakatikom ang kanyang mga labi. Wala talaga siyang ganang kumain. Tumunog ang kanyang phone, at nakita niya na may message sa kanya ang kapatid niya, si Carter Irwin.[Ate, kai
Si Marcus, na nasa kabilang linya ng phone, ay nanahimik.Kahit na nasa kabila siya ng phone, alam ni Josiah na blanko at malamig ang ekspresyon ng mukha ni Marcus. Signature skill na ni Marcus ang panatilihin ang blankong ekspresyon sa kanyang mukha.“Z…” Umubo si Josiah. “Wala ka bang sasabihin?”“Ano?” Para bang nakangisi si Marcus base sa tunog ng boses niya. “Binigay ko ‘yun sa kanya. Sa kanya na ‘yun. Desisyon niya kung anong gagawin niya dun.”“Pero ‘yun ang Le Esse. Sinuot ‘yun ng great-grandmother mo noon!”Nanatiling tahimik si Marcus at dinagdagan niya ang timbang ng mga dumbbell. Nanginig ang mga muscle niya noong binuhat niya ang mga ito, binuhos niya ang lahat ng lakas niya.“Magkano niya binenta yung pulseras?”“Hmm…” Tumawa si Josiah. “Hindi niya ‘to binenta!”Kumunot ang mga kilay ni Marcus. Nakita niya ang babae na paulit-ulit na sumilip sa drawer kagabi. Nahulaan na niya na ibebenta ni Cordelia ang alahas. Kung sabagay, ninakaw ni Yelena ang $40,000 wedding g
Naghiwa ng prutas si Cordelia pagkatapos ng hapunan at binitbit niya ito at umupo siya sa tabi ni Marcus. Nakatuon ang atensyon ng lalaking ito sa kanyang phone, dahilan upang magtaka si Cordelia, kaya sinilip niya kung anong ginagawa ni Marcus sa kanyang phone. Inakala niya na naglalaro siya, ngunit nakita niya na tinitingnan ni Marcus ang isang website na may ibang lenggwahe. Nakasuot ng mga suit at mga sapatos na balat ang mga tao sa mga larawan, gaya ng mga matagumpay na tao. Nagulat si Cordelia dito, at sakto namang lumingon bigla si Marcus. Dahil malapit siya sa kanya, muntik na siyang dumikit sa tungki ng kanyang ilong. Pareho silang nanatili doon, nakatitig sila sa isa't isa, na naging dahilan upang mamula ang mukha ni Cordelia at bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Anong problema?" Nagtanong si Marcus. "W-Wala…" Naiilang na umupo sa isang tabi si Cordelia ng magkahawak ang kanyang mga kamay sa sobrang kaba. Sinubukan niyang makipag-usap sa kanya, "Nagbabasa ka ba ng
Hindi agad nakapagsalita si Cordelia.Tuwang-tuwa si Carter sa kabilang linya at sinabi niya na bukod sa mababayaran na nila ang medical bill ng nanay nila ngayon, nilipat rin ng mga Jenner ang nanay nila sa isang VIP ward na may propesyonal na tagapag-alaga at pinakabagong imported na gamot.“Ate, mabait pa rin ang dad mo kay mom,” ang sabi ni Carter ng may ngiti sa kanyang mukha. “Sige na, ibababa ko na ang tawag. Kailangan ko nang pumunta sa revision session ko!“Oo nga pala, huwag mong kalimutan yung pambayad ko para sa mga reference book ko. Ako na lang yung hindi pa nakakabayad sa klase!”“Sige…” Ang bulong ni Cordelia, hindi niya maintindihan ang buong sitwasyon kahit na noong binaba na ni Carter ang tawag.Nagkaroon na ba ng konsensya si Yelena? May nararamdaman pa kaya si William para sa nanay niya?Nang maalala niya kung paano siya trinato ng mga Jenner noong bumalik siya para bumisita, hindi na siya umasa na makukuha pa niya ang $40,000 na wedding gift. Hindi niya ito
Hinampas ni Josiah ang sarili niyang hita, ngayon lang niya napagtanto na naghukay siya ng sarili niyang libingan.“B-Bro… Fredric, kailangan mo akong tulungan!” Napangiwi si Josiah. “Wala akong balak na agawin ang asawa ni Z! Tsaka, hindi ko tipo yung mga inosente at mahinhin na babae na gaya ni Cordelia! May maluwag sigurong turnilyo sa utak ni Z kaya nagustuhan niya yung ganung tipo ng babae…”Uminom si Fredric ng tsaa ng may misteryosong ngiti. Oo nga, hindi niya inasahan na ang malamig, at brutal na third heir ng mga Hamerton, na umiiwas sa mga babae, ay hindi lang basta naging si Marcus Grist kundi pinoprotektahan pa niya ang isang babae na gaya ni Cordelia Jenner."Hindi ba't sinabi ni Z na wala siyang pakialam sa kasal? Ginagamit niya lang 'yun para itago ang pagkatao niya…""At naniwala ka naman sa sinabi niya?" Inirapan ni Fredric si Josiah. "Hintayin mo lang. Sa tingin ko hindi ganun kasimple ang mga bagay tungkol kay Cordelia. Heh, walang nakakaalam kung gugustuhin pa b
”Marunong bang gumawa ng cookies ang isang magandang babae na gaya mo?”Ilang kalalakihan ang nagkumpulan sa pinto ng bahay ni Marcus habang nakatingin sila kay Cordelia ng may mahahalay na ngiti sa kanilang mga mukha.Maraming ibang tao na nanonood, ngunit kilala ang mga lalaking ito bilang mga sanggano sa lugar. Walang sinuman ang nangahas na ibuwis ang buhay nila upang tumulong. Nanonood lamang sila at hindi nangialam.Kung may kailangan silang sisihin, si Cordelia ‘yun dahil masyado siyang maganda at si Marcus dahil iniwan niyang mag-isa ang maganda niyang asawa sa bahay nila. Binibigyan lang niya ng pagkakataon yung iba na samantalahin ang sitwasyon.Kumabog ng malakas ang dibdib ni Cordelia at namutla ang kanyang mukha, ngunit ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Ang dinig ko mayaman daw ang bagong kasal?”“Kaya naman pala! Hindi pumupunta sa kusina ang mga mayayamang tagapagmana. Paano niya malalaman kung paano gumawa ng cookies?!”
”Huwag kang matakot. Nandito ako.”Sinabihan ni Marcus si Cordelia na pumasok sa loob at isara ang pinto. Agad na sumunod ang babae, ngunit hindi pumasok ang lalaki kasunod niya. Narinig niya ang ilang kalabog sa labas ng bahay bago niya narinig ang mga ungol at sigaw ng mga lalaki. Tumingin si Cordelia sa labas ng bintana. Binugbog ni Marcus ang mga lalaki. Puro sila pasa at namamaga ang kanilang mga mukha habang nagmamakaawa sila ng nakaluhod. Nagkalat ang dugo sa lupa sa harap ng bahay nila. Sa kabila nito, tila hindi pa kontento si Marcus. Dinampot niya ang patpat na ginamit ni Cordelia at hinampas niya ito sa binti ng isa sa mga lalaki. "Hindi lang isang binti mo ang mababali sa susunod kapag sinubukan niyo ulit saktan ang asawa ko!" Malalim ang boses ni Marcus, at puno ng pagbabanta ang bawat salita niya. Nagtakbuhan ang mga lalaki sa sobrang takot, at nagtago si Cordelia sa koob, sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili kahit na halata pa rin ito dahil sa pagh
Parehong nagulat sila Cordelia at Marcus. Tumingin si Marcus kay Cordelia, sinabihan niya siya na maghintay sa loob ng kwarto habang bubuksan naman niya ang pinto upang alamin kung sino ang kumakatok. Sa labas, mukhang kabado si Seth. "Marcus, narinig ko na may binugbog ka daw…" Bago pa matapos ni Seth ang sasabihin niya, nakita niya ang mga bakas ng dugo sa damit ni Marcus at hindi niya napigilang mapasigaw. "Diyos ko, totoo nga!" "Ilang lalaki lang naman 'yun," ang sagot ni Marcus. "Hindi ko naman sila binugbog ng husto. Hindi sila mamamatay.""Hindi mo sila binugbog ng husto?" Hinila siya ni Seth sa isang tabi at binulungan niya siya, "Dinurog mo ang mga organ nila! Kailangan silang dalhin sa ospital ngayon!" Nagtaas ng kilay si Marcus ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Ginusto nila 'yun. Paano nila nagawang pagtangkaan si Cordelia nga ganun? Nararapat lang sa kanila 'yun kahit na mamatay pa sila sa bugbog. "Tama, may isa pang lalaki na binalian mo ng binti, d
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala