”Huwag kang matakot. Nandito ako.”Sinabihan ni Marcus si Cordelia na pumasok sa loob at isara ang pinto. Agad na sumunod ang babae, ngunit hindi pumasok ang lalaki kasunod niya. Narinig niya ang ilang kalabog sa labas ng bahay bago niya narinig ang mga ungol at sigaw ng mga lalaki. Tumingin si Cordelia sa labas ng bintana. Binugbog ni Marcus ang mga lalaki. Puro sila pasa at namamaga ang kanilang mga mukha habang nagmamakaawa sila ng nakaluhod. Nagkalat ang dugo sa lupa sa harap ng bahay nila. Sa kabila nito, tila hindi pa kontento si Marcus. Dinampot niya ang patpat na ginamit ni Cordelia at hinampas niya ito sa binti ng isa sa mga lalaki. "Hindi lang isang binti mo ang mababali sa susunod kapag sinubukan niyo ulit saktan ang asawa ko!" Malalim ang boses ni Marcus, at puno ng pagbabanta ang bawat salita niya. Nagtakbuhan ang mga lalaki sa sobrang takot, at nagtago si Cordelia sa koob, sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili kahit na halata pa rin ito dahil sa pagh
Parehong nagulat sila Cordelia at Marcus. Tumingin si Marcus kay Cordelia, sinabihan niya siya na maghintay sa loob ng kwarto habang bubuksan naman niya ang pinto upang alamin kung sino ang kumakatok. Sa labas, mukhang kabado si Seth. "Marcus, narinig ko na may binugbog ka daw…" Bago pa matapos ni Seth ang sasabihin niya, nakita niya ang mga bakas ng dugo sa damit ni Marcus at hindi niya napigilang mapasigaw. "Diyos ko, totoo nga!" "Ilang lalaki lang naman 'yun," ang sagot ni Marcus. "Hindi ko naman sila binugbog ng husto. Hindi sila mamamatay.""Hindi mo sila binugbog ng husto?" Hinila siya ni Seth sa isang tabi at binulungan niya siya, "Dinurog mo ang mga organ nila! Kailangan silang dalhin sa ospital ngayon!" Nagtaas ng kilay si Marcus ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Ginusto nila 'yun. Paano nila nagawang pagtangkaan si Cordelia nga ganun? Nararapat lang sa kanila 'yun kahit na mamatay pa sila sa bugbog. "Tama, may isa pang lalaki na binalian mo ng binti, d
Naging napakahirap ng meeting nila noong umaga.Naramdaman ni Cordelia ang mahalay na tingin ni Jesse sa kanya, pati na rin ang masamang tingin sa kanya ni Karine na sumasaksak sa kanya na parang kutsilyo.Noong matapos ang meeting, bago pa siya makausap ni Jesse, magalang siyang ngumiti at nagdahilan siya upang makaalis sa meeting room.Bago siya makalayo, narinig niya ang galit na galit na boses ni Karine mula sa loob.“Anong nangyayari sa’yo? Wala ka na bang ibang nakikita noong nakita mo yung p*tang ‘yun? Wala ka talagang pinagbago!”Naramdaman ni Cordelia na kumabog ang kanyang dibdib.Nagulat si Linda noong kinuwento sa kanya ni Cordelia ang tungkol dito. Hindi rin inasahan ni Linda ang nangyari. Napakalaki ng kumpanya, ngunit nakasalubong pa rin ni Cordelia ang dalawa.“Mag-iingat ka ngayong nakita mo sila,” ang pabulong na sinabi ni Linda. “Cordelia, wala ako sa sales, kaya mahihirapan akong irekomenda ka. At isa sa mga shareholder ang tiyuhin ni Karine. Sanay na siya sa
"Ang sales department ang isa sa pinakamahalagang department sa kumpanya." Sinadya ni Karine na insultuhin siya sa meeting. "Kung may mga tao na sadyang walang talento sa pagbebenta, mas mabuting bitawan na nila ang posisyon nila at ibigay ang pagkakataong ito sa mas mahuhusay na tao! "Hindi isang retirement home ang kumpanya natin. Alam niyong lahat 'yan. Dapat mag-isip nang umalis ang mga taong hindi pa nakapag-close ng kahit isang deal at umaasa lang sw basic salary!"Niyuko ni Cordelia ang kanyang ulo. Buong maghapong nakakunot ang kanyang mga kilay. Noong umuwi siya pagkatapos ng nakakapagod na araw sa trabaho, sinalubong siya ni Marcus ng parang isang boss, na nakahawak sa kanyang phone habang nakaupo sa sofa, pagpasok niya sa bahay. Walang laman ang kusina, at wala man lang kahit isang basong tubig sa mesa. Sa wakas ay kumawala na ang lahat ng sama ng loob na naipon ni Cordelia sa maghapon. "Hin… Hindi ka nagluto ng hapunan?" Inalis ni Marcus ang tingin niya sa kanyan
Bago pa makatanggi si Cordelia sa suhestyon ni Marcus, hinila siya ni Marcus palabas ng bahay. Tahimik siya habang naglalakad sila, habang iniisip niya kung ano ang mabibili nilang pagkain sa kakurampot niyang sahod.Sumilip siya kay Marcus. Walang pera at mahirap si Marcus, kaya malamang ay wala siyang ideya tungkol sa mga hotel at restaurant sa Jangasas.Base sa budget standard niya, marahil ay makokontento na siya sa simpleng pagkain na mabibili sa mga tindahan sa may kalye. Marami ring mga pagkain sa mga tindahan, kaya siguradong mabubusog siya.Ngumiti si Cordelia habang nakayuko siya.Naging matipid siya mula noong kinasal sila, at puro mga murang grocery lang ang bibinibili niya sa tuwing namimili siya. Sa kabila nito, narinig niya noon na sinabi ng isang matandang tagapagsilbi ng mga Jenner na walang kinakatakutan ang mga mag-asawa maliban sa paglalaho ng kanilang pag-ibig para sa isa’t isa. Makakabuti na romansahin nila ang isa't isa paminsan-minsan. Kung ganun… naisip n
Halatang nagulat si Cordelia, at kumabog ng parang tambol ang kanyang dibdib. May nalaman kaya siya? O narinig ba niya ang ibang tao na sinabi na tinupad ng mga Jenner ang kasunduan sa pamamagitan ng isang anak sa labas? Sinabi kaya nila na isang impostor ang pinakasalan niya at hindi ang pinakamamahal na tagapagmana ng pamilya?May pride din ang mga lalaki at nais nilang maikasal sa isang mayaman at magandang babae—hindi sa isang mahirap na gaya niya. Niyuko ni Cordelia ang kanyang ulo habang kabadong nakahawak ang mga kamay niya sa laylayan ng kanyang damit. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na hindi siya dapat umamin. Nakulong si Marcus dahil sa pakikipagbasag-ulo… Magkakaroon ng malaking problema kapag minasama niya ang tungkol dito!“Hah, ano namang sasabihin ko?” Tumingin siya kay Marcus ng may kumikinang na mga mata at nag-isip siyang maigi ng paraan upang baguhin ang usapan. “Oh, tama, wala akong nabenta ngayong buwan, kaya kailangan kong magpursigi sa susunod na b
Naguluhan si Josiah.Maimpluwensya ang mga Bayer sa Jangasas, ngunit hindi nila kayang imbestigahan ang maliliit na kumpanya. Tsaka, makakatawag ito ng atensyon ng nakararami kapag ginawa niya iyon gamit ng kanyang status. Kapag nangyari nanaman yung gaya ng nangyari sa panggigipit niya kay William Jenner at may tao nanamang magkakamali ng intindi sa kanya…Umubo si Josiah at naiilang siyang tumawa. “Z, walang problema ‘dun, pero lilinawin ko na ngayon pa lang na kapag may taong gumawa ng kwento at sinabi na mayroon akong relasyon sa pinakamamahal mong asawa o kung anu-ano pa, huwag kang maniniwala—Ow!”Hinampas ni Fredric ang ulo niya bago pa siya makatapos sa pagsasalita.…Mas nagsumikap pa sa pagtatrabaho si Cordelia sa ikalawang buwan niya sa trabaho. Mayroon na siyang kaunting kaalaman tungkol sa mga tuntunin upang tumagal sa isang trabaho at kung paano niya maiiwasan ang pang-aapi sa kanya ni Karine. Alam din niya kung paano niya poprotektahan ang sarili niya mula sa pangha
Hindi matiis ni Linda na panoorin si Karine na pag-initan si Cordelia sa opisina, kaya sinama niya si Cordelia para makabenta siya, at pinakilala niya sa kanya ang lahat ng mga kliyente niya. Tinuruan din niya siya ng maraming technique sa pakikipagnegosasyon.“Huwag mong kakalimutan. Ang business ay hindi isang one-time deal. Maaari kang makipagkita at makipagnegosasyon para sa isang deal ng walo o sampung beses. Normal lang ‘yun.”Tumango si Cordelia.“Kailangan hindi ka tumigil sa pakikipag-usap mo sa mga kliyente. Makikipag-deal lang sila sa’yo kapag pamilyar na sila sa’yo!”“Mm, naiintindihan ko.”“Ang pinakamahalaga sa lahat…” Ang nakangiting sinabi ni Linda. “Kailangan makapal ang mukha mo pagdating sa pagbebenta! Isantabi mo ang pride mo. Pagkatapos, magagawa mo nang buhayin ang sarili mo. Kuha mo?”Naging parang mga crescent moon ang mga mata ni Cordelia noong ngumiti siya. Makikita sa monitor sa harap nila ang number ng order nila, kaya nagmadali siyang lumapit sa count
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala