How To Catch A Billionare

How To Catch A Billionare

last updateLast Updated : 2024-11-20
By:  LiaCollargaSiyosa  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
57Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Aika ay isang simpleng empleyada sa kompanya ng mga armas na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Don Jacinto Herrera, ay laging nangangarap ng mas magandang buhay. Sa kabila ng hirap ng kaniyang buhay at mababang suweldo, hindi mapigilan ni Aika ang mag-isip ng paraan para makamtan ang kayamanang matagal niyang pinapangarap. Isang araw, nalaman ni Jaika ang isang lihim na matagal nang itinago ng pamilyang Herrera—ang pagkawala ng kanilang nag-iisang anak na si Isaid. Ang plano niya ay makuha ang atensyon ni Isaid at magpabuntis sa kaniya upang maging bahagi ng makapangyarihang pamilyang Herrera. Alam niyang si Isaid ay ang tanging tagapagmana ng imperyo ng kanilang kompanya at ang pagkakaroon ng anak mula sa kaniya ay ang pinakamabilis na daan para maging bilyonaryo siya. Magtagumpay ka siyang magpabuntis kay Isaid? Magiging bilyonaryo rin ba siya?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Aika's POVDumating din ang gabi na matagal ko nang pinaplano. Matapos ang ilang linggo ng pagpaplano at paghihintay, sa wakas ay kasama ko na si Isaid dito sa loob ng bahay. Ramdam ko ang kaba, pero desidido na ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, pero nandito na kami ngayon sa loob ng kuwarto ko.Nakahiga na kami sa kama at magkatabi, habang nagpapalitan ng maiinit na tinginan. Lasing na siya gaya nang naplano ko. Medyo awkward, pero may tensyon nang nagsisimula. Kita ko sa mga mata ni Isaid na hindi rin siya sigurado sa mga nangyayari, pero hindi rin siya umaatras. Sa halip, sumasabay siya sa agos ng sitwasyon. Pinipilit kong gawing casual ang usapan, pero bawat salita ko ay puno ng pagnanasa.“Okay ka lang ba dito?” tanong ko habang pilit na inaayos ang tono ng boses ko na parang normal lang ang lahat.Ngumiti siya pero halatang nagpipigil ng nerbyos. “Oo naman. Medyo... tahimik lang.”Napangiti ako sa sagot niya. “Mas maganda ‘yung tahimik, ‘di ba?” bulong ko habang unti

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
SKYGOODNOVEL
waaaa, nahanap ko na rin sa wakas.....
2024-09-27 20:18:32
1
user avatar
Mairisian
Support 🫶
2024-09-27 13:06:00
1
57 Chapters

Prologue

Aika's POVDumating din ang gabi na matagal ko nang pinaplano. Matapos ang ilang linggo ng pagpaplano at paghihintay, sa wakas ay kasama ko na si Isaid dito sa loob ng bahay. Ramdam ko ang kaba, pero desidido na ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, pero nandito na kami ngayon sa loob ng kuwarto ko.Nakahiga na kami sa kama at magkatabi, habang nagpapalitan ng maiinit na tinginan. Lasing na siya gaya nang naplano ko. Medyo awkward, pero may tensyon nang nagsisimula. Kita ko sa mga mata ni Isaid na hindi rin siya sigurado sa mga nangyayari, pero hindi rin siya umaatras. Sa halip, sumasabay siya sa agos ng sitwasyon. Pinipilit kong gawing casual ang usapan, pero bawat salita ko ay puno ng pagnanasa.“Okay ka lang ba dito?” tanong ko habang pilit na inaayos ang tono ng boses ko na parang normal lang ang lahat.Ngumiti siya pero halatang nagpipigil ng nerbyos. “Oo naman. Medyo... tahimik lang.”Napangiti ako sa sagot niya. “Mas maganda ‘yung tahimik, ‘di ba?” bulong ko habang unti
Read more

0001: May araw din kayong lahat sa akin!

Aika’s POVAko si Aika Esteban, isang office runner sa Herrera Soverign Defense. Simpleng empleyado lang, tagatakbo ng mga papeles at kung ano-anong utos sa office namin. Sa madaling salita, tagasunod o mas madaling intindihin kung sabihin na lang natin na utusan na lang. Ang trabaho ko ay madalas magpabalik-balik sa iba’t ibang departments para maghatid ng mga dokumento, utos doon at utos dito.Sa trabaho, madalas akong gawing katatawanan at apihin, lalo na ni Dolores, ang Operations Manager namin. Wala siyang pinapalampas na araw na hindi ako sinisigawan o pinapagalitan kahit wala namang mali sa ginagawa ko. Kaya kapag pumapasok ako sa opisina, parang binabato ko na lang ang sarili ko sa apoy.Pagod na ako, pero wala akong magawa. Kailangan kong kumita. Kung hindi, paano na kami sa bahay?Simula nang mamatay sina Mama at Papa sa isang aksidente apat na taon na ang nakalipas, kinupkop ako ng tita kong si Teofila, pero sa totoo lang, hindi naman niya ako tinuturing na para akong pamil
Read more

0002: Hindi ako susuko

Aika’s POVIsang araw, habang nagmamadali akong mag-ayos ng mga papeles sa opisina, natigilan ako nang marinig ko ang hagikhikan ng ilang kasamahan ko sa likod.“Si Aika, ang tagal-tagal na sa trabaho, pero runner pa rin,” narinig kong sabi ni Monica isa sa mga co-workers ko na hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nginitian.“Oo nga, hindi na yata aasenso ‘yan. Wala kasing dating,” sabi pa ni Gina na para bang ang sarap tumawa kapag ako ang pinagtatawanan.Hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ako. Ganito na lang palagi. Kung hindi man ako ang target ng pang-aasar, siguradong bibigyan pa ako ng dagdag trabaho. Mahirap nang kumontra. Laging may kabuntot na paninira at intriga kapag sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.Habang naglalakad ako sa hall papunta sa printer, si Dolores na naman ang bumungad sa akin.“Aika, ano bang ginagawa mo? Bakit parang ang tagal-tagal mong maghatid ng report? Akala mo naman wala ka ng ibang trabaho!” Ang mga salitang iyon na may kasama pan
Read more

0003: Ang nawawalang anak ni Don Jacinto

Aika’s POVHabang nagtatrabaho ako sa opisina ng Herrera Sovereign Defense, naririnig ko ang karaniwang ingay ng mga tauhan na abala sa kani-kaniyang mga gawain.Umagang-umaga, pinagtimpla agad ako ni Dolores ng kape niya. Minsan nakakabagot na talaga ang ganito, pero kabisado ko na ang takbo ng araw ko—mga papeles, email, ilang meeting at pagtitimpla ng kape ng mga boss-boss-an ko rito. Isang araw na naman na parang cinderella lang ang peg ko.Pero hindi ko inasahan ang kakaibang pangyayari ngayong umaga.Habang nag-aayos ako ng mga dokumento sa mesa ni Dolores, narinig ko ang boses ni Don Jacinto Herrera, ang may-ari ng kumpanya. Kilala siyang seryoso at minsan masungit, pero sa likod ng lahat, siya ay isa sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas. Tahimik akong nakikinig habang kausap niya ang bisita niya, isang matandang lalaki na mukhang matagal na niyang kaibigan. Nakaupo sila sa meeting room na ilang metro lang ang layo sa mesang kinaroroonan ko. Hindi ko sinasadyang mapakinggan a
Read more

0004: Trauma

Isaid’s POVHabang nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng flower farm, napapangiti ako kasi palaging sariwa at kaaya-aya ang nakikita ko araw-araw. Ang araw ay maganda at ang mga bulaklak sa paligid ko ay tila naglalaro sa hangin. Ang mga kulay ng petal at ang bango ng mga bulaklak ay nagpapaligaya sa akin, sanay na sanay na ako sa mga halimuyak nila. Ang lugar na ito ay naging tahanan ko na at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman kong higit akong nagkakaroon ng ugnay sa lupang ito.Ngayon, nagbabalik-tanaw ako sa mga taon na dumaan mula nang magbago ang lahat ng dinala ako dito sa farm. Nangungupahan ako sa isang maliit na kuwarto sa bahay ng may-ari ng flower farm, sina Mang Ben at Aling Lita. Sila ang naging mga magulang ko simula nung ako ay umalis sa amin at hindi na nakabalik pa sa dati kong buhay. Masasabi kong masuwerte ako sa kanilang pagkakakilala at pagkupkop sa akin. Hindi nila ako pinabayaan at nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng bagong buhay.Nga
Read more

0005: Finding Isaid

Aika’s POVSa ilalim ng mainit na sikat ng araw, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano bang pumasok sa utak ko para hindi pumasok sa trabaho ngayong araw. Pero inisip ko na makikita ko naman na ngayon si Isaid. Nakita ko siya sa social media, nagtatrabaho sa isang flower shop at ‘yon ang naisip kong hanapin para ma-meet ko na ulit siya sa personal. Hindi na ako nakapagpigil, kaya heto ako, naglalakad sa bayan.“Paano ba to? Paano ba to?” Tanong ko sa sarili habang binabagtas ang makulay na kalye ng bayan na puno ng mga flower shop. Seryoso, parang naglalakad ako sa isang petisyon ng bulaklak—lahat ng mga shop na nadaanan ko ay puro bulaklak ang binebenta. Ang problema, wala ni isa sa mga ito ang flower shop ni Isaid.Sa bawat flower shop na pinapasok ko ay tila kinakalabit ako ng mga bouquet na nagsasabing, “Hindi ito ‘yon!”Ang mga florists ay mababait naman at tumutulong sa akin, ngunit malaki ang posibilidad na tinatawanan nila ako sa likod ng kanilang mga ngiti.“Sigurado ka bang d
Read more

0006: First date?

Aika’s POVSigurado ako na magkakaroon ng konting pag-aalangan si Isaid kapag inaya ko siyang lumabas ngayong hapon. Pero dapat maisip niya na may kailangan ako sa kaniya kasi kanina pa ako nandito sa flower shop niya. Ilang customer na ata ang nakita kong labas-masok dito.Nang wala na siyang gagawin, doon na niya ako muling hinarap. Nakita ko kasi na masyado siyang seryoso sa flower shop na ‘to. Masyado siyang nagpapakahirap dito e, hindi niya alam, napakayaman niya. Hindi niya alam na bilyonaryo siya.“So, Aika, sabihin mo, ano bang sinadya mo. Nakakahiya naman, halos mag-iilang oras ka na atang nandito. Ano ba kasi ang sadya mo?” tanong na niya sa akin habang pawisan.“Ay, ano... wala lang, napadaan lang ako.” Ang bobo ko, bakit ‘yung ang sinabi ko. Ang tagal-tagal kong naghintay sa kaniya tapos ‘yun lang ang sinabi ko. Failed ako sa part na ‘yon. “Na-miss ko lang yung mga bulaklak mo,” sabi ko pa kaya lalo na akong napangiwi.Nagtaas siya ng kilay na para bang halatang hindi kumb
Read more

0007: First date? II

Aika’s POV“Naku, baka naman kaya ka manlilibre ng pagkain sa labas e, gusto mo lang din malibre ng bulaklak,” biro na naman niya kaya natawa ako.“Hindi naman... okay, fine, oo na. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano bumuo ng bouquet. Tsaka, magbabayad ako, hindi libre, alam ko naman na mahal ang mga bulaklak ngayon. Saka, kanina, habang pinapanuod kita sa pag-aayos ng mga bulaklak, hangang-hanga ako. Ang galing mo, Isaid.”“Flattery won’t get you anywhere,” sabay tawa niya.Pagdating namin sa resto, agad kaming umupo sa isang magandang spot—malapit sa bintana, kung saan makikita mo yung mga tao sa labas. Iba ang pakiramdam ng ganito, parang bumalik kami sa dati naming samahan. Pero, promise, hindi kami nagkasama ng madalas, siguro mga ilang beses lang. Kaya siguro takang-taka itong si Isaid na bigla akong sumulpot.“Okay ka lang ba sa mga ganitong kainan, baka naman hindi mo trip?” sabi ni Isaid nang dumating ang waiter.“Hoy, hindi ako maarte. Saka, ano ka ba, kung alam
Read more

0008: Babalikan

Aika’s POVNang pumasok ako sa opisina ng umagang iyon, ramdam ko na agad ang bigat ng mga tingin ng mga katrabaho ko. Wala pa akong isang hakbang sa loob ng pinto, ngunit naririnig ko na ang mga bulong-bulungan sa likod ko, ang mga mahihinang tawa na tila nanunuya. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang mga iyon—si Gina at ang mga alipores niyang sina Monika at Vanessa. Palaging sila ang unang nag-uumpisa ng ganito tuwing may papasok ako sa trabaho.“Wow, look who decided to show up today,” rinig kong sabi ni Gina. Tumawa siya ng malakas at narinig ko ang mga tawa ng mga kasama niya. Hindi ako lumingon. Hinakbang ko na lang ang mga paa ko papunta sa aking mesa, hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bag ko, pilit na iniwasang makipagtitigan sa kahit na sino.Alam kong hindi matatapos dito ang araw ko.Nang marating ko na ang aking cubicle, nilapag ko nang maingat ang aking bag at huminga nang malalim. Hindi ko maaaring ipakita sa kanila na apektado ako. Iyon ang gu
Read more

0009: She’s lucky she’s not fired yet.

Aika’s POVNang makita ko si Isaid sa flower shop at makasama ko siyang kumain sa isang restaurant , alam kong may pag-asang magkagusto siya sa akin. At grabe, kahapon nagulat ako sa bagong looks niya. Ang laki nang pinagbago niya. May pagkamatikas na talaga ang tindig niya at kahit tahimik siya at hindi palakaibigan, alam kong may kabutihan sa loob niya. At parang…parang masarap kasama sa harutan.Oo, hindi ako mukhang naughty, pero siyempre, ang nabu-bully na gaya ko, may tinatago ring kaharutan. At kapag nagharot ako sa kama, iba na ang usapan. Nag-iiba ang galawan, salita at pag-uugali ko. Lumalabas ang pagiging gaga ko.Joke lang, hindi pa talaga ako nakakatikim ng kahit isang lalaki sa kama. Hanggang panuod lang ako sa mga ano, website na pinagbabawal. Hanggang mariang palad palang ang nagagawa ko. Hanggang imagination palang ang nagagawa ko na habang nagma-mariang palad ako, iniisip ko na may lalaki akong kasama sa kama.Si Isaid, hindi siya tulad ng mga ito—hindi siya tulad ng
Read more
DMCA.com Protection Status