Aika’s POV“Naku, baka naman kaya ka manlilibre ng pagkain sa labas e, gusto mo lang din malibre ng bulaklak,” biro na naman niya kaya natawa ako.“Hindi naman... okay, fine, oo na. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano bumuo ng bouquet. Tsaka, magbabayad ako, hindi libre, alam ko naman na mahal ang mga bulaklak ngayon. Saka, kanina, habang pinapanuod kita sa pag-aayos ng mga bulaklak, hangang-hanga ako. Ang galing mo, Isaid.”“Flattery won’t get you anywhere,” sabay tawa niya.Pagdating namin sa resto, agad kaming umupo sa isang magandang spot—malapit sa bintana, kung saan makikita mo yung mga tao sa labas. Iba ang pakiramdam ng ganito, parang bumalik kami sa dati naming samahan. Pero, promise, hindi kami nagkasama ng madalas, siguro mga ilang beses lang. Kaya siguro takang-taka itong si Isaid na bigla akong sumulpot.“Okay ka lang ba sa mga ganitong kainan, baka naman hindi mo trip?” sabi ni Isaid nang dumating ang waiter.“Hoy, hindi ako maarte. Saka, ano ka ba, kung alam
Magbasa pa