Isaid’s POVMaya maya pa ay dumating na si Aika. Sakto, tapos na akong gumayak. Bumaba siya sa tricycle na sinakyan niya. Pagbaba niya, parang bumalik kami sa mga panahon ng pag-aaral namin—yung mga panahong sabay kaming nagkakandaugaga sa mga group projects at exams. Ang fresh niyang tignan ngayon, gaya ko ay bagong ligo ito.“Wow, Isaid! Ito pala ‘yung flower farm niyo? Ang ganda!” bulalas niya sabay ang mabilis na pagkuha ng cellphone para mag-selfie.“Oo, ito nga! Halika, itu-tour kita,” sagot ko sabay lakad papasok ng farm namin.Habang naglalakad kami, todo bigay ako sa pagpapaliwanag tungkol sa mga bulaklak. “Ito, Gerbera daisy ‘yan. Ayan naman, Petunia. At ito naman, ito ang pinaka-pride ng farm namin—roses!”Napatigil siya sa harap ng mga rosas. “Grabe, ang gaganda ng tanim niyo! Parang ayokong pumitas, nakakahiya.”“Naku, Aika, huwag kang mag-alala! Pumitas ka nang gusto mo. Kahit puno ng buong isang basket ‘yan ng bulaklak, walang kaso sa amin,” sabi ko sabay tawa.Tumawa r
Read more