Isaid’s POVNang makalayo na si Aika, nanatili akong nakatayo sa labas ng Herrera Soverign Defense building. Puno ng mga tanong ang isip ko. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyayari sa buhay niya, bakit siya nagpapaapi, pero paano ko naman siya matutulungan kung ayaw niyang mag-open up? Kaya lang, hindi ba tama lang na may magsalita para sa kanya? May magsabi sa kanya na hindi tama ang nangyayari?Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako at sinundan si Aika. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sasabihin ko, pero gusto kong malaman niya na narito ako, handang makinig, handang tumulong.“Aika!” tawag ko ulit, humahangos na akong tumatakbo para abutan siya.Nang lingunin niya ako, kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Siguro nagtataka siya kung bakit ko siya sinusundan, pero may nararamdaman din akong kaba. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang mga sasabihin ko.“Isaid, bakit? May problema ba? Ano ba kasing gusto mong sabihin?” tanong niya, pero kita ko na sa b
Aika’s POVPagod ako. Paulit-ulit na ang ganitong pakiramdam gabi-gabi—yung pagkatapos kong magluto at kumain, maglilinis, at hintayin pang matulog ang mga tao sa bahay bago ko maisipang magpahinga para sa sarili. Sinigurado kong busog si Tita Teofila at si Liya, gaya ng nakasanayan ko. Ang pamilya kong mga amo.Tahimik ang paligid, maririnig ko lang ang mahinang hilik ng dalawa sa kuwarto. Nasa labas na ako ng bahay para huminga ng malalim, at ngayon na lang ulit ako makakalabas ng ganito. Hindi na rin naman ako matutulog agad kasi kinukulit ako ng bestfriend ko. Minsan lang ito at sa tingin ko, kailangan ko ring makita si Aliyah.Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Lagi siyang nasa Manila para sa trabaho, pero sa wakas, nahanap namin ang oras na ito para magkita. College pa lang kami, magkakilala na kami ni Aliyah. Classmates, hanggang sa naging best friends. Magkasabay kami umuwi dati kasi magka-street lang kami. Wala nang mas hihigit pa sa mga gabing magkakasama kami at
Isaid’s POVNaghihintay ako sa labas ng Herrera Sovereign Defense building, nagmamasid sa bawat taong lumalabas. Marami na talagang bagong mukha rito na hindi ko na kilala. Sabagay, matagal-tagal na rin nung umalis ako kaya bakit pa ba ako magtataka? Nakatalikod ako, nagpapanggap na abala sa pag-check ng cellphone, ngunit ang totoo, inihahanda ko ang sarili ko para sa plano kong pag-takas sa kanya ngayong araw. Si Aika ‘yun. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang, pero ang alam ko lang, hindi ko na matiis na makita siyang laging pagod at stresado sa impyernong opisina na ito. Gusto ko lang siyang ilayo, kahit isang araw lang. Kahit konting pahinga lang, na hindi iniisip ang trabaho o ang mga problema sa paligid niya.Nagningning ang mga mata ko nang makita ko na siya sa wakas. Suot niya ang paborito niyang itim na blazer, naka-high heels pa rin kahit pagod na ang katawan niya. Nakita kong may kinakausap siyang kasama, pero hindi ko na iyon inintindi. Kailangan ko na siyang ilay
Isaid’s POVNakita kong napangiti siya habang nilalatag ko ang picnic blanket. “Hindi ka talaga titigil, no? Ginawa mo talaga ito lahat para sa akin?”“Alam mo naman ako, ‘di ba? Hindi ako titigil hangga’t hindi ka nakakalimot kahit isang araw lang.” Nagpatuloy ako sa paghahanda ng pagkain, habang si Aika ay tahimik na umupo, pinagmamasdan ang paligid. Nakita ko ang saya sa mukha niya, kahit alam kong nag-aalala pa rin siya sa trabaho.Lumipas ang oras, at unti-unti na rin siyang sumasabay sa alon ng araw na iyon. Napaka-aliwalas ng langit, at masarap ang simoy ng hangin. Habang kumakain kami ng dala kong mga sandwiches at prutas, nagsimula na siyang magkwento ng mga bagay na hindi niya kadalasang binabanggit—mga pangarap, mga plano, at mga bagay na bumabagabag sa kanya.“Minsan, gusto ko na lang talagang magpahinga, Isaid. Sobrang bigat na sa dibdib ang trabaho,” bulong niya habang nakatingin sa tubig ng talon.“Eh bakit hindi mo gawin?” tanong ko. “Andito ka ngayon, walang makakaist
Aika’s POVHabang nakahiga ako sa malambot kong kama, hindi ko mapigilang mapangiti. Tahimik na ang paligid, tulog na ang mga amo ko, kaya relax na akong nakakapagpahinga, pero ang puso ko, kanina pa parang abnormal. Parang ang taba, parang may kuryenteng nangingiliti, ganoon ang napi-feel ko.Sa wakas, gumagana na ang plano ko. Walang kahirap-hirap, nakuha ko na ang loob ni Isaid. Akala ko noon, mahihirapan ako sa kaniya kasi baka may iba na siya, baka may asawa na. Suwerte na lang talaga na single pa siya at ang… ang hot na niya talaga ngayon. Lalo na nung makita ko nung nag-camping kami ang katawan niya. Habang naliligo siya sa falls, hindi ko mapigilang mapatitig sa katawan niya. Ang ganda ng dibdib, bycep at mga abs niya.Pero iba talaga ang tadhana kapag nagpasya itong makialam. Ang simpleng plano ko na kunin ang loob niya at hindi dapat seryosohin dahil gusto ko lang talagang maging mayaman, makaahon sa hirap ay nauwi sa isang bagay na hindi ko inasahan. Ngayon, hindi ko lubos
Isaid’s POVNakahawak ako sa aking bulsa habang abala akong nag-iisip. Ilang minuto na lang, at matatapos na ang trabaho ni Aika. Kaninang umaga nag-reply siya na game daw siya kaya masaya ako kasi pumayag siya.Pagdating ko sa harap ng building nang pinagtatrabahuhan niya, naghanap ako ng magandang puwesto na hindi masyadong halata pero sapat para makita ko siya kapag lumabas na. Halos hindi ako makapaghintay sa gabing ito kasi makakasama ko na naman siya. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Gusto kong mapasaya siya. Lagi ko kasing nakikita sa alaala ko ang istura niya nung makita ko siyang inaalipin sa sarili niyang bahay. Malungkot ang mga mata, stress, at sa kabila ng lahat, lagi pa rin siyang nagiging masaya kapag kasama ako. Kaya naman naisipan kong dalhin siya sa isang mamahaling restaurant.Maya-maya, bumukas ang pintuan at lumabas siya. Tumingin ako sa paligid, nag-iingat na hindi siya mapansin agad. Dahan-dahan akong lumabas mula sa aking taguan at nang makaharap ko siya
Isaid’s POVParang nagiging seryoso na ako kay Aika, iyon ang totoo.Matapos ang dessert nagpaalam siya na magpupunta sa banyo kasi magbabawas siya ng panunubig.Naghintay ako sa labas, nag-aalala na baka matagal siya. Pero nang makita ko siyang lumabas, napaka-fresh at blooming niya. Mukhang nagpahid ulit siya ng powder at lipstick. “Okay ka lang?” tanong ko.“Oo, sobrang saya ko ngayon!” sagot niya habang bumabalik sa aking tabi.Habang papalabas kami ng restaurant, hinawakan ko ang kanyang kamay. “Aika, ganiyan ang gusto ko. Palaging nakikitang masaya ka. Maging masaya ka palagi. Gusto ko ganoon. Mahalaga ka na sa akin kaya gusto kong mawala sa pagkatao mo ang pagiging malungkot na tao.”“Isaid, salamat sa pagiging mabuti mong tao sa akin. Inaamin ko, oo, simula nung maging close ulit tayo, nakakaramdam na ulit ako ng saya. Dahil sa iyo, nagiging masaya na ako,” sabi niya habang seryoso ang mukha.“Masaya akong marinig ‘yan. Basta, mahalaga ka na sa akin kaya asahan mo na hanggang
Isaid’s POVNagsimula ang araw na tila walang hanggan ang mga oras ko sa flower shop. Kulang ang mga tao, kulang ang oras at higit sa lahat, kulang na rin ako sa pasensya. Nakakabaliw, lalo na’t napakaraming order para sa dalawang kasal ngayong araw. Wala pa akong tulog ng maayos dahil nagkasunod-sunod ang delivery ng mga bulaklak, at ngayon, parang sinumpa kami ng flower shop ko dahil halos lahat ng staff ko ay nagkakahawahan ng lagnat.“Sir Isaid, puwede bang paki-abot na ‘yung listahan ng susunod na order?” tanong ni Arman, ang tanging staff na hindi nagkasakit. Ngunit halata sa kaniya ang pagod. Hindi ko na nga rin alam kung hanggang kailan pa siya tatagal.“Sige, Arman, ako na bahala.” Tumango siya pero nakita ko ang kabigatan sa kaniyang mga mata. Ramdam ko ang hirap na nararanasan namin pareho.Hinahabol ko ang oras. Kailangan kong matapos lahat ng mga bridal bouquet, centerpiece, at flower arrangement bago mag alas-singko ng hapon, pero alas-diyes pa lang ng umaga, lutang na l
Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia
Aika’s POV“Late na naman ako,” bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad sa gilid ng daan. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong araw, napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ko ng graham, mamaya kasi ay daldahan ko ng ganoon si Isaid.Ngayon na lang ako papasok ulit kasi dalawang araw akong absent dahil sumakit ang tiyan ko, at ngayon pa lang ako muling makakapasok. Mahirap na, baka masabihan pa akong tamad sa opisina.Papunta na ako sa sakayan ng jeep nang biglang may tumigil na kotseng kulay itim sa harapan ko. Agad bumaba ang bintana, at sumungaw ang mukha ni Ma’am Dolores. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya, alam kong delubyo na agad ang mangyayari. “Aika! Get in!” utos niya agad.Natigilan ako. “Po?” tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya.“I said, get in the car! Now!” Malamig ang tono ng boses niya at parang may halong utos na hindi puwedeng tanggihan. Feeling amo na naman itong si Ma’am Dolores.Wala akong nagawa kundi sundin na lang siya. Binuksan ko ang pint
Isaid’s POVAng malamig na hangin ng gabi ay parang tumutusok sa balat ko, pero hindi nito kayang pigilan ang pag-alab ng lagnat sa katawan ko. Ilang araw na akong ganito—nakahiga lang sa kama, nakapulupot sa makapal na kumot, pero walang kahit anong ginhawa. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang eksena sa isip ko.Ang lalaking holdaper.Ang baril.At ang bangungot na palaging sumusunod: ang huling beses kong nakita ang mukha ni Mama.Kahit anong gawin ko, hindi mawala ang imahe ng baril na nakatutok sa akin. Napapanaginipan ko ito gabi-gabi. Parang paulit-ulit akong ikinukulong ng mga alaala ng takot, habang ang tunog ng baril ay parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.Ngunit mas masakit ang alaala ni Mama.Bata pa ako noon pero hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa kaniya. Kung bakit naging takot na ako sa baril kahit sa pagtanda ko ay dahil doon o iyon ang pumatay sa mama ko.Hindi ako makapasok sa flower shopko. Hindi ko rin kayang lumabas ng bahay. A
Aika’s POVPagpasok ko sa opisina, agad kong naramdaman ang tensyon sa paligid. Halos hindi pa ako nakakapuwesto sa cubicle ko nang biglang lumitaw si Ma’am Dolores mula sa kung saan. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, tila hindi na ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.“Aika, come with me. I need you,” utos niya, hindi man lang ako binigyan ng paliwanag kung bakit. Napansin ko ang nangingintab niyang bag na parang bagong bili, kasabay ng mga mamahalin niyang sapatos na tila sumisigaw ng awtoridad. Wala akong nagawa kundi sumunod habang nagtataka kung ano na naman ang pakay niya sa akin.Habang naglalakad kami palabas ng opisina, tinanong ko siya, “Ma’am, saan po tayo pupunta? May meeting po ba?”“No. I need your help at my house. I’m preparing dinner for some guests tonight, and I can’t do it alone,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.Halos mapataas ang kilay ko sa narinig ko. Sa isip-isip ko, Bakit ako? Hindi ba’t staff lang ako sa office? Hindi ko naman trabaho ang maging p
Isaid POVNasa flower shop ako ngayon, nag-aayos ng mga bagong dating na bulaklak. Nakangiti akong sumasayaw-sayaw pa habang inaayos ang mga ito sa kanilang mga paso. Hindi ko maalis ang saya sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko si Aika. Nagiging maayos na kami; mas bukas na siya sa akin, at mas lumalalim ang samahan namin. Masaya ako sa pag-usad ng panliligaw ko—unti-unti kong nararamdaman na may pag-asa talaga.“Ang aga palang pero marami na tayong kita, mukhang ang daming event na nagaganap ngayon,” masayang sabi ng tauhan kong si Yoyo.“Oo nga, kung tutuusin, puwede na tayong magsara mamayang hapon,” biro ko pa sa kaniya.Habang nilalagay ko ang mga rosas sa harapan ng shop, narinig ko ang tunog ng pinto. Inisip kong isa lang sa mga regular kong customer ito kaya nakangiti akong bumaling sa direksyon ng pinto, pero napako ako sa kinatatayuan ko. Pumasok ang isang lalaki, armado at may hawak na baril.Parang huminto ang mundo ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, bigla akong
Aika’s POVPagdating ko sa bahay, inaasahan kong gising na siya pero hindi pa pala. Nakahiga pa rin siya sa kabilang gilid ng kama, tahimik na humihinga nang malalim, at kitang-kita ko ang maaliwalas na itsura niya kahit bahagyang natatakpan ang mukha niya ng kumot. Napangiti ako. Alam kong pagod siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw, kaya gusto ko siyang sorpresahin ngayong umaga. Hindi man kami madalas magkasabay sa mga oras ng pagkain pero, sa araw na ito, nais kong siguraduhin na masaya siyang magising.Tahimik akong tumungo sa kusina at binuksan ang kabinet. Nilagay ko na muna doon ang mga pinamili ko. Pagkatapos ko, tiningnan ko ang mga puwedeng iluto, at napangiti nang makita ang mga sangkap para sa omelette—may itlog, ham, at keso. Alam kong masarap iyon tuwing umaga, kaya wala nang pagdadalawang-isip na agad akong magluto. Sinarado ko ang kabinet at sinimulan ang paghahanda.Hinugasan ko muna ang mga kamatis at sibuyas, at habang hinihiwa ko ito nang pino, napaisip ako ku
Aika’s POVUmaga pa lang, gising na ako. Nakakatuwang tignan si Isaid dahil dinantayan pa ako sa paa, ang bigat kaya isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit napaaga ang gising ko.Hindi ako sanay nang ganito kaagang magising, pero alam kong kailangan kong pumunta sa grocery pala.Naiwan si Isaid sa apartment, tulog na tulog pa, at wala na rin kasi akong halos pagkain doon. Ayoko namang makita niya na wala akong maihahandang almusal. Kaya kahit medyo mabigat ang mata ko, pinilit kong bumangon at mag-ayos nang tahimik.Ang lamig ng hangin kapag umagang-umaga, hindi na ako nag-tricycle, sinubukan kong mag-jogging papunta ng palengke para na rin may exercise ako.Pagdating ko sa grocery, nagmamadali akong kumuha ng mga kailangan: gulay, itlog, tinapay, kape—mga simpleng bagay lang, pero sapat na para may pagkain akong mahanda ngayon umaga. Habang pinupuno ko ang supot, hindi ko maiwasang mag-isip na sana, isang araw, sa supermarket na ako namimili, ‘yung tipong pang-isang buwan na ‘yung stock.
Aika’s POVPanay ang tingin ko sa bintana, sinisilip kung nasa labas o nasa paligid lang ba ang dalawang bruha.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Isaid, na may kasamang tingin na may halong pag-aalala at pagsusuri sa mukha ko. Ramdam kong handa siyang kumilos kahit ano pa ang mangyari, kaya lalo akong napalagay.“Oo naman, pero ewan, hindi ko pa rin lubos maisip bakit nandito sila kanina, aawayin o aapihin pa rin ba nila ako kahit lumayo na ako, siguro, oo, kasi malaki akong kawalan sa kanila,” sabi ko, pilit pinipilit ngumiti. “ayaw nila akong tantanan, mga buwisit talaga ang mga ‘yon.”Tumango si Isaid, ngunit nanatili ang malalim niyang tingin sa akin, para bang may nais pa siyang itanong o sabihing hindi niya masabi. Naupo ako sa sofa at kinuha ang unan para mayakap, sinusubukang mag-focus sa kahit ano pang bagay. Tahimik na naupo si Isaid sa tabi ko. May katahimikan sa pagitan namin na hindi nakakailang; sa halip, nagbibigay iyon ng kapayapaan. Ramdam ko ang pag-aalaga niya—par
Aika’s POVPagkababa ko ng kotse ni Isaid, agad akong nilamon ng malamig na simoy ng hangin sa aming kalye. Malapit na talaga ang pasko. Parang hindi ko ramdam ang pagod ko kanina sa trabaho dahil sa dinner date na hinanda ni Isaid, tapos may pabulaklak pa siya, ngunit kakaibang kaba ang dumapo sa dibdib ko nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na tao sa ‘di kalayuan. Nakasilip mula sa liwanag ng poste, nakatayo sila roon sa harap ng apartment ko—sina Tita Teofila at si Liya, ang pinsan kong matagal ko nang iniiwasan.Napaatras ako nang bahagya, nagtatago sa likod ng malaking puno, pinilit na pigilan ang kabog ng puso ko. Ano na naman kaya ang kailangan nila? Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ko, pero naroon pa rin ang takot sa isipan ko. Alam kong may dahilan ang pagbisita nila, at hindi iyon mabuting balita para sa akin.Hindi kaya mga gutom na? Hindi kaya wala na silang pera at manghihingi na sa akin. O, baka pipilitin na nila akong umuwi para alipinin ulit. No way, h