CLUMSY (Tagalog)

CLUMSY (Tagalog)

last updateLast Updated : 2022-07-26
By:  Blu BerryOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
14 ratings. 14 reviews
48Chapters
67.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Walang ibang pinangarap si Paloma kung hindi ang maging isang kilalang modelo. Naabot na niya ang pangarap na 'yon dahil unti-unti na siyang nakikilala at nagkakapangalan sa industriya pero ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay mawawala dahil sa isang gabing pagkakamali. Arken Fernandez is a perfectionist guy. Business minded person at priority ang kanyang trabaho. Paano kung isang gabi ay pareho silang magkamali? Papanindigan ba nila ang pagkakamaling 'yon? Mahuhulog ba sila sa isa't isa? O mananatiling lihim ang lahat ng naganap nang gabing 'yon pati na ang naging bunga nito?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

PROLOGUE

BATA pa lang ako ay wala na akong ibang ginusto kung hindi ang maging isang modelo. Simula elementary hanggang high school, lahat ng related sa pagmo-model ay aking sinalihan mula sa mga workshop hanggang sa mga trainings ay wala akong ng pinalampas.

Marami ang nagsabi na tama lang ang larangang aking napili. Malaki ang chance na matupad ko ang pangarap na iyon.

Ang iba naman ay pinapasali ako sa mga beauty pageants pero uunahin ko muna ang pagmo-model dahil iyon ang aking pinakamalaking pangarap.

Walang problema kay mama dahil number one fan ko siya. Lagi niya akong sinusuportahan at kahit saang event ay nandoon siya para magpakita ng suporta.

Kabaligtaran naman sa aking ama na laging sinasabi na wala akong mararating sa pagiging model.

"Paloma, just be an engineer like me. Or mag-architecture ka na lang para may katuwang ako sa mga negosyo natin." Laging ganoon ang aming usapan pero nauuwi lamang sa pagtatalo at samaan ng loob.

Hanggang sa nag-college ay pinipilit pa rin ako ni Papa sa kung ano ang dapat kong kunin na kurso.

"Iwanan mo iyang fashion designing na iyan, Paloma! Wala kang mararating diyan!" Isa na naman iyon sa mga gabi na nagtatalo kami.

"How many times do I have to tell you, Pa, na ito ang gusto ko. I want a background in fashion and after kong maka-graduate I will pursue my modeling career!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

As usual, pumagitan na naman si Mama sa amin.

"Tama na iyan, Pa, hayaan mo na lang si Paloma, it's her dream at as long na she will be responsible sa kursong pinili niya then suportahan na lang natin siya."

"Clarita, are you out of your mind? Ano na lang sasabihin ng mga kasosyo ko sa negosyo? Na walang susunod sa yapak ko? Na hindi na tayo dapat pang pagkatiwalaan dahil kahit sarili kong anak ay ayaw sa larangang pinili ko?" sagot naman ni Papa.

"Harry, babae ang anak mo of course iba ang hilig niya kaysa sa'yo."

"Anong klaseng rason iyan? Ang dami-daming mga babae riyan, engineering ang kinukuha. Minsan nga mechanical pa. Anong ipinagkaiba nila kay Paloma?" ayaw pa rin niyang magpaawat.

"Enough!" hindi ko na natagalan ang sagutan nilang dalawa at ako na mismo ang sumuway. Pumagitan na ako dahil mamaya ay iiyak na naman si Mama.

Gabi-gabi ay halos ganoon ang nangyayari. Si Papa na hindi matanggap ang larangang gusto ko, si Mama na kumakampi sa akin at ako na kailangang pumagitan sa dalawang magulang na nagtatalo.

Pero nagbago ang lahat nang tumuntong na ako ng second year college. Naaksidente ang aking mga magulang isang gabi habang bumabiyahe at tuluyan ng namaalam ang aking ina.

Iyon na ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Ang nag-iisang taong naniwala, sumuporta at nakakaintindi sa akin ay nawala pa. Sinisi ko ang sariling ama sa mga nangyari kaya mas lumalim pa ang galit ko para sa kanya.

Hindi ko kayang magpatawad lalo’t kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana nawala si Mama. Kung iba siguro ang nagmamaneho nong mga panahong iyon ay hindi sila maaaksidente.

Araw-araw akong umiiyak at umaasang sana ay nasa tabi ko pa ang aking ina. Hindi ko rin gustong makita ang sariling ama kahit pa makaharap man lang sa hapag-kainan dahil wala akong ibang naaalala kung hindi ang kasalanan niya at ang sakit na idinulot sa pagkawala ng pinakamahal kong mama.

Nagpasya akong bumili ng sariling condo unit gamit ang naiwang pera ni Mama.

"Paloma, you don't have to do this," sinubukan akong pigilan ni Papa.

"No, I have to do this, Pa. Masasaktan lang ako kung ikaw ang lagi kong makikita," pahayag ko sa masakit na katotohanan.

"Sige, papayagan kitang umalis pero iwanan mo na iyang pagmo-modeling," sa halip ay sagot niya sa akin. Napukaw na naman ang natutulog na galit sa aking dibdib.

"May lakas ka pa talaga ng loob na bigyan ako ng kondisyon? Kung hindi dahil sa'yo nandito pa sana si Mama! Kung hindi dahil sa'yo hindi siya mapapahamak! Sana ikaw na lang ang nawala, Pa! Sana ikaw na lang ang nam- " hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil tumama na ang sampal niya sa aking mukha.

Tumulo ang luha mula sa aking mata samantalang nanatiling nakatitig si Papa sa akin, hindi ito umimik saka umupo sa paanan ng kama.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin iyan, Paloma," nanghihinang saad niya.

Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. I hate him so much. Mas lalo lamang lumayo ang loob ko sa kanya.

"Do you think masaya ako sa nangyari? I have to endure everything, every single day. Akala mo ba madali ang buhay ko ngayon? Before I go to sleep I kept on blaming myself at paggising ko nandiyan pa rin ang pagsisisi. Kailangan kong harapin ang mga nang-uusig na tingin ng lahat. Everybody is treating me like I'm a murderer, including my own daughter." Parang tumagos sa aking pagkatao ang tinging ipinukol niya sa akin.

Itinukod niya ang siko sa kanyang tuhod at yumuko hanggang sa nabasa ng ilang patak ng luha ang suot na slacks pants.

"And maybe this is the right time that we have to part ways, Pa," lakas-loob na wika ko.

Hindi ito makatingin ng deritso sa akin at tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko.

"Dahil ang kasalanan mo ang lagi kong nakikita kapag kaharap ka at hindi na siguro magbabago 'yon. Hinding-hindi na rin ako babalik sa bahay na ito. Sana huwag mo na rin akong guluhin pa," huling sambit ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Simula sa araw na iyon ay kinalimutan ko’ng may tatay pa ako. Ginawa ko ang lahat para mabuhay na walang hinihingi mula sa kanya.

Malaki ang naitulong ng perang naiwan ni Mama. Dito ko kinuha ang pambayad ng tuition at nagpa-part time model na rin ako. Kaya bago pa man maka-graduate sa kolehiyo ay may pangalan na ako sa industriya.

Nang nakapagtapos na ay saka ako nag-focus sa pagmo-model at unti-unting tinupad ang pangarap namin ni Mama. May talent manager ng humahawak sa akin, malalaki at kilalang kompanya na rin ang kumukuha sa akin. Wala na siguro akong mahihiling pa, a luxurious, independent life.

Nagagawa ko na ang lahat ng gustong gawin, walang pumipigil at walang nagbabawal. Paminsan-minsan ay may naririnig pa rin akong balita tungkol sa kinamumuhiang ama pero nagsawalang-kibo na lamang ako. May kanya-kanya na kaming buhay at para sa akin ay hindi ko naman siya kailangan.

Minsan hinihiling ko na sana ay nandito pa rin si Mama at nang makita niya ang mga narating kong tagumpay. Dalawa sana kaming nagsasaya ngayon. Sabay sana naming napatunayan kay Papa na mali ang panghuhusga niya sa pagiging model ko. Malayo na ang narating ko, taliwas sa sinabi niya.

"I'm earning my own money now, Ma," mahinang bulong ko na parang nasa harapan ko lamang siya, "I'm living a perfect life," buong-pusong pagmamalaki ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Anamor Sumayang
ganda naman ng story...
2025-03-25 10:58:32
0
user avatar
Aliyah
may cont. pa po ba to??
2024-11-19 14:59:04
0
user avatar
Bing Rambon Ader
san po mababasa story ni giessell
2024-09-16 21:54:59
0
user avatar
Dah 🤍
wow! 5 stars agad agad heheh.. sa story nato super kilig at same time nkakatawa lalo na si Giezelle .. my God! nkakainlove.. Thanks Ms.A
2024-07-21 06:07:42
1
user avatar
Janelle Solana
..gaganda po ng mga stories niyo nabasa ko na lahat sana po meron ng ma upload na bagong story, and about dun sa story ni Gieselle san ba mabibili yung book?
2024-06-15 21:36:55
0
default avatar
violetaparedes39
I finished reading your three stories chained, clumsy and tamed please i want to read more of your novels plsss!
2024-04-29 09:00:04
1
user avatar
Lhang Jane6 xddc62a12345678903eee2wfphmbvw
ang ganda ng story.. nakakakilig... sana mahaba haba ang story nito....
2023-11-26 15:23:08
1
user avatar
Amira@ysabelle
ang Ganda ng story ...️...️...️
2023-07-18 16:47:51
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-16 06:08:28
1
user avatar
Suelle De Oleveira
Ganda rin nito, promise.
2021-11-09 21:38:30
1
user avatar
Anna Fe Bags III
may story po ba ni rafael
2021-09-26 10:04:52
1
user avatar
Lieta Canones
beautiful story
2021-09-20 11:16:36
2
user avatar
Lieta Canones
beautiful story
2021-09-20 11:13:34
1
user avatar
Sheenella Caro Daroy
pa update po ng story ni Giselle
2024-08-27 04:30:26
0
48 Chapters
PROLOGUE
PROLOGUEBATA pa lang ako ay wala na akong ibang ginusto kung hindi ang maging isang modelo. Simula elementary hanggang high school, lahat ng related sa pagmo-model ay aking sinalihan mula sa mga workshop hanggang sa mga trainings ay wala akong ng pinalampas.Marami ang nagsabi na tama lang ang larangang aking napili. Malaki ang chance na matupad ko ang pangarap na iyon.Ang iba naman ay pinapasali ako sa mga beauty pageants pero uunahin ko muna ang pagmo-model dahil iyon ang aking pinakamalaking pangarap.Walang problema kay mama dahil number one fan ko siya. Lagi niya akong sinusuportahan at kahit saang event ay nandoon siya para magpakita ng suporta.Kabaligtaran naman sa aking ama na laging sinasabi na wala akong mararating sa pagiging model."Paloma, just be an engineer like me. Or mag-architecture ka na lang para may katuwang ako sa mga negosyo natin." Laging ganoon ang aming usapan pero nauuwi lamang sa pagtatalo at samaan ng loob.
last updateLast Updated : 2021-09-05
Read more
KANABATA 1
CHAPTER 1 "GUYS, Acropolis daw tayo pagkatapos nito!" sigaw ni Che-che, ang baklang organizer sa katatapos lamang naming fashion show. Ang tinutukoy nito ay ang isang sikat na high end bar. Like the usual, isa na naman ako sa mga star of the night. Kaya hindi na halos magkasya ang mga bulaklak at regalo na nandito sa harap ng malaking salamin kung saan ako inaayusan. Ang iba ay galing sa mga madalas na guests sa ganitong klaseng event at marami rin ay mula sa mga hindi ko pa nakikilala. Nagtatanggal ako ng make-up at halos lahat sila ay nagkakagulo dahil didiretso pa sa bar kung saan isi-celebrate ang success namin sa gabing ito. "So are you coming with us? Please say yes," sabi sa akin ni Giesielle, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng manager at tulad ko ay madalas din siyang apple of the eye. "Hindi ba kayo napagod? Ang gusto ko lang ay mag-pajama tapos matulog ng sobrang
last updateLast Updated : 2021-09-05
Read more
KABANATA 2
CHAPTER 2PARANG nananaginip ako. May nararamdaman akong haplos at halik mula sa mukha pababa sa leeg. Mainit ang palad na humahawak sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Tila idinuduyan ang aking pakiramdam. Sana ay hindi pa ako magising dahil maganda ang panaginip kong ito. Unti-unti pa akong nahuhulog sa kawalan. Mas lumalalim pa ang aking mahimbing na tulog pati na rin ang mga halik na iginagawad sa akin. Hanggang sa ang lahat ay lumalabo at ipinaubaya ko na sa kasama ang mga mangyayari.Naalimpungatan ako nang magising. Sumakit ang aking ulo dala ng kalasingan kagabi. Pagod na pagod din ang aking katawan at hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung sino ang nagmaneho ng aking sasakyan. Siguro ay si Giesielle dahil siya lang naman ang masipag at nagtitiyagang ihatid ako pauwi kapag nakainom na. Siya rin siguro ang nagpalit ng suot ko. Dahan-dahan kung tiningnan ang katawan na natatabunan ng makapal na comforter dahil baka ang ginamit ko ng pajama ang ipinasuot
last updateLast Updated : 2021-09-05
Read more
KABANATA 3
CHAPTER 3NAGKULONG ako sa condo ng halos isang linggo. Parang ayaw kong tanggapin na nagawa akong lokohin ni Steve. Kahit na may kasalanan ako pero isang gabi lamang iyon at bunga ng kalasingan. Pero ang sa kanya ay talagang desisyon na niya. Pinili niya talagang lokohin ako.Nang malaman ni Gieselle ang nangyari ay nanggagalaiti rin ito sa galit. Gusto niyang sabunutan si Angel o ipatanggal ito kay Mother Chelsea para mawalan ng hanap-buhay pero mas pinili kong huwag na lang gawin iyon. Parang napaka childish naman kung ‘yon ang gagawin namin. Hindi rin naman maganda na ibababa ko ang sarili sa level niya. Kung gusto nilang magsama ni Steve ay hahayaan ko na lang sila. Labis lang talagang nainsulto ang aking pagkababae dahil sa ginawa ni Steve.Tunog ng aking cellphone ang pumutol sa aking pagmumuni-muni."Pam, magbihis ka," bungad kaagad ni Gieselle sa akin."Why? Saan tayo pupunta?" matamlay kong tanong. Lately ay nawawalan ako ng ganang
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
KABANATA 4
CHAPTER 4NAGISING ako dahil sa sama ng pakiramdam. Umiikot ang buong paligid pagdilat ng aking mata. Naglalaway ako na parang may masamang nakain kaya tumakbo na kaagad ako sa banyo.Sumakit ang aking sikmura dahil sa pagsusuka. Lahat yata ng kinain ko kahapon ay inilabas ko. Mukhang tama si Gieselle, naimpatso ako sa dami ng kinain.Naghilamos ako at tiningnan ang sariling mukha sa salamin. Ang laki-laki ng aking eyebags at namumutla pa.Sinuklay ko ang buhok at nag-isip kung ano ang pwedeng lutuin ngayong agahan. Dapat ay maging maingat na ako dahil baka maulit ang nangyari kanina.Nagtimpla ako ng kape pero nang inilapit ko na ito sa bibig para higupin ay bumaliktad ulit ang aking sikmura dahil sa amoy nito. Tumakbo na naman ako sa lababo at sumuka ng purong laway saka ibinuhos ang kape sa sink.Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong lagnat pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Naihilamos ko ang sariling palad dahil sa naisip. Pero
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
KABANATA 5
CHAPTER 5 HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle. 'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea. 'What? Why? Are you insane?' 'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko. 'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa ra
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
KABANATA 6
CHAPTER 6 MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay. Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
KABANATA 7
CHAPTER 7 SIMULA nang marinig ko ang balita mula kay Jela ay para na akong napapraning at kapag nasa labas ay balisa na ako sa aking paligid. "Eli, don't forget what I told you," paalala ko sa aking anak habang naghahanda ng kanyang baon. Si Jela ang maghahatid sa kanya ngayon sa school dahil marami pa akong kailangang tapusin sa shop. "Opo, Ma," simpleng sagot niya na may seryosong mukha at hindi na ako dapat magtaka kung kanino niya ito namana. Sa ilang beses na nakita ko ang kanyang ama ay hindi ko ito nakitang ngumiti. "Ano ang pinaka-importante roon?" tanong ko sa kanya para masiguradong natatandaan nga niya ang mga bilin ko. "Don't talk to strangers." "Very good. Kiss mo na si mama para hindi ka ma-late sa school," sabi ko bago siya hinatid sa labas kung saan naghihintay si Jela. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis ang traysikel na sinasakyan nilang dalawa. Papasok na sana ako nang mapansin ang nakaparadang itim na kotse, ilang metro lang mula sa bahay. Kahit tinte
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
Kabanata 8
CHAPTER 8 AKO ang kusang naghatid kay Eli ngayong umaga sa school. Hindi ako magiging kampanti kung hindi ko mismo makikita na nakaupo na siya sa loob ng classroom habang naghihintay na magsimula ang klase. Nilingon kami ng mga guro pagpasok ng eskwelahan. May pakiramdam akong kami ang pinag-uusapan dahil nang makita ako’y tumigil sila saglit at nagtagal ang tingin sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa classroom ng aking anak pero parang gusto kong tumakbo palayo nang makita kung sino ang lalaking kausap ng guro. Pipihit na sana ako patalikod pero huli na dahil nakita na ako ng guro ni Eli. "Good morning, Miss Paloma. Good morning, Elisha," masayang bati nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa babae. Lumingon din si Arken sa amin at mababakas ang saya nito nang dumapo ang paningin sa bata. "Good morning po, Teacher Mae. Good morning, Mr. Fernandez," bati sa kanila ng bata. Nilapitan siya ni Arken at umupo para magpantay ang kanilang mukha saka ibinuka ang kan
last updateLast Updated : 2021-09-23
Read more
KABANATA 9
CHAPTER 9UMAGA at kagigising pa lang ni Eli pero nagtatanong na ito tungkol kay Arken. Nasanay na ang bata sa kanyang presensiya at ito ang kinatatakutan ko, malapit na kaagad sila sa isa’t isa kahit bago pa lamang nagkakilala.Kahit lumilipad ang aking diwa ay sinubukan kong mag-focus sa pananahi. Iniisip ko kung paano sasabihin sa bata na si Arken ang ama nito, ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Hindi ako nag-aalala sa pagtanggap ni Eli sa kanyang ama dahil alam kong hindi mahirap iyon. Ang kinatatakutan ko’y kung ano ang magiging tingin sa akin ng sariling anak kung sakaling malaman niya ang totoo na dahil sa ginawa kung pagtakas kaya hindi niya nakilala at nakasama ang ama sa loob ng ilang taon.Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng bawat segundo, oras na pala ng pag-uwi ni Eli. Nagulat na lang ako nang pumasok sila sa shop kaya pasimple kong hinagod ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding. Masyado na akong nalulunod gawa ng  
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status