CHAPTER 5
HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle.
'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea.
'What? Why? Are you insane?'
'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko.
'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa rason ko.
'Siguro dati pero not now. He needs me, after all he's still my father,' sana ay maliwanag na sa kanya iyon.
Wala ng naging sagot si Gieselle sa aking huling mensahe at siguro’y nasabi na rin niya ang tungkol doon sa aming manager. Simula noon ay hindi na sila nangulit pa at malamang ay kumalat na sa buong agency na hindi na ako magtatrabaho roon. Sunod-sunod din siguro ang project ng kaibigan ko dahil hindi na niya ako ginulo sa mga nakalipas na araw. So what now? Magkukulong na lang ako rito sa unit hanggang sa manganak? Paano ang kalusugan naming dalawa ng baby ko? Kahit malaki ang naipon ko’y mauubos pa rin ito dahil sa mga gastusin. Hindi magtatagal ay dalawa na angbubuhayin ko. I have to do something before its too late.
Ilang araw ko itong pinag-isipan at ngayon ay nakikita ko na lang ang sarili sa harapan ng malaking gate ng dati naming bahay. Nanginginig ang aking kamay habang pinipindot ang door bell. Hindi nagtagal ay hinarap naman ako ng guard.
"Ano pong kailangan nila, ma'am?" magalang na tanong niya pero hindi pa rin binubuksan ang gate upang papasukin ako.
"Iyong amo mo nandiyan ba?"
"Nasa loob po, ma'am, pero naghahanda na siya para sa pagpasok sa trabaho."
Until now ay hands on pa rin talaga si Papa sa negosyo naming real estate. Kahit may edad na siya ay hindi pa rin ito nagriritero. Pwede namang iba na ang mamamahala ng negosyo niya pero ayaw niyang hindi namo-monitor ang galaw ng kanyang mga tauhan. Maya-maya’y may lumabas na babae mula sa front door at lumapit sa guard.
"Domeng, mag-almusal ka na muna-" At natigilan siya nang makita ako.
"Ma'am Paloma? Ikaw ba iyan? Naku, Domeng, bakit hindi mo pinapasok?!" sabi ni Inday, ang katulong namin at binuksan kaagad ang gate.
"Naku, ma'am, pasensiya na po wala na po kasi kayo rito nang dumating iyang si Domeng kaya hindi po kayo nakilala," paliwanag ni Inday habang sumabay sa akin papasok ng bahay.
"Ma'am, deritso na po tayo sa kusina para sa almusal pero wala po kasi iyong mga kinakain ninyong mga salad at cereals. Hindi po kasi namin alam na darating kayo ngayon," sabi niya nang nasa sala na kami.
Medyo natigilan ako dahil nandoon pa rin ang mga pictures namin ni Mommy, kaming buong pamilya at mga solo pictures ko. Pagkatapos ay nagawi naman ang paningin ko sa book shelf at kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang mga issue ng magazine kung saan ako napi-feature at ang mga iniindorso ko.
"Walang pinapalagpas ang papa mo, ma'am, kaya lahat ng magazines, fashion shows at iba pang mga guestings ay pinapanood o 'di kaya’y pinupuntahan niya. Kaya kompleto siya ng edition ng mga magazine na iyan," masayang saad ni Inday.
It touches my heart. Akala ko’y kinalimutan na ako ni Papa tulad ng gusto ko, kagaya ng ginawa ko sa kanya pero hindi pala. Nandiyan lang siya na nakamasid sa akin sa mula malayo.
Tumuloy na kami sa kusina at natakam kaagad ako sa mga nakahain. Tuyo at sinangag, sawsawang suka na may kamatis at mga prutas kaya umupo na ako at nagsandok na ng pagkain.
"Ma'am? Kumakain na po kayo ng ganyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Inday.
Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi na makapagsalita dahil sa pagkaing nasa bibig.
"Inday, ‘yong breakfast-" hindi natuloy ang anumang sasabihin ni Papa dahil napako kaagad ang mata niya sa akin.
Kapapasok pa lamang niya sa kusina at nakabihis na papuntang opisina.
"Paki-serve ng aking kape, Inday. Dito na ako mag-aagahan," utos niya sa katulong at nagmamadali naman itong kinuha ang kape.
Walang akong imik habang umuupo siya sa aking harapan. Naghintay ako ng panunumbat mula sa kanya pero wala akong narinig.
"Just eat, Paloma. Pagkatapos nito’y saka na tayo mag-usap," sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.
Hindi ako mapalagay habang hinihintay siya rito sa veranda. Tinawagan pa niya ang kanyang sekretarya na mahuhuli siya ngayon ng dating sa opisina. Hindi nagtagal ay may tumikhim sa aking likuran at alam kong siya ang dumating. Nilingon ko siya at nakita ang malungkot niyang mata habang nakatunghay sa akin.
Wala na akong maraming sinabi at kahit walang isang salita ang lumabas sa aming mga bibig ay alam kong tulad ko, ay na-miss din niya ako, kaya sinugod ko na siya ng yakap at doon umiyak sa kanyang balikat. Para akong isang bata na nagsumbong at hinayaan niya lang ako.
"Anong problema, Paloma?"malumanay niyang tanong habang hinahawi ang aking mahabang buhok na tumabing at dumikit sa mukha dahil sa pag-iyak.
" Papa, I'm sorry," walang pagdadalawang-isip kong sambit kasabay ng paghagulgol.
"Tahan na," inaalo niya ako mula sa pag-iyak habang hinahaplos ang aking likod.
"I'm sorry dahil binigo ko po kayo. I'm sorry kasi hindi ako nakinig sa’yo. I'm sorry kasi mas pinili ko ang aking gusto and now I failed you," saad ko sa pagitan ng mga hikbi.
"Paloma, its all in the past. Ang importante ay nandito ka at umuwi sa akin."
"Papa, I got pregnant at hindi ko alam kung sino ang ama. Nalasing ako and I woke up in a strange place. I'm sorry, Papa, dahil ipinahiya ko kayo, binigo ko kayong dalawa ni Mama." Mas tumindi pa ang aking pag-iyak habang inaamin ang pagkakamali.
"Paloma, don't ever think na binigo mo kami. After all a single mistake cannot define a persons lifetime personality. I am proud of you dahil kinaya mong umakyat sa tuktok na walang anumang tulong mula sa aking impluwensiya. You are on top because your talented and because you deserved it."
"Papa, buntis po ako at walang maiturong ama. Kapag nalaman ng lahat, hindi lang ako kung hindi ikaw rin ay mapapahiya."
"Huwag mo na lang isipin iyon. Ang importante ay umuwi ka rito. Paloma, we are always dreaming this, kami ng Mama mo, na balang araw ay makakakita kami ng apo mula sa sa'yo. We always wanted to have a grandchild at hindi mahalaga kung sino ang ama ng bata, ang mahalaga ay nandito ka at ang magiging apo ko." At niyakap na niya ako pabalik.
Ang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay tinanggap pa rin ako ni Papa. Swerte pa rin ako at ang aking anak dahil tinanggap niya kami.
"Papa, may problema pa po ako kasi hindi ako nag-renew ng contract at natatakot akong ibigay sa kanila ang aking rason. Alam ko pong kapag nalaman ng mga kasamahan ko ang nangyari ay mas lalo lang nila akong pag-uusapan, maging ng iba pang mga tao. Hindi ko alam kung paano ko ito malulusutan. Ayaw kong pagkaguluhan kami, lalo na ang anak ko. Gusto kong maging pribado ang lahat." Sa wakas ay may napagsabihan na rin ako sa aking mga iniisip nitong mga nakaraang araw.
Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin. Hinayaan niya akong magsabi tungkol sa mga gumugulo sa akin.
"Kung kagaya ng mundo ko ang kamumulatan ng aking anak ay mas lalong mahirap kung wala akong maipakikilalang ama niya. Gusto kong maging pribado ang lahat mula sa pagbubuntis hanggang sa lumaki siya. Ayokong lumaki siya sa kahihiyan gawa ng aking katangahan,"naiiyak kong wika.
"Paloma, biktima ka rin ng sitwasyon. Kahit may kasalanan ka, still walang mangyayari kung magsisisihan pa tayo. Gusto mong magtago sa publiko para maprotektahan ang apo ko? Tutulungan kita, anything for you, my dear princess," sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.
Nakahinga ako ng maluwang. Tila nakahanap ako ng nag-iisang kakampi mula sa milyon-milyong kaaway.
"Thank you, Papa," sabi ko na may ngiti sa labi.
Nang mahimasmasan na kami pareho ay saka pa lang ako nagtanong.
"Papa, paano natin gagawin iyon? Na manganganak ako na hindi malalaman ng mga tao."
"I have an idea. You cannot go abroad dahil mahirap kung makita ka sa airport lalo na ngayon na hindi mo sinipot ang contract signing. Kailangan ay maging maingat tayo sa bawat galaw natin."
"Saan ako pwedeng pumunta, Pa? Iyong lugar na walang makakakilala sa akin. Kung saan pwede akong mamuhay ng malaya na walang iniisip na mga tao?" naguguluhan kong tanong.
"May lupa akong nabili sa isang maliit na isla. Kakaunti pa lamang ang mga tao roon at napag-iwanan ng kabihasnan. Malayo iyon mula rito at nakasisiguro tayong walang nakakakilala sa iyo roon. Dalawang beses ko pa lang napupuntahan ang isla, noong nagpagawa ako rest house at nang natapos na ito. Ayos lang ba kung doon ka muna titira? Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa publiko sa naging desisyon mo at bakit mas pinili mong iwanan ang career."
"Thank you so much, Papa." At niyakap ko siyang muli.
Ano na lang ang gagawin ko kung wala si papa? Saan ako tatakbo sa ganitong sitwasyon?
CHAPTER 6 MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay. Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa
CHAPTER 7 SIMULA nang marinig ko ang balita mula kay Jela ay para na akong napapraning at kapag nasa labas ay balisa na ako sa aking paligid. "Eli, don't forget what I told you," paalala ko sa aking anak habang naghahanda ng kanyang baon. Si Jela ang maghahatid sa kanya ngayon sa school dahil marami pa akong kailangang tapusin sa shop. "Opo, Ma," simpleng sagot niya na may seryosong mukha at hindi na ako dapat magtaka kung kanino niya ito namana. Sa ilang beses na nakita ko ang kanyang ama ay hindi ko ito nakitang ngumiti. "Ano ang pinaka-importante roon?" tanong ko sa kanya para masiguradong natatandaan nga niya ang mga bilin ko. "Don't talk to strangers." "Very good. Kiss mo na si mama para hindi ka ma-late sa school," sabi ko bago siya hinatid sa labas kung saan naghihintay si Jela. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis ang traysikel na sinasakyan nilang dalawa. Papasok na sana ako nang mapansin ang nakaparadang itim na kotse, ilang metro lang mula sa bahay. Kahit tinte
CHAPTER 8 AKO ang kusang naghatid kay Eli ngayong umaga sa school. Hindi ako magiging kampanti kung hindi ko mismo makikita na nakaupo na siya sa loob ng classroom habang naghihintay na magsimula ang klase. Nilingon kami ng mga guro pagpasok ng eskwelahan. May pakiramdam akong kami ang pinag-uusapan dahil nang makita ako’y tumigil sila saglit at nagtagal ang tingin sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa classroom ng aking anak pero parang gusto kong tumakbo palayo nang makita kung sino ang lalaking kausap ng guro. Pipihit na sana ako patalikod pero huli na dahil nakita na ako ng guro ni Eli. "Good morning, Miss Paloma. Good morning, Elisha," masayang bati nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa babae. Lumingon din si Arken sa amin at mababakas ang saya nito nang dumapo ang paningin sa bata. "Good morning po, Teacher Mae. Good morning, Mr. Fernandez," bati sa kanila ng bata. Nilapitan siya ni Arken at umupo para magpantay ang kanilang mukha saka ibinuka ang kan
CHAPTER 9UMAGA at kagigising pa lang ni Eli pero nagtatanong na ito tungkol kay Arken. Nasanay na ang bata sa kanyang presensiya at ito ang kinatatakutan ko, malapit na kaagad sila sa isa’t isa kahit bago pa lamang nagkakilala.Kahit lumilipad ang aking diwa ay sinubukan kong mag-focus sa pananahi. Iniisip ko kung paano sasabihin sa bata na si Arken ang ama nito, ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Hindi ako nag-aalala sa pagtanggap ni Eli sa kanyang ama dahil alam kong hindi mahirap iyon. Ang kinatatakutan ko’y kung ano ang magiging tingin sa akin ng sariling anak kung sakaling malaman niya ang totoo na dahil sa ginawa kung pagtakas kaya hindi niya nakilala at nakasama ang ama sa loob ng ilang taon.Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng bawat segundo, oras na pala ng pag-uwi ni Eli. Nagulat na lang ako nang pumasok sila sa shop kaya pasimple kong hinagod ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding. Masyado na akong nalulunod gawa ng  
CHAPTER 10KUNOT-NOONG tinitigan ako ni Arken dahil sa naging reaksiyon sa alok niya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit kami titira sa iisang bahay kung hindi naman kami mag-asawa? Nandito siya sa buhay ko dahil kay Eli at nakapasok ako sa kanyang buhay dahil nanay ako ng anak niya. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit pa roon."Arken, hindi ganoon kadali ‘yon," pilit kong pinapaintindi kung ano ang nasa isip ko."Bakit? May anak naman tayo. May karapatan tayong magsama dahil nandiyan si Eli. He needs a family, a normal one," suhestiyon niya."Pero hindi tayo mag-asawa na kailangang magsama sa iisang bobong," sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking punto."Then let's get married," simpleng sagot niya."What? Hindi pwedeng basta na lang tayong magpakasal at magsama. Of course magtataka sila. Worst ang sariling pamilya pa natin ang hindi papayag. We barely know each other. Ngayon lang tayo nagkaharap kung kailan malaki na an
CHAPTER 11MABILIS dumaan ang mga araw at family day na nina Eli. Naiilang ako dahil nasa amin ang atensiyon ng lahat. Ngayon lang nila nakitang may iba kaming kasama at lalaki pa, hindi lang basta kung sinong lalaki kung hindi AY si Arken Fernandez. Hitsura pa lang niya’y nakakaagaw na ng atensiyon lalo pa ngayon na nasa bisig niya si Eli."Pwede mo naman siyang ibaba," mahinang bulong ko."No need. Mas gusto kong kinakarga siya." May ngiti sa kanyang labi."Asawa mo pala si Mr. Fernandez?" bulong ng aking katabi, nanay ng kaklase ni Eli.“Hi-hindi," nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang set up namin."Madalas ko siyang makita na pumupunta sa inyo. So totoo ngang siya ang tatay ni Eli? Gaya nang usap-usapan ng mga guro dito sa school? Kalat ang balitang ang swerte raw ang eskwelahan natin dahil dito nag-aaral ang anak ni Mr. Fernandez,” sabat ng isa pang nanay."Ano bang nangyari sa inyo? Bakit
CHAPTER 12INABANGAN ko ang pag-uwi ni Arken dahil marami akong itatanong sa kanya. Ano ang kanyang motibo at bakit kailangang maging bahagi siya ng aming kompanya?Naghahanda na kami nang hapunan nang dumating siya. Dumeritso siya sa kwarto ni Eli at inilagay ang kanyang mga gamit doon. At home na at home kaya hinayaan ko na lang. Kailangan ko ring itanim sa isip kung bakit siya nandito at iyon ay dahil sa anak namin."Papa, I got a perfect score po sa Math kanina," buong pagmamalaking saad ni Eli. Sabay silang bumaba mula sa kwarto at narinig ko ang kanilang usapan nang pababa na ang mga ito. Naka-long sleeves pa rin si Arken at hindi na nag-abalang magbihis."Talaga? Very good. Kanino ka nagmana?" biro niya sa bata habang ginugulo ang buhok nito."Siyempre, sa inyong dalawa ni Mama," proud namang sagot ng bata. “At sabi pa po ng mga teachers sa school, magkamukha rin daw po tayong dalawa dahil pareho po tayong pogi," taas-noong dugtong nit
CHAPTER 13"AGAD-AGAD?" tanong ko nang makabawi mula sa pagkatula.“Bakit? May problema ba kung ganoon ang gawin natin?"Tumayo ako at tinalikuran siya. Malalim ang hugot ko ng hininga. Parang baradong barado ang dibdib sa maaaring kahihinatnan nito."How about our family? Tanggap ba nila? Payag ba sila? Hindi ba sila magtataka?" sunod-sunod kong tanong."We're adults. Kung anuman ang desisyon natin ay kailangan nilang tanggapin. Wala naman sigurong masama sa gagawin natin. I think this is right. For Eli, for us, and for our family." Tumabi siya sa akin.Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinihit para humarap sa kanya. Nakikiusap ang pagod niyang mga mata. Parang sinasabi na huwag nang makipagtalo.Pareho lang din naman kaming nahihirapan, parehong kapakanan ni Eli ang iniisip. Walang problema sa side ko dahil tanggap siya ni Papa pero ako, tanggap kaya ako ng pamilya niya?"Kailan ang balak mong maidaos ang kas
"YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng
CHAPTER 46(ARKEN’S POV 2)Akala ko’y tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan."Arken, I want you back. I still love you and I hope na ganoon ka rin sa akin," harap-harapan niyang pag-amin."Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kanya ang reyalidad.Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit."I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa'yo," isa na naman sa mga banta niya."I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong magalit. Huwag mo ng ipi
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso
CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata
CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila
CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog