Share

KABANATA 12

Author: Blu Berry
last update Huling Na-update: 2021-10-09 21:29:57

CHAPTER 12

INABANGAN ko ang pag-uwi ni Arken dahil marami akong itatanong sa kanya. Ano ang kanyang motibo at bakit kailangang maging bahagi siya ng aming kompanya?

Naghahanda na kami nang hapunan nang dumating siya. Dumeritso siya sa kwarto ni Eli at inilagay ang kanyang mga gamit doon. At home na at home kaya hinayaan ko na lang. Kailangan ko ring itanim sa isip kung bakit siya nandito at iyon ay dahil sa anak namin.

"Papa, I got a perfect score po sa Math kanina," buong pagmamalaking saad ni Eli. Sabay silang bumaba mula sa kwarto at narinig ko ang kanilang usapan nang pababa na ang mga ito. Naka-long sleeves pa rin si Arken at hindi na nag-abalang magbihis.

"Talaga? Very good. Kanino ka nagmana?" biro niya sa bata habang ginugulo ang buhok nito.

"Siyempre, sa inyong dalawa ni Mama," proud namang sagot ng bata. “At sabi pa po ng mga teachers sa school, magkamukha rin daw po tayong dalawa dahil pareho po tayong pogi," taas-noong dugtong nit

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 13

    CHAPTER 13"AGAD-AGAD?" tanong ko nang makabawi mula sa pagkatula.“Bakit? May problema ba kung ganoon ang gawin natin?"Tumayo ako at tinalikuran siya. Malalim ang hugot ko ng hininga. Parang baradong barado ang dibdib sa maaaring kahihinatnan nito."How about our family? Tanggap ba nila? Payag ba sila? Hindi ba sila magtataka?" sunod-sunod kong tanong."We're adults. Kung anuman ang desisyon natin ay kailangan nilang tanggapin. Wala naman sigurong masama sa gagawin natin. I think this is right. For Eli, for us, and for our family." Tumabi siya sa akin.Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinihit para humarap sa kanya. Nakikiusap ang pagod niyang mga mata. Parang sinasabi na huwag nang makipagtalo.Pareho lang din naman kaming nahihirapan, parehong kapakanan ni Eli ang iniisip. Walang problema sa side ko dahil tanggap siya ni Papa pero ako, tanggap kaya ako ng pamilya niya?"Kailan ang balak mong maidaos ang kas

    Huling Na-update : 2021-10-20
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 14

    CHAPTER 14SUNOD-SUNOD na katok ang aking narinig at akala ko ay nananaginip lamang ako. Kinusot ko ang mata at inayos ang nagusot na buhok mula sa pagtulog. Humikab ako at inunat ang braso saka pinasadahan ng tingin ang alarm clock na nasa bedside table. Alas singko pa pala ng umaga at medyo kalat na ang liwanag sa labas"Pam?" boses ni Arken ang narinig ko mula sa kabilang panig ng nakasaradong pintuan."Sandali lang," sabi ko habang bumababa sa kama at hinahagilap ng isang paa ang tsenilas na pang-loob.Nagulat ako dahil pumasok kaagad siya sa aking kwarto nang pagbuksan ko at hawak nito ang cellphone."Pam, last time na pumunta tayo sa opisina ko, anong ginawa niyo roon? Nakipagkwentuhan ka ba kay Noreen?""Oo, pero saglit lang iyon." Pilit inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo."Kinuhanan niya kayo ng mga larawan?" Matapang na ang kanyang mukha.Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero naisip ko kaagad kung saan n

    Huling Na-update : 2021-10-21
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 15

    CHAPTER 15KUMAIN kami sa labas kinagabihan at kasama namin si Eli. Ito ay simpleng pagdiriwang sa naganap na kasal namin kaninang umaga. Si Jela naman ay tumawag, susubukan daw niyang humabol dahil may tatapusin pa sa eskwelahan.Hindi ako mapakali habang hinihintay ang order dahil pakiramdam ko’y ang mata ng ibang taong ay tila sa amin nakatingin at nakabantay sa bawat galaw namin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may feeling na ganoon o pati si Arken ay nakahahalata rin. Hindi na siguro ako masasanay sa atensiyong ipinupukol nila sa amin."Is there something wrong?" maya-maya ay nagtanong na siya sa akin. Sumimsim muna siya ng wine at pinasadahan ng dila ang ibabang bahagi ng labi. Lahat yata ng mga kilos niya ay parang pinupukaw ang himaymay ng aking katawan."Wa-wala," nauutal kong sagot na may kasamang pag-iling."Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Parang alangan ka sa bawat galaw mo," puna niya sa ikinikilos ko.

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 16

    CHAPTER 16NAGISING ako dahil sa malakas na ingay ng cellphone. Tinakpan ko ang tainga at isinubsob pang lalo ang mukha sa unan. Inaantok pa ako at gusto pang matulog. Maaga pa at alam kong maging ang kasama namin sa bahay ay natutulog pa rin hanggang ngayon.Naupo ako sa kama dahil hindi ko na matagalan ang ingay. Nanggagaling ang tunog sa ibaba ng kama, saka ko pa lang naalala na nandito pala si Arken. Dahan-dahan ko siyang sinilip at nakitang nakadapa at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan habang kinakapa ng kanang kamay ang cellphone sa may di-kalayuan. Bumalik ako sa paghiga, natatakot na mahuli niyang binabantayan ang kanyang mga kilos."Hello?" sagot niya sa inaantok na boses.Mukhang importante ang tumatawag dahil biglang nagising angkanyang diwa."Good morning, Ate Leanne," bati niya sa seryosong boses. Bago ang pangalang iyon sa aking pandinig kaya lumingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata."Good morning

    Huling Na-update : 2021-10-30
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 17

    CHAPTER 17Dumaan ang ilang segundo at hindi pa rin ako nakababawi. Naputol lang ang aking malalim na iniisip nang may kumatok sa pintuan."Ma’am, handa na po ang lunch ninyo," magalang na saad ng katulong mula sa labas."Sige, salamat. Susunod na kami," sagot ko sa kanya."Let's go?" Sabay lahad ng kanyang kamay. Tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo.Halos maubos ko na ang mga damit sa closet sa kahahanap ng susuotin mamayang gabi para sa pagharap ng pamilya ni Arken."Kahit na anong damit na komportable ka ay puwede mong suotin," naalala ko ang sinabi niya kanina.Kung puwede lang sanang lumabas at bumili ng susuotin para hindi na ako mahirapan ay ginawa ko na. Ang ibang mga damit na naiwan ko rito ay masyadong revealing at hindi ko ‘yon puwedeng suotin. Pinili ko ang simpleng bestida, kulay puti na off shoulder at hanggang tuhod ang haba. Flat doll shoes ang aking ipinares para

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 18

    CHAPTER 18NANGINGINIG ang aking labi dahil sa kabang naramdaman. Iniwas ko ang mga mata at agad ding ibinalik sa kaharap. Uminom siya ng champagne mula sa basong hawak ngunit hindi ako nilulubayan ng kanyang mata. Bawat segundo ay mas lalong bumibigat ang aking paghinga."Bi-biglaan po talaga kaya pasensiya na kung hindi man lang kayo nasabihan," tanging nasambit ko sa pagitan ng nakabibinging kaba."So, why is that?" tanong niya ulit, walang planong palagpasin ang pagkakataong ma-interview ako."A-a-actually, nagpaplano pa po kami tungkol sa kasal pero lumabas po sa publiko ang mga larawan namin kaya naging madalian, ka-kasalanan ko po ang la-lahat," nauutal kong paliwanag. Sasabihin ko na lang ang totoo kung uungkatin pa talaga niya ang mga nagdaaang taon."You want to keep it private? Why?" simple lang ang tanong niya pati ang tono at paraan ng pagkakasabi pero sadyang nakatatakot lang talaga ang kanyang aura."Para na rin

    Huling Na-update : 2021-11-01
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 19

    CHAPTER 19"ANONG napag-usapan ninyo ni dad kanina?" tanong niya habang nagpupunas ng basang buhok. Katatapos pa lamang niyang maligo at pumunta kaagad dito sa kwarto ni Eli kung saan ko pinapatulog ang bata. Nilingon ko si Eli sa aking tabi dahil baka hindi pa mahimbing ang tulog nito at marinig kaming nag-uusap."Wala naman. May iilang tanong lang siya. Kung hindi ba ako nahihirapan, mga ganoong bagay." Nilagyan ko kaagad ng tuldok ang paksang binuksan niya."Matutulog ka na ba? Kaagad?" tanong na naman niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang umiinit ang ulo ko sa kanya."Oo," maikling sagot ko at ramdam kong ayaw ko siyang kausap ngayon."Pam? Are you okay? Bakit parang nag-iba ang mood mo pagkagaling natin sa bahay? Sigurado kang wala kayong masyadong napag-usapan ni Daddy?" pangungulit niya."Wala nga!" napalakas ang boses ko. Sabay kaming lumingon kay Eli pero hindi naman ito nagising. Huminga siya ng malalim bago tumango."S

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 20

    CHAPTER 20MAHIMBING pa ang tulog nilang dalawa ni Eli nang dahan-dahan akong bumangon. Pagkatapos ng nangyari kagabi’y wala akong mukhang maihaharap kay Arken. Hindi lang isang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kung hindi ay malalim at matagal. Wala kaming malinaw na relasyon kung ano kami sa labas ng pinermahang marriage contract. Ayokong sa akin din manggaling ang paksang iyon kung mapag-uusapan man. Kahit naibigay ko ang sarili sa kanya nang hindi sinasadya ay may delikadesa pa rin naman ako kaya hindi ko gustong ako ang gagawa ng paraan na mapalapit sa kanya.Umiinom ako ng kape nang may nag-door bell. Lumabas ang katulong mula sa kusina at nakita ako sa dining area."Ma'am, may tao po yata.""Pakitingnan kung sino iyon. Huwag mo lang papapasukin kung hindi mo kilala. Baka kasi isa na naman sa mga reporters 'yan."Hindi nagtagal ay pumasok ulit ang kasambahay."Ma'am, hindi po talaga nagpapigil, nagpumilit po talaga siyang pum

    Huling Na-update : 2021-11-03

Pinakabagong kabanata

  • CLUMSY (Tagalog)   EPILOGUE

    "YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 46

    CHAPTER 46 (ARKEN’S POV 2) Akala ko ay tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan. "Arken, I want you back. I still love you and I hope iyon din ang nararamdaman mo," harap-harapan niyang pag-amin. "Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang reyalidad. Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit. "I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa 'yo," isa na naman sa mga banta niya. "I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong maga

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 45

    CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 44

    CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 43

    CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 42

    CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 41

    CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 40

    CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 39

    CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status