CHAPTER 4
NAGISING ako dahil sa sama ng pakiramdam. Umiikot ang buong paligid pagdilat ng aking mata. Naglalaway ako na parang may masamang nakain kaya tumakbo na kaagad ako sa banyo.
Sumakit ang aking sikmura dahil sa pagsusuka. Lahat yata ng kinain ko kahapon ay inilabas ko. Mukhang tama si Gieselle, naimpatso ako sa dami ng kinain.
Naghilamos ako at tiningnan ang sariling mukha sa salamin. Ang laki-laki ng aking eyebags at namumutla pa.
Sinuklay ko ang buhok at nag-isip kung ano ang pwedeng lutuin ngayong agahan. Dapat ay maging maingat na ako dahil baka maulit ang nangyari kanina.
Nagtimpla ako ng kape pero nang inilapit ko na ito sa bibig para higupin ay bumaliktad ulit ang aking sikmura dahil sa amoy nito. Tumakbo na naman ako sa lababo at sumuka ng purong laway saka ibinuhos ang kape sa sink.
Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong lagnat pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Naihilamos ko ang sariling palad dahil sa naisip. Pero isang beses lang naman may nangyari sa amin.
‘No, no, no,no, big no! Hindi pwedeng maging ganoon,’ kumbinse ko sa sarili. Masisira ang pangalang pinaghirapan ko, ang career, mga sakripisyo at ang pangarap namin ni Mama at higit sa lahat ay tila pinatunayan ko lang na tama ang mga sinabi ni Papa. Mas lalong hindi ko matatanggap na ako ang lalabas na talunan. Pero hindi pa naman kumpirmado. Baka masama lang talaga ang pakiramdam ko dahil nasira ang tiyan sa mga nakain kahapon.
Nagsaliksik ako kung ano-ano ang mga signs at symptoms ng pagiging buntis. Morning sickness, pagkahilo, tinatamad, nanghihina, nagsusuka, mood swings at marami pang iba pero hindi ko na tinapos dahil halos lahat ng mga iyon ay nararamdaman ko maliban na lang sa mood swings.
Natutop ko ang noo habang pabalik-balik na naglakad sa sala. Kung sinuman ang makakita sa akin ay malamang iisiping nababaliw na ako.
Sino ang pwede kong tawagan? Hindi pwede si Gieselle dahil baka kung anong gawin niya. Baka may gawin siyang mas ikakalala ng aking problema. Pero hindi pa naman kumpirmado. Basi sa nabasa ko ay kailangang mag-pregnancy test muna para makasigurado.
Hindi ko lubos maisip ang sarili na bumili ng pregnancy test. Paano kung may makakakilala sa akin? Lilikha ng malaking iskandalo hindi lang sa aking pangalan pero pati na rin kay Mother Chelsea kung mabubunyag sa publiko na nabuntis ako. Ang tanong, sino ang ama? Hindi ko naman pwedeng ituro ang Arken Fernandez na iyon. Paano kung ayaw niyang aminin? Mas lalo lang akong mapapahiya at pati ang pangalan ni Papa ay kakaladkarin ko sa kahihiyan at iyon ang dapat kong iwasang mangyari.
Pagod akong umupo sa sofa. Wala akong back up plan sa ganito at walang extra ideas. Ang mas masaklap pa ay wala akong maihaharap na tatay ng magiging anak ko kung sakali mang totoo itong hinala ko na buntis ako.
Bago ako lumabas ng building ay sinuyod ko muna ng tingin ang buong paligid. Napapraning na nga siguro ako kung tutuusin.
"Ma'am? May hinahanap po kayo?" Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ng isa sa mga lady guards ng building.
"Ma-may bibilhin sana pero masama ang pakiramdam ko. Natatakot ako na baka mahilo kapag naglakad sa ilalim ng sikat ng araw." Pilit kong pinapakalma ang sarili at sana lang ay gumana ito.
"Ano po palang ipabibili niyo, ma’am?" nag-aalalang tanong ng babae.
"Diyan lang naman sa pinakamalapit na botika."
"May listahan po ba kayo ng gamot na ipabibili? Pwede naman pong ako na ang bibili para sa inyo at baka mapaano pa po kayo," magalang na sabi nito.
Nagpasalamat ako sa alok niya.
"Pakiabot na lang ng listahang ito sa pharmacist. Salamat, ate," sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis. Ngiti naman ang iginanti niya sa akin.
Hindi nagtagal ay bumalik na ang babae na may dalang supot.
Marami akong inilista roon, gamot sa allergy na madalas ay iniinom ko, mouthwash, bulak, cotton buds, betadine, vitamin C at kung ano-ano pa saka ko isiningit ang pregnancy test.
Binuksan ko kaagad ang supot at kinuha ang pregnancy test pagpasok ko sa unit. Kahit hindi ako naiihi ay pinilit ko ang sariling maihi para magamit na kaagad ang pregnancy test. Hindi na ako makapaghintay ng mamaya o bukas dahil gusto ko ng malaman kung totoo ba ang aking hinala.
Hindi ako mapalagay habang naghihintay ng ilang minuto bago makita ang resulta tulad ng nasa instructions. Hanggang sa lumitaw ang dalawang pulang linya. Parang huminto ang ikot ng mundo habang pinipilit kong i-proseso ang nangyayari.
Malalim na hininga ang pinakawalan ko at ang unti-unting pagbalong ng aking mga luha. Ang tanga-tanga ko. Wala akong ibang pwedeng sisihin sa nangyari kung hindi ang aking sarili lamang. Anong mukha ang ihaharap ko? How can I be so clumsy?
Napahagulgol na lang ako ng iyak habang unti-unting dumausdos pababa sa sahig ng banyo. Hinawakan ko ang flat ko pang tiyan. Kakayanin ko bang maging kriminal sa sarili kong anak?
Lumabas ako ng banyo at dideritso na sana sa kusina para uminom ng tubig pero tumunog ang aking cellphone na nasa sala kaya kinuha ko na muna ito.
Pangalan ni Mother Chelsea ang nakarehistro sa screen at hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.
Natapos ang kanyang tawag na nakatitig lamang ako sa hawak na cellphone. Naka-recieve naman ako kaagad ng text mula sa kanya.
'Remind lang kita, anak, this coming Monday na ang contract renewal mo, report ka sa office eight a.m sharp,' ang laman ng kanyang text.
Sa susunod na linggo na pala iyon. Paano na ito? Hindi ako pwedeng pumirma ng panibagong kontrata kung ilang buwan na lang ay lolobo na ang aking tiyan at wala akong maiharap na asawa o tatay ng anak ko.
Paano na ang binuo kong good image? Nanghihinang umupo ako sa sofa. I have nowhere to go. Hindi pwede kay Gieselle at mas lalong hindi pwede sa tatay ng anak ko. Kung alam ko lang na magkakaganito sana pala ay ginising ko na lang ang lalaking iyon nang umagang ‘yon. Kung ipapalaglag ko na lang kaya ito, makakaya ko ba?
Nanood ako ng mga videos kung ano ba ang hitsura ng fetus habang lumalaki. Nakita ko na kahit ilang araw pa lang ito sa tiyan ng babae ay may heart beat na siya, may buhay na. Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan dahil sa video na nakita. Nakonsensiya ako sa naisip na ipalaglag ang bata. Hindi naman niya kasalanan kung bakit nagkaproblema ako ngayon. Lalong hindi niya kasalanan kung bakit nagkaroon siya ng buhay.
Muli kong hinpalos ang aking tiyan, 'sorry, baby,kung nag-isip ako ng masama sa'yo,' hingi ko ng tawad sa kanya.
Ilang araw akong hindi lumabas dahil natatakot ako na may makakita sa akin. Pati mga tawag ni Mother ay hindi ko sinagot, maging kay Gieselle. Kung ano-ano na lang ang iniimbento kung dahilan, isa na roon ang pagiging busy.
'Pam, nasa Acropolis kami ngayon. Pumunta ka rito, ASAP,' text sa akin ni Geiselle. Mag-a-alas nuwebe pa lang ng gabi at nasa bar na sila.
'I can't. I’m sorry, Gie,' reply ko. Sa kalagayan ko ngayon ay mas lalong hindi pwedeng pumunta sa ganoong klaseng lugar. Ako lang din ang mahihirapan at madadamay pa ang anak ko.
'Nandito si Arken, with a girl,’ sumbong niya.
'I don't care, Gie,' reply ko pero nakaramdam ako ng inis.
Kung nagkaharap kami nang sumunod na umaga kung kailan may nangyari sa amin ay malaya ko sana siyang maituturo na siya ang nakabuntis sa akin.
Kung ang ama ng anak ko ay iresponsable, babaero at walang plano sa buhay, hindi bale na lang. Lulunukin ko na lang ang masamang tingin nila sa akin pero ang hayaang mabuhay at lumaki ang aking anak na masisilayan ang ganoong klaseng ama araw-araw ay huwag na lang.
Bumangon ako ulit dahil ang dami-daming pumapasok sa aking isip at hindi na rin sumagot pa si Gieselle. Ano na kayang ginagawa nilang dalawa ng babaeng kasama nito? Mabuti pa siya at may panahong sumaya na hindi man lang tinamaan ng kaunting konsensiya. Kungsabagay, ano nga ba ang maaasahan sa isang kagaya niya? Normal na lang siguro para sa kanya ang magising bawat umaga na iba-iba ang katabing babae. Paano siya ririspetohin ng anak namin kung ganoon ang kanyang imahe?
Dumating na ang araw na kinatatakutan ko, ang araw kung kailan ako pipirma ng bagong kontrata. Sumapit na ang alas diyes ng umaga at nandito lang ako sa condo at nagkukulong.
Hindi ako pwedeng pumirma na panibagong kontrata at mas lalong hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan. Hindi nila ako titigilan hangga't walang naririnig mula sa akin. Maraming pangalan ang masisira kapag malalaman ng publiko ang aking kalagayan.
Inulan na ako ng sangdamakmak na tawag at text mula kay Gieselle pagsapit ng alas dose. Tinatanong kung nasaan na ako at bakit hindi ako sumipot sa contract renewal kanina.
Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako magri-reply at wala akong planong sagutin ang mga tawag niya dahil mas mahihirapan lang akong magsinungaling.
'Pupuntahan na kita riyan sa condo mo, Paloma,' text niya na nagpa-alarma sa akin.
'Wala ako sa condo,' palusot ko kaagad.
'Pupuntahan kita kung nasaan ka man ngayon. Kailangan ka rito dahil pipirma ka ng panibagong kontrata. Nandito ang mga malalaking kompanya kung saan may project tayo this year and they want to meet you kaya pumunta ka na rito, ASAP.'
Mas lalong hindi ako dapat magpakita roon. Anong mangyayari kung pipirma ako pero hindi ko naman tatapusin ang nasa kontrata dahil lalaki na ang tiyan at manganganak na ako? Anong mangyayari sa agency ni Mother Chelsea? Wawasakin ko silang lahat kapag magpapakita ako roon.
'Hindi ka pwedeng pumunta rito,' reply ko kaagad.
'Why? Nasaan ka ba?'
Nag-isip ako ng lugar kung saan mahihirapan si Gesielle na puntahan.
'Umuwi ako sa amin. Nandito ako sa bahay ni Papa at kaharap ko siya ngayon.'
Pumikit ako ng mariin nang maipadala na sa kaibigan ang mensahe. Nanginginig ang aking kamay dahil sa halo-halong nararamdaman.
Kagaya ng inaasahan ay hindi na nangulit pa si Gieselle maging si Mother Chelsea nang marinig ang aking rason sa hindi pagsipot sa meeting na iyon. Sunod-sunod na tunog ng door bell ang narinig ko kinagabihan pero hindi ako nag-abalang buksan iyon.
'Are you home?' text ni Gieselle at malamang siya ang nasa labas. Siguro ay gusto niya talagang siguraduhin kung nasa bahay ako ni Papa.
'No, I'm not.'
'Kailan ka babalik dito?' tanong niya ulit.
'Hindi ko pa alam, Gie.'
'About the contract signing kanina, ‘yong brand ng damit na ini-endorse mo kumuha ng ibang model. Napaka-unprofessional mo raw reklamo ng manager nila.'
Hindi ako nakasagot sa balita niya.
'Guess who sino ang kinuha nila?' text na naman niya.
'I don't have any idea,' sagot ko habang may kaba sa dibdib.
'Si Angel. At alam mo kung sino ang nag-recommend sa malanding iyon? Your ex boyfriend na si Steve. At dahil sa ginawa ng walang-hiyang Steve na iyon lumabas ang mga haka-haka na iniwan ka na niya at si Angel na ang current girlfriend niya. Ang masaklap, pinatutuhanan talaga nila sa harap naming lahat.’
Nailapag ko and cellphone sa mesa. Hindi ako makahuma dahil sa inis, panghihinayang, galit at sakit. Nandito ako, nakikipaglaban sa buhay habang unti-unting gumuguho ang lahat-lahat sa akin.
CHAPTER 5 HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle. 'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea. 'What? Why? Are you insane?' 'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko. 'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa ra
CHAPTER 6 MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay. Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa
CHAPTER 7 SIMULA nang marinig ko ang balita mula kay Jela ay para na akong napapraning at kapag nasa labas ay balisa na ako sa aking paligid. "Eli, don't forget what I told you," paalala ko sa aking anak habang naghahanda ng kanyang baon. Si Jela ang maghahatid sa kanya ngayon sa school dahil marami pa akong kailangang tapusin sa shop. "Opo, Ma," simpleng sagot niya na may seryosong mukha at hindi na ako dapat magtaka kung kanino niya ito namana. Sa ilang beses na nakita ko ang kanyang ama ay hindi ko ito nakitang ngumiti. "Ano ang pinaka-importante roon?" tanong ko sa kanya para masiguradong natatandaan nga niya ang mga bilin ko. "Don't talk to strangers." "Very good. Kiss mo na si mama para hindi ka ma-late sa school," sabi ko bago siya hinatid sa labas kung saan naghihintay si Jela. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis ang traysikel na sinasakyan nilang dalawa. Papasok na sana ako nang mapansin ang nakaparadang itim na kotse, ilang metro lang mula sa bahay. Kahit tinte
CHAPTER 8 AKO ang kusang naghatid kay Eli ngayong umaga sa school. Hindi ako magiging kampanti kung hindi ko mismo makikita na nakaupo na siya sa loob ng classroom habang naghihintay na magsimula ang klase. Nilingon kami ng mga guro pagpasok ng eskwelahan. May pakiramdam akong kami ang pinag-uusapan dahil nang makita ako’y tumigil sila saglit at nagtagal ang tingin sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa classroom ng aking anak pero parang gusto kong tumakbo palayo nang makita kung sino ang lalaking kausap ng guro. Pipihit na sana ako patalikod pero huli na dahil nakita na ako ng guro ni Eli. "Good morning, Miss Paloma. Good morning, Elisha," masayang bati nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa babae. Lumingon din si Arken sa amin at mababakas ang saya nito nang dumapo ang paningin sa bata. "Good morning po, Teacher Mae. Good morning, Mr. Fernandez," bati sa kanila ng bata. Nilapitan siya ni Arken at umupo para magpantay ang kanilang mukha saka ibinuka ang kan
CHAPTER 9UMAGA at kagigising pa lang ni Eli pero nagtatanong na ito tungkol kay Arken. Nasanay na ang bata sa kanyang presensiya at ito ang kinatatakutan ko, malapit na kaagad sila sa isa’t isa kahit bago pa lamang nagkakilala.Kahit lumilipad ang aking diwa ay sinubukan kong mag-focus sa pananahi. Iniisip ko kung paano sasabihin sa bata na si Arken ang ama nito, ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Hindi ako nag-aalala sa pagtanggap ni Eli sa kanyang ama dahil alam kong hindi mahirap iyon. Ang kinatatakutan ko’y kung ano ang magiging tingin sa akin ng sariling anak kung sakaling malaman niya ang totoo na dahil sa ginawa kung pagtakas kaya hindi niya nakilala at nakasama ang ama sa loob ng ilang taon.Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng bawat segundo, oras na pala ng pag-uwi ni Eli. Nagulat na lang ako nang pumasok sila sa shop kaya pasimple kong hinagod ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding. Masyado na akong nalulunod gawa ng  
CHAPTER 10KUNOT-NOONG tinitigan ako ni Arken dahil sa naging reaksiyon sa alok niya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit kami titira sa iisang bahay kung hindi naman kami mag-asawa? Nandito siya sa buhay ko dahil kay Eli at nakapasok ako sa kanyang buhay dahil nanay ako ng anak niya. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit pa roon."Arken, hindi ganoon kadali ‘yon," pilit kong pinapaintindi kung ano ang nasa isip ko."Bakit? May anak naman tayo. May karapatan tayong magsama dahil nandiyan si Eli. He needs a family, a normal one," suhestiyon niya."Pero hindi tayo mag-asawa na kailangang magsama sa iisang bobong," sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking punto."Then let's get married," simpleng sagot niya."What? Hindi pwedeng basta na lang tayong magpakasal at magsama. Of course magtataka sila. Worst ang sariling pamilya pa natin ang hindi papayag. We barely know each other. Ngayon lang tayo nagkaharap kung kailan malaki na an
CHAPTER 11MABILIS dumaan ang mga araw at family day na nina Eli. Naiilang ako dahil nasa amin ang atensiyon ng lahat. Ngayon lang nila nakitang may iba kaming kasama at lalaki pa, hindi lang basta kung sinong lalaki kung hindi AY si Arken Fernandez. Hitsura pa lang niya’y nakakaagaw na ng atensiyon lalo pa ngayon na nasa bisig niya si Eli."Pwede mo naman siyang ibaba," mahinang bulong ko."No need. Mas gusto kong kinakarga siya." May ngiti sa kanyang labi."Asawa mo pala si Mr. Fernandez?" bulong ng aking katabi, nanay ng kaklase ni Eli.“Hi-hindi," nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang set up namin."Madalas ko siyang makita na pumupunta sa inyo. So totoo ngang siya ang tatay ni Eli? Gaya nang usap-usapan ng mga guro dito sa school? Kalat ang balitang ang swerte raw ang eskwelahan natin dahil dito nag-aaral ang anak ni Mr. Fernandez,” sabat ng isa pang nanay."Ano bang nangyari sa inyo? Bakit
CHAPTER 12INABANGAN ko ang pag-uwi ni Arken dahil marami akong itatanong sa kanya. Ano ang kanyang motibo at bakit kailangang maging bahagi siya ng aming kompanya?Naghahanda na kami nang hapunan nang dumating siya. Dumeritso siya sa kwarto ni Eli at inilagay ang kanyang mga gamit doon. At home na at home kaya hinayaan ko na lang. Kailangan ko ring itanim sa isip kung bakit siya nandito at iyon ay dahil sa anak namin."Papa, I got a perfect score po sa Math kanina," buong pagmamalaking saad ni Eli. Sabay silang bumaba mula sa kwarto at narinig ko ang kanilang usapan nang pababa na ang mga ito. Naka-long sleeves pa rin si Arken at hindi na nag-abalang magbihis."Talaga? Very good. Kanino ka nagmana?" biro niya sa bata habang ginugulo ang buhok nito."Siyempre, sa inyong dalawa ni Mama," proud namang sagot ng bata. “At sabi pa po ng mga teachers sa school, magkamukha rin daw po tayong dalawa dahil pareho po tayong pogi," taas-noong dugtong nit
"YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng
CHAPTER 46 (ARKEN’S POV 2) Akala ko ay tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan. "Arken, I want you back. I still love you and I hope iyon din ang nararamdaman mo," harap-harapan niyang pag-amin. "Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang reyalidad. Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit. "I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa 'yo," isa na naman sa mga banta niya. "I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong maga
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso
CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata
CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila
CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog