Sa edad na dalawampu, napilitang magpakasal si Lalaine sa kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola na malapit nang pumanaw. Hindi niya kilala ang napangasawa dahil inalok lang siya ni Lola Mathilde na pakasalan ang apo nito. Hanggang sa nakuha ni Lalaine ang marriage certificate tatlong buwan pagkatapos niyang ikasal, nalaman niyang ang lalaking pinakasalan niya ay walang iba kundi si Knives Dawson—ang may-ari ng Dawson's Group of Companies at ang pinakamayamang negosyante sa Luzon. Nalaman din niyang kinasusuklaman siya ni Knives at napilitan lang itong pakasalan siya dahil kay Lola Mathilde, kaya matapos nilang maikasal ay lumipad na ito patungong California at hindi na sila muling nagkita pa—sa madaling salita, kasal lang sila sa papel. Makalipas ang isang taon ay napag-alaman ni Lalaine na nagbalik na si Knives Dawson mula California, kaya naman nagpasya siyang mag-file ng annulment dahil payapa na kanyang lola at wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang kasal. Subalit isang pangyayari ang naglagay kay Lalaine sa alanganin—kailangan niya ng isang milyong piso para sa kanyang kapatid na nasa nursing home at kasalukuyang nasa comatose state. Dahil desperada na, lakas-loob na humingi ng tulong si Lalaine kay Knives Dawson. Pumayag naman si Knives subalit kapalit ng isang milyong piso ay pipirma si Lalaine sa agreement, kung saan nakapaloob doon na magiging babae siya ni Knives at partner sa kama— na magtatapos lang sa oras na makahanap na siya ng ibang babae. May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang tao na magkaiba ang paniniwala at antas sa buhay? At ngayong nagising na ang first love ni Knives na si Gwyneth mula sa pagka-coma dulot ng isang aksidente, tuluyan na kayang matatapos ang kanilang agreement? Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan lalo pa't natuklasan niyang nagdadalang-tao siya? O magpaparaya dahil nakatakda ng magpakasal ang dalawa?
View MoreIKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya
LIHIM na napangiti si Kenji nang makita sa entrance ng restaurant si Lalaine Aragon. Matapos niyang pa-imbestigahan kay Detective Cruz ay tungkol sa whereabouts ng babae, nalaman niya ang mga impormasyon tungkol sa babae. Mula sa kung saan ito nakatira, family background, at kasalukuyang trabaho. According to Detective Cruz, the girl was registered by her father, Levi Aragon, with the National Statistics Office when she was five years old, the same age as his daughter Keiko when she was kidnapped. According to all hospital records, Lalaine Aragon has no birth record. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi nito tunay na magulang ang mga kinalakhan nito. Dahil doon, lalong lumakas ang kutob n'ya na ito na nga nawawala n'yang anak. Ang tanging kulang na lang n'ya para mapatunayan ang haka-haka ay magsagawa ng paternity test. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang sa restaurant makipagkita sa dalaga. Nang sa gayon ay makakuha siya ng kahit sample ng laway nito sa basong ginamit
°°°°°°“TELL ME. How did you get pregnant if I don't have the ability to give you a child?”Natigagal si Lalaine nang marinig iyon. Paano nangyari? Buntis siya at ito ang ama, pero papaanong wala itong kakayahang makabuntis? Nanlamig ang buong katawan ni Lalaine hindi dahil sa nalaman, kundi dahil sa pag-aalala kung papaano n'ya mapapaniwala ang lalaki na ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis gayong sinasabi nitong infertile ito.At saka bakit kailangan nitong gumamit ng proteksyon sa t'wing nagtatalík sila kung wala naman itong kakayahang makabuntis? Isa itong malaking biro. Tama. Malamang ay binibiro lang siya ni Knives.Pilit tumawa si Lalaine kahit bakas sa mukha niya ang matinding tensyon. “'W-Wag mo naman akong biruin, Knives... Paano ako mabubuntis kung wala kang kakayahan? H-Hindi magandang biro yan..”Subalit mas lalong madilim ang anyo ni Knives habang malalim ang pagkakatitig sa kan'ya. “That's exactly what I wanted to ask you,” ani Knives saka tumawa ng bahaw. How did yo
Earlier...NANG magmulat ng mga mata si Kennedy at makita ang ginagawa ng anak kay Gwyneth ay nakaramdam siya ng galit, dahilan para mapaubo-ubo siya. Mabilis naman dumating ang mga doktor at matapos suriin ay doon lang tuluyang kumalma si Kennedy."How are you feeling, dad?" tanong ni Knives sa ama. Pero sa halip na sagutin ito ni Kennedy ay galing niyang hinarap ang anak. "Knives! You have no right to hurt Gwyneth like that!" sa halip ay sagot ni Kennedy sa anak.Napakunot-noo si Knives at saka sandaling natigilan. Nang makahuma ay ngumisi siya at sinabing, "Do you know what she did to you?"But Kennedy wasn't even bothered. Instead, he still angrily turned to his son and said with disgust, "No matter what Gwyneth did, you shouldn't have hurt her!"Lihim na napangisi si Gwyneth dahil nakakita siya ng kakampi, kaya naman minaniobra niya ang kanyang wheelchair patungo sa tabi ng kama kung saan nakahiga ang matanda."Uncle, I really didn't know anything, but Knives keeps forcing me to
“AKO po si Lalaine Aragon...”Napatango-tango si Kenji nang marinig ang pangalan ng dalaga. Bakit hindi n'ya naisip na maaaring pinalitan ng mga taong dumukot sa kanyang anak ang pangalan nito?Lalaine Aragon bears a striking resemblance to his wife, Amelia, especially her round, puffy eyes. But he knows he can't just trust his gut feeling. He needs proof that she could be his long-lost daughter, Keiko.“It's nice to meet you two,” nakangiting sagot ni Kenji sa dalawang dalaga. “By the way, if it's okay with you, can I treat you to lunch? As a token of my gratitude for saving me,” tanong pa niya.Nagkatinginan si Lalaine at Abby. Bagaman nararamdaman nilang mabait naman ang lalaking kaharap, alam nilang dalawa na hindi sila dapat basta-basta maniniwala sa taong kakikilala pa lang nila.“Sorry po, Sir Kenji. May part-time job pa kasi ako ngayong hapon kaya 'di ako p'wede,” ani Abby na nauna nang sumagot.Napatango-tango naman si Kenji. “I understand,” sagot niya sabay baling naman kay
“OKAY. I'll give you ten minutes...” ani Eros saka ihinatid sa Gwyneth pinto ng ward ni Uncle Kennedy.Bago tuluyang umalis ay nagbilin pang muli si Eros sa babae. “Gwen, you have to be out in ten minutes.” Tumango naman si Gwyneth bilang sagot.Nang tuluyang makaalis ang lalaki ay pinagmasdan ni Gwyneth ang namumutlang mukha ng matanda na nakaratay sa hospital bed. Nakaramdam siya ng panic ng mga sandaling iyon. She really didn't intend to harm the old man because it would ruin her plans. Who would have thought that old man would be this useless? Now, she has no choice but to destroy the evidence that would point to her as a suspect.Napangisi si Gwyneth nang makita ang thermos na pinaglagyan niya ng tsaa. Minaniobra niya ang wheelchair saka kinuha ang thermos. Balak niyang hugasan iyon at lagyan muli ng tubig nang sa gayon ay hindi maghihinala si Knives na doon n'ya inilagay ang lason. Pero laking gulat n'ya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sumulpot doon si Knives na mad
NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid. Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.S...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments