“IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.
Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya. "I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura. Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira ang kasunduang iyon dahil sa kanya, tiyak niyang ang kanyang daddy mismo ang papatay sa kanya. Not everyone gets the opportunity to belong to the clan that rules all over Luzon, so he has to do everything to not ruin it. Sinenyasan na ni Knives ang kanyang secretary na muling isara ang elevator dahil kanina pa siya late sa meeting, pero tumaas ang makakapal niyang kilay nang makitang naroon pa rin si Benjamin. "Do you have anything else to say?" nakaarko ang mga kilay na tanong ni Knives sa lalaki. Mabilis namang umiling si Benjamin, subalit sa isip niya lihim niyang minumura ang lalaking nasa harapan niya. Kung hindi lang ito kailangan ng kanilang pamilya, hindi siya papayag na tratuhin siya nito ng ganoon. "N-Nothing, Kuya Knives," ani Benjamin na namilipit pa ang dila dahil sa nerbiyos. "Then why don't you get out of here?" malamig pang tanong ni Knives dahilan para lalong mag-ngitngit si Benjamin. "Yeah, I'm leaving Kuya Knives," sagot muli ni Benjamin subalit ang mga mata niya ay matalim na nakatitig kay Lalaine. Hindi na niya masusundan pa ang punyetang si Lalaine Aragon sa elevator dahil ayaw niyang mairita sa kanya si Knives Dawson, kaya naman ipinasya niyang sa ibang pagkakataon na lang niya ito pagbayarin. Lalong-lalo na ang walang hiyang ina nito na niloko siya. Hindi na sumagot pa si Knives at siya na mismo ang pumindot sa elevator upang magsara. Matapos niyon ay palihim niyang sinulyapan si Lalaine na tila basang sisiw sa isang tabi, at mangiyak-ngiyak habang yakap ang sarili. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang pumasok sa kanyang isipan ang estrangherang babae na nakasama niya noong nakaraang gabi. Umalis ang babaeng iyon ng tahimik. Ni hindi ito nag-iwan ng anumang bakas ng pagkakakilanlan, at hindi niya rin alam kung ano ang itsura nito dahil langong-lango siya sa alak nang maka-sex niya ito. Malinaw pa rin sa kanyang pandinig ang mga daing at iyak nito habang inaangkin niya. Lihim na napailing si Knives. Hindi niya malaman kung bakit nang mapatingin siya kay Lalaine Aragon ay naisip niya ang estrangherang babaeng iyon. It is obvious that these are different person because the woman he was with that night was pure and innocent, unlike Lalaine Aragon who was a fraud and greedy for money. Tahimik naman si Lalaine na lumuluha sa isang tabi. Sa isip niya ay pinasasalamatan niya si Knives sapagkat kundi dahil sa lalaki, hindi niya matatakasan si Benjamin. Hindi bale nang masama ang tingin nito sa kanya, basta ang importante ay natakasan niya ang demonyong si Benjamin. Ngunit hindi alam ni Lalaine kung ano ang mangyayari sa kanya sa mga susunod na araw lalo pa't alam niyang maraming koneksyon ang lalaki. Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana ay matakot ito sa babala ni Knives na huwag nang makisalamuha sa kanya nang sa gayon ay tigilan na siya nito. Mayamaya pa'y naramdaman ni Lalaine na nag-vibrate ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang unknown number ang nag-text sa kanya at nang buksan niya message ay namutla ang kanyang mukha dahil sa nabasa, “Hindi pa tayo tapos, Lalaine Aragon. Bibigyan pa kita ng chance na ibigay ang gusto ko, pero sa oras na hindi ka sumipot, magbabayad kayo ng walang hiyang nanay mo!" Nanghina si Lalaine sa mga nabasa, at kung hindi siya nakasandal sa dingding ng mga oras na iyon, marahil ay natumba na siya sa kinatatayuan. Isa pa'y naisip niya ang kapatid niyang si Luke. Bakit nagawang isangkalan ito ng kanilang nanay? At bakit nito nagawa iyon sa kanya? Ang akala pa naman niya at nagbago na ang kanyang nanay dahil sa nangyari 3 years ago. Nang humingi ito ng tawad sa kanilang magkapatid dahil sa nagawa nito ay pinatawad niya ito. Hindi niya lubos maisip na ang lahat ng iyon ay pagpapanggap lang para makuha nitong muli ang loob nilang magkapatid. Ulila na siya sa ama dahil namatay ito noong tatlong taong gulang pa lang siya sa car accident kaya ang kanilang nanay na lang ang kasa-kasama nilang magkapatid. Ang kapatid niyang si Luke ay labing-anim na taong gulang pa lang at mentally retarded, subalit kahit ganoon ay gumagawa ito ng paraan para mapag-aral ang sarili sa isang Special Education school. Wala kasing interest ang kanilang ina na pag-aralin sila kaya't heto silang magkapatid at kanya-kanyang diskarte para makapag-aral. Ilang sandali pa'y bumukas na ang elevator, at dahil iyon ang palapag kung nasaan ang lobby ng hotel ay nagmamadaling lumabas si Lalaine, matapos ay hinarap niya si Knives na blangko naman ang tingin na ipinupukol sa kanya. "M-Maraming salamat, Mr. Dawson. Maraming salamat sa lahat," anang Lalaine habang panay ang yukod at mangiyak-ngiyak. Kunot-noo namang pinagmamasdan ni Knives ang babae. At ano naman ang ginawa niya para pasalamatan siya nito ng ganoon? Nang-iinsulto ba ito? Iniisip ba ng babaeng ito na ipinagtanggol niya ito sa bullshit na si Benjamin? Knives chuckled. He just didn't want his cousin Olivia to know about that incident that's why he stopped Benjamin from doing something stupid. "Just get out of my sight," mariing wika ni Knives habang masama ang anyong nakatunghay kay Lalaine. Mabilis namang sumunod si Lalaine saka nagmamadaling naglakad palayo at tinungo ang lobby ng hotel subalit mayamaya'y nakarinig siya nang mahinang pagtawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya, ang secretary iyon ni Knives na humahangos palapit sa kanya. “Ms. Lalaine Aragon, do you have time?” TO BE CONTINUED."MS. LALAINE Aragon, here's the annulment agreement. Please, sign it," magalang na saad ni Liam. He invited the woman to a coffee shop near the hotel to sign the said document, as ordered by his boss.Lihim namang nakahinga ng maluwang si Lalaine. Mukhang tulad niya, nais na rin ni Knives na tapusin na ang kanilang kasal. Kaya kaagad na kinuha ni Lalaine ang ballpen na nakalapag sa kanyang harapan at pinirmahan ang dokumento nang hindi man lang ito binabasa.Kumunot naman ang noo ni Liam at sandaling pinigilan ito sa ginagawa, "Hindi mo man lang ba babasahin ang nakasaad sa annulment paper, Ms. Aragon?" tanong niya.Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae kaya napilitan si Liam na prangkahin ito at ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng nasabing dokumento. "Nakasaad sa agreement na wala kang matatanggap kahit na isang kusing mula kay Mr. Dawson."Kung noong una ay balak ng kanyang boss na bigyan Ms. Aragon ng isang condo unit at 5 million pesos bilang compensation, sa isang iglap ay
NAGING normal ang mga sumunod na araw para kay Lalaine. Pumapasok siya sa university at diretso sa kanyang part-time job sa gabi. Maayos rin ang kalagayan ng kanyang kapatid dahil umuwi siya sa kanilang tahanan sa Paco noong nakaraang araw. May kalayuan din kasi mula sa kanilang tinitirhan ang university kung saan siya nag-aaral kaya minabuti niyang mag-boarding house kung saan malapit sa kanilang eskwelahan. Umuuwi naman siya tuwing araw ng Sabado at Linggo para bisitahin ang kanyang kapatid at para bigyan ito ng allowance. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng high school ang kapatid niyang si Luke sa St. Mary Academy—ito ay pambublikong paaralan para sa mga kabataang may special needs. Libre ang pag-aaral dito kaya wala siyang problema sa tuition ng kanyang kapatid, at ang tanging sagot lang niya ay ang allowance nito.May kakulitan lang ang kapatid niya dahil gusto rin nitong suma-sideline sa mga kung anu-anong trabaho katulad ng pagiging kargador sa palengke, tagawalis, o kaya nama
NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid. "Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya. Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?" Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine. "Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig. "Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab
KINAUMAGAHAN, sandaling nagpaalam si Lalaine sa nurse para umuwi dahil kailangan niyang maghanap ng pera para sa gastusin ng kanyang kapatid sa hospital. Balak din sana niyang umidlip kahit sandali dahil magdamag siyang gising at nag-aalala siyang baka bumigay din ang kanyang katawan.Ayaw sana niyang iwan si Luke dahil wala itong bantay, pero dahil hindi pa rin niya ma-contact ang kanyang nanay ay wala siyang choice kundi iwan ito. Nakiusap na lang siya sa nurse na tumitingin sa kanyang kapatid at ipinaliwanag ang sitwasyon. Mabuti na lang din at nagkataong Sabado iyon at wala siyang pasok sa university.Habang naglalakad papalabas sa lobby ng hospital, isang pamilyar na pigura ang namataan niya sa hindi kalayuan, at kahit nakatalikod ito sa gawi niya ay nakikilala niya ito. Nakalimutan niyang sa hospital din palang iyon nagpapa-check si Lola Mathilde dahil minsan na niya itong sinamahan doon.Dahil nangako siya sa secretary ni Knives na puputulin na ang ugnayan sa matanda, ipinasya
MATAPOS magpaalam ay halos kaladkarin ni Knives si Lalaine palabas ng coffee shop. Ni hindi na nga niya nararamdamang sumayad ang mga paa niya sa lupa. Nang makarating sa parking lot ng hospital ay halos ibato siya ni Knives papasok sa loob ng sasakyan. Napapitlag pa si Lalaine at nanginginig sa takot dahil ubod nang lakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan bago umikot sa kabilang side at padabong na sumakay. Ang kaninang maamong mukha ng lalaki nang kaharap nito si Lola Mathilde ay biglang naglaho at napalitan ng madilim na anyo. "Drive!" utos nito sa malamig at pagalit na tono. Mabilis namang pinaharurot ng secretary nito ang sasakyan paalis sa lugar. Puno man ng matinding takot at kaba ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon, ngunit naglakas-loob pa rin siyang tanungin ang lalaki na kasalukuyang nakaupo sa kanyang tabi at walang-kibo na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "S-Saan mo ako dadalhin, Mr. Dawson—" "Shut up, bitch!" mariing mura ni Knives sa babae. Nap
SI KNIVES na lang ang tanging pag-asa ni Lalaine kaya kahit alam niyang kinamumuhian siya nito ay lakas-loob siyang nagmakaawa sa lalaki, “Please, kailangan ko talaga ng pera..."Samantalang si Knives naman ay hindi malaman kung matatawa o maiinsulto sa babae. Kanina lang ay takot na takot ito, pero ngayon ay sawa na yata itong mabuhay para maglakas-loob itong hingan pa siya ng pera.Sa galit ni Knives ay halos bumaon ang daliri niya sa payat na braso ni Lalaine upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya, saka galit na galit niya itong hinila upang tumayo at saka pabatong itinulak. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa babae, tumama ang likod nito sa pader dahilan para mapaluhod ito habang namimilipit sa sakit.“How dare you ask me for money? Bakit? Kulang pa ba ang nahuthot mo kay Lola Mathilde?!" nanlilisik ang mga mata na tanong ni Knives. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang kanyang pasensya. This little bitch doesn't seem to know what kind of person he is.Nanginginig ang b
“REMEMBER this, if I find out you are still seeing Lola Mathilde, I will kill you for sure." Matapos sabihin iyon ay umiling-iling si Knives na puno ng disgusto ang gwapong mukha. "Get out of my sight and never show up again," dagdag pa ni Knives saka tumalikod na kasama ang secretary nito. Si Lalaine naman ay masayang lumuluha habang sinusundan ng tingin ang mga ito habang nagpapasalamat, “Maraming salamat, Mr. Dawson. Napakabait mo. Maraming salamat..." Bagaman hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Knives, taos-puso pa ring nagpapasalamat si Lalaine dahil pinahiram pa rin siya nito ng pera para sa operasyon ni Luke. Sa mga mata ni Lalaine, mabuting tao pa rin ang lalaki dahil tinulungan siya nitong mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Nang makasakay naman si Knives ng sasakyan ay umarko ang kanyang makakapal na kilay at puno ng pangungutya niyang pinagmasdan si Lalaine na tuwang-tuwa habang hawak ang pera. 'Good person?' isip-isip ni Knives nang marinig ang sinabi ng b
TINAKASAN ng kulay ang mukha ni Lalaine nang marinig ang pagbabantang iyon ni Benjamin. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano kakayahan ng lalaki. Kayang-kaya nitong sirain ang kanyang buhay na wala siyang kalaban-laban. Naranasan na niya kung paano pag-usapan at paratangan noon kaya hindi niya hahayaan na muling mangyari iyon sa kanya.Dahan-dahang kinalma ni Lalaine ang sarili. Kung gustong makipaglaro ni Benjamin ay pagbibigyan niya ang gusto nito. Sinikap ni Lalaine na baguhin ang ekspresyon ng mukha at hinarap si Benjamin na may pekeng ngiti sa labi. Tila naman nasiyahan si Benjamin sa nakitang pagbabago ng babae. Mukhang natauhan ito sa huling sinabi niya. Sino nga namang gugustustuhing maparatangan ng hindi totoo? "That's it, baby. Walang mangyayari sa'yong masama kung susundin mo lang ang gusto ko. But before that, let me kiss you." Hindi na siya makapaghintay pa na matikman ang labi nito, subalit kumpara sa mga plano niyang iparanas kay Lalaine sa oras na pumayag ito
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya
LIHIM na napangiti si Kenji nang makita sa entrance ng restaurant si Lalaine Aragon. Matapos niyang pa-imbestigahan kay Detective Cruz ay tungkol sa whereabouts ng babae, nalaman niya ang mga impormasyon tungkol sa babae. Mula sa kung saan ito nakatira, family background, at kasalukuyang trabaho. According to Detective Cruz, the girl was registered by her father, Levi Aragon, with the National Statistics Office when she was five years old, the same age as his daughter Keiko when she was kidnapped. According to all hospital records, Lalaine Aragon has no birth record. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi nito tunay na magulang ang mga kinalakhan nito. Dahil doon, lalong lumakas ang kutob n'ya na ito na nga nawawala n'yang anak. Ang tanging kulang na lang n'ya para mapatunayan ang haka-haka ay magsagawa ng paternity test. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang sa restaurant makipagkita sa dalaga. Nang sa gayon ay makakuha siya ng kahit sample ng laway nito sa basong ginamit
°°°°°°“TELL ME. How did you get pregnant if I don't have the ability to give you a child?”Natigagal si Lalaine nang marinig iyon. Paano nangyari? Buntis siya at ito ang ama, pero papaanong wala itong kakayahang makabuntis? Nanlamig ang buong katawan ni Lalaine hindi dahil sa nalaman, kundi dahil sa pag-aalala kung papaano n'ya mapapaniwala ang lalaki na ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis gayong sinasabi nitong infertile ito.At saka bakit kailangan nitong gumamit ng proteksyon sa t'wing nagtatalík sila kung wala naman itong kakayahang makabuntis? Isa itong malaking biro. Tama. Malamang ay binibiro lang siya ni Knives.Pilit tumawa si Lalaine kahit bakas sa mukha niya ang matinding tensyon. “'W-Wag mo naman akong biruin, Knives... Paano ako mabubuntis kung wala kang kakayahan? H-Hindi magandang biro yan..”Subalit mas lalong madilim ang anyo ni Knives habang malalim ang pagkakatitig sa kan'ya. “That's exactly what I wanted to ask you,” ani Knives saka tumawa ng bahaw. How did yo