My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

last updateLast Updated : 2022-07-12
By:  malditah  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
654views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters

Chapter 1

Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status