Share

Chapter 3

Author: malditah
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina.

"Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.

Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat.

"Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakausap ko kanina at higit sa lahat ay kailan ako nag-asawa?" hindi niya napigilang itanong ang ilang mga katanungan sa kanyang isip.

Sa halip na sagutin ang mga katanungan niya ay kumuha ng isang maliit na salamin ang mabait na katulong at ibinigay sa kanya. Nakakunot ang noo na tiningnan niya ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Maliban sa konting gasgas sa gilid ng kanyang noo ay wala naman siyang kakaibang nakikita sa mukha niya.

"Baka kasi maalala mo ang lahat kapag nakita mo ang sarili mo sa harapan ng salamin," nakangiting sagot sa kanya ng katulong.

Lalo lamang naguluhan si Lilac sa sinabi ng katulong. Hindi naman siya nagkaroon ng amnesia para sabihin nito na maalala niya ang kanyang sarili. Naalala naman niya ang lahat ng detalye tungkol sa kanyang pagkatao. Siya si Lilac Bacani, thirty years old at commander ng Bacani Army. Ano pa ba ang dapat niyang maalala sa kanyang sarili?

"Puwedeng paki-explain po?? Lalo lamang kasi akong naguluhan sa sinabi mo. Saka ano pala ang pangalan mo?"

Nakita ni Lilac ang paglarawan ng lungkot sa mukha ng babae na muli niyang ipinagtaka. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at bahagyang pinisil.

"Tama nga si Ma'am Erlinda. Mau amnesia ka nga yata, Gwen," naiiling na sabi nito sa kanya. "Para makatulong sa'yo sakaling muli mong makausap ang mga tao rito sa bahay ay makinig sa mga detalye na sasabihin ko sa'yo. Una, ako si Nana Delia. Ako ang iyong yaya at ako ang nag-alaga sa'yo mula pa pagkabata. Ikaw naman si Gwen Del Rio at isinilang noong taong two thousand and two. Kaya sa ngayon ay twenty years old ka pa lamang. Ang mukhang masungit na matandang dragon na nakausap mo ay ang stepmother mong si Erlinda. Iyong dalawang dalaga naman ay ang mga stepsister mo at iyong isang babae naman na kasama nila ay ang iyong Tita Rebecca na kapatid ng iyong ama. At siyempre, ang lalaking nakita mo ay walang iba kundi si Lander Altamirano na iyong asawa. Isang Linggo pa lamang kayong naikakasal at naaksidente kayong dalawa habang pabalik kayo rito sa bahay nang araw ng inyong kasal. At hindi lang ikaw ang naaksidente kundi pati na rin ang daddy mo. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas ang daddy mo kaya pumanaw siya sa araw ng kasal ninyo ni Lander," ang mahabang salaysay ni Nana Delia kay Lilac.

Literal na napanganga si Lilac matapos marinig ang mahabang kuwento ni Nana Delia. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig at hindi niya rin alam kung maniniwala ba siya sa mga sinabi nito o hindi. Baka binibiro lamang siya nito. Ngunit hindi naman ito mukhang nagbibiro.

"A-Anong year na ba tayo ngayon?" tanging iyon lamang ang mga salitang nanulas sa kanyang mga labi habang malakas ang sasal ng kanyang dibdib. May pumasok na ideya sa kanyang isip kaya bigla niyang naitanong kung anong year na ba sila ngayon.

"Year twenty-twenty two at September three ang petsa ngayon," mabilis na sagot ni Nana Delia. Hindi na ito nagtaka sa kanyang tanong dahil iniisip nga nito na may amnesia siya samantalang siya ay halos malaglag ang kanyang puso sa narinig niya. Kung twenty-twenty two ang taon ngayon, ibig sabihin ay nag-travel siya ng mahigit na fifty thousand years mula sa nakalipas?

Paano nangyaring nag-travel ang kaluluwa ko at napunta sa future? Ano bang himala ang nangyaring ito sa akin?

MATAPOS makipag-usap ni Lilac kay Nana Delia ay marami siyang natuklasan tungkol sa pagkatao ni Gwen; ang may-ari ng katawan na pinasukan ng kanyang kaluluwa. Nalaman niya na hindi pala siya gusto ng mga tao sa bahay na iyon lalong-lalo na ang kanyang madrasta. Nag-iisang anak pala siya ng kamamatay lamang na head ng Del Rio clan na isa sa talong pinakamalaking clan sa bansa at wala na pala sa listahan ng mga clan ang apelyido niyang Bacani na siyang pinakamalaking clan noon. Nalaman din niya na arrange marriage lang pala ang naganap kaya sila nag-asawa ni Lander Altamirano. Hindi niya akalain na uso pa pala sa taong ito ang arrange marriage.

Hindi napigilan ni Lilac ang mapahugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit nag-travel ang kaluluwa mula sa nakalipas hanggang sa kasalukuyan at bagama't hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nangyaring ito ay kailangan niyang pangatawanan ang pagiging Gwen Del Rio. Wala siya sa panahon niya at hindi niya alam kung saan siya pupunta sakaling umalis siya sa bahay na ito kaya wala siyang mapagpipilian kundi ang maging si Gwen at asawa ni Lander. Naudlot ang pag-iisip niya nang pumasok sa pintuan ang lalaking sinasabing asawa niya. May dala itong pagkain na nakalagay sa isang tray. Napangiti ito nang makita siyang gising.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya matapos ilapag sa maliit na mesa ang tray ng pagkain.

Nakaramdam ng pagkailang si Lilac ngunit pinilit niyang huwag ipahalata sa kaharap. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya kinausap ng isang lalaki na ganito ang tono at pagtrato sa kanya. Nasanay kasi siya na parang isang lalaki kung siya ay kausapin ng mga sundalo niya at wala pang kahit sinong lalaki ang tum-rato sa kanya na katulad ng ginagawa ngayon ni Lander.

"Maayos na ang pakiramdam ko," sagot niya na hindi makatingin ng deretso sa mga mata nito.

"Nagluto ako ng pagkain. Hindi ka pa kumakain magmula nang magising ka kaya natitiyak kong nagugutom ka na ngayon," hindi nawawala ang ngiti sa mga labi na sabi nito sa kanya. Ito mismo ang kumutsara ng kanin na nilagyan nito ng sabaw at ulam pagkatapos ay isinubo sa kanyang bibig. Wala siyang nagawa kundi ang nguyain na lamang ang pagkain.

"A-Ako na lamang ang magsusubo sa sarili ko," nahihiyang sabi niya rito. Akmang kukuhanin niya mula sa kamay nito ang kutsara at tinidor ngunit inilayo lamang nito sa kanya.

"Nanghihina ka pa kaya hayaan mong subuan na lamang kita."

Mukhang hindi ito papayag na kumain siyang mag-isa kaya hinayaan na lamang niya ito sa ginagawa nito. Napapitlag siya nang alisin nito ang isang butil ng kanin sa gilid ng kanyang mga labi gamit ang hinlalaki. Hindi tuloy niya napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa mukha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa ginawi nito. First time na may lalaking gumawa sa akin ng ganito kaya naman understandable kong bakit ganito ang nararamdaman ko, kumbinsi niya sa kanyang sarili tungkol sa pag-iibang bigla ng tibok ng kanyang puso.

"Bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?" biglang tanong niya kay Lander. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito sa kanya. Kung magiging kakampi ba niya ito sa bahay na iyon o hindi?

"Dahil gusto kita, Gwen. Unang kita ko pa lamang sa'yo ay nagkagusto na agad ako sa'yo," seryoso ang mukha at prangkang sagot nito sa kanya.

Lalo namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ano ka ba, Lilac? Gumising ka nga. Hindi ikaw ang babaeng tinutukoy niya na gusto niya kundi si Gwen. Ang babaeng may-ari ng katawang ito na nagkataong kamukha mo lang, kastigo niya sa kanyang sarili. Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot dahil si Gwen ang gusto nito at hindi siya, si Lilac. Naipilig niya ang kanyang ulo. Ngayon lang niya ito nakilala at nakausap kaya imposibleng may gusto agad siya rito. Nadadala lamang siya dahil maliban kay Nana Delia ay ito lamang ang tanging nagpakita sa kanya ng kabutihan.

"Wow! Mukhang nasanay ka nang pinagsisilbihan, Gwen. Masarap ba ang feeling ng pinagsisilbihan at hindi iyong ikaw ang nagsisilbi?" naka-ismid na tanong sa kanya ng babaeng bigla na lamang pumasok sa loob ng silid niya.

Ang babaeng pumasok sa silid ni Lilac ay walang iba kundi si Almira na panganay na anak ng stepmother ni Gwen. Base sa kuwento sa kanya ni Nana Delia ay hindi rin siya gusto ng babaeng nasa harapan niya ngayon at madalas ay sinasaktan nito si Gwen. Masyado raw mabait si Gwen at hindi ito marunong lumaban kaya naman nagagawa nilang api-apihin ang babae kahit na ito ang tunay na anak ng may-ari ng bahay na iyon. Ngunit hindi siya si Gwen Del Rio na submissive kundi siya si Lilac na isang palaban at matapang na sundalo.

"Kung wala kang magandang sasabihin ay mas makabubuting lumabas ka na lamang sa silid ko at baka mabinat pa ako dahil sa'yo," seryoso ang mukhang sagot niya rito at sinadya pa niyang langkapan ng inis ang kanyang tono.

"Aba't marunong ka ng sumagot sa akin ngayon," biglang nanggigil sa inis na wika ni Almira. Yumuko ito at kinuha ang tubig na nakalagay sa tray at akmang ibubuhos sa kanya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay nitong may hawak na baso at itinapon niya ang lamang tubig sa mukha nito kaya sa halip na mabasa siya ay ito ang naghilamos ng tubig. "How dare you, Gwen! Makikita mong babae ka! Isusumbong kita kay Mama!" galit na galit na nag-martsa si Almira palabas sa silid niya.

"Hinayaan mo na lang sana siya at hindi na pinansin pa ang mga sinabi niya Gwen. Tiyak na mas lalo ka nilang pag-iinitan dahil sa ginawa mo kay Almira," nag-aalala ang boses na sabi ni Lander.

"Hindi ako natatakot sa kanila," mabilis niyang sagot. Ang katawan niya ang anak ng may-ari ng bahay na iyon kaya hindi niya hahayaan na muling api-apihin ito at gawing tao-tauhan ng mga taong nakatira sa pamamahay na iyon. Kahit man lang sa ganitong paraan ay masuklian niya si Gwen sa pagpaparaya ng katawan nito para makapasok ang kanyang kaluluwa. At ngayong walang paraan para makabalik siya sa taong 1942 ay tatanggapin niya ang kapalaran niya. Paninindigan niya ang pagiging Gwen. Magmula ngayon ay siya na si Gwen Del Rio at hindi si Lilac Bacani.

Kaugnay na kabanata

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 4

    Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 1

    Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 2

    Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 4

    Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 3

    Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 2

    Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 1

    Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

DMCA.com Protection Status