Share

Chapter 4

Author: malditah
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.

Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa  mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technology ngayon. Maraming impormasyon ang makikita sa loob ng cellphone o laptop. Kahit ang mga high tech na gamit nila sa bahay ay nahihirapan din siyang gamitin. Ngunit hindi niya ipinapahalata na bago sa kanyang paningin ang mga bagay na iyon dahil tiyak na magkakaroon na naman ng dahilan ang mga kontrabida sa buhay niya para insultuhin siya at pagtawanan. Mabuti na lamang at napaniwala niyang may amnesia talaga siya at hindi lamang ang tungkol sa kanyang sarili ang nakalimutan niya kundi maging ang ibang mga bagay sa paligid niya.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap dito lang pala kita makikita."

Napalingon si Lilac sa lalaking nagsalita mula sa likuran niya na walang iba kundi ang asawa niya. Nilapitan siya nito at niyakap mula sa likuran.

"A-Anong kailangan mo? Bakit mo ako hinahanap?" napapalunok na tanong niya rito. Muntik na siyang mapapitlag sa ginawa nito ngunit pinigilan niya ang kanyang sariling gawin iyon.

"Namimis kasi kita kapag hindi kita nakikita sa loob ng ilang oras," mahinang bulong ni Lander sa likuran ng kanyang tainga. Biglang nanginig ang mga kamay niyang may hawak na gunting. Naggugupit kasi siya ng mga tuyong dahon at sanga sa mga halaman kaya may dala-dala siyang gunting.

Hindi niya napigilan ang paghugot ng buntong-hininga. Masuwerte sana si Gwen dahil nakapangasawa ito ng mapagmahal na asawa at ma-aruga ang kaso ay bigla naman itong namatay. Hindi nito naranasan ang mahalin ng isang Lander Altamirano.

"B-Baka makita tayo ng mga katulong sa bahay," saway niya kay Lander na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Ano naman ngayon? Mag-asawa naman tayo," muling bulong nito sa likuran ng tainga niya pagkatapos ay biglang hinalikan nito ang kanyang batok.

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang batok habang nanayo naman ang mga balahibo niya sa braso. Wala sa loob na napahawak ang isa niyang kamay sa matinik na tangkay ng rosas.

"Ouch!" mahinang d***g ni Lilac nang maramdaman ang masakit na pagtusok ng tinik sa kanyang palad.

"Bakit? Natusok ka ba ng tinik? Hindi ka kasi nag-iingat," may pag-aalala sa boses na sabi ni Lander. Hinila siya nito papasok sa bahay para gamutin ang sugat niya.

Sino ba ang may kasalanan kung bakit ako natusok ng tinik? Kung hindi mo ako hinalikan sa batok ay hindi ako mapapahawak sa matinik na tangkay ng rosas, paninisi niya rito sa kanyang isip.

"What happened to her?" tanong ni Alma; pangalawang anak ng kanyang stepmother.

"Natusok si Gwen ng mga tinik ng rosas kaya gagamutin ko siya," sagot ni Lander sa babae.

Napaismid naman si Alma nang marinig ang sinabi ni Lander at tinaasan siya ng kilay. "Ang arte. Malayo pa iyan sa bituka. Naaksidente nga siya pero hindi siya namatay sa tinik pa kaya ng rosas?"

Akmang susuplahin niya ang patutsada ni Alma ngunit mabilis na nahawakan ni Lander ang kamay niya para pigilan siyang makipagtalo.

"Huwag mo na siyang pansinin," mahina ang boses na saway ni Lander sa kanya pagkatapos ay si Alma naman ang kinausap. "Lalagyan ko lang ng first aid ang sugat niya para hindi mamaga. Huwag mo na lamang kaming pansinin."

Inirapan si Lilac ni Alma bago nagmartsa palayo sa kanila ngunit hindi pa ito tuluyang nakakalayo ay muli silang hinarap at kinausap. "Mamayang gabi pala ay sumama ka sa akin, Gwen."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Huwag ka nang magtanong at sumama ka na lamang," nakairap nitong sagot pagkatapos ay tuluyan na silang iniwanan nito.

"Huwag ka nang sumama sa kanya, Gwen. Hindi natin alam kung may masamang binabalak sa'yo ang stepsister mo kaya huwag ka ng sumama para hindi na ako mag-alala," pangungumbinsi sa kanya ni Lander habang nilalaatan nito ng first aid ang maliliit niyang sugat na bahagyang dumudugo pa.

Nginitian ni Lilac ng bahagya ang lalaki. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso dahil sa nakikita niyang pag-aalala nito. "Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako at hindi ko hahayaan ang aking sarili na magawan niya ng hindi maganda."

Hindi kumibo si Lander at tahimik na ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa nito.

HINDI makapaniwala si Lilac sa nakikita ng kanyang mga mata habang nakasakay sa kotse ni Alma at nagbibiyahe sila papunta sa lugar na pupuntahan nila. Ang laki ng pagbabago ng Maynila kaysa noong huling beses na nagpunta siya rito. Marami na ang naggagandahang brand ng mga sasakyan at matataas na gusali ang Maynila. Kung iisa-isahin niya ang mga pagbabagong nakikita niya ay aabutin siya ng ilang oras sa pagkukumpara noon at ngayon.

Pumasok sila sa isang establishment na puno ng maraming tao na nag-iinuman. Hindi siya nagpahalata na ngayon lamang siya nakapasok sa ganoong lugar. Basta ang ginagawa niya ay sumunod lamang kay Alma ngunit sa kanyang isip ay nangako siya na hinding-hindi na siya sasama rito sa ganitong klaseng lugar.

Walang tanong na sumunod si Lilac kay Alma nang pumasok ito sa isang silid. Nadatnan nila ang tatlong lalaki at at dalawang babae na nag-iinuman. Masayang sinalubong sila ng mga ito.

"Akala ko ay hindi na kayo darating," kausap ng isang lalaki kay Alma pagkatapos ay siya naman ang tinapunan ng tingin. "Mabuti naman at isinama ka ni Alma, Gwen," malawak ang ngiti na sabi nito sa kanya. Umurong pa ito para sa tabi nito siya maupo.

Bahagyang ngumiti at tumango lamang si Lilac sa lalaki. Naramdaman agad niya na hindi niya gusto ang mga taong nasa harapan niya ngayon. Kung makatingin kasi sila sa kanya ay para siyang isang bagay na masusi nilang sinisipat lalo na ang dalawang babae na hindi itinago sa kanya ang pagtaas ng kilay.

"Guys, asikasuhin ninyo ang aking kapatid," nakangising sabi ni Alma sa mga kaibigan nito. Mukhang kilala na siya ng mga kaibigan nito dahil hindi na siya ipinakilala nito sa kanila at malamang na kilala rin ni Gwen ang mga kaibigan ng stepsister nito. Hindi niya sila kilala kaya hindi na lamang siya nagsasalita. "Dandi, isinama ko na si Gwen gaya ng request mo kaya asikasuhin mo siya para hindi siya ma-bored."

"Of course! Kami ang bahala kay Gwen," nakangiting sabi naman ng lalaking kumausap sa kanya na Dandi pala ang pangalan.

Nakaramdam siya ng kakaiba nang tila magpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa. Mukhang may binabalak yata sa kanya ang mga ito kaya siya isinama rito ng stepsister niya.

"Uminom ka naman, Gwen. Ilang beses ka ng sumama sa amin pero kahit isang beses ay hindi ka pa namin nakitang uminom," biglang kausap sa kanya ng isa sa dalawang babaeng kaibigan ni Alma.

"Tama si Fe, Gwen. Uminom ka naman para hindi ka ma-out-of-place," susog naman ng isa pang kaibigan nito.

Sa una ay tigas siya sa katatanggi ngunit dahil hindi siya tinatanan nila ay pumayag din siyang uminom ngunit iyong low alcohol lamang ang in-order niya. Nakailang inom pa nga lang siya ay nakaramdam na agad siya ng pagkahilo. Lihim na lamang siyang napamura nang maisip na pinalitan yata ang in-order niyang hindi nakakalasing na inumin ng nakalalasing na inumin. Napasandal na lamang siya sa kinauupuang sofa dahil pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin.

"Mukhang lasing na si Gwen. Puwede mo ba siyang ihatid sa bahay, Dandi?" narinig ni Lilac na tanong ni Alma sa kaibigan nitong lalaki.

"Of course. My pleasure," natutuwa namang sagot ni Dandi. Tumayo ito at inalalayang makatayo si Lilac.

"Bitiwan mo ako," walang lakas na utos niya sa lalaki habang pinipilit siyang maitayo sa kinauupuang sofa. Mahina ang tolerance ng katawan niya sa alak kaya hindi siya umiinom ng alak. Ngunit ngayon ay naisahan si Alma kaya nakainom siya ng alak at lasing na lasing siya.

"C'mon, Gwen. Hindi pa ako uuwi dahil may pupuntahan pa kami kaya hindi kita maihahatid sa bahay. Pasalamat ka nga na ihahatid ka ng kaibigan ko tapos nag-iinarte ka pa," may inis ang boses na sabi ni Alma. "Sige na, Dandi. Iuwi mo na sa bahay namin si Gwen."

"Ako ang bahala kay Gwen, Alma. Ihahatid ko siya sa dapat niyang patutunguhan," mabilis na sagot naman ni Dandi at muli siyang pinilit na maitayo sa upuan.

Umiikot ang paningin ni Lilac kaya at tila nanghihina siya kaya wala siyang nagawa nang sapilitang siyang inilabas ni Dandi sa silid kung saan naroon ang mga kaibigan nito. Naramdaman niyang ipinasok siya nito sa isa pang silid sa halip na ilabas sa bar na iyon.

"Anong binabalak mong gawin?" mahina ang boses na tanong niya rito nang maramdaman niyang iniupo siya sa malambot na upuan na malamang ay isang sofa.

Sa halip na sumagot ay sapilitan siya nitong hinuhubaran. Ngunit kahit nanghihina ay pilit siyang nanlaban. Sa pagkakataong ito ay batid niyang nanganganib ang kanyang puri. Hindi pala sa kanya kundi sa may-ari ng katawang iyon. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit sumama-sama pa siya kay Alma gayong alam naman niya na walang magandang bagay na gagawin ito sa kanya. Napaka-careless niya. Humanda ka, Dandi. Kapag mawala na ang tama ng alak sa katawan ko ay babaliin ko iyang mga buto mo.

Related chapters

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 1

    Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

    Last Updated : 2024-10-29
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 2

    Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng

    Last Updated : 2024-10-29
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 3

    Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 4

    Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 3

    Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 2

    Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 1

    Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

DMCA.com Protection Status