Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata.
"Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"
Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo.
Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit sa kalahati ng Bacani Army. Si Aldo ay pinakabatang miyembro ng Bacani Army. Kahit na bata pa ito ay matapang ito, may paninindigan at may prinsipyo kaya naman agad na gumaan ang kalooban niya rito. Naging malapit ito sa kanya at itinuring niya ito bilang nakababatang kapatid at ginawa pa niyang kanang kamay. Ngunit hindi niya akalain na magta-traydor ito sa kanya at makikipagsabwatan sa mga kaaway nilang hapon para i-ambush sila. Bakit? Dahil ba sa pera? Nasuhulan ba ito ng malaking halaga ng mga hapon na iyon para magawa nitong mag-traydor sa kanila? Naudlot ang pag-iisip ni Lilac nang bumukas ang silid na kanyang kinaroroonan at pumasok ang limang tao na pawang hindi niya kilala at kasama na roon ang isang ginang na matalim ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Hindi naman malala ang nangyari sa'yo ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ka lang nagising. Umiiwas ka ba sa gawain dito sa bahay?" nandidilat ang mga matang kausap ng babae pusturyosa at mataray kay Lilac.
"Hay naku, Ma. Siguradong umiiwas nga ang babaeng iyan sa mga gawaing-bahay kaya nagkunwaring walang malay sa loob ng apat na araw," sulsol naman ng babaeng kasing edad yata niya sa babaeng tinawag nitong mama.
Hindi naman makapagsalita si Lilac at naguguluhan sa nangyayari. Sino sila? Ano ba ang pinagsasasabi nila? Bakit siya narito? At bakit ganito kung kausapin ay tratuhin siya nila na tila isa siyang katulong sa bahay nila? Isa-isang tinapunan niya ng tingin ang anim na taong nasa loob ng silid na kinaroroonan niya. Inuna niya ang babaeng una niyang nakita pagmulat na pagmulat niya ng kanyang mga mata. Posturyosa ito at mukhang mataray din. Maganda itong manamit at halatadong mula sa mayamang pamilya. Sabagay, lahat naman sila na nasa loob ng silid ay puro magagandang manamit at mukhang galing sa mayaman. Lumipad ang tingin niya sa matapang na babaeng may edad na ngunit bakas pa rin ang pagiging maganda nito noong kabataan. Pormal ang mukha nito at nakaka-intimidate ang dating nito ngunit hindi siya natatakot at nai-intimidate dito dahil sanay naman siyang humarap sa mga taong matatapang at kaya pang pumatay. Pinaglipat-lipat niya ang tingin niya sa tatlong babaeng tila hindi nalalayo ang edad sa kanya. Magaganda ang mga ito ngunit mukhang matataray at spoiled. Pang-huling tinapunan niya ng tingin ang nag-iisang lalaking nasa loob ng silid na iyon. Guwapo ito sa salitang guwapo, matangkad at malaki ang pangangatawan. Matiim ang titig nito at tila binabasa ang kailaliman ng kanyang utak. Hindi niya natagalan ang makipagtitigan dito kaya agad din siyang nagbawi ng tingin at ibinalik sa babaeng una niyang nakita pagkagising niya.
"S-Sino kayo? B-Bakit ako nandito?" naguguluhan niyang tanong sa kanila.
"Ano'ng drama iyan, Gwen? Huwag ka ngang magkunwaring may amnesia at hindi ka namin paniniwalaan!" mataas ang tono ng boses na sabi sa kanya ng may edad na babae ngunit maganda pa rin.
Pumunta sa harapan niya ang babaeng nasa likuran na sa tingin niya ay ka-edaran lamang niya at namaywang sa harapan niya. "Nagkaroon ka yata ng amnesia kaya hindi mo na kami makilala, Gwen. Siguro dahil sa pagkaka-untog ng ulo mo sa manibela ng kotse. Hayaan mong ibalik ko ang iyong memorya," nakangising sabi nito sa kanya pagkatapos ay walang sabi-sabing lumipad ang isang palad nito papunta sana sa kanyang pisngi kung hindi lamang niya naagapan agad ang kamay nito.
"Ano'ng ginagawa mo? Ano ang karapatan mong saktan ako?" madilim ang mukhang tanong niya sa babaeng nagtangkang manampal sa kanya. Itinulak niya ito ng malakas at muntik na itong matumba sa sahig kung hindi lamang mabilis na nahawakan ng mga kasamahan nito.
"Walang hiya ka! Kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob at tapang para itulak ako?" galit na tanong sa kanya ng babaeng itinulak niya. Kahit na hindi niya naiintindihan ang mga pinagsasasabi nila ay hindi niya sila hahayaang saktan siya. Isa siyang magiting na kumander ng isang hukbo tapos tatratuhin siya ng ganito ng mga taong sa tingin niya ay walang naitutulong para ipagtanggol ang kanilang bayan. Hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito at makabalik sa kampo nila. Gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari sa kanyang hukbo.
"Nagkakamali kayo ng iniisip. Hindi Gwen ang pangalan ko. Hindi ko kayo kilala kaya aalis na ako rito." Bumaba siya sa ibabaw ng kama at akmang aalis na nang bigla siyang itinulak ng malakas pabalik sa kama ng babaeng may edad na. Napakuyom siya ng mga kamao ng maramdaman na tila kulang ang lakas niya. Marahil dahil sa dami ng tama ng mga bala na tumama sa kanyang katawan. Sa naisip ay bigla niyang kinapa-kapa ang kanyang katawan nang maramdaman na tila wala namang tama ng mga bala ang kanyang katawan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang masigurong wala nga siyang tama ng bala sa katawan maski isang bala. Anong nangyayari? Bakit wala akong tama ng bala sa katawan kahit isa? May himala bang nangyari kaya ako nakaligtas sa tiyak na kamatayan?
"Tumigil ka na sa pagkukunwari, Gwen! Nauubos na ang pasensiya ko sa'yo!" sigaw nito sa kanya pagkatapos ay kumuha ito ng unan at walang habas na pinaghahampas sa kanyang katawan. "Ito ang bagay sa'yo para maalog ang utak mo at hindi ka na magkunwaring may amnesia!"
Naghihina pa ang buong katawan ni Lilac at kumikirot ang kanyang ulo kaya hindi niya magawang maipagtanggol ang kanyang sarili. Isinalag na lamang niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang ulo para hindi matamaan dahil lalo lamang itong sumasakit.
"Mama, tama na iyan. Maawa kayo sa asawa ko," pakiusap ng lalaking naroon sa silid na bigla na lamang yumakap sa kanya at sinalo ang lahat ng hampas ng babaeng may edad. Bigla siyang natigagal nang marinig ang sinabi nito.
Hindi ang biglang pagyakap sa kanya at pagtawag nito ng mama sa babaeng humahampas sa kanila ang nagpatigagal sa kanya kundi ang dalawang salita na sinabi nito patungkol sa kanya. Asawa ko? Kailan pa ako nagpakasal at nag-asawa?
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau
Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo
Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng