Share

My Love From The Year Of 1942
My Love From The Year Of 1942
Author: malditah

Chapter 1

Author: malditah
last update Huling Na-update: 2022-07-09 21:17:45

Taong 1942

Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may  sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.

Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan gamit ang kanilang mga armas at tapang ng loob. Sa mahigit na apat na oras nilang pakikipagbakbakan sa mga kaaway na sundalo ay nagawa rin nila mapaatras ang mga ito. Tuwang-tuwa sila kaya naman pagbalik nila sa kampo nila ay nagpakain siya ng maraming pagkain na hiningi niya mula sa pamilya niya sa bayan.

Bilang kumander ng Bacani Army; ang kasundaluhang binuo ng kanyang ama at una nitong pinamunuan bago siya ay kailangang palagi niyang pinapataas ang moral ng mga kasundaluhan niya. Binibigyan niya sila ng sapat na pagkain para may lakas silang makipaglaban sa kanilang mga kaaway.

Ang ama ni Lilac na si General Antonio Bacani ay siyang pinuno ng Bacani Clan na siyang pinakamalaking clan sa bansa at isa sa mga ma-impluwensiyang tao sa lipunan. Lahi kasi sila ng mga sundalo at puro matataas pa ang mga ranggo. Isa rin sila sa pinakamayamang tao sa kaniñang lalawigan kaya naman hindi problema sa kanya ang magpakain ng kanyang mga kasundaluhan. At para makatulong para sa araw-araw na pagkain nila ay nagtatanim ng iba't ibang halamang-ugat, halamang-baging, mais at iba pa ang mga sundalo niya kapag may oras silang magtanim. Naging sandigan at pamilya nila ng isa't isa dahil ang ilan sa kanila ay malayo sa kanilang mga pamilya.

Hindi naging madali para kay Lilac ang pamunuan ang mahigit limang daang miyembro ng Bacani Army. Fresh graduate pa lamang kasi noon siya nang sumiklab ang World War 2 at wala pang masyadong karanasan sa aktuwal na pakikipaglaban sa giyera kaya halos lahat ng Bacani Army ay walang tiwala sa kakayahan niya lalo pa at isa siyang babae. Hindi na kasi kayang pamunuan ng kanyang ama ang Bacani Army dahil tinamaan ito ng bala sa tuhod mula sa mga kaaway na sundalong hapon kaya hindi na muling nakalakad pa ang ama niya. Nag-focused na lamang ito sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo kasama ang kanyang ina. Ngunit siyempre, hindi nawawala ang suporta nito sa kanya at sa Bacani Army. Malaki ang tiwala ng ama niya na kaya niyang pamunuan ang kasundaluhan nito kaya walang pag-aatubiling ipinasa sa kanya ang responsabilidad bilang commander-in-cheif ng army.

Nag-struggled siya sa mga unang araw at Linggo niya bilang kumander at kahit siya ay nagduda sa kanyang sarili kung kaya nga ba niyang pamunuan ang mga kasundaluhan ng kanyang ama. Ngunit nang sumabak na sila sa giyera laban sa mga sundalong hapon at nagawa nilang maitaboy ang mga ito sa kanilang lalawigan ay nakuha niya ang tiwala at respeto ng Bacani Army. Kahit siya ay nagkaroon na rin ng tiwala sa kanyang sarili na sa kabila ng pagiging babae ay kaya niyang mamuno sa isang hukbo ng mga kasundaluhan. At sa tuwing nagwawagi sila sa giyera't naitataboy nila ang mga mananakop na gustong pumasok sa lalawigan nila ay mas lalong tumataas ang respeto sa kanya ng mga sundalo kaya naman nabuo ang mas matibay na relasyon niya sa kanila.

"Kumander, bakit ayaw ninyong makisaya sa amin?" 

Naudlot ang pag-iisip ni Lilac nang bigla siyang kausapin ni Kiko na hindi niya namalayang lumayo sa grupo nito at lumapit sa kanya. Isa si Kiko sa mga taong unang nagbigay ng tiwala at respeto sa kanya.

"Masaya na akong makita kayong masaya, Kiko," mabilis niyang sagot habang may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Nilibot niya ang kanyang tingin sa nagkakasayahang sundalo. Nahiling niya na sana ay matapos na ang digmaan para makauwing ligtas ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya. 

"Ang suwerte namin at naging kumander ka namin, Kumander Lilac," sensero ang boses na wika sa kanya ni Kiko at bigla ang sumaludo sa kanya kaya hindi niya naiwasang matawa.

"Sige na, huwag mo na akong bolahin pa. Bumalik ka na sa grupo mo at makisaya sa kanila," nakangiting pagtataboy niya rito. "Huwag mo akong alalahanin. Basta masaya kayo at ligtas ay masaya na rin ako."

Napapakamot sa batok si Kiko habang napapailing na naglakad palayo sa kanya at pabalik naman sa nagkakantahan nitong grupo. Ang kasiyahang nagaganap ay biglang naudlot nang humahangos na dumating si Aldo na inutusan niyang makipag-ugnayan sa ibang mga kasundaluhan sa ibang panig ng kanilang lalawigan.

"Ano ang nangyari, Aldo? Bakit ka humahangos at tila alalang-alala?" hindi maganda ang kutob na tanong ni Lilac. Si Aldo ang pinaka-unang sundalo na nagtiwala sa kanya. Ito ang nagsisilbing kanang kamay niya.

"Kumander, humihingi ng tulong  ang kampo nina General Ludwig sa kabilang bayan. May mga sundalong hapon daw ang nakapasok sa lalawigan natin sa panig nila at ngayon ay lumulusob sa kanila," habol ang hiningang pagbabalita ni Aldo sa kanila. "Kailangan nila ng back-up ngayon din!"

Hindi nag-aksaya ng oras si Lilac. In-assemble niya ang mga sundalo niya para tulungan sina General Ludwig na itaboy ang mga mananakop.

"Ang iba ay sumama sa akin at ang iba naman ay maiwan dito para magbantay sa kampo natin," matatag ang boses na utos ni Lilac sa mga sundalo.

Ilang saglit pa ay sakay na sila ng truck na magdadala sa kanila papunta sa kabilang bayan kung saan kasalukuyang nakikipaglaban ang mga kapwa nila sundalo. Wala pang kalahating oras ay nakarating sila sa bayan ng Palo Leyte. Bumaba silang lahat at naglakad na lamang para makarating sa kampo nina General Ludwig dahil hindi na kaya ng truck ang umakyat sa mga bundok. Halos sampung minuto pa lamang ang nalalakad nila nang bigla na lamang silang paulanan ng mga bala mula sa kanilang paligid. Lumaban sila ngunit dahil hindi sila alerto kaya marami sa mga sundalo niya ang nalagas sa loob lamang ng ilang minuto. 

"Dapa!" sigaw niya nang makita ang isang sundalong hapon sa likuran ng kanang kamay niyang si Aldo. Nang dumapa ito ay agad niyang pinaputukan ng baril ang sundalong hapon na agad namang namatay. "Ayos ka lang, Aldo?" tanong niya sa nakadapang lalaki.

Tumayo si Aldo at pagkatapos ay walang sabi-sabing binaril sa magkabilang tuhod si Lilac. Biglang napasigaw siya nang maramdaman ang sakit ng pagtama ng bala sa kanyang dalawang tuhod at hindi niya napigilan ang mapaluhod.

"Ayos lang ako, Kumander," sagot ni Aldo habang nakatutok sa kanya ang umuusok nitong baril. Nakita niya sa kanyang paligid na tanging siya na lamang ang nananatiling buhay sa mga sundalo sa panig nila maliban kay Aldo. 

"B-bakit?" ang huling salitang nasambit ni Helena bago tinadtad ng bala ng mga sundalong hapon na katabi ni Aldo ang kanyang buong katawan. Kasabay ng pagbagsak ng duguang katawan niya sa lupa ay pagtulo ng kanyang mga luha sa masaklap na sinapit ng mga sundalong kasama niya. Naramdaman pa niya ang mabigat at masakit niyang dibdib bago niya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang puso ay naroon ang matinfing pagkamuhi kay Aldo dahil sa ginawa nitong pagta-traydor na naging dahilan ng kamatayn niya at ng mga kasundaluhan niya.

Kaugnay na kabanata

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 2

    Isang mahaba at maingay na paghugot ng hininga ang ginawa ni Lilac bago kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata."Diyos ko naman, Gwen! Nakakagulat ka naman. Hindi ba puwedeng gumising ka ng hindi parang kagigising mo pa lamang galing sa bangungot? Aatakehin ako sa puso nito dahil sa'yo!"Hindi pinansin ni Lilac ang nagtatatalak na babaeng nasa tabi ng kinahihigaan niyang kama. Ang tanging nasa isip niya habang inililibot ang kanyang mga mata sa loob ng kinaroroonan niyang silid ay kung nasaan siya at bakit siya naroroon? Ang huling natatandaan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon habang naglalakad sila papunta sa kampo nina General Ludwig para tumulong sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. At dahil iyon sa traydor na si Aldo. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang dibdib nang maramdaman ang tila pagguhit ng sakit sa loob ng dibdib niya nang maalala niya ang ginawang pagta-traydor nito sa kanila na naging dahilan ng pagkamatay ng

    Huling Na-update : 2022-07-11
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 3

    Sa pangalawang pagkakataon ay nagising si Lilac sa hindi pamilyar na lugar. At sa pagkakataong ito ay wala na ang maraming tao na nang-aaway sa kanyang harapan. Wala na rin ang lalaking nagsasabi na asawa niya ito. Nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya ay napatutok doon ang kanyang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang isang katulong ang pumasok at hindi isa sa mga babaeng namulatan niya kanina."Mabuti naman at gising ka na, Gwen. Nag-alala ako sa'yo nang nalaman ko mula kay Lander na muli kang hinimatay. Saka alam mo ba na alalang-alala sa'yo ang asawa mo?" hindi mapigilan ng medyo matabang babaeng katulong ang dumaldal. Napansin niya na halatang kinikilig ito sa huling mga salitang sinabi nito.Napapakit si Lilac nang muling makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Gulong-gulo na ang isip niya. Kailangan na niyang maliwanagan ang lahat."Nalilito ako. Sandali lang po. Una, bakit tinatawag ninyo akong Gwen? Kaninong bahay ito? Sino-sino ba ang mga taong nakau

    Huling Na-update : 2022-07-12
  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 4

    Nasa maliit na hardin na nasa gilid ng malaking bahay si Lilac at nagdidilig ng mga rosas na bulaklak. Ang pag-aasikaso sa hardin ang isa sa pinagkakaabalahan niya nang tuluyan siyang gumaling. Nakakatawang isipin na taong pinanggalingan niya ay baril at bala ang hawak niya palagi samantalang ngayon naman ay gunting at spray bottle ang hawak niya. Unpredictable talaga ang mundo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi nakadalaw si Lilac sa burol ng ama ni Gwen dahil nanghihina pa siya kaya nalulungkot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa may-ari ng katawan niya ngayon na siyang anak ng namatay. Hindi kasi nakita ni Gwen ang ama sa huling pagkakataon. Ngunit sa sana ay magkita ang dalawa sa kabilang buhay.Bilang taong nanggaling sa makalumang panahon ay nahihirapan si Lilac makibagay hindi lamang sa mga tao sa kanyang paligid kundi maging sa mga makabagong kagamitan din sa paligid niya katulad na lamang ng cellphone at laptop. Hangang-hanga siya sa bagong technolo

    Huling Na-update : 2022-07-12

Pinakabagong kabanata

  • My Love From The Year Of 1942   Chapter 1

    Taong 1942Natutuwang pinagmamasdan ni Lilac ang mga sundalo na miyembro ng Bacani Army at kanyang pinamumunuan habang masayang nagkakantahan at nagbibiruan na tila ba walang problemang kinakaharap. May kanya-kanyang umpukan ang mga ito at nakaupo sa damuhan at putol na kahoy. Walang pakialam kung madumihan man ang suot niñang damit dahil sanay naman na sila na nadudumihan sa klase ng kanilang trabaho. Masayang nagkakantiyawan, may kumakanta habang may sumasayaw sa gitna at mayroon namang taga-tawa at tingin lamang sa mga kasamahan nila. Lahat ay puro masasaya ang nakikita niyang expression sa kanilang mukha sa kabila ng digmaang kinakaharap nila ngayon. Ang digmaang Pilipino laban sa hukbo ng mga Hapon na nais manakop sa kanilang bansa.Katatapos pa lamang nilang magwagi sa naganap na pagsugod ng mga sundalong Hapon na nagtangkang pumasok sa lalawigan ng Leyte. Ngunit hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga kaaway na makapasok sa lugar nila. Ipinaglaban nila ang kanilang lalawigan

DMCA.com Protection Status