NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid. "Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya. Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?" Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine. "Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig. "Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab
KINAUMAGAHAN, sandaling nagpaalam si Lalaine sa nurse para umuwi dahil kailangan niyang maghanap ng pera para sa gastusin ng kanyang kapatid sa hospital. Balak din sana niyang umidlip kahit sandali dahil magdamag siyang gising at nag-aalala siyang baka bumigay din ang kanyang katawan.Ayaw sana niyang iwan si Luke dahil wala itong bantay, pero dahil hindi pa rin niya ma-contact ang kanyang nanay ay wala siyang choice kundi iwan ito. Nakiusap na lang siya sa nurse na tumitingin sa kanyang kapatid at ipinaliwanag ang sitwasyon. Mabuti na lang din at nagkataong Sabado iyon at wala siyang pasok sa university.Habang naglalakad papalabas sa lobby ng hospital, isang pamilyar na pigura ang namataan niya sa hindi kalayuan, at kahit nakatalikod ito sa gawi niya ay nakikilala niya ito. Nakalimutan niyang sa hospital din palang iyon nagpapa-check si Lola Mathilde dahil minsan na niya itong sinamahan doon.Dahil nangako siya sa secretary ni Knives na puputulin na ang ugnayan sa matanda, ipinasya
MATAPOS magpaalam ay halos kaladkarin ni Knives si Lalaine palabas ng coffee shop. Ni hindi na nga niya nararamdamang sumayad ang mga paa niya sa lupa. Nang makarating sa parking lot ng hospital ay halos ibato siya ni Knives papasok sa loob ng sasakyan. Napapitlag pa si Lalaine at nanginginig sa takot dahil ubod nang lakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan bago umikot sa kabilang side at padabong na sumakay. Ang kaninang maamong mukha ng lalaki nang kaharap nito si Lola Mathilde ay biglang naglaho at napalitan ng madilim na anyo. "Drive!" utos nito sa malamig at pagalit na tono. Mabilis namang pinaharurot ng secretary nito ang sasakyan paalis sa lugar. Puno man ng matinding takot at kaba ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon, ngunit naglakas-loob pa rin siyang tanungin ang lalaki na kasalukuyang nakaupo sa kanyang tabi at walang-kibo na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "S-Saan mo ako dadalhin, Mr. Dawson—" "Shut up, bitch!" mariing mura ni Knives sa babae. Nap
SI KNIVES na lang ang tanging pag-asa ni Lalaine kaya kahit alam niyang kinamumuhian siya nito ay lakas-loob siyang nagmakaawa sa lalaki, “Please, kailangan ko talaga ng pera..."Samantalang si Knives naman ay hindi malaman kung matatawa o maiinsulto sa babae. Kanina lang ay takot na takot ito, pero ngayon ay sawa na yata itong mabuhay para maglakas-loob itong hingan pa siya ng pera.Sa galit ni Knives ay halos bumaon ang daliri niya sa payat na braso ni Lalaine upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya, saka galit na galit niya itong hinila upang tumayo at saka pabatong itinulak. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa babae, tumama ang likod nito sa pader dahilan para mapaluhod ito habang namimilipit sa sakit.“How dare you ask me for money? Bakit? Kulang pa ba ang nahuthot mo kay Lola Mathilde?!" nanlilisik ang mga mata na tanong ni Knives. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang kanyang pasensya. This little bitch doesn't seem to know what kind of person he is.Nanginginig ang b
“REMEMBER this, if I find out you are still seeing Lola Mathilde, I will kill you for sure." Matapos sabihin iyon ay umiling-iling si Knives na puno ng disgusto ang gwapong mukha. "Get out of my sight and never show up again," dagdag pa ni Knives saka tumalikod na kasama ang secretary nito. Si Lalaine naman ay masayang lumuluha habang sinusundan ng tingin ang mga ito habang nagpapasalamat, “Maraming salamat, Mr. Dawson. Napakabait mo. Maraming salamat..." Bagaman hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Knives, taos-puso pa ring nagpapasalamat si Lalaine dahil pinahiram pa rin siya nito ng pera para sa operasyon ni Luke. Sa mga mata ni Lalaine, mabuting tao pa rin ang lalaki dahil tinulungan siya nitong mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Nang makasakay naman si Knives ng sasakyan ay umarko ang kanyang makakapal na kilay at puno ng pangungutya niyang pinagmasdan si Lalaine na tuwang-tuwa habang hawak ang pera. 'Good person?' isip-isip ni Knives nang marinig ang sinabi ng b
TINAKASAN ng kulay ang mukha ni Lalaine nang marinig ang pagbabantang iyon ni Benjamin. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano kakayahan ng lalaki. Kayang-kaya nitong sirain ang kanyang buhay na wala siyang kalaban-laban. Naranasan na niya kung paano pag-usapan at paratangan noon kaya hindi niya hahayaan na muling mangyari iyon sa kanya.Dahan-dahang kinalma ni Lalaine ang sarili. Kung gustong makipaglaro ni Benjamin ay pagbibigyan niya ang gusto nito. Sinikap ni Lalaine na baguhin ang ekspresyon ng mukha at hinarap si Benjamin na may pekeng ngiti sa labi. Tila naman nasiyahan si Benjamin sa nakitang pagbabago ng babae. Mukhang natauhan ito sa huling sinabi niya. Sino nga namang gugustustuhing maparatangan ng hindi totoo? "That's it, baby. Walang mangyayari sa'yong masama kung susundin mo lang ang gusto ko. But before that, let me kiss you." Hindi na siya makapaghintay pa na matikman ang labi nito, subalit kumpara sa mga plano niyang iparanas kay Lalaine sa oras na pumayag ito
BAKAS ang matinding pagtataka sa mukha ni Mark na katrabaho ni Lalaine habang sinusundan ang lalaking papalayo. Sa pagkakaalam niya, ang lalaking iyon ang kanilang VIP at umorder ng napakaraming pagkain kahit wala naman itong kasama. Inutusan siya ng kanyang boss na silipin ito at alamin kung mayroon pang kailangan ang lalaki, pero pagdating niya sa VIP room ay nagtaka siya kung bakit ang mga pagkain ay naroon sa labas samantalang naka-lock naman ang pinto ng kwarto.Alam niyang si Lalaine ang nagdala nito pero bakit iniwan nito iyon sa labas? At bakit naka-lock ang kwarto ngunit napakatahimik sa loob? Doon na siya kinutuban ng masama. Kilala pa naman sa kanilang lugar na si Benjamin Scott na anak ng kanilang governor ay mahilig sa babae. In fact, marami nang mga babae ang inireklamo ito sa kasong sexual harassment pero dahil malakas ang kapit nito ay nabaliwala iyon.Iyon ang dahilan kung bakit pilit niyang kinatok ang kwarto at alamin kung ano ang nangyayari sa loob. Iniisip niyang
“WHAT are you doing?!" Dumilim ang anyo ng dean ng university na si Mr. Lee nang maabutan ang eksenang iyon sa pagitan ni Lalaine at ng guidance counselor. Huling-huli niya sa akto na magkahawak-kamay ang dalawa sa loob pa mismo ang opisina.Naroon pa naman si Mr. Knives Dawson para dumalo sa gaganaping groundbreaking ceremony ng bagong gawang gusali na donasyon mismo ng Dawson's Group Of Companies. Hindi maaaring masira ang imahe ng university dahil sa kagagawan ng mga ito.Nahintakutan naman si Mr. Martinez nang makita na naroon ang matatas na opisyal ng unibersidad, kaya ang unang pumasok sa kanyang isipan ay hindi s'ya maaaring mawalan ng trabaho.Mabilis na tumayo ang guidance counselor at nakayukong humingi ng tawad sa mga opisyal na naroroon, “I'm really sorry, Mr. Lee. Ms. Aragon said she likes me. I've rejected her many times but she keeps pestering me," pagsisinungaling ni Mr. Martinez.Nanigas sa kinatatayuan si Lalaine nang marinig ang sinabi ni Mr. Martinez patungkol sa
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late
“LADIES and gentlemen, the woman you'll meet today is none other than the woman I will marry...”Ngumiti nang matamis si Knives sa harap ng nagkikislapang mga camera bago binuksan ang nakasarang pinto. At gayon na lang ang pagkagulat at pagtataka ni Keiko nang sumalubong sa kan'ya ang nagkakagulong reporters. Nakakasilaw din ang flash ng mga camera nito na walang tigil sa pagkuha ng pictures. Keiko almost fell over as the media anchors and reporters rushed to approach her for an interview. Luckily, Knives quickly grabbed her by the waist and pulled her closer.“Are you Keiko Inoue, right? The CEO of K Fashion?” tanong ng babaeng reporter.“Ms. Inoue, paano kayo magkakilala ni Mr. Dawson? tanong naman ng isa pa.“How long have you and Mr. Dawson been in a relationship, Ms. Inoue?”“Ms. Inoue, anak ba ninyo ni Mr. Knives Dawson ang kambal?”Sunod-sunod ang tanong na iyon ng mga reporters kay Keiko habang panay ang kuha ng footage at pictures. Ang buong akala n'ya ay dinner date lang ang
TILA umaayon ang lahat para kay Knives at Keiko dahil sunod-sunod na magagandang pangyayari ang nangyayari sa kanilang buhay. Matapos tuluyang mawala sa kanilang landas si Mr. Zhou at Elijah, ay si Gwyneth at ang daddy naman nito ang sumunod na nahuli ng mga pulis.They discovered that Knives' mother died not from illness but from gradual poisoning caused by the drugs Gwyneth gave her. The Dawson and Chua families are close friends, which is why Gwyneth is also close to Knives' mom. Gwyneth took advantage of the woman's kindness, because her plan was to get her wealth. Even her being a kidney donor to Kennedy was just a show to win the old man's heart.Nagpapasalamat si Knives sa taong nagpadala sa kan'ya ng mga ebidensyang iyon. Hindi n'ya kilala kung sino ang may gawa nito pero malakas ang kutob niyang iyon ang doktor na kasabwat ni Gwyneth sa lahat. Marahil ay nakonsensya na ito sa mga maling nagawa kaya makalipas ang ilang taon na pagtatago ay gusto na nitong itama ang mga pagkaka
SA WAKAS ay pinayagan na rin si Knives ni Eros na makauwi at sa bahay na tuluyang magpagaling. However, Eros strictly instructed him not to force himself to work or do anything strenuous and to continue taking the medication. Masayang-masaya si Kaiser at Kaori nang sa wakas ay makita nila ang kanilang daddy na matagal nilang hindi nakasama. Pero dahil bawal pa kay Knives ay magkikilos ay kinausap niya ang mga anak na sa oras na magaling na siya ay saka sila maglalaro. Naintindihan naman kaagad ng dalawang paslit ang kalagayan ng kanilang daddy ay nangako ang mga ito na hindi kukulitin ang ama at magpapakabait.“I miss you po, daddy.” Yumakap pa si Kaori pagkasabi niyon sa kanyang daddy. Napangiti naman si Keiko nang marinig iyon habang pinanonood ang mga ito. Mukhang Mama's boy ang anak nilang babae.Si Kaiser naman ay tila nahihiyang lumapit sa kanyang daddy at nakatayo lang ito sa isang tabi. Kaya nang mapansin ni Knives ang anak ay tinawag niya ito at inakbayan. “How about you,
TATLONG ARAW nang nakabalik sa Manila sina Knives at Keiko pero dahil hindi pa mabuti ang lagay nito at ipinayo ni Eros na manatili pa sa hospital ang lalaki para ma-obeserbahan. Nungit kapag Wala namang nakitang problema ay maaari na rin itong umuwi sa bahay para doon magpahinga at magpagaling. Samantala, nakauwi na sa mansyon si Keiko, at kahit hindi man maganda ang pinagdaan n'ya ay sinikap niyang bumalik sa trabaho. Pero syempre, laking pasasalamat p rin niya kay Seiichi dahil nakakauwi siya ng ligtas at walang anumang galos sa katawan, dahil na rin sa tulong nito. Speaking of Seiichi, sa kabutihang palad ay natagpuan ito ng kanyang daddy at Kuya Kairi. Wala siyang kaalam-alam na nagpunta pala ang mga ito sa China para iligtas sila pero dahil wala na siya bago pa dumating ang mga ito ay si Seiichi na duguan ang naabutan nila roon. Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng grupo ng kanyang daddy at kay Mr. Zhou, pero marahil dahil sinusundo na ito ni Satanas patungo sa impiyerno kay
SAKAY ng private plane, makakasamang bumalik si Knives at Keiko sa Pilipinas. Magkahawak-kamay silang magkatabi sa upuan at nakasandal sa isa't-isa. Hindi pa rin palagay ang loob ni Keiko nang malamang hindi natagpuan si Seiichi sa lugar kung saan siya dinala pero umaasa siyang nakatakas at ligtas ito sa mga oras na iyon.“Nag-aalala ka sa kan'ya?” masuyong tanong ni Knives kay Keiko habang nakayuko sa maamong mukha nito.Malungkot namang tumango si Keiko saka nag-angat ng paningin. “Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Sana lang safe siya.” Bakas ang pag-aalala sa tinig nito kaya naman lihim na bumuntong-hininga si Knives. Malaki ang utang na loob niya kay Seiichi dahil ito ang may gawa kung bakit nakatakas si Keiko sa kamay ni Elijah at ni Mr. Zhou. Kaya naman lihim niyang ipinangako sa sarili na hinding-hindi siya titigil hangga't hindi nahahanap ng mga tauhan niya ang lalaki.“Don't worry, I know he's safe. Kilala mo ang kaibigan mo kaya kailangan mong magtiwala sa kan'ya,” ani K
“KNIVES, I'm sorry... If it weren't for me, you wouldn't have had an accident. I'm really sorry, it's my fault. Sobra akong nag-alala sa'yo. Akala ko mawawala ka na sa'kin...”Patuloy lang sa paghagulhol si Keiko habang nakasubsob sa dibdib ng lalaking minamahal, samantalang si Knives naman ay nakayakap sa babae at marahang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.“Shhh...it's okay, baby. Look at me. I'm totally fine so you don't need to worry,” pang-aalo naman ni Knives sa babaeng walang tigil sa pag-iyak.Pero ang totoo, pinipilit lang niya ang sarili ng mga sandaling iyon dahil mula nang umalis siya sa hospital ay hindi na nawala ang pananakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay para itong binibiyak na hindi n'ya maintindihan. Eros has already told him not to push himself because it's only been about two weeks since his head surgery and it's not yet healed. According to his friend, it will take three to six months for his brain injury to fully heal.Nag-angat ng tingin si Keiko sa lalak