Kasal dahil sa pag-uto sa lola niya at pera, iyon ang alam ni Pierce na dahilan kung bakit siya pinilit pakasalan ang babae na hindi niya naman kilala kung kaya't wala siyang ibang nararamdaman dito kundi pagkamuhi lamang kaya agad siyang umalis ng bansa pagkatapos na pagkatapos mismo ng kasal nila. Anim na buwan ang makalipas ay umuwi siya para sa operasyon ng lola niya at agad niyang sinabi sa assistant niya na hanapin ang babaeng ipinakasal sa kaniya ng lola niya para makipaghiwalay na. Handa siyang ibigay ang lahat dito, pera, ari-arian o kahit ano pa ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng makita niya kung gaano kaakit-akit ito na halos ikabaliw niya. Mabuti na lang at nakipagkasundo ito sa kaniya— kapalit ng pera ay magiging bed partners sila. Pero paano kung unti-unti nang mahulog nila sa isat-isa, magkatuluyan kaya sila kahit na napakaraming humahadlang at nagpapahiwalay sa kanilang dalawa?
View MoreDAHIL SA TONO NG KANYANG PAGTATANONG ay biglang napasimangot si Pierce ng wala sa oras. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Dahil ba dumating ako sa hindi tamang oras dahil may kasama ka sa loob?” tanong niya rito.Ang hindi nasisiyahang tono nito ang nagpabilis ng tibok ng puso ni Serene.Walang ibang naisip si Pierce noong panahong nasa ibang bansa siya kundi tanging ito lang pero ito ay mukhang hindi man lang siya naisip at nakakatulog pa ito ng mahimbing. Dahil dito ay gusto niya tuloy itong parusahan dahil sa hinanakit niya na parang wala lang itong pakialam. Ilang sandali pa nga ay dali-dali niyang itinaas ang kanyang kamay at hinila ito pagkatapos ay hinalikan niya ito ng mariin. Wala na siyang pakialam pa kung ang dala niya ay nahulog na sa sahig. Hinalikan niya ito ng marahas.Agad naman na nataranta si Serene nang halikan siya nito at pagkatapos ay mabilis niyang itinulak ito ngunit sa halip ay hinawakan lang nito ang kanyang mukha gamit ang dalawa nitong kamay. Tumigil ito sa p
HINDI ALAM NI SERENE KUNG PAANO siya nakabalik sa subdibisyon. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan. Basang-basa ang katawan niya at gulo-gulo pa ang buhok niya na may hawak na kahon at naglakad papasok ng building pagkatapos ay sumakay ng elevator. Kung titingnan ay mukha siyang isang basang sisiw sa itsura niya.Pagbukas ng elevator ay bigla na lang bumigat ang katawan niya. Nakalabas naman siya ng elevator ngunit habang inihahakbang niya ang kanyang paa ay parang matutumba siya. Ilang sandali pa ay bigla na lang umikot ang paningin niya kasunod nito ay bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.Nang muling magmulat ng mata si Serene ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo. Napabangon siya, nasa loob na siya ng unit niya at pakiramdam niya ay para bang nag-aapoy ang buong katawan niya. Inalala niya ang nangyari, kanina ay papasok na sana siya sa loob ng unit niya pero, pero bigla siyang nawalan ng malay. Pero paano siya nakapasok?Ilang sandali pa ay nilingon niya ang kanyang da
NANG LUMABAS SI SERENE NG KUMPANYA ay may hawak siyang kahon sa kanyang mga bisig. Paglabas niya ay napatingala siya sa kalangitan kung saan ay kitang-kita na niya ang kadiliman at mukhang uulan pa yata.Nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos lahat ng tao sa labas ay nagmamadaling nagsitakbuhan para sumilong ngunit siya, hindi siya tumakbo at sa halip ay mabagal na naglakad sa gitna ng malakas na ulan.Nang makarating siya sa sakayan ng bus ay basang-basa ang kanyang damit ang hawak niyang kahon ay halos napuno ng tubig ulan. Umupo siya sa isang bench at naghintay ng bus.Sa mga oras naman na iyon ay may dumaan na isang kulay itim na mamahaling sasakyan sa hintuan ng bus kung saan ay biglang bumaba ang bintana. Kitang-kita ni Serene ang isang maputla ngunit nakangiting mukha ng babae sa loob ng sasakyan.“Pierce, umuulan!” sabi ng malambing na tinig at umabot yon sa pandinig ni Serene, hindi nagtagal ay sumagot ang kasama nito
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW AY WALA siyang naging balita mula kay Pierce na para bang bigla na lang itong naglaho bigla sa mundo niya. Bagamat napakarami niyang iniisip ay pinilit niya pa rin ang mag-focus sa kanyang trabaho hanggang sa dumating ang biyernes ng hapon.Hiniling sa kaniya ng sekretarya ng general manager na pumunta sa VIP room. Bagamat gulat siya ay agad siyang sumunod at naglakad patungo doon. Pagkatarating niya sa pinto ay agaw siyang kumatok sa pinto bago tuluyang pumasok. Wala siyang ideya kung sino ang nagpapatawag sa kaniya, hindi kaya si Pierce? Napalunok siya at hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang kinabahan bigla.Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang DAddy ni Pierce na nakaupo sa harap ng mesa. Halata sa mukha nito ang galit at disgusto nang makita siya nito. Nang makita siya nito ay itinaas nito ang kamay. “Maupo ka.” sabi nito. Agad siyang naglakad patungo sa harap nito kung saan ay napakalakas ng tibok ng puso niya.“Tapos na ang paghihintay para maku
DAHIL SA TUNOG NG CELLPHONE ni Pierce ay nagising si Serene. Naramdaman niya na bumangon si Pierce. Bumangon ito sa kama at sinagot ang tawag sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito nakita na maging siya ay gising na. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang nagbibihis na ito habang may kausap sa cellphone. Mahina ngunit malinaw na narinig ni Serene ang dalawang salita. Nicole at gising. Iyon ang narinig niya kung saan ay agad siyang nanigas mula sa kinahihigaan niya. Gising na si Nicole? Samantala, nang matapos naman na magbihis ni Pierce ay hindi sinasadyang mapasulyap sa kama at sa pag-aakalang napagod ito kagabi sa pagniniig nila ay hindi na niya ito ginising pa pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa pinto at marahang isinara din ito. Pagkarinig ni Serene ng pagsara ng pinto ay parang piniga ang puso niya. Nagpakurap-kurap siya ng wala sa oras. Gising na si Nicole. Ibig bang sabihin ay oras na para umalis siya sa puder ni Pierce? Hindi na nakaramd
PAGKAALIS NIYA DOON AY AGAD NA DUMIRETSO SI Serene sa may banyo ng mga babae at pumasok ngunit laking pagtataka niya nang lahat naman ng cubicle ay nakabukas at walang bakas ni Amber. Agad siyang kinabahan at talagang inisa-isa pa iyon ngunit wala talaga ito doon.Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang naisip na tawagan ito at dali-daling lumabas sa banyo. Habang naglalakad ay kabang-kaba siya at hindi nagtagal ay nag-ring iyon at bigla niyang narinig ang pamilya na ringtone nito at may pinanggalingan ito na malapit lang sa kaniya. Iniikot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid at pagkatapos ay nakita niya ang isang pinto na para bang isang stockroom at para bang doon nanggagaling ang tunog. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serene habang inihahakbang niya ang kanyang mga paa.Malapit na siya sa pinto nang biglang lumabas doon ang isang lalaki. Ilang beses siyang tiningnan nito at pagkatapos ay binati ng may interes. “Hello, hija.” bati nito sa kaniya.“Sino ka?” nanlalaki
KINABUKASAN NANG MAGISING SI SERENE ay nakita niya na tahimik na nakaupo sa isang tabi si Pierce at para bang pinapanuod siya nito habang natutulog siya. Agad niyang napansin na namumula ang mga mata nito na para bang puyat na puyat at ni hindi man lang nakatulog. “Good morning.” sabi nito sa kalmadong tinig ngunit medyo malabo ang mga mata nito.Agad na natigilan si Serene at hindi maiwasang magtanong. “Maaga ka yatang nagising?” tanong niya rito.“Ah, oo. Well anyway hinintay lang kitang magising.” sabi nito pagkatapos ay tumayo na at doon niya lang napansin na nakabihis na pala ito ng pang-opisina na agad niyang ikinakunt-noo. “Hindi ba at walang pasok ngayon?” tanong niya.“Marami akong naiwang gawain kaya hindi ako pwedeng magpahinga. Aalis na ako.” sabi lang nito at tuluyan na ngang naglakad patungo sa pinto. “Bumangon ka na at kumain.” sabi nito bago tuluyang lumabas ng pinto.Ipinilig na lamang ni Serene ang kanyang ulo at ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano. Bumangon na si
SAGLIT NA TINITIGAN NI PIERCE ang natutulog na mukha ni Serene bago niya kuhanin ang kanyang cellphone. Nakita niya ang tatlong missed calls ng kanyang ama doon. Dahil dito ay agad siyang tumayo mula sa kama at nagbihis. Bago umalis ay muli pa siyang napasulyap sa kanyang likuran at muling lumapit dito upang kumutan ito. Mukhang himbing na himbing na ito sa pagtulog.Hindi niya napigilan ang sarili niyang mapayuko at pagkatapos ay kinurot ang pisngi nito at hinalikan ang noo nito bago tuluyang lumabas ng silid.Habang naglalakad siyang pababa ay bigla niyang binuksan ang ipinadala sa kanyang text ,message ng kanyang ama sa kaniya. “Anong klaseng pag-iisip meron ka ha? Ang paghintayin doon si Ashley at inutusan mo si Liam na humingi ng paumanhin dahil sa paghihintay niya sayo ng matagal?” iyon ang nakalagay sa text message nito kaya mas binilisan niya pa ang kanyang paglalakad.Nang makasakay siya sa kanyang kotse ay agad niyang pinaandar iyon patungo sa kanilang mansyon. Mukhang alam
HINDI INAASAHAN NI SERENE na ang iniisip pala nilang dalawa ay ganap na magkaiba. Napakagat labi na lang siya ngunit hindi pa rin niya maintindihan ang lahat. Ilang sandal pa ay bigla na lang itong pumatong sa kanyang ibabaw. Napatitig ito sa kaniya. “Gusto mong pumunta sa ibang bansa at itago sa akin ang lahat. Sabihin mo nga, may nagawa ba akong mali sayo?” tanong nito sa kaniya.“Gusto ko lang namang maging successful at tuparin ang pangarap ko.” sabi niya rito.Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong hinalikan at wala siyang lakas na labanan ito dahil nanghihina ang katawan niya kaya hinayaan siya nito. Hindi nagtagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa bedside table. Agad niya itong itinulak. “Yung cellphone mo…” sabi niya rito.Agad naman itong tumigil ngunit tiningnan lang nito kung sino ang tumatawag ngunit bigla din nitong ibinaba iyon at hindi sinagot. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siya nitong nahubaran at hinalikan ang bawat sulok ng kany
PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments