Share

FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE
FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE
Author: MikasaAckerman

Chapter 0001

PROLOGUE

“Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya.

Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito.

Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya.

“Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa.

Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong nito sa kaniya na punog-puno ng lamig.

Agad na nalukot ang mukha ni Serene lalo na at nakita niyang napakadilim ng mukha nito ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kaniya. Lumunok siya at huminga ng ilang beses upang ipunin ang lahat ng natitira niyang lakas ng loob bago niya sinulubong ang mga mata nito. “Hindi ako papayag sa gusto mo.” taas noo niyang sagot rito habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. Sa mga oras na iyon ay galit na rin siya dahil hindi niya deserve ang maging parausan lang nito kahit na iniligtas siya nito kagabi.

“Binibigyan na nga kita ng pagkakataon na mag-isip ay gagalitin mo pa ako.” madilim ang mga matang nakatingin sa kaniya si Pierce. “Sa palagay mo ba ay napaka-simple lang ng sinasabi ko sayo ha? Hindi mo pa alam na napakalaking pribelehiyo iyon lalo na at kung kailangan mo ng tulong ko ay handa akong ibigay iyon?” sabi nito sa kaniya.

Samantala, ilang beses na niyang inisip kagabi at kanina na hindi siya ang unang beses nitong pinag-alayan ng kaakit-akit nitong katawan at ang isipin na nakita ito ng iba ay tila ba siya nakaramdam ng hindi maipaliwanag na galit sa dibdib niya.

Ilang beses na niya itong nahawakan at ayaw niya na may hahawak ritong iba bukod sa kaniya at alam niya na mukhang pera ito kaya siya na lang ang magbibigay rito ng pera kahit ilan pa ang gusto nito basta sa kaniya lang din nito ipapakita ang katawan nito at siya lang din ang gagamit rito. Siya lang, basta lagi lang siya nitong susundin.

“Kung hindi ka komportable ay huwag mong isipin masyado ang tungkol doon. Ipagpalagay mo na lang na naglalaro lang tayo ng asa-asawahan pero sa kama lang. Isa pa ay kaya kitang bigyan ng pera kahit na ilan pa ang hingin mo at hindi mo na kailangan pang paghirapan pa ng sobra.” sabi nito sa kaniya

Ang mga sinabi nito ay nagsilbing isang insulto sa pandinig ni Serene. Sa mga mata nito ay isa lang siyang babaeng magiging parausan nito kung kailan nito siya gustong gamitin at kung kailan mag-iinit ang katawan nito. Taas noo siyang tumingin rito. “Ayoko.” pagmamatigas niya rito.

“Wala akong ibang masasabi kundi ang pag-isipan mo ng mabuti. Hindi porket interesado ako sayo ngayon ay palagi na lang akong magiging interesado sayo.” malamig na sabi nito sa kaniya. “At isa pa, hindi ba at iyon naman talaga ang ginusto mo?” tanong pa nito sa kaniya.

Agad na namang nagsalubong ang mga kilay ni Serene. Hindi niya maintindihan ito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Lumapit ka kay lola at naghintay ng pagkakataon para pakasalan ako dahil hindi lang para sa pera hindi ba?” muling tanong nito sa kaniya.

Naging mabigat ang paghinga ni Serene at ang kanyang katawan ay biglang nanlamig. Ibig sabihin ay ganun ang nasa isip nito, na plinano niya ang lahat ng iyon para akitin ito. Namutla din ang kanyang mukha.

Samantala ang maputla na mukha ng dalaga ay nagdulot ng pagkairita kay Pierce ng mga oras na iyon. Iniiwas niya ang kanyang tingin rito at pagkatapos ay mahinahong nagsalita. “Bukod sa pera ay wala na akong mabibigay sayo, kaya ito na ang pinakatamang oras para sabihin kung ano ang gusto mo.” sabi niya rito.

Sa punto namang iyon ay biglang tumayo na si Serene at pagkatapos ay biglang nagsalita. “Mr.Smith, ipinanganak ako bilang ordinaryong tao at sa mahirap lang na pamilya ako nanggaling pero hindi ibig sabihin na wala akong sapat na pag-iisip at isa pa, sa tingin mo ba ay ganun lang ako kadaling masilaw ng pera?” tanong niya rito ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay nag-iwas siya ng tingin mula rito dahil ang mahalaga ay nasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin ngunit bigla niyang naalala ang isang bagay kaya muli siyang nagtaas ng kanyang ulo. “Salamat sa pagliligtas mo sa akin kagabi. Bukod pa doon, kung kailangan mo ng tulong ko sa hinaharap ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka pero ang sinasabi mo ay hindi ko iyon matatanggap at hindi ako papayag.” sabi niya at pagkatapos ay tinalikuran ito at naglakad patungo sa pinto. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura ng pinto ay bigla siyang tumigil. “Maniwala ka man o hindi ay hindi ko niloko si Lola para piliin niya akong pakasalan ka at higit sa lahat ay hindi ako nagsinungaling sa kaniya.” sabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Nang sumara ang pinto ay agad na nalukot ang mukha ni Pierce. Ang babaeng iyon, ang pagiging babae niya ay halos pinapangarap ng hindi mabilang na babae pagkatapos ay tinanggihan nito ng hindi man lang nag-iisip. Gusto niyang matawa. Bigla niyang naisip ang tanong nito na ibig bang sabihin ay wala siyang balak na makipaghiwalay. Kaya ba ayaw niya ng pera ay nangangarap pa ito na ipagpatuloy ang pagiging isang miyembro ng kanilang pamilya?

Iyon ba ang dahilan nito? Mas lalo pang nagdilim ang mga mata ni Pierce. Bigla tuloy umahon ang inis niya sa kanyang dibdib. Gusto niyang makita kung hanggang kailan magtatagal ang pag-arte nito.

~~~

ONE

Nang imulat ni Serene ang kanyang mga mata ay magulo ang silid kung nasaan siya. Doon niya naramdaman na ang kanyang katawan ay nasa hindi niya maipaliwanag na sakit at alam niya na kaagad kung saan nanggagaling ang sakit na iyon, sa kanyang pagkababae. She just lost her virginity. Akmang uupo na sana siya mula sa kama nang maramdaman niyang hubad siya sa ilalim ng kumot kaya bigla na lamang siyang nanigas. Bigla niyang naalala ang tagpo kagabi kung saan ay malinaw sa kanyang alaala ang isang lalaki kung saan ay hawak-hawak siya nito habang umuulos sa ibabaw niya.

Napalunok siya nang mapagtanto niya ang isang bagay, may namagitan sa kanila ng lalaking katabi niya. Bagamat ang katabi niyang lalaki ay ang asawa niya, ang namagitan sa kanilang kasal ay flash marriage lamang at sa loob ng anim na buwan ay iisang beses lamang silang nagkita at iyon lamang ay noong ikinasal silang dalawa. Ni hindi nga siya sigurado kung kilala ba siya nito o kung natandaan ba nito ang pagmumukha niya.

Sa puso niya ay isa lamang itong estranghero sa kaniya at sa dinami-dami ng tao ay hindi niya akalaing ito pa ang makakakuha nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang narinig ang pagtunog ng telepeno at bigla siyang nanginig sa takot dahil rito. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng paggalaw sa tabi niya.

Itinaas ni Pierce ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan pagkatapos ay inabot ang roba na nasa sahig at isinuot iyon. Napahilot siya sa kanyang noo at pagkatapos ay inabot ang kanyang cellphone na nagriring ng mga oras na iyon at naglakad patungo sa bintana ng silid. “What?” namamaos ang tanong niya sa tumatawag.

“Bakit ganyan ang boses mo?” tanong nito sa kaniya at tumigil. “Huwag mong sabihin na nagmagdamag kang nakipag-make out?” dagdag nitong tanong sa kanya.

Hindi naman sinasadya na mapalingon si Pierce sa may kama kung saan ay halata na may nakahiga pa doon. Bigla niyang naalala ang napakalambot nitong balat at napakasarap hawak-hawakan at napakalambing din ng boses nito.

“May sasabihin ka ba?” tanong niya na lamang rito dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

“Wala naman pero gusto ko lang malaman kung kailan ka libre.” tanong nito sa kaniya.

“Sa susunod na linggo.” tamad na sagot niya rito.

“Okay.” sagot nito at tumigil sandali pagkatapos ay dahan-dahang nagsalita. “Hmm, bakit hindi mo isama yung ipinakasal sayo ng lola mo? Hindi pa namin siya nakikita ni kahit minsan. Wala ka man lang bang balak na ipakilala siya sa amin?” tanong nito sa kaniya.

Bigla namang nagsalubong ang kanyang kilay nang marinig niya ang sinabi nito. Parang nagpanting ang kanyang tenga ng wala sa oras. Sa totoo lang ay ayaw niyang binabanggit ang tungkol sa bagay na iyon at tungkol sa babaeng iyon. “Hindi na kailangan. Malapit na kaming maghiwalay.” malamig na sagot niya rito.

“Bakit, hihiwalayan mo na siya?” tanong sa kaniya ni Ford mula sa kanilang linya. “E paano kung ayaw niyang pumayag na makipaghiwalay sayo?” dagdag pa nitong tanong.

“Wala siyang magagawa dahil gagawan ko ng paraan kahit na ayaw niya pa.” mahinahong sagot niya rito. Hindi siya papayag na hindi ito papayag na makipaghiwalay sa kaniya.

“Galit ka na niyan? Bakit hindi ka ba nasiyahan kagabi?” natatawa nitong tanong sa kaniya.

“Mukhang hindi ka busy, may sasabihin ako sayo—” sabi niya ngunit mabilis siya nitong pinutol sa kanyang sinasabi.

“Hindi. Hindi, abala kami sa totoo lang.” sabi nito sa kaniya at mabilis na ibinaba na ang tawag.

Pagkababa ng tawag ay mabilis niyang ibinaba ang kanyang cellphone sa tabi ng kamay at naglakad patungo sa banyo, ngunit nang mapasulyap siya sa may kama ay bigla na lamang nagdilim ang kanyang mukha. Sa totoo lang ay gustong-gusto niyang itaas ang kumot na nakatakip rito upang makita niya kung ano bang meron sa babaeng ito at ni hindi niya nagawang kontrolin ang sarili niya kagabi ngunit nang makita niyang tulog na tulog pa rin ang babae sa kama base sa tingin niya dahil hindi ito gumagalaw, ang mga kamay nito ay nakatabon sa mukha nito kaya hindi niya nakita ang mukha nito at dahil doon ay bigla na lamang nagbago ang isip niya at dali-daling pumasok sa banyo upang maligo.

Pagkatapos lang sumara ng pinto ng banyo ay narinig na ni Serene ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Biglang namutla ang kanyang mukha. Sa tono ng boses nito ay naiinis ito sa kaniya. Kung alam lang nito na siya ang babaeng pinakasalan nito ilang buwan ay baka hindi siya nito mataniya. Bigla siyang nanginig sa takot. Bago pa man siya nito abutan ay dali-dali siyang tumayo mula sa kama at nagbihis pagkatapos ay lumabas ng silid na iyon.

Nagmamadali siyang bumaba at lumabas ng building kung saan ay agad din naman siyang nakarating sa sakayan ng bus. Nang makasakay siya ay doon pa lamang halos siya nakahinga ng maluwag.

Kalahating taon na ang nakakalipas nang ang kanyang lola ay magkaroon ng malubhang karamdaman ay hiniling nito na magpakasal na siya. Hindi niya naman inaasahan na makikilala niya ang lola ni Pierce Smith at nabalitaan nito na inihahanap na siya ng lola niya ng mapapangasawa kaya ito na mismo ang nagpresinta na ang apo na lamang nito ang pakasalan niya. Dahil doon ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag, idagdag pa na ang kanyang lola noon ay nasa kritikal ng kalagayan kaya wala siyang ibang gusto kundi ang pagbigyan ang hiling nito.

Idagdag pa na kalahating taon na rin naman niyang kilala ang matandang babae ng pamilya Smith kaya naniniwala siya rito. Mabait naman ito kaya pumayag siya. Hanggang sa ikasal nga sila ng apo nito na Senior Executive ng Smith’s Group. Ang kanilang pamilya ay magkaiba, langit ang mga ito at siya ay lupa. Nang matapos lamang ang kasal nilang dalawa ay umalis ito ng bansa at iyon ang naging una at huli nilang pagkikita.

Kalaunan ay nalaman ni Serene na naiinis ito sa kasal na namagitan sa kanilang dalawa at kaya lang naman siya nito pinakasalan ay dahil lang din sa lola nito. Kaya nang malaman niya mula sa mga kasambahay na bumalik na ito ng bansa ay nagtungo siya sa hotel kung saan ito tumutuloy. Naisip niya na dahil hindi siya gusto ni Pierce ay sasadyain niya ito upang pag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa paghihiwalay nila ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang siyang kinaladkad nito patungo sa kama at doon na nga nangyari ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status