Chapter: Chapter 128.5WALA PANG DALAWANG ARAW ay tuluyan na ngang natagpuan ni Liam ang ama ni Serene na si Felipe Hidalgo. Nang sabihin ni Liam na naaksidente ang anak nito ay ni hindi man lang ito nagpakita ng kahit na katiting lang na kalungkutan. Noong una ay tinanong niya ito at sinabi nito na namatay na nga ito ngunit dahil sa pagbabanta niya at pagbubugbog niya rito dala ang ilang tauhan ni Pierce ay umamin din ito sa wakas.“Ibinenta ko siya sa babaeng iyon sa halagang isang milyon.” sabi nito.Ang mukha nito ay namamaga dahil pambubugbog at pagkatapos ay nagmamakaawang tumingin sa kaniya. “Naubos ko na ang perang iyon at wala na akong pera pa.” sabi nito.Nabigla si Liam nang marinig niya ito dahil tama nga pala talaga ang hinala ng kanyang boss. Kuyom ang mga kamay ni Pierce ay bumaba siya sa sasakyan habang madilim ang mga mata. “Saano mo siya ibinenta?” galit at nagtatagis ang mga bagang na tanong niya rito.Napailing ito. “Hindi ko siya kilala. Ang sabi niya lang ay gusto daw ng bigboss nila s
Huling Na-update: 2024-12-13
Chapter: Chapter 128.4SA LOOB NG MAMAHALING KOTSE, nag-ulat si Liam sa nakalap niyang impormasyon patungkol kay Mike. “sir, nalaman ko na nagpunta siya sa bansang Malaysia at pagkatapos ay pumasok sa isang ospital. May inutusan akong magpunta doon upang magtanong ngunit ang sabi ng mga pinagtanungan niya ay hindi nila siya nakitang umalis.” sabi nito.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. Sa bansang iyon? Ibig sabihin ay itinuloy pa rin nito ang pagpunta doon? Ibig bang sabihin nito ay wala talaga itong kinalaman sa pagkawala ni Serene? Ngunit iba ang nararamdaman niya at malakas ang kutob niya na may kinalaman ito.“Nakapasok ba ang inutusan mo sa research institute na iyon?” tanong ni Pierce rito ngunit mabilis lang na umiling si Liam.“Hindi sir. Ang research institute na iyon ay napakahigpit ng seguridad at hindi nila pinapayagang makapasok ang kahit sino maliban sa kanilang mga staff.” sagot nito sa kaniya.Agad naman na nagdilim ang mga mata ni Pierce at napaku
Huling Na-update: 2024-12-13
Chapter: Chapter 128.3HUMAHANGOS NAMAN NA pumasok si Xixi nang marinig nito ang pagsigaw ni Mike. dali-dali siyang hinila nito patayo at muling isinuot ang damit niya. Tiningnan lang siya ni Mike ng may malamig na mga mata. Dahil na rin sa panghihina ng katawan niya, pagtayo niya ay muli na naman siyang nahimatay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagising siya sa madilim na silid kung saan siya naunang nakakulong pero mas mainam na rin iyon para sa kaniya kaysa ang makasama ang baliw na kagaya ni Mike.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita niya na pumasok doon si Xixi. nilapitan siya nito at pinatayo pagkatapos ay hinila siya nito palabas. Dahil nga nanghihina pa rin ang kanyang katawan ay wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang dito.Maya-maya pa ay dinala siya nito sa isang opisina. Lumapit sila sa lalaking nakaupo sa mesa at pinaupo. Hindi siya nagsalita. “Bakit parang pumapayat ka?” tanong nito sa kaniya at hinawakan ang kanyang baba.Hindi siya sumagot at iniiwas lang ang kanyan
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Chapter 128.2IBIG SABIHIN ANG MGA PARATANG niya noon dito ay puro mali dahil malinis ito. Dahil doon ay bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. Ibig sabihin ay ni minsan ay hindi siya nito pinagtaksilan. Ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin kay Liam. “gusto kong alamin mo kung nasaan ang Mike na iyon.” malamig na utos niya rito.“Opo sir.” mabilis na tumango si Liam at muling lumabas doon.~~~~Nang imulat ni Serene ang kanyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang maaliwalas na silid. Hindi na iyon ang silid na pinagkulungan sa kaniya noong unang pinunta siya doon. Akmang babangon na sana siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang paa. “Miss, hugag ikaw galaw.” sabi ng isang babae na medyo singkit. Dahil sa salita at itsura nito ay alam niya na kaagad na hindi ito Pilipino ngunit marunong itong mag-tagalog.Bigla niyang nilingon ang kanyang damit at halos manlaki ang kanyang mga mata nang makitang iba na ang suot niyang damit. “Ang damit ko…” nanlalaki ang
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Chapter 128.1BIGLANG NAMUTLA ANG BUONG mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Nanginig ang kanyang mga labi. “Bu-buhay pa ba sila?” mahinang tanong niya rito.“Ang mga taong napupunta dito ay maswerte na kung tumagal ng isang taon.” sabi nito sa kaniya na ikinatigas ng buong katawan niya. “Halika na at gagamutin ko ang sugat mo.” sabi nito sa kaniya.“Huwag kang lumapit!” sigaw niya rito at mas itinutok pa ang baril kay Mike. “subukan mong lumapit, papatayin kita!” sigaw niya rito.“Papatayin mo ako?” tanong ni Mike sa kaniya at pagkatapos ay napangiti.“Oo. papatayin kita! Dapat lang na mamatay ka dahil napakaraming tao na ang pinatay mo!” sigaw niya rito.“Serene, huwag ka ngang magpatawa. Alam mo ba na ako lang ang kayang magprotekta sayo dito?” tanong nito at pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya habang nakatingin sa kanyang mga mata na walang katakot-takot doon kahit na nakatutok ang baril dito.Mas lalo pang lumuwang ang ngiti sa labi nito. “Mas g
Huling Na-update: 2024-12-11
Chapter: Chapter 127.5SA SUMUNOD na segundo ay nakita niya ito na dahan-dahang itinaas ang kamay sa dalawang lalaki sa likod nito at itinuro ang direksyon ni Lylia na kitang-kita dahil may mga ilaw sa tabi ng dagat. Alam niya na inuutusan niya ang mga tauhan nito na barilin si Lylia ngunit pinilit niyang tumayo at iniharang niya ang kanyang kamay sa tapat ng dalawang baril. “Huwag! Maawa ka Mike! Huwag!” sigaw niya.Hindi naman inaasahan ni Mike na itataya nito ang buhay para sa babaeng iyon. Matapos lang ang ilang segundo ay sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na ibaba ang baril.Basang-basa sa pawis ang buong katawan ni Serene. Ibig sabihin ay tama ang hinala niya na hindi siya kayang patayin ni Mike. kung kaya nito na patayin siya ay dapat noon pa lang ay piinatay na siya nito. “Serene…” sabi nito sa kaniya at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ang boses nito ay napaka-malumanay katulad pa rin ng dati.“Pwede bang hayaan mo na siya? Hindi na ako tatakas.” sabi niya rito at dahan-dahang umatras. Nasugat
Huling Na-update: 2024-12-10
Chapter: EPILOGUEIsang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Huling Na-update: 2024-08-25
Chapter: Chapter 163Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Huling Na-update: 2024-08-24
Chapter: Chapter 162.4Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
Huling Na-update: 2024-08-23
Chapter: Chapter 162.3“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Huling Na-update: 2024-08-23
Chapter: Chapter 162.2Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
Huling Na-update: 2024-08-23
Chapter: Chapter 162.1“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Huling Na-update: 2024-08-22
Chapter: Chapter 28.1KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
Huling Na-update: 2024-11-02
Chapter: Chapter 27.6HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
Huling Na-update: 2024-11-01
Chapter: Chapter 27.5HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
Huling Na-update: 2024-11-01
Chapter: Chapter 27.3BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Chapter 27.4NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Chapter 27.2Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro
Huling Na-update: 2024-09-26
Chapter: Chapter 25.3PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
Huling Na-update: 2024-12-06
Chapter: Chapter 25.2KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
Huling Na-update: 2024-12-06
Chapter: Chapter 25.1BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
Huling Na-update: 2024-11-30
Chapter: Chapter 24.5SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
Huling Na-update: 2024-11-30
Chapter: Chapter 24.4NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
Huling Na-update: 2024-11-30
Chapter: Chapter 24.3ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
Huling Na-update: 2024-11-30